SKYE'S POV
Mabilis lumipas ang panahon. Mantakin mo yun isang buwan na pala akong nagpapanggap bilang nerd sa school namin?! At dahil sa pagiging nerd ko marami ang naiinis sa akin kesyo hindi daw ako bagay sa Branston dahil puro magaganda ang mga nag aaral dun at hindi ako ganun. Pero sa lahat ng yun wala akong pakialam. Deadma lang ako sa mga masasamang sinasabi nila tungkol sa akin. Anu ba ang alam nila? Wala! Alam lang nila ang pangalan ko pero hindi ang buong pagkatao ko.
" Ang layo naman ng tinatanaw mo. May problema ka ba Avery? " Umupo sa tabi ko si Alex na may hawak na sandwich sa kanang kamay. " Gusto mo ng sandwich? " Alok niya sa akin.
" No, thanks! " Nakatingin parin ako sa malayo na parang may magandang tanawin akong tinitingnan sa harapan. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras at napansin naman yun ni Alex.
" Ang lalim nun ah? Anu ba ang problema mo? " Tanong niya habang patuloy sa pag kain ng sandwich. Napangiwi ako sa kanya nung may mayonaise na naiwan sa gilid ng labi niya. Agad naman niyang pinahiran yun gamit ng tissue.
" Anong feeling mo tuwing sinasabihan ka ng ibang estudyante na hindi ka welcome sa Branston? " Tiningnan ko si Alex at biglang nalungkot ang mga mata niya sa tanong ko pero bigla din yun nawala.
" Syempre nalulungkot kasi pinaparamdam sayo na unwanted ka sa Branston. Dumating pa nga sa point na sinabi ko sa parents ko na gusto ko ng tumigil sa pag aaral ko. I felt alone here but now i am no longer alone. " Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko at pinisil yun. " 'Coz i have you. " Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Alam ko bully ako sa ibang estudyante pero hindi ko sukat akalain na malaki din ang impact ko kay Alex. Ako bilang si Francesca at hindi si Skye. " I'm glad that you accepted me as one of your friends. Thank you Avery. " For the first time wala akong masabi. Parang umurong bigla ang dila ko dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung deserving ako sa friendship ni Alex. She's different among the rest. Sa kanya lang ako naging concious at nagiging aware sa mga sasabihin ko. Ayoko ko kasi na maoffend siya sa mga sinasabi ko at baka masaktan ko lang yung feelings niya. She's pure at wala akong nakikitang depekto sa pagkatao niya maliban sa pagiging nerd niya. Pero kung titingnan mo ng maigi maganda siya. Pero hindi siya aware sa kagandahang taglay niya dahil tinatago niya ito sa ibang tao. Only few people can see her natural beauty and those few are the ones that close to her.
" Uy, natahimik ka na diyan? Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Creepy ka na. " Muntik na akong matawa sa huling sinabi niya.
" Creepy ako? Sa ganda kong to? " Turo ko sa sarili ko. Conceited ako pero totoo naman kasi ang sinasabi ko na maganda ako.
" No doubt naman na maganda ka. Nakakatakot lang kasi ng tingin mo. " Sabi niya sabay tingin sa malayo.
" Alam mo Alex maganda ka naman eh. Kung mag-aayos ka lang ng sarili mo I'm sure marami ang magkakagusto sayo. " Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Agad naman niyang binaling sa ibang direksiyon ang tingin niya.
" Avery, alam ko kaibigan kita kaya mo nasasabi yan sa akin. Pero hindi ako maganda na kagaya ng Ace goddess. " Inayos na niya ang sarili niya at agad na tumayo. " Uwi na tayo? Naghihintay na ang driver ko sa labas ng school. " Aya niya sa akin. Napailing na lang ako sa kanya. Hanggang kelan kaya niya papaniwalain ang sarili niya na hindi siya maganda? Kailangan lang naman niya ng makeover eh. Teka nga, bakit hindi ko gawin yung operation makeover niya?! Gagawin ko siyang ugly duckling that turns into a beautiful swan. Napangiti ako sa ideyang yun.
" Oh bakit napapangiti ka diyan? Nababaliw kana ba? " Umiling lang ako bilang sagot.
" Okay Alex, see you tomorrow. " At nagpatiuna na akong umalis.
Pagdating ko sa bahay nagulat ako dahil may hindi ako inaasahang bisita na madadatnan sa bahay.
" What are you doing here? " Tanong ko sa lalakeng nakaupos sa sofa habang nanonood ng tv. Agad naman siyang napalingon sa akin at ngumiti.
" It's nice to see you too my dear cousin. Ibang klase ka talaga mag welcome sa mga bagong dating. Don't you miss me? " Tumayo siya sa sofa at sinalubong ako ng yakap.
" Why are you here Stephen? " Deretsong tanong ko sa kanya. Close kaming dalawa pero kasi nagtataka lang ako kung bakit biglaan ang pag uwi niya ng Pilipinas. I knew him so well, hindi siya pupunta ng Pilipinas kung wala siyang tinatakbuhan sa Europe.
" Fine! May iniiwasan lang akong tao. Besides, i miss you na baby sis and your parents told me to look after you while they're gone. " Ginulo niya ang buhok ko na kinaiinisan ko naman kapag nandito siya.
" I miss you too but please don't mess up my hair. You know i hate it when you do that. " Irap ko sa kanya. Umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkababa ko naabutan ko siyang nakaupo na sa dining at busy sa pagkain. Wow lang, ako na may-ari ng bahay hindi man lang niya tinawag para kumain. Kapal talaga ng mukha ng isang to, kung hindi ko lang siya pinsan binato ko na siya ng flower vase na nasa gilid ko.
" Oh nandiyan kana pala Skye. Gutom na ako kaya nauna na akong kumain. " Tinaasan ko siya ng kilay ko. Ni hindi man lang ako niyayang kumain sa sarili kong pamamahay. Bastusan lang?!
" Wow ha? Hiyang-hiya naman ako sayo ni hindi mo man lang ako niyayang kumain. Bahay mo to? " Sarcastic kong sabi na tila hindi man lang nahiya.
" Kumain kana baby sis malapit ko ng maubos itong food na inihanda ni manang. " Sabi niya habang panay naman ang subo niya. Gustong gusto ko na siyang hampasin sa kamay. Panu ba naman, kung kumakain siya daig pa niya ang nagutom ng isang taon?!
Umupo nalang ako at kumuha narin ng pagkain ko bago pa ubusin ng mokong na to ang pagkain na inihanda ni manang para sa akin.
" Kelan ka aalis ng bahay? " Deretsong tanong ko sa kanya.
" I'm staying here. " Sabi niya ng nakatingin sa akin.
" What? May bahay kayo Stephen at bakit dito ka titira? Ayoko! " Bigla naman siyang natigil sa pagsubo sa sinabi ko.
" Baby sis naman eh. Di mo ba ako namimiss? Excited akong umuwi dito dahil miss na kita tapos ikaw pagtatabuyan mo lang ako. " Pinalungkot pa niya lalo ang mukha niya. Kung hindi ko lang siya kilala talagang maaawa ako sa kanya pero alam ko na nag dadrama lang siya. Ginagamit nanaman niya ang talent niya sa pag acting na hindi naman pumapasa sa akin.
" Tigilan mo ako Stephen ha? Di mo ako madadala sa drama mo. Now tell me kung bakit ka umalis ng London? " Nagkunwari siyang wala siyang narinig at patuloy lang siya sa pagkain. " Manang, pakisabi sa driver na kuhanin niya ang gamit ni Stephen at ilagay sa kotse dahil ihahatid niya kamu si Stephen sa bahay nila pagkatapos niyang kumain. " Sigaw ko sa kasambahay namin. Bigla namang naalarma si Stephen sa narinig.
" Baby sis naman, sige na sasabihin ko na. May tinakasan akong girl dun kaya napadpad ako dito. " Nakasimangot niyang sabi. Kaloka talaga tong pinsan ko ang hilig tumakas.
" Nabuntis mo ba siya kaya mo siya tinakbuhan? " Alam kong nag iingat siya pagdating sa bagay na yan pero gusto ko lang makasigurado. Marami din kasing mga babae ang nahuhumaling sa mokong na yan. Ikaw ba naman saksakan ng gwapo di ka hahabulin?
" Hell no! Kilala mo ako Skye at yan ang pinaka huling gagawin ko ang mambuntis ng babae. Ayoko nga ng commitment eh kaya dobleng ingat ako sa bagay na yan. " Napangiti naman ako sa sagot niya.
" Buti na yung alam ko na wala kang nabuntis dun kasi pag nagkataon, ako pa mismo ang tatawag kay tita Stefanie para sabihin sa kanya na pauwiin ka dun. " Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Naiwan naman sa living room ang magaling kong pinsan. Pagod ako kaya bahala siya diyan muna total marami pa namang araw na pwede kaming mag bonding na dalawa.