The Goddess Nerd Chapter 6

SKYE'S POV

Monday! Back to school nanaman at ngayong araw din ang alis ng parents ko papuntang Europe. Mag pa house party kaya ako while wala ang parents ko? Dati ko naman itong ginagawa kaso hindi talaga sa mismong bahay namin. Ayoko kasi na may masira or mawala na gamit sa bahay kaya kung magpaparty ako kadalasan sa bar lang.

Abbyruth is calling..

[ Yes Abbie? ] -Me

[ You're going to be late. Where are you? ] -Abbie

[ I don't effin care if I'm late. Nasa bahay pa ako. Bakit ba? ] Angil ko sa kanya.

[ Well, terror teacher mo lang naman ang first class mo. Don't tell me nakalimutan mo? ] - Abbie

[ Alright, i'm leaving in a few minutes. K, bye! ] Binaba ko na ang phone at dali dali akong bumaba para mag breakfast. Kung mamalasin ka nga naman Monday na Monday late ako at higit sa lahat terror pa ang first subject ko. Nakaka stressed naman ang araw na to.

" Good morning Skye, why are you in a hurry? " - Mommy

Humalik ako sa pisngi niya na kinagawian ko ng gawin every morning. Yes, mataray ako sa ibang tao but when it comes to my parents I'm sweet to them.

" Late na ako mom at first subject ko terror prof pa. " Sabi ko kay mommy habang kumakain ng breakfast ko. Hindi ko na nga nginunguya ang kinakain ko panay lunok nalang ako para matapos na ako. Almost half na ng kinakain ko nung mag ring ulit ang phone ko.

Abbyruth is calling..

[ Abbie, istorbo ka sa kain ko. ]

[ What? Kumakain ka palang hanggang ngayon? My god! Anu petsa na oh?! ] - Abbie

Sa lahat pa naman ng pinaka ayaw ko ay yung minamadali ako. Sabihin mo na ang lahat huwag na huwag mo lang akong madaliin dahil mabilis umiinit ang ulo ko kapag minamadali ako.

[ I have no time for your rants. I'll hang up now. See you later. ] Binabaan ko siya at agad na isinubo ang last piece ng bread.

" Bye mom, i have to go now. I'm so damn late! " Sabi ko kay mommy na busy sa pagbabasa ng magazine.

" Okay, i'll see you later iha. Take care. " Hinalikan niya ako sa noo at hinablot ko na ang bag ko sabay labas at sakay ng kotse ko.

Kung kelan nag mamadali ka saka naman magbibiro ang tadhana. Pag labas ko ng main highway sobrang trapik pa. Halos nabibingi na ako sa mga busina ng mga sasakyan na nakakasabay ko. May banggaan pala sa unahan kaya nagkaroon ng trapik kaya no choice kundi mag take ng ibang route. Halos paliparin ko na ang kotse ko dahil sa sobrang pagmamadali. Kung hindi sana kami gumimik last night hindi sana ako mapupuyat at hindi sana ako late. Bakit kasi nakalimutan kong mag alarm? Of all things na pwedeng kalimutan ay yung alarm clock ko pa talaga?! Kainis!

Nakarating ako sa school na buo pa naman at walang gasgas. Yun nga lang, I'm fucking late and I'm dead! Pagkarating ko sa classroom namin nakasarado na ang door at nagsisimula na ang klase. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Halos lahat nasa akin nakatingin at makikita mo sa mga mata nila ang inis.

" Miss Salvatore, what time is your first class start?  " -Terror prof.

" 8:30AM maam. " Sagot ko.

" What time is it now? "  Sigaw ng prof ko.

Nakatingin lang ako sa floor like as if may interesting na bagay akong nakikita doon. Ito kasi yung way ko para pakalmahin ang sarili ko dahil any moment matatarayan ko na ang prof ko.

" Maam, sorry po kasi na trapik po ako. May bang-- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na ng bruhang to ang dapat na sasabihin ko.

" I'm not asking you to explain. I'm asking you what time is it now? " Dahil sa inis ko dumiretso nalang akong umupo sa upuan ko at hindi pinansin ang umuusok na ilong ng prof ko.

" Miss Salvatore, get out of my room. Now! "  Nakipag titigan ako sa prof ko bago tumayo.

" Okay! " I smirked. Lumabas na ako ng room niya at dumiretso sa office ng Dean.

Kumatok muna ako bago pumasok sa office niya.

" Good morning Miss Skye. What brought you here? "  Buong galang na tanong ni Mr. Raymond Salazar, ang Dean ng school namin.

" Good morning Mr. Salazar. Pinalabas ako ni Miss Agness Dimaculangan. " Sabi ko sa dean at umupo ako sa swivel chair na nasa tapat lang ng table niya.

" That's new Miss Skye, anu bang ginawa mo? " Napabuntong hininga ako sa tanong niya. I'm getting bored here at wala akong magawa.

" Na late po ako dahil sa traffic. " Explaine ko sa kanya. Tinitigan niya ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Napataas ang kilay ko sa ginawa niyang yun.

" Hindi mo kailangan na taasan ako ng kilay Miss Skye. Remember, I am still your Dean and i deserve your respect as your superior. " He's right, he deserves my respect. Kaya imbes na uminit ang ulo ko ay bigla akong naging maamong tupa sa harap niya.

" Sorry Mr. Salazar, as i was saying earlier i was stuck on a traffic jam. Nagkaroon kasi ng aksidente and i need to take the other route which took me 30minutes to travel. " This time halata ng convinced ang Dean sa explanation ko.

" Okay, naintindihan ko. Next time try to go to school as early as possible. Traffic is not an excuse para ma late ka. Alam mo naman na matagal ng problema sa Pilipinas ang traffic. You may go back to your class now. " Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya. Lumabas na ako ng Dean's office at pumunta sa garden. Ugh, this is not so me. Never ko pang ginawa ang magpunta sa garden in my three years here in Branston. Pero dahil ako si Francesca kailangan kong gawin ang mga bagay na hindi ginagawa ni Skye like going to this boring place and such. Umupo ako sa bench at nilabas ko ang phone ko. Nag check ng fb ko kung may bago ba pero as usual ganun parin. Dami ko nga lang friend request na halos hindi ko naman kakilala. May mga nag memessage din sa akin pero ni minsan hindi ako nag rereply at maswerte na ang ilan na nababasa ko pa, yun nga lang seenzone lagi.

" Miss Skye? Is that you? " Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Napangiwi ako nung makita ko ang girl na yun. Isa siyang dakilang nerd na may malaking salamin, mahaba ang buhok na naka bangs pa, naka braces at may mga pimples na nanganganak sa pisngi niya. At higit sa lahat, mukha siyang jologs sa suot niya.

" Do i know you? Mukha ba akong si Skye? " Ibinalik ko ang tingin ko sa phone ko. Nag log out ako sa fb at ibinalik na sa bag ko ang phone.

" Miss Skye, alam kong ikaw yan. Kahit mag disguise ka pa kilalang kilala kita from head to toe. Fan mo kaya ako? " Umupo siya sa tabi ko at napausod naman ako palayo sa kanya.

" Okay, kung fan kita bakit ganyan ang ichura mo? " Tanong ko sa babaeng nerd na kaharap ko.

" Mas komportable kasi ako sa ganitong ayos. Hindi naman basehan ang ichura sa pakikipag kaibigan diba? " Napayuko siya pagkatapos niyang sabihin yun. Halatang tense na tense siya dahil yung kamay niya nanginginig. Hinawakan ko yun para kumalma siya at napatingin siya bigla sa akin.

" Alam mo sa ngayong panahon kasama na sa standard ng paghahanap ng friends ang physical appearance. Maswerte ka nalang kung magkakaroon ka ng mga friends na hindi batayan ang physical looks sa pakikipag kaibigan sayo. " Biglang nag iwas siya ng tingin sa akin. Naninibago naman ako sa sarili ko. Ako ba talaga ito? Ang alam ko allergic ako sa mga kagaya niya pero hindi ko magawang umalis sa kinauupuan ko.

" Alam ko yun Miss Skye kaya nga wala akong kaibigan dito sa school. Kahit sa labas ng campus wala akong kaibigan. Kaya nung makita kita na naka disguise ng nerd nabuhayan ako ng loob. Alam ko din kasi na ayaw mo sa mga nerd na kagaya ko. " Kinurot naman ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa kanya. Ramdam ko na malungkot siya dahil wala siyang kaibigan. Samantalang marami naman ang gustong makipag kaibigan sa akin dahil narin sikat ako sa school.

" What's your name? " Napangiti naman siya sa tanong ko. Ang weird naman ng babaeng ito ngumingiti kahit hindi naman dapat ngumiti.

" Oo alam ko weird ako. " Sabi niya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Mind reader din ba siya? " Alexandra Rafols, yan ang name ko. " Nakangiti siya kaya nakikita ko ang braces niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya kaya bigla siyang napayuko.

" Can i call you Alex? Ang haba kasi ng name mo. " Umangat ulit ang ulo niya at tumango siya.

" Pwede ba kitang maging kaibigan Skye? Habang naka disguise ka pa ng pang nerd at kung bumalik kana sa totoong anyo mo pwede mo na akong deadmahin. " Hindi naman ako masamang tao. Kung alam ko naman na sincere ang friendship bakit ko sasayangin diba?

" Kahit bumalik pa ako sa pagiging Skye friend mo parin ako. " Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko naman. Wala pa kasing may nag dare na yumakap sa akin maliban siyempre sa mga close friends ko at family ko. Agad naman siyang bumitaw nung maramdaman niya ang paglayo ng katawan ko sa kanya.

" Sorry Miss Skye. Happy lang ako na sa wakas may kaibigan na ako and of all people ikaw pa talaga. Thank you! " Parang iiyak na siya kaya bigla akong nataranta sa reaksyon niya.

" Wala yun, wag kang umiyak baka isipin nila inaapi kita diyan. " Pang-aalo ko sa kanya. " Oh siya, maiwan na kita dito. May klase pa ako eh. Nice meeting you Alex. By the way, secret lang itong disguise ko. Don't tell anyone about this. Ang alam kasi nila nasa abroad si Skye. " Inayos ko na ang gamit ko. Sinulyapan ko si Alex na hawak hawak ang phone niya.

" Miss Skye, pwede ko bang makuha number mo? Kung okay lang naman sayo, pero kung ayaw niyo po ibigay ayos lang din. " Masyadong mabait si Alex para tarayan ko siya. Usually kasi pag may humihingi ng number ko binabara ko na agad. But not Alex, she's different and she don't deserve that. Kinuha ko ang phone niya at agad na dinial ang number ko dun at sinave.

" Naka save na diyan ang number ko. Search mo lang ang Avery. " Tumayo na ako at umalis na sa garden. May klase pa ako at ayoko mapagalitan nanaman.

Buong klase na wala akong ginawa kundi ang makinig sa lecture ng prof ko. Nangingilabot na talaga ako sa nangyayari sa akin. May mali eh, hindi ako to. Ganito ba ang epekto ng pagiging nerd ko? Gosh!

Buong araw akong mag isa lang dahil hindi ko naman pwedeng lapitan sila Ayana at Abby. Hindi ko naman makita si Alex sa crowd kaya minabuti ko nalang na umuwi ng maaga dahil ihahatid ko pa ang parents ko sa airport.

Pag dating ko sa bahay nasa living room na ang mga bagahe ng nila. Saka naman bumaba si mommy na nakabihis na.

" Iha, ang aga mo ngayon ah? " It's a statement. Lumapit ako kay mommy at humalik sa kanya. She really looks stunning and beautiful. Parang hindi siya mukhang nasa 40s kasi ang galing niyang mag alaga ng sarili niya.

" Gusto ko kasi kayong ihatid sa airport. Matagal kayong mawawala at mamimiss ko kayo. " Bigla akong nalungkot sa thought na yun. Kahit sanay ako na lagi silang wala still hindi ko parin maiwasang hindi malungkot tuwing umaalis sila. Alam mo yung feeling na sa tuwing umaalis sila at maiiwan ka sobrang bigat ng pakiramdam mo. Na kung pwede lang ayaw mo na may umaalis kasi ayaw mo na maiiwan lagi. Oo malungkot umalis pero mas malungkot ang maiiwan.

" My poor baby, alam mo naman na kaya kami umaalis dahil sa business diba? It's for your own sake din naman to. " Niyakap ako ni mommy at sa yakap niyang yun ramdam mong nalulungkot din siya tuwing aalis sila. Sino ba namang magulang ang matutuwa na iwanan ang mga anak nila na mag isa lang? Wala! Kung masakit sa mga anak ang maiwanan, mas masakit sa mga magulang ang iwan ang mga anak nila. Just imagine how much they sacrificed just to give their children a good life. Ganyan ang mga magulang their love is unselfish and unconditional. Thats why i love my parents more than anything in the world.

" I know Mie, sige na magpapalit na muna ako ng damit. " I kissed her one more time and run upstairs.

I checked the time on my wrist watch, 6:30pm na at mamayang 10:45pm ang flight nila. Hinalikan na ako ni mommy at si daddy naman nakayakap sa akin. Parang ayaw na niya akong bitawan sa mga yakap niya. Ganito kami lagi tuwing aalis sila or tuwing aalis ako na hindi kami magkakasama. After ng isang oras na paalaman umalis narin ako. Hindi ko na hinintay na umalis ang eroplano nila.

Pag dating sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Hindi na nga ako kumain ng dinner dahil wala akong ganang kumain na mag-isa lang ako. Nag vibrate ang phone ko at nakita ko na tumatawag si Abby.

[ Napatawag ka? ] Walang kabuhay buhay kong tanong sa kanya.

[ Anung nangyari sayo? Para kang na sawi sa pag ibig. ] Wala ako sa mood ngayon na sabayan ang pagjojoke ni Abby kaya minabuti ko nalang na manahimik. Napansin naman yun ni Abby dahil hindi ko siya sinupalpal.

[ Nakaalis na ba sila tita at tito? Alam ko kasi na ganyan ka tuwing umaalis sila. ] Napangiti ako sa isip ko dahil kilalang kilala niya talaga ako. Bestfriend ko nga siya!

[ Yeah, kanina lang. Sige Abby, i have to hang up now. Pagod ako eh. Talk to you some other time. ]

[ Okay bruh, rest well. Bye! ] Inend call ko na at nagpalit ng damit. Nakakapanibago, ang dami kong na diskubre sa self ko ngayong araw. Mga pagbabagong kahit ako hindi ko alam na mangyayari sa akin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.