The Goddess Nerd Chapter 5

ABBYRUTH'S POV

Ako ang pangalawa sa Ace Goddess. I'm Abbyruth Montana but I hate my complete name. Just call me Abby, 19 years old, maganda, sexy at mayaman. Ginawa ko din before ang letcheng dare na 'yan. Ang dare ko? Maging mahirap ako for three months. God! That was the worst days of my life. Pasimuno lang naman nito ay walang iba kundi si Skye. Gumaganti lang kami sa kanya dahil alam namin na ayaw niya ang maging baduy at nerd.

Si Skye ang babaeng ayaw na ayaw na mag mukhang baduy and nerd kaya ang dare sa kanya ay 'yung pinaka ayaw niya.

" Hi baby girl, how was the party last night? " Siya ang mommy ko. Kahit 19 years old na ako for her baby niya parin ako. Spoiled ako sa parents ko kasi nag iisang anak lang naman ako kaya nakukuha ko lahat ng gusto ko.

" Party was good! I saw Zandro at the party. Hey mom, I'm going out later with the Goddess. " Kumakain kami ngayon ng breakfast at dahil Sunday ngayon its shopping day!

" Sure baby girl. Any other plans for today? " Tanong ni mommy na patuloy parin sa pag subo ng food niya.

" I have a date with Zandro. " Sabi ko at biglang lumaki ang mata ni mommy sa sinabi ko. Zandro's family and my family are friends. Matagal narin akong sineset up kay Zandro pero lately lang ako pumayag plus Zandro is a nice guy kaya no problem with him.

" Oh, good to hear that iha. You look good together. " Then she plastered a smile. Abot hanggang tenga ang ngiti ni mommy na ikinailing ko nalang. She loves playing the role of a cupid.

" Hay naku mommy, I'm just doing you a favor here. " Sabi ko at tumayo na after bago pa humaba ang usapan.

" Iha, are you done with your breakfast? " Tanong ni mommy. Kinuha ko na ang coffee ko at ininom na ito.

" Yes mom, I'm done! Kailangan ko na kasing mag ayos ng sarili. " Pumunta na ako sa kwarto ko at mabilis na nag palit ng damit. Ayaw pa naman ni Skye na pinapahintay siya. Siya pa naman pag nagagalit walang sinasanto. Kaya kahit ayaw ko ang minamadali, wala akong choice kundi ang mag madali. Ayokong mapahiya sa maraming tao no?!

Bumaba na ako at naabutan ko parin si mommy na nakaupo parin siya sa harap ng table at nagbabasa ng magazine.

" Bye mom, see you later. " Paalam ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

" Bye baby girl, you take care. Okay? " Tumango na lang ako at nag madaling pumasok sa kotse ko. Fifteen minutes lang naman ang travel time ko from my house to the mall. Pero pag matrapik thats a different story.

Skye's calling..

Geez! Tumatawag na si Skye. Late na ba ako? I checked my wristwatch, 9:30am palang and our meeting time is 10am sharp. Sinagot ko na ang tawag ni Skye.

[ Hello? ]

[ What took you so long to answer my call? ] Yamot na sabi ni Skye. See? Ganyan 'yan siya ka mainipin.

[ Sorry naman ha? I'm driving kasi and i need to put on my headset. Napatawag ka? I'm not yet late. ] Natatawa nalang ako sa sarili ko. Sa ginagawa kong pag drive ngayon buwis buhay lang talaga ako.

[ Not yet, you still have time. I called because I want to tell you that we're going to Annika's house. She called me a while ago and asking me if we can come over there. So, i said yes to her since wala naman tayong ibang lakad. ] Fvck! Napamura ako sa isip ko dahil muntik na akong masubsob sa biglaang pag preno ko.

[ Oh, sorry Skye but I can't. I have a date with Zandro later. ] Kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakataas na ang kilay niya pagkarinig ng name ni Zandro. I've known her since childhood kaya kilalang kilala ko na siya. Lahat ng galaw niya alam ko na.

[ Since when did you started going out with the member of the Zion? Akala ko ba allergic ka sa guy na 'yan? Anyway, lets just talk later when you arrived. Bye! ] Hindi pa ako nakasagot sa kanya pero agad na niyang inend ang call. What's new? Lagi namang ganyan eh. Tsk!

Nakarating ako sa mall na buo pa naman kahit na ang bilis kong magpatakbo ng kotse kanina. I'm just bothered with Skye's reaction about my date with Zandro. I know she doesn't like the group of Zion especially Zachary Collins. Well, kahit naman ako nasusupladohan din naman kay Zach. Mayabang na ubod ng sungit na para bang may PMS lagi kung makaasta. Siguro nakahanap lang talaga ng katapat si Skye sa katauhan ni Zach. The Zion Vs. Ace Goddess. Parehong mga leader ng group at sikat sa school. Well, not with Francesca 'coz she needs to finish her three months dare being a nerdy girl at sa loob ng three months she's a nobody in our school. Thats the rules.

Paliko na ako sa starbucks kung saan kami magkikita na tatlo nung may marinig akong sumisigaw.

" Hey bitch, who do you think you are? Ikaw ba may-ari ng lugar na'to? " Sigaw ng girl na kaharap ni Skye. Oh no, wrong move. Si Skye pala ang kalaban niya? Mapapahiya lang ang girl sa inaasta niya lalo pa ngayon na wala sa mood si Skye.

" Are you done with you're boring show? " Naghikab pa si Skye na lalo namang ikinainis ng girl.

" How dare you?! This is not a scene on a tv show. Palibhasa kasi wala kang ka date kaya naiinggit ka sa akin. " -Girl

Patuloy parin siya sa pag wawala na ikinayamot naman ni Skye. Sa lahat pa naman ng ayaw ni Skye 'yung iniinsulto siya in public.

" Put this on your fvcking mind. First of all, I'm not jealous or envious of you having a date with your boyfriend. Second, I'm not an attention seeker, I don't need attention just to tell the world that I'm a goddess coz the world knew it already. Lastly, I'm not like you so please don't compare yourself to me 'coz you can never reach me. " Tumalikod na si Skye at naglakad papasok sa loob ng starbucks. Pero bago pa siya makarating sa loob biglang hinablot ng babae ang braso ni Skye. Napatingin si Skye sa kamay ng girl na hawak hawak ang braso ni Skye at napangisi si Skye ng wala sa oras. Oh shit! That smirk, ayaw kong makita ang ganyang signature smirk ni Skye once she's pissed off. You'll not gonna like what she will do next. And as if on cue, she punched the girl straight on her face. Napa "oh" ang lahat na naka saksi sa ginawa ni Skye. Agad naman dinalohan ng boyfriend ang kanyang girlfriend.

" Next time, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo. " - Skye

Natatawa nalang ako habang pumapasok sa starbucks. Nakasabay ko naman si Ayana kaya alam kong nakita niya din ang scene kanina. Nag hi-five pa siya sa akin.

" Nakita mo? She's really fierce. " Sabi ko kay Ayana.

" What's new? She's like this since childhood days. Kaya di na ako nagtataka sa ganyang ugali niya. " - Ayana

Tama si Ayana, dati ng ganito si Skye pero kahit ganun pa man never nawala ang respect namin for Skye. Never itong naging hadlang sa friendship namin bagkus mas lalong naging strong ang bond naming tatlo. We respect Skye so much, may pagka maldita lang 'yan pero pag nakilala mo na siya mas lalo mo lang siyang mamahalin. She's like a sister to me and she treat us as her sisters too.

" Hi Skye, grabe walang kupas talaga! " Pambungad ni Ayana kay Skye. Natawa nalang si Skye kay Ayana, she knew that we always entertained whenever she had an encounter with those trying hard bitches.

" Audience ko nanaman kayo. Friend ko ba talaga kayo? Never niyo pa kasi akong inaawat kapag may nakaka engkwentro akong T.H bitch. " Nag pout pa ang bruha.

" Stop pouting Skye. Para kang timang diyan. " Pambasag ko sa kanya. Sinimangotan naman niya ako.

" Shut up Abbyruth! " Nag panting naman ang tenga ko sa pag mention niya ng buong pangalan ko.

" You shut up Francesca!! " Ganti ko sa kanya. Ayaw na ayaw niya din kasi na tinatawag siya sa ' Francesca', baduy daw kasi kaya mas gusto niya ang 'Skye' kasi nga goddess siya at feeling nasa sky daw siya. Sus!

" Both of you shut up! Para kayong mga bata. Okay, where are we heading now? " Tinapunan ko ng death glare si Ayana na nag kamot naman ng batok niya sabay peace sign.

" Ganyan! Makuha ka sa tingin Ayana. Lets go shopping! " Cheerful na sabi ni Skye. Basta shopping talaga ang topic nag-iiba ang mood ng lahat.

" Doon tayo sa forever21 then after that sa H&M, then sa Mark & spencer then--- "- Ayana

" Ayana, mauubusan kana ba ng damit sa closet mo? Baka gusto mong bilhin nalang itong mall? " Putol ko sa sasabihin niya. Kaloka, halos lahat gusto puntahan eh.

" I never thought of that. Hmm. Thanks for suggesting! " Nakangiti pa niyang sabi. Napa facepalm nalang kami ni Skye sa sinabi ni Ayana. Siguro nung panahon na nag sabog ng katangahan gising na gising si Ayana kasi sinalo niya lahat eh.

" Ayana, can you figure out which one is sarcastic or which one is not? Tanga tangahan pa more. " Skye

Napailing nalang ako kay Ayana. Nakapangalumbaba naman siya na parang may iniisip.

" Lets go, bago pa mag sabog ng katangahan si Ayana dito. " Aya ni Skye sa amin. Nakasimangot parin si Ayana at halatang naiinis siya sa amin ni Skye dahil pinagkakaisahan namin siya. Sabi nga nila hindi masaya ang barkada kung walang kaibigan na tanga. Hindi naman siya tanga talaga pero alam mo 'yong feeling na may kaibigan kang pwedeng pag tripan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.