ALEXANDRA'S POV
" Alexandra, wake up. Woist, gising kana daw nerd. Tulog mantika ka talaga. " Ang aga-aga namang mambulabog ng mokong na to. Kung hindi ko lang siya kuya sarap ipatapon sa Iraq at ibala sa canyon.
" Alexandra, anu ba? Gumising kana nga, ako pa ang ginawa mong alarm clock. " Sigaw ni kuya. Hinablot niya ang comforter na nakabalot sa katawan ko sabay hila ng paa ko.
" Kuyaaaaaaa.. Lumabas kana nga at tatayo na ako. " Yamot na yamot ako sa ginawa ni kuya. Antok pa kasi ako kaya nakakainis na gigisingin ako ng ganito kaaga. Lumabas na siya ng room ko at tiningnan ko ang wall clock. " Holy molly, 6:30am na? Late na ako. Waaaaahhh.. " Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Daig ko pa ang binibilangan habang naliligo dahil sa sobrang bilis kong maligo. Hindi na nga ako nakapag shampoo sa sobrang pag mamadali ko. Dibale, wala namang aamoy sa akin sa school kaya ayos lang.
" Nandiyan kana pala Alexa, kumain kana at baka malate kapa. " Sabi ni mommy in her cold tone at hindi man lang nag abalang tumingin sa akin. She's cold to me since when i was a kid. Kaya sanay na ako sa ganitong treatment niya sa akin. Maswerte na kung kausapin niya ako ng matagal pero most of the time she don't talk to me kung walang importanteng bagay na sasabihin.
Tatlo kaming magkakapatid at pangalawa ako sa aming tatlo. Dalawa kaming girls at si kuya nag iisa lang. Namatay ang bunso kong kapatid dahil narin daw sa kagagawan ko. Nalunod siya sa swimming pool nung 7 years old ako at siya naman ay 4 years old. Naglalaro kasi kami ng habulan malapit sa swimming pool at nadulas ang kapatid ko at nahulog sa pool. Since bata pa ako that time kaya hindi ko nagawang i-save ang kapatid ko. Huli na ng makita ng daddy ko na nalulunod siya. Nung tinry niyang isalba ang kapatid ko pero huli na ang lahat. She was dead before my dad took her out from the pool. At simula noon naging cold na si mommy sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng younger sister ko.
" Maam Alexa, nandito na po tayo. " Biglang bumalik ang isip ko sa reyalidad. Naaalala ko parin ang pangyayaring yun. At tuwing naaalala ko yun nararamdaman ko parin ang bigat ng loob at guilty feeling. Yes, i'm guilty on my sister's death. Siguro kung hindi siya namatay may kakulitan ako at hindi ako lagi binibwiset ni kuya. Kung buhay sana siya siguro hindi cold ang pakitungo ni mommy sa akin ngayon at siguro masaya ang bahay dahil sa kanya. May kumawalang luha sa aking mga mata at bago pa tuluyan akong mapaiyak ay agad ko na itong pinahid at tumingala para tumigil ang nagbabadyang pag patak ng mga luha ko. Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat ng feeling ko.
" Salamat Mang Danny sa pag hatid sa akin. " Ngumiti ako sa driver namin na matagal narin na panahon na naninilbihan sa amin. Buhay pa ang bunsong kapatid ko noon driver na siya namin.
" Ikaw talaga maam Alexa. Trabaho ko ito at hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin. " - Mang Danny
Bumaba na ako sa kotse at dumiretso na sa garden kung saan kami laging nakatambay ni Skye. Naging close narin ako sa kanya at hindi na siya naiilang sa akin. Malayo palang tanaw ko na si Skye naka upo at may naka saksak na earphone sa tenga. Ganito lagi tuwing kita ko sa kanya.
" Hi Avery, what's up? " Magiliw kong bati sa kanya. Tumingala siya at ngumiti sa akin.
"Oh, nandiyan kana pala? " Sambit niya at agad namang binalik sa phone niya ang kanyang tingin.
" M-may lakad ka ba later? " Napakunot naman ang noo niya sa tanong ko.
" Wala naman, deretso na ako sa bahay after school. Bakit? " Kaswal niyang sabi habang ang atensyon niya sa phone niya parin.
" Starbucks tayo later kung okay lang sa'yo? " Tumingin siya sa akin ng nakangiti sabay tango. Ang ganda talaga niya kahit naka disguise siya na nerd.
Kringggggggg...
" See you later Alex. Mauuna na ako at baka malate pa ako. " Tumayo na siya at naglakad papunta sa room niya. Papunta narin ako sa classroom namin. Pumasok ako na parang walang nakakita sa akin sa pag pasok ko. Ganito lagi ang eksena sa classroom namin, maingay at parang walang pakialam ang mga classmates ko na any moment darating na ang professor namin. Nakayuko lang ako dahil ayoko na mapagdiskitahan ng mga kaklase ko. Alam mo yung feeling na lagi ka nalang natatakot kasi alam mong ayaw nila sayo?!
Nagulat ako nung may bumagsak na libro sa table ko at pag tingala ko nakita ko si Sandrea Yulores na naka cross arms. Siya ang laging nambubully sa akin at lagi nalang akong pinagtitripan. Ayaw na ayaw niya sa akin pero wala naman akong matandaan na ginawang masama sa kanya since i'm not capable of harming people around me.
" Tuwing nakikita ko yang pangit mong mukha, lagi nalang nasisira ang araw ko. Lumayas ka na nga sa school na'to. " Sabi niya sabay talikod sa akin. Sanay na ako sa mga pasaring at pag mamaldita niya sa akin at hindi ko nalang siya pinapansin. Mag sasawa din yan siya sa bandang huli.
Buong klase akong nakikinig lang sa lecture ng professor namin. Hindi ko namalayan at break time na pala. Yung mga kaklase ko naman naging masigla nung marinig ang bell samantalang nung naglelecture pa si prof parang mga patay na walang ka buhay-buhay.
Canteen..
" Alex, sabay na tayong bumili ng food. " Masiglang bati ni Skye sa akin. Medyo nasasanay narin si Skye sa pagiging "nerd" niya. Naaawa nga ako minsan kapag binubully siya pero kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili niya sa mga nambubully sa kanya. Ako lang yung mahina kasi hinahayaan ko nalang sila na apihin ako dahil ayoko ng gulo.
" Gusto mo ba ako na ang bibili ng food mo? Libre ko na since mabait ka naman sa akin. " Tinaasan naman niya ako ng kilay niya. Kahit mukhang nerd si Skye sobrang ma pride parin siya. Ayaw niyang may nang lilibre sa kanya dahil masakit daw sa ego niya.
" Alam mo naman ang sagot diyan Alex. " At nagpatiuna na siyang lumakad. Nakapila kaming dalawa ng may tumulak sa likuran ko kaya nabangga ako sa likuran ni Skye. Napalingon naman si Skye sa akin.
" Are you okay? " Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nakangiti ng mapang asar si Sandrea sa akin. Napatungo nalang ako pero napansin ni Skye ang paglingon ko kaya napatingin din siya sa likuran ko. " Alex, aksidente lang ba ang pagka bangga mo sa likuran ko or may tumulak sa'yo? " Matalim niya akong tinitigan kaya napailing ako.
" Ako ang tumulak sa kanya. May problema ka ba dun? " Sambit ni Sandrea at ang matalim na tingin ni Skye sa akin nabaling kay Sandrea. Biglang humigpit ang pagkahawak ni Skye sa braso ko. Ramdam ko ang tensyon sa kanyang pag hawak sa akin.
" Meron! Ikaw ano bang problema mo at nanunulak ka? " Mahinahon ngunit madiin ang bawat salitang binibitawan ni Skye. Napangisi naman si Sandrea na animo'y natutuwa sa eksenang ginagawa niya.
" Hoy pangit, paharang-harang kasi kayo sa daraanan ko. Umalis na nga kayo dito at baka mahawa pa kami sa pagka nerd niyo. Ewww.. " Sabay pagpag ng damit niya na akala mo may duming nakakapit dun.
" Ang pagiging nerd nariremedyohan pero ang pangit at masamang ugali mahirap ayusin. Kung ayaw mo sa mga kagaya naming nerd dun ka sa lugar na walang kagaya namin. " Ngumisi si Skye sabay taas ng kilay kay Sandrea. Namumula sa galit si Sandrea dahil sa sinabi sa kanya ni Skye. Dahil sa inis niya hinablot niya ang buhok ni Skye at hindi naman napaghandaan yun ni Skye.
" Matuto kang lumugar na pangit ka. Hindi mo ako kilala kaya wag mo akong babanggain. " Sigaw ni Sandrea habang hila-hila parin ang buhok ni Skye. Tinulak naman ako ng mga kasama ni Sandrea kaya natumba ako sa sahig. Wala ni isa man lang na tumulong sa amin ni Skye bagkus pinagtawanan pa nila kami. Biglang nanahimik ang crowd at nung tumingala ako nakita kong nakatayo dun si Zach hawak ang kamay ni Sandrea.
" That's enough! Ano ba ang ginawa sa inyo ng dalawang 'to para saktan niyo sila physically? " Tanong ni Zach kay Sandrea. Matagal ng may gusto si Sandrea kay Zach kaya bigla niya itong niyakap at nag kunwaring umiiyak.
" She pushed me kaya ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. " Kunwaring iyak ni Sandrea. Inayos naman ni Skye ang nagulo niyang buhok at tinulungan akong makatayo. Hinarap niya sila Zach at Sandrea na nakangisi habang tinitigan ng matalim si Sandrea.
" Bravo! Ang galing mong umarte. Bakit di ka mag artista? Kung tinulak ka namin e di sana nasa harapan ka namin at nakadapa sa sahig. Huwag mong ipasa sa amin ang gawain mong masama. " Tinalikuran na ni Skye si Sandrea at dumiretso na sa counter ng cafeteria. Sumunod naman ako kay Skye pero narinig ko pa ang sinabi ni Zach kay Sandrea.
" I saw what you did earlier. Pwede ba Sandrea, get off of me. " Napalingon ako sa kinaroroonan nila Sandrea at Zach nakita ko kung paano iwinaksi ni Zach ang kamay ni Sandrea na nakapulupot sa braso nito. Napailing nalang ako habang nakapila sa counter. Tiningnan ko si Skye pero hindi mababakas sa mukha niya ang inis sa nangyari kanina. She looked so calm and peaceful. Ito yung other side niya na hindi nakikita ng ibang taong nakapaligid sa kanya.
****
Saturday. Kumakain ako ng breakfast nung madatnan ako ni mommy sa dining table. Natigilan siya dahil ito yung unang beses na maaga akong gumising to think that its Saturday.
" Good morning mom. " Bati ko sa kanya. Hindi na ako umaasa na papansinin niya ako or magkakaroon ng conversation sa pagitan namin. She just nod her head and get her coffee and went to the living room. Ganyan naman lagi, ayaw niyang ma corner na kaming dalawa lang. She doesn't like the thought being with me in one place. Napapabuntong hininga na lang ako tuwing nararamdaman ko na magiging emotional na ako. Tinapos ko na ang pagkain ko at agad na umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit at para makaalis na ako sa bahay kahit sandali lang. Parang nilipad ng hangin ang isip ko sa kawalan na hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala ako ng mansyon ng mga Salvatore.
" Maam Alexa, nandito na po tayo sa bahay ng nga Salvatore. Hihintayin ko po ba kayo? " Anas ng driver namin.
" Hindi na po kailangan manong. Tatawagan ko nalang po kayo kung magpapasundo na po ako. " Ngumiti ako sa kanya bago bumaba ng kotse. Halos lahat ng mga kasambahay at mga driver namin gustong gusto nila ako dahil sobrang bait ko daw sa kanila. Honestly, mas naramdaman ko pa nga sa kanila ang pagmamahal nila sa akin bilang anak ng boss nila kesa sa tunay kong mga magulang. Kelan ba nila ako kinamusta or tinanong man lang kung okay ba ang studies ko?! Hindi ko na maalala dahil sa tagal narin ng panahon na hindi ko sila nakakausap ng masinsinan.
" Sino po sila? " Napaigtad ako sa biglang pagsulpot ng guard sa harap ko.
" G-good morning po. Nandiyan ba si Skye? Pakisabi po na hinahanap siya ni Alex. " Tila parang ayaw pang umalis ng guard sa harapan ko na animo'y hindi naniniwala sa akin.
" Sigurado po ba kayo na si Maam Skye po ang pinuntahan niyo dito? " Tanong niya pa sa akin.
" Opo, basta sabihin niyo nalang po ang pangalan ko at kilala niya po ako. Kaibigan ko po siya sa school. " Ngumiti ako sa kanya para mas sincere ang sinasabi ko.
" Sandali lang po. " Pagkasabi niya nun agad na siyang umalis at pumasok sa loob ng bahay. Naghintay pa ako ng ilang minuto saka lumabas ang guard na napapakamot sa batok niya.
" Maam Alex, pasensiya na po kayo kung hindi ko po kayo pinapasok agad. Security reason lang po. " Binuksan na niya ang gate at pinapasok ako sa loob. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
" Pumasok nalang po kayo sa loob ng mansyon maam. " Sabi niya at agad na bumalik sa guard house.
Binuksan ko ang pinto ng bahay at sobrang nalula ako sa laki at ganda ng loob ng mansyon nila Skye. Kung maganda ang labas ng mansyon nila mas lalong maganda ang loob nito. Napatingala ako sa ceiling nila dahil may mga naka disenyo dito na parang katulad ng nasa painting ni Da Vinci. Sobrang ganda!
" Who are you? " Tanong ng baritonong boses sa likuran ko. I don't remember na may kapatid na lalake si Skye. Ang alam ko kasi solong anak siya ng mag asawang Salvatore. Napalingon ako sa likuran ko at napanganga sa nakikita kong tanawin. Isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko at pawisan siya. Kung ibang lalake siguro ang kaharap ko kanina pa ako nandiri sa itsura niya pero iba itong lalake dahil ang gwapo niya. Naka topless lang siya at dumadaloy ang pawis niya sa kanyang dibdib patungo sa abs niya. Para siyang greek god na bumaba sa lupa para paibigin ang mga babaeng makakaharap niya.
" Are you done checking on me? Did i pass your standard? " Anas niya at sa puntong yun napatungo ako dahil sa sobrang hiya. Pakiramdam ko nag iinit ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. " Miss, i said who are you? Hindi ka naman naligaw ng bahay diba? " Medyo naiirita na siya dahil sa hindi ko pag sagot.
" A-ah, k-kaibigan ako ni Skye. " Sagot ko sa kanya na obvious naman na hindi ko talaga na sagot ang tanong niya. Tinatanong niya ako kung sino ako imbes na pangalan ko ang isasagot ko nagpakilala ako na kaibigan ni Skye. Great! Bakit bigla akong naging shunga sa harap ng gwapong 'to?
" Friend ka niya? As far as i know, she's allergic sa mga kagaya mong nerd. " Napailing siya na parang di naniniwala sa sinabi ko. Kunsabagay kahit ako hindi din maniniwala since hindi naman talaga nakikipag kaibigan si Skye sa mga nag gagandahang mga babae sa paligid niya.
" Alex.. " Sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ni Skye. Agad din siyang lumapit sa akin at niyakap ako na parang ang tagal naming hindi nagkita samantalang magkasama lang kami kahapon.
" Akala ko ba allergic ka sa mga nerd. What happened? " Natatawa ako sa isipan ko dahil hanggang ngayon hindi parin makamove on ang lalakeng kaharap ko sa ideyang nagkaroon ng kaibigang nerd si Skye.
" People change my dear cousin. " Anas ni Skye sabay kindat sa pinsan niya. " By the way, Alexandra Rafols meet my handsome cousin Stephen Salvatore. But beware of him Alex, don't fall inlove with his charm. He's a player. " Dugtong niya pa.
" Hey Skye, i'm not a player. Kasalanan ko ba na habulin ako ng mga babae? Gwapo lang ako pero hindi babaero. Don't worry, she's not my type anyway. " Tumalikod na si Stephen at pakiramdam ko na insulto ako sa huling sinabi niya. Well, tama naman siya eh. Nerd lang ako at hindi kagandahan kaya malabong magustuhan niya ako kahit na may bahagi ng puso ko na nasasaktan dahil sa thought na hindi niya ako magugustuhan.