Napag usapan naming tatlo na pumunta sa pinag dadausan ng drag racing. Tinawagan ko na rin si Alfred at pinahanda ko sa kanya si Diyosa. Ito na ang huling pag sali ko sa race and after this night, I will stop racing. Ibebenta ko na si Diyosa para di na ako ma tempt na mag race ulit.
Halos sabay lang kaming tatlo na dumating sa venue. Lumapit kaagad si Alfred sa amin pagkakita niya sa amin. Hindi niya pa alam ang plano ko na pagtigil na sa pag race, pero mamaya sasabihin ko din sa kanya.
" Yow, long time no see, Skye. Himala yata na hindi mo suot ang mask mo. " Nakipag fist bump ako kay Alfred at ganun din ang ginawa ng dalawa.
" It's about time to show my face. Anyway, this is my last race. After this race, I will sell Diyosa. " Napailing naman si Alfred sa sinabi ko. Hindi niya inaasahan na ngayong gabi na ang huling race ko. Nakapag desisyon na rin ako besides magiging busy na ako after graduation namin.
" Sayang naman, pero kung ibebenta mo si Diyosa, sa akin mo na ibenta. Napamahal na rin sa akin ang kotseng ito. " Kahit naman ako napamahal na rin sa akin si Diyosa. Pero kailangan ko ng mag focus sa mga priorities ko sa buhay and racing is unfortunately not part of it.
" Alfred, hayaan mo na si Skye na mag focus na sa buhay niya. Hindi pa nga alam ng parents niya yung pinang gagawa niya. Pag nalaman nila tito at tita na sumasali yan sa race baka grounded ang aabutin niyan. " Abby's right. Walang kaalam alam ang parents ko na sumasali ako sa drag racing. Even Stephen, he doesn't know. Inilihim ko ito sa kanya kasi alam ko madaldal yun at isusumbong niya ako sa parents ko. Maswerte lang ako dahil hindi pumupunta sa mga ganitong lugar si Stephen.
"Oh siya, since this is your last race, magkano ang ipupusta niyo? " Tanong niya. Binigay ko naman kay Alfred ang dalawang bugkos ng pera at ganun din sila ni Ayana at Abby. Tinodo na ng mga bruha ang taya nila.
" Whoa. Ang yayaman niyo talaga, I can't see myself betting this much of money. But since it's your last race Skye, I'm all in too. " Bahala sila dyan. Pag natalo ako mamaya sa race lagot na. Pero siyempre magpapatalo ba ako? Ako ang top 1 sa rank ng race kaya dapat mag eexit akong top 1 rank pa rin.
" Okay guys, I need to go there now. " Sumabay naman sila sa akin. Habang nag lalakad kami nahagip ng tingin ko si Natasha. What the hell is she doing here? Nasagot ang tanong ko nung makita ko ang grupo nila Zach. They're here. Bigla akong nag panic dahil nakita ko na pumunta si Zach sa mga nakahilerang kotse na pang race.
" Skye, that guy over there is Black Phantom. " Bulong ni Alfred sa akin sabay turo kay Zach.
" Oh my god! That's Zach. " Bulalas naman ni Ayana. Kahit ako nagulat dahil hindi ko alam na sumasali pala siya sa race.
" Kilala niyo pala si Black Phantom?" Tanong ni Alfred na halatang walang ideya na kakilala namin si Zach.
" Ofcourse, classmate and boyfriend ni Skye si Zach. So, magkalaban pala silang dalawa sa race. Tadhana nga naman. " Tumawa si Abby sa sinabi niya kahit hindi naman ito nakakatawa.
" I need my fucking mask. Ayoko na makilala niya ako before the race started. Saka ko na tatanggalin ang mask ko pagkatapos ng race. " Bumalik ako sa kotse ko at kinuha ko ang mask na nakalagay sa bag ko.
" Skye, you need to go there now. Tinatawag na kayong mga kasali sa race. Good luck, kaya mo yan talunin si Zach. " Tinapik pa ni Alfred ang balikat ko. Hindi ako sigurado kong magagawa ko na talunin si Zach sa ikalawang pagkakataon. Knowing him, hindi din siya magpapatalo.
" Good luck girl, pag tinalo ka ni Zach sa race makipag break ka sa kanya. Joke! " Sinamaan ko naman ng tingin si Abby. Ano naman kinalaman ng relasyon namin sa competition namin sa race? Kaloka!
" Go na girl, si Zach lang yan. Tinalo mo na siya nung una for sure magagawa mo pa rin siyang talunin ngayon. " Niyakap ako ni Ayana saka pumunta na ako sa kotse ko na nakahilera sa unahan.
Tumingin sa gawi ko si Zach at ako naman kinakabahan at nagdadasal na sana hindi niya ako ma recognize. Nung mag tama ang paningin namin ngumisi siya na parang nang aasar. Inirapan ko lang siya dahil lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Sa kabilang side ko naman si Nathan at nakatingin din sa akin. Wala siyang reaksyon pero nakatingin lang siya sa akin. Sumakay na ako sa kotse ko pagkatapos ng mga titigan namin.
Tinaas na ng babae yung hawak niyang bandera at ilang segundo lang ibinaba din niya agad ito. That's our cue to go. Naunang sumibad ang kotse ni Zach at ako naman nakasunod sa kanya. Hindi ko magawang unahan siya dahil sinasadya niya yatang harangan ang dadaanan ko. Sinubukan ko na gumitna pero nandun din siya pumunta. Napamura ako dahil naiinis na ako at hindi ako makalusot sa kanya. Pag ako tinalo niya dito baka icoconsider ko yung option ni Abby na hiwalayan siya. Pero siyempre biro lang yun. Naunahan na ako ni Nathan at si Zach naman tinantanan na niya ako. Nakikisabay na siya kay Nathan kaya humabol din ako sa kanila.
Puro ugong ng kotse lang ang naririnig ko at halos mabingi na ako. Matagal na rin kasi akong hindi sumasali sa race kaya hindi na ganun ka sanay ang tenga ko sa ingay. Pumagitna na ako at lalamangan ko na sana si Zach pero humarang naman si Nathan sa dadaanan ko. Fucking Nathan! Pinagkakaisahan ba nila ako? Takot ba sila na baka talunin ko sila for the second time around? Nasa dulo na kami at nauna na naman si Zach at pangatlo ako. Pabalik na si Zach at si Nathan samantalang paliko pa lang ako. Napahampas ako sa manibela dahil naungusan ako ng dalawa. Pero magpapatalo ba ako? Humabol ako sa kanila. Bahala na kung magasgasan si Diyosa basta makahabol ako. Pumagitna ako sa kanilang dalawa ulit at haharangan sana ako ni Nathan pero nalusutan ko siya. Napangiti ako dahil pangalawa na ako at sa unahan ko si Zach. Sinubukan ko na pumunta sa gilid pero ginitgit ako ni Zach kaya hindi ako masyado makagalaw dahil nasa pinaka gilid na ako. Kinabig ko pa kaliwa ang manibela at narinig ko ang pag kiskis ng kotse ko sa kotse niya.
Hindi niya inaasahan yung ginawa ko na yun kaya medyo bumagal ang takbo niya at nalamangan ko siya. Ako na ngayon ang nangunguna at humahabol silang dalawa sa akin. Medyo malapit na ako sa finish line kaya pinindot ko na ang booster ng sasakyan ko at sumibad na ako hanggang makarating ako sa finish line. Sakto naman na naka preno na ako ng marinig ko ang malakas na pag salpok ng sasakyan. Bigla akong kinabahan dahil unang pumasok sa isip ko si Zach. Pag lingon ko nakita ko yung sasakyan ni Zach na gumulong gulong ng dalawang beses bago ito tumigil.
" Zaaaaaccchhhhhhhh.. " Umalingawngaw ang sigaw ko sa karamihan at dali-dali akong bumaba ng sasakyan ko saka tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyan ni Zach. Pero bago ako makarating doon hinila ako ni Alfred pero nag pupumiglas ako. Giniba na ng mga tao ang pinto ng kotse ni Zach. Nailabas lang nila ang duguan at walang malay na si Zach at nakalayo lang sila sa kotse niya nung bigla itong lumiyab.
" Skye, calm down. " Pilit akong pinapakalma ni Alfred. Nilapitan na rin ako nila Ayana at Abby.
" How can I calm down, knowing Zach is in the danger? " Napasigaw na ako dahil hindi ko kayang nakatunganga lang ako dun.
" Ssshhh. Let's go Skye. " Hinila na ako ni Abby palapit sa kinaroroonan ni Zach. Nakita kami ng Zion at nagtataka sila kung bakit nandun kami. Si Natasha nakahawak kay Zach at umiiyak. Biglang uminit ang ulo ko sa eksena na yun. Bigla akong nagwala at hinablot ko ang kamay ni Natasha. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi niya inaasahan na nandun din ako.
" What the hell are you doing? " Sigaw niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nilapitan ko si Zach, nakapikit na ang mga mata niya pero may pulso pa siya.
"Babe, please open your eyes. Lumaban ka please. Ayoko mawala ka sa akin. " Napahagulgol ako ng iyak dahil sa kaawa-awang sitwasyon ni Zach. Gumalaw ang kamay niya at pinipilit niyang imulat ang mga mata niya. Nabuhayan ako ng loob dahil lumalaban siya.
" Babe, hang on there. Paparating na ang ambulansiya. " Nakahawak ako sa kamay niya at naramdaman ko ang pag pisil niya sa kamay ko.
" S-skye, I-i love y-you. " Pagkatapos niyang sabihin yun pumikit na siya.
" Zach, no don't leave me. Nandito na ang ambulansiya. " Naririnig ko na ang ambulansiya at palapit na dito ang mga rescuer. Iminulat niya ulit ang mga mata niya at sumilay ang ngiti sa labi niya kahit halatang hirap na hirap na siya dahil sa mga sugat na natamo niya. Pinaalis na ako dun at hinayaan ko naman na kunin na nila si Zach. I am still shaking dahil sa nangyari.
" Skye, kanina pa kayo dito? " Kinakausap ako ni Zandro pero parang wala akong naririnig. Nakatingin lang ako sa papalayong ambulansiya at hilam sa luha ang mga mata ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari pero nilalakasan ko ang loob ko.
"Kasali siya sa race. Actually, siya ang nanalo. " Narinig ko na sabi ni Abby kay Zandro. Nagulat si Zandro sa nalaman. May sasabihin pa sana siya pero nanatili na lang siyang tahimik.
" Let's go to the hospital. I need to be with him. I want to know if he's okay. " Nilapitan ako ni Abby at niyakap. Umiyak na naman ako dahil sobrang nag aalala na ako sa kanya.
" Tara na, mag convoy na lang tayo. I called his parents already and they're on their way now to the hospital. " Biglang sabi ni Zandro sa amin. Mabilis naman kaming pumunta sa kotse namin.
" Skye, can you drive? "Tanong ni Ayana sa akin. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na sa kotse ko. Medyo nanginginig pa ang kamay ko pag hawak ko sa manibela. Nag drive na ako at sinusundan ko ang kotse ni Zandro. Hindi naman ganun kalayo ang hospital mula sa pinanggalingan namin. Pag dating namin sa hospital agad nag tanong si Zandro kung saan ang kwarto ni Zach. Sinabi naman ng nurse kung saan dinala si Zach. Nasa emergency room na si Zach at inaasikaso na ng mga doctor. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung magiging okay ba siya. Lumabas ang doctor at hinanap ang pamilya ni Zach, pero lumapit ako sa doctor at nagpakilala na girlfriend ni Zach.
" Tatapatin ko na kayo, medyo malubha ang kalagayan ng pasyente dahil sa matinding tama sa ulo niya. He needs to undergo for a surgical operation. We'll do everything we can to save his life. Excuse me. " Parang bombang sumabog yung binalita ng doctor sa amin. Mas lalo akong napaiyak dahil nasa bingit ng kamatayan si Zach. Walang tigil ang pag iyak ko at kahit anong gawin ko hindi na yata ako nauubusan ng luha.
" Where's my son? " Biglang tanong ng humahangos na babae. Looking at her, I know she's the mother of Zach. Nilapitan naman siya nila Zandro, Zander at Natasha. Nung makita ni Natasha yung mommy ni Zach agad na yumakap si Natasha sa mommy niya.
" Tita, he is now in the operating room. Kailangan daw po na operahan siya para masalba ang buhay niya. " Pagbabalita ni Natasha sa mommy ni Zach. I was just staring at her. Napansin naman ni Zandro na nakatingin ako sa mommy ni Zach kaya nilapitan niya ang mommy ni Zach.
" Tita Zeny, I know this is not the right time to introduce you to Zach's girlfriend and I'm not in the position to do so. But since Zach is unconcious, I want you to meet Francesca Avery Salvatore. She's Zach's girlfriend. Skye, this is tita Zenaida, Zach's mom. " Tiningnan ako ni tita Zeny at agad na lumapit sa akin at niyakap niya ako ng walang pasabi. Gumanti din ako ng yakap sa kanya kasi kailangan ko nito ngayon.
"Nice to meet you iha. Finally, na meet na rin kita. Zach talk a lot about you. " Ngumiti siya sa akin kahit halatang malungkot siya.
"Same here po tita. This is not a good timing to introduce us to each other. " Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito. "He'll be fine iha. I know my son, he won't give up without fighting. " Nagpakatatag ako dahil ayokong umiyak sa harap ng mommy ni Zach.
Nasa labas pa rin kami ng operating room at naghihintay sa result ng operation. Hindi ako nag dadasal lagi pero ngayong gabi panay ang dasal ko na sana maging okay lang ang lahat kay Zach. Na maging okay na si Zach. Pagkatapos ng mahigit dalawang oras lumabas din ang doctor na nag opera kay Zach. Agad naman na lumapit kami sa Doctor at nakibalita.
" Doc, I'm the patient's mother. Kamusta po ang lagay ng anak ko? " Halata sa boses ni Tita Zeny ang matinding pag-alala.
" Mrs, Collins, ligtas na po ang anak niyo. But he is still under observation. Ipapalipat na namin siya sa kwarto niya. " Nabunutan ako ng tinik nung marinig ko ang sinabi ng doctor. Thank God!
" Maraming salamat Doc. " Ngumiti ang doctor sa amin at pagkatapos nag paalam na. Nilabas na sa OR si Zach at wala siyang malay. Sinundan naman namin kung saan nila dadalhin na room si Zach.
" Skye, I think we need to go home now. Nasa recovery stage naman na si Zach and he is out of danger. " Alumpihit pa ako dahil gusto ko pag nagising siya nasa tabi niya ako.
" Iha, you need to rest as well. Bumalik na lang kayo dito bukas. It's getting late already. Baka nag aalala na ang parents mo dahil hindi ka pa nakauwi. " Bigla ko naman kinuha ang bag ko at chineck ang cellphone ko only to find out that it was off. Pinatay ko nga pala ito before mag start ang race. The moment na binuksan ko ang phone ko sunod-sunod na mga messages ang pumasok. Galing sa parents ko at kay Stephen. Agad ko na tinawagan si mommy.
" Iha, I've been calling you since kanina pa. Where are you? " Puno ng pag alala ang boses ni mommy.
" Mom, I'm sorry. My phone was off and I just switch it on just now. Nandito ako ngayon sa hospital. Zach had an accident earlier. " Paliwanag ko kay Mommy.
" How is he? I hope he is not in danger. What time are you going home? " Tanong niya.
" I'm going home now mom. " Narinig ko na kinakausap ni daddy si mommy.
" Iha, drive safely. See you later. "
" I will, bye Mom. " At binaba ko na ang tawag.
Ayoko pa sana na umuwi pero nag aalala na rin ang parents ko sa akin. Lumapit na ako kay tita Zeny para mag paalam.
" Tita, uuwi po muna ako. I called my mom just now and they're very worried. Babalik po ako bukas after school. " Tumango si tita. Niyakap niya ako. I did not expect that Zach's mom is very nice. Akala ko magkakaroon ng awkward moment sa pagitan namin kapag pinakilala na ako sa kanya. Pero hindi naman pala. Mabait siya at tanggap niya ako bilang girlfriend ni Zach.
Umalis na ako at naiwan doon sila Zander at Zandro. Nauna ng umuwi si Natasha habang nasa OR pa si Zach.
Biglang nag ring ang cellphone ko. It was Alfred. Sinagot ko agad ang tawag niya.
"Alfred, napatawag ka? " bungad ko na tanong sa kanya.
" Yung pera na napanalunan niyo sa race nandito sa akin. I'll forward it in your bank account. Tell Ayana and Abby to send their account number too. " Sa totoo lang nawala na sa isip ko yung tungkol sa race. Buti pinaalala ni Alfred sa akin.
" Sure Alfred. We trust you naman. Si Diyosa nga pala you can have it. May gasgas yun pero pwede mong ipa palitan ang paint niya. I'm selling it for 1million pesos. " Tinapos ko na ang pakikipag usap ko kay Alfred. Naramdaman ko na ang pagod ngayon. Dumiretso na ako ng uwi at pagkarating ko sa bahay nag aabang na sila mommy. Hindi nila ako pinagalitan pero hinayaan na lang nila akong umakyat sa room ko at magpahinga. I consider this day as one of the worse day of my life. I hope everything will get better.