The Lady Marine Engineer Chapter 10

"What?? Coleen Brylle?! You can't be serious!" Bungad kay Coleen ng kapatid niya pagkatapos niyang magpaliwanag ng magtanong ito kung nasaan ang kotse niya.

Sinabi niya kasi dito na sinugod sa hospital ang kaibigan niya at walang magamit na kotse kaya pinahiram niya muna ang kotse ng kuya niya at nagtaxi nalang siya pauwi. Sinabi nalang niya na maingat naman ang kaibigan niya at kukunin niya na lang ang kotse bukas saka ibabalik niya dito.

"You can atleast get a cab or any other car, bat yung kotse ko pa!" Nagdadabog na sabi ng kuya niya. Pinapanood  lang naman sila ng mga magulang nila pati ng asawa ng kuya niya na nagtatawanan pa.

''Vincent, Coleen tama na yan.. Para talaga kayong mga bata. Para kotse lang." Singit ng ama nila na napapailing nalang sa dalawa.

"Hon, kumain na nga tayo. Di na kayo mga bata no, tama si Daddy. Saka maingat naman yung kaibigan ni Coleen. Wag ka ngang maarte dyan. Minsan lang din naman may hiramin sayo ang kapatid mo eh." Paninita naman ng asawa ni Vincent na tumatawa rin.

Nakasimangot nalang si Vincent na sumunod sa dinner table na inakbayan na rin ang kapatid.

"Bukas ha. Yung kotse ko.. Kung di lang kita mahal talaga Coleen.." At hinalikan pa nito ang ulo ng kapatid.

"Oo na Kuya, ibabalik ko rin yun bukas okay." Kunway pagsusungit ng kapatid niya. Kaya ginulo gulo nalang ni Vincent ang buhok ng kapatid na kinainis nito kaya naghabulan pa ang dalawa sa dining room.

Tinawanan nalang sila ng Mag asawang Tan at tinawag na para sabay sabay silang kumain.

Masaya namang nagdinner ang buong pamilya habang walang katapusan na nagkkwentuhan at nagtatawanan dahil rin sa makukulit nilang apo.

Patapos na sila ng biglang tumikhim si Coleen kaya naman nagtanong ang Daddy niya.

"Do you have something to say Coleen?" Nakangiting tanong ni Don Enrique.

Napatingin naman ang Kuya Vincent niya sa kanya pati na rin ang Mommy niya na natigil din sa pagkain.

"Let me guess. Pabalik kana ba ng Brazil?" Sabi ng kuya niya na ikinatahimik ng buong hapag.

"Anak, hindi ba pwedeng wag kana lang munang umalis?" Saad ni Lucia na may halong lungkot.

"Wala kapa rin bang balak kaming tulungan ng Kuya mo sa pagpapatakbo ng kumpanya? Alam mo na nahihirapan na rin si Trishia sa pagpapatakbo ng kumpanya mo." Biglang seryoso rin na sabi ni Don Enrique na nakatingin sa anak.

"Dad, Mom..." Di alam ni Coleen kung ano pa ang sasabihin o magandang isagot sa sinabi ng ama niya. Alam niya na sa tono palang ng pananalita nito di na naman maganda ang kahihinatnan ng usapang yun.

''As always Coleen. Sabagay, kahit kelan naman talaga di ka na magiging interesadong tulungan kami ng kuya mo sa pagpapatakbo ng kumpanya natin." Sabi ulit ng Daddy niya.

"Dad.. Let's give Coleen some time to think about it. I know in time magugulat na lang tayo na siya na mismo ang uuwi dito para sabihing handa na siya. Right Coleen?" Napalingon naman si Coleen na sa sinabi ng kapatid niya. Naramdaman din niya ang mahinang pag sipa ng kuya niya sa paa niya para sumang ayon na lang dahil halos magkatapat lang sila.

"Daddy.. Nag eenjoy pa po ako sa barko. Saka napakalaking responsibilidad ng gusto niyong mangyari. Walang magbabago sa desisyon ko. Pag iisipan ko nalang pero siguro di pa talaga sa ngayon." Matigas na pahayag ni Coleen..

"Ano pa ba ang gusto mo anak? Nakuha mo na lahat ng gusto mo, naabot mo narin ang matagal mong pangarap. Di ka rin namin pinapakelaman sa gusto mo. Pero sana naman maintindihan mo na nag aalala lang kami sayo. Di parin kami sanay na nasa malayo ka." Nalulungkot na sabat naman ng Mommy niya na naiiyak na.

"Mananatili ka nalang siguro dito kapag mahina na kami. O siguro kahit pa magkasakit kami ng Mommy mo baka magdalawang isip kapa rin kung uuwi ka o hindi dahil dyan sa trabahong yan!"

"That won't happen Dad. Wag naman po kayong magsalita ng ganyan. Di naman kasi madali sakin ang lahat ng gusto niyo. Mommy.. uuwi pa rin naman ako kagaya ng dati e.." Sabi ni Coleen na tumingin pa sa kapatid niya na parang humihingi ng tulong para palamigin ang sitwasyon.

"When are you planning to come back again my dear sister? After a year? Tapos di kana naman magpaparamdam sa amin? Tama si Daddy at Mommy. Di mo ba naiisip na nag aalala din kami sayo. Ayaw lang namin na malayo ka. Kung ayaw mong hawakan ang kumpanya, it's fine. Just please, wag kanang umalis dito." Dagdag ng kuya niya na akala niya ay tutulungan siya para mapalamig ang daloy ng usapan.

Nakikinig lang naman si Grace na asawa ng kuya niya habang kalong kalong ang pangalawang anak nito.

"Di niyo parin ako naiintindihan. I'm happy with what i'm doing. Nag eenjoy ako sa lahat ng ginagawa ko dun." Malungkot na sabi ni Coleen.

"Di kaba magiging masaya kapag kasama mo kami? Mas masaya kaba na malayo samin at di mo kami magawang kamustahin." Tumaas ang boses ni Enrique.

"It's not like that Dad. Alam niyo na di yun ang ibig kung sabihin. Bat ba di niyo nalang ako intindihin muna.."

"Lagi ka naming iniintindi anak, pero kelan mo ba maiisip na kailangan ka rin namin. Na di kumpleto ang pamilya kapag wala ka dito." Nagsalita na ulit ang Mommy niya na hinawakan pa ang kamay niya.

Bumuntong hininga si Coleen at hinilamos ang dalawang palad sa mukha niya saka nagsalita.

"Okay fine..."

Natahimik ang buong mesa at napatingin lahat sa dalaga habang lahat ay naghihintay kung ano ang susunod pa na sasabihin nito.

"What?? Why giving me that weird  look?" Napatanong naman si Coleen dahil lahat ay nakatingin sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya kaya napabuntong hininga nalang siya ulit.

"Okay. Just give me few months. Aasikasuhin ko na ang mga papers ko para dito na ako magsstay." Laglag balikat na sabi ng dalaga na ikinangiti naman ng lahat at napatayo pa ang nagulat niyang Kuya.

"Really? Ikaw ba yan Coleen? Sure na yan ha! Wala ng bawian! " At niyakap niya ang kapatid habang nakatingin naman sa Mommy nila na tuluyan ng umiyak at tumayo na rin para yakapin si Coleen.

"Dad? Wag kanang magtampo please?  Eto na nga ohhh.. Totoo na this time, promise.. Aayusin ko lang ang mga papers ko para dito na ako magsstay kasama niyo.." Tumayo na si Coleen ang siya na mismo ang lumapit sa kinauupuan ng ama na di parin maipaliwanag kung nagtatampo parin ba o galit parin sa dalaga.

"Matitiis ba naman kita anak? Alam mo naman na kahit sobrang tigas mo at natitiis mo kami pero kahit kelan di kita matitiis kapag ikaw na ang nagsalita.. Mahal na mahal ka lang talaga namin Coleen." At nakangiti itong niyakap ang anak.

"Tama na nga yan. Nako dapat nga nagcecelebrate pa tayo dahil sa wakas. Makakasama na natin ng matagal si Coleen." Nakangiting sabi naman no Grace na sinagi pa ng kutsara ang baso na hawak nito para makuha ang kanilang atensyon.

" Just  please, wag niyo akong mamadaliin ha. Aayusin ko lang talaga lahat ng dapat ayusin. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ang trabaho ko na yun. "

"Basta Coleen yung kotse ko ibalik mo bukas ha!" Bigla namang sabi ni Vincent kaya naman napuno ng tawanan ang buong mesa dahil sa inakto ng kuya niya.

COLEEN'S POV

Kanina pa ako nakatayo dito sa terrace habang nagpapahangin. Huling tingin ko kanina sa oras halos mag papasado ala una na ng madaling araw pero di pa rin ako makatulog.

Magulo ang isip ko, di ko alam kung tama ba ang sinabi ko kanina habang nagdidinner kami kaharap ang Daddy Mommy ko. Sobrang saya nila sa desisyon ko. Ngayon ko lang sila ulit nakita ng ganun kasaya. Gusto ko rin naman talaga na magstay nalang dito sa Pilipinas kasama sila, pero mahal ko naman ang trabaho ko. Napamahal narin sa akin ang mga tauhan ko dun, at sigurado malukungkot sila kapag nalaman nila ang gagawin kog pagreresign.

Napabuntong hininga nalang ako. Siguro oras na rin, Daddy has point, mas maganda parin na magkakasama kami. At siguro this time kailangan ko narin silang tulungan sa family business namin.

"Coffee?" Napalingon ako at nabungaran ko si Daddy na nakapajama na may hawak hawak na tasa.

"What are you doing here this late hija? Dapat nagpapahinga ka, maghapon ka sa office kanina sabi ni Trishia." Nakangiting tumabi sakin si Daddy at inabot ko ang coffee na dala dala niya.

"Di lang ako makatulog Dad. Mamaya papasok din ako, napagod lang siguro ako sa maghapon trabaho sa office."

"Iniisip mo parin ba yung pinag usapan natin over the dinner?"

"Dad.." Ngumiti ako at humilig sa balikat ng Daddy ko.

"I missed this my baby girl.. Sana talaga seryoso ka sa desisyong yun. Mahal na mahal ka lang namin ng Mommy mo. If you're still not interested to work in the company its fine with us. You can have the whole house.. Basta nakikita ka lang namin dito at di kami nag aalala.."

Niyakap ko naman ang Daddy ko. Namiss ko rin yung ganito kami, simula kasi nung umalis ako at nagdesisyong magwork muna sa barko di nanaging maganda ang sumunod na pag uusap namin nun.

"I love you Dad.. Ginusto ko rin yung decision ko. Gusto ko na rin kayong makasama nina Mommy at Kuya. Just give me enough time para maayos ko lahat bago ako bumalik dito." Naiyak na ako bigla. Pano naman kasi namiss ko na ganito kalambing si Daddy sakin. Sobrang tigas ko rin siguro noon kaya natiis ko na di kami nakakapag usap ng ganito kalapit at kaseryoso.

Humarap naman si Daddy sakin at hinawakan ang mukha ko saka pinahid ng mga daliri niya ang tumutulong luha galing sa mata ko.

"Shhhhh.. You're still our baby girl no matter what Coleen. Sabi ko naman sayo diba? Magtatampo ako but still, iintindihin ko parin ang mga desisyon mo.. Tahan na anak.." At hinalikan ako ni Daddy sa noo ko dahilan para mapaiyak ako lalo.

"Napakadrama naman ata ng mag ama ko.." Napalingon kami sa tumatawang si Mommy na palapit samin. Niyakap niya rin kami parehas at pinisil pa ang ilong ko.

"Mom naman eh.. Stop pinching my nose.." Saway ko dito. Ganito din kasi siya simula pa noong bata pa ako.

"Namiss lang kita anak, parang si Daddy mo. Lika nga, payakap na ulit ako.." At nagtawanan kami habang magkakayakap kami.

Nakakamiss din talaga ng ganito.

Yung magkakasama kami at masaya kagaya dati.

"Basta ayusin mo na lahat ng dapat ayusin anak ha.. Para makabalik kana agad." Sabi ulit ni Mommy.

"Don't you think we should have a big party for our daughter hon?" Baling naman ni Daddy.

"Oh no! Dyan tayo di magkakasundo Dad.. Wag na, simple celebration or dinner na magkakasama tayo okay na yun." Tutol ko naman. Alam naman nila simula pa na ayoko ng magarbong party kagaya nun.

Nagtawanan lang naman si Daddy at Mommy saka niyakap ulit ako.

"I told you Enrique, thats definitely not a good idea. Right Coleen? Hahahaha!" At napuno ng tawanan namin ang terrace.

Pagkatapos ng konteng kwentuhan namin ay pumasok na rin kami sa kanya kanyang kwarto. Magmamadaling araw na rin kasi at maaga pa ako bukas.

Pagkahiga ko sa king sized bed ko ay napatitig ako sa kawalan.

Si Jane.

Bat ganun, inis na inis ako sa kanya lalo na kapag lagi niyang pinapainit ang ulo pero parang habang tumatagal nagugustuhan ko na ang presensya niya. Namimiss ko na rin sya lalo na nung ilang araw ko siyang di nakikita, i just need to be formal. Nakakahiya naman kasi kung may makaalam ng kaweirduhang naiisip ko.

That crazy girl used to pissed me off and laugh at me like she really enjoy to get me annoyed at her.

That girl.

Maganda naman si Jane. Sexy, maputi. Siguro nga marami ng naging ex yun. Pero bat ganun niya nalang ako kulitin. Anong bang kailangan niya.

Seryoso ba siya nung sinabi niya that night na makukuha niya ko? For what?

Gusto niya ba ako?

Urgghh. Di ko siya dapat pinag aaksayahan ng oras para isipin.

Isa pa. Imposible. Parehas kaming babae at napakabata niya pa. Dapat nga ako ang nagtuturo sa kanya kung ano ang tama at mali.

Shit! Bat ba kasi siya ang laging naiisip ko. Pati yung mga pambbwisit niya sakin simula pa noong una.

Di ako lesbian okay? Di ko rin alam bat iniisip ko siya. Damn. Ano ba tong naiisip ko.

"Wahhhhhhh!" At itinabon ko sa mukha ko ang unan ko.

This is all wrong.

Dapat di ako nag iisip ng ganun. 25 na ako for Heavens sake! Di naman siguro ako nagkakaroon ng identity crisis diba? Ngayon paba? Hayyy. Pagod lang siguro talaga ako.

Coleen! Mag isip ka nga! Pabulong na sabi ko at itinakip ulit ang unan sa mukha ko.

Kikitain ko nalang ang babaeng yun bukas para makuha ko na yung kotse ni Kuya. Saka makakalimutan ko rin yun. Paalis na rin ako after tomorrow.

Mawawala na rin yung laging nambbwisit sakin.

Pero parang nalungkot ako sa naisip kong yun.

Hay... Itutulog ko nalang to kesa mag isip pa sa bwisit na babaeng yun.

Kinabukasan...

Nagising si Jane dahil sa magkakasunod na pag ring ng cellphone niya kaya inis na inis nitong kinapa habang nakapikit pa ang cellphone sa ibabaw ng table niya.

"Where you at?" Biglang napamulat si Jane sa boses na narinig niya sa kabilang linya.

"Good morning babe, aga mo naman ata akong namiss ngayon.. hehehehe!" Nakangiting sagot niya dito.

"I'm asking where the hell are you right now para makuha ko na ang kotse ng kapatid ko. I don't want to waste any single time for this. May maaga pa akong lakad." Pagsusungit naman ni Coleen.

"Aminin mo na kase na kaya tinawagan moko ng ganito kaaga kasi gusto mong marinig ang boses ko. Come on. I wont get mad babe." Pang aasar pa nito habang humahagikhik.

"Drop it Jane! Pwede ba sabihin mo na kung nasaan ka para makuha ko na ang kotse ng kapatid ko. Di ako nakikipaglaro sayo." Tumaas na ang boses nito.

"Babe, ang aga aga pa kaya.. Wag ngang mainit ang ulo mo. Pwede bang mamaya nalang before lunch." Nag iinat na sabi nito na napahikab pa.

"Stop calling me babe! Listen Jane. Malapit na akong mapuno sayo! Di mo alam kung paanong paliwanag ang ginawa ko kagabi sa kapatid ko para lang di siya magalit dahil sa ginawa mong kalokohan! I'm giving you 30minutes to get your ass here at my office!" Galit na talaga ito.

"Ang aga aga pa kaya! Saka ibabalik ko naman talaga to e, malay ko din ba na di naman pala sayo yung kotseng yun. I just want us to talk. Lagi mo nalang kasi akong sinusungitan." Prenteng sagot ni Jane na bumangon na at humarap sa human size mirror ng kwarto niya.

"30minutes Jane. Wag mokong punuin." At walang sabi sabing binaba na nito ang tawag.

Sinubukang tawagan ulit ito ni Jane pero nakapatay na ang phone nito kaya naiinis na tinapon nito ang cellphone sa kama niya.

Nagmamadali nalang siyang nagshower at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto..

Tinext na rin niya si Yasmin na kukunin na lang niya yung kotse sa apartment nito.

Kakababa lang niya ng kwarto ng halos mapatalon siya dahil sa gulat ng magsalita ang Mommy niya na kagigising lang din.

"Where are you going this early Jane?" Tanong nito na tumingin pa sa relo para icheck ang oras.

"Mom! Wag nga kayong nanggugulat! Aatakihin ako sa puso sa inyo eh.."

"San kaba pupunta ng ganito kaaga? Himala ata at sobrang aga mo ngayon. Are you sick?" Sabi ng Mommy niya na hinawakan pa siya sa leeg.

"Syempre sa school Mom."

"Wala akong sakit no. Kailangan ko lang talaga pumasok ng maaga kasi kakausapin ko si... Si Yasmin.. kasi may report kami na di pa namin natatapos.." Muntik na itong madulas at iba ang masabi kaya iniba nalang nito ang tingin.

"Ganito talaga kaaga? Mag qquarter to six palang Jane." Di makapaniwalang sabi ng matanda na nakatingin sa anak nito.

"Mom naman, ayaw niyo yun.. Maaga na ako nagigising. I really have to go Mom. Maghihintay si Yasmin, sabi ko maaga ako e.." At hinalikan nito ang mommy niya saka nagmamadaling lumabas ng mansiyon pagkatawag nito sa driver niya.

Naiwan namang di makapaniwala ang Mommy niya sa gulat dahil sa inakto ng anak niyang si Jane. Usually kasi lagi itong late na pumapasok dahil halos tanghali na ito nagigising.

Paikot ikot naman si Coleen na naglalakad sa loob ng opisina niya. Habang di mapakaling tinitingnan ang oras sa wristwatch niya. Inagahan niya talagang pumunta dito dahil late na niya nabasa ang mail ni Trishia  sa kanya nung gabi na may pupuntahan pala silang contract signing bago mag 10am sa Batangas at di pwedeng wala siya dun. Kaya kailangan niyang kulitin ng sobrang aga si Jane dahil kailangan niya ang kotse ng kapatid niya dahil ito mismo ang nagpresentang magddrive sa kanila papunta doon. Buti nalang at hinatid muna nito ang asawang si Grace at dalawang anak nito sa bahay nila at sinabing sa opisina nalang ito susunod mamaya.

"Wala paba si Miss Mondragon?" Sabi nito pagkapindot ng intercom.

"Wala pa po Ma'am." Sagot naman ng secretary ni Trishia na maaga ring pumasok dahil kasama nila ito papuntang Batangas.

Napabuntong hininga siya at nagpalakad lakad ulit sa loob ng office niya.

Napatingin naman siya ulit sa cellphone niya na pinatay niya kanina dahil sa inis niya dito. Ayaw naman niyang tawagan niya ulit ito dahil baka di siya makapagpigil at sumabog na siya sa sobrang pikon dito.

Tiningnan niya ulit ang wristwatch niya at pasalampak na umupo sa swivel chair niya saka pina ikot ikot ang ballpen sa daliri niya.

Nasa kalagitnaan siya ng pag iisip ng bumukas ang pinto ng opisina niya at patungo sa gawi niya ang nakangiting si Jane na may dalang kung ano.

"Good morning babe, naghintay kaba?" Bati nito na nginitian ulit siya at lalapit pa sana ito para humalik kay Coleen pero hinarang nito ang kamay niya at tinaasan niya ito ng kilay.

"Can i get a kiss from you? Ayaw mo naman akong ikiss eh! Bat ba ang sungit mo babe.." Sabi nito at parang bata na medyo sumimangot.

"You're inside my office Miss Mondragon, pwede bang tantanan mo na ang kakatawag sakin ng babe?! Tumatayo ang balahibo ko sa sinasabi mo. Where's the car?" Salubong ang kilay na sabi nito na inilapit pa ang sariling mukha kay Jane para di marinig sa labas ang sinabi niya.

Ngumiti naman bigla si Jane at inilapit din ang mukha nito saka dahan dahang inayos nito ang pagkakakunot ng noo ni Coleen saka bigla nitong mabilis na hinalikan sa cheeks ang dalaga na medyo natulala sa mabilis na ginawa nito.

"Ayan, mas maganda tingnan na di ka nakakunot noo.. Did you like my kiss? " Parang teenager na umaktong kinikilig ito saka tinitigan si Coleen pagkatapos nitong mangalumbaba.

"Ano ba Jane! Will you stop doing that! Mamaya may makakita satin kung ano na lang isipin nila! I'm asking where is the car! Pwede bang ibigay mo nalang sakin yun!" Biglang sabi nito na di naman pinansin ni Jane na nakatitig parin dito.

Magsasalita pa sana si Coleen ng biglang bumukas ulit ang pinto ng office niya at niluwa nito ang Kuya niya na nakangiti pa na dere deretsong pumasok sa loob.

"Good morning my dear sister, may magandang bisita ka pala..." Nakangiting bati nito.

"Wait! Di ba ikaw si Jane Mondragon? Altheo Estrella's one and only grand daughter? I can't be wrong ikaw yun!" Tanong ni Vincent na bakas sa mukha ang paghanga sa dalaga.

"Hi, Kilala mo po pala ang Lolo ko.." Nahihiyang sagot naman ni Jane.

Nakatitig lang naman si Coleen habang nakatingin sa dalawa.

"Nako wag kanang mag "po" sakin. Sa gwapo kong to, di naman halata na mukhang magka age lang tayo eh." Pagpapacute nito na tumikhim pa saka nilahad ang kamay.

"Kuya?!" Biglang singit naman ni Coleen na namewang pa saka tiningnan ng masama ang kapatid.

"What? Biro lang, di mo naman kasi sinabi Coleen na magkakilala pala kayo ng nag iisang apo ni Don Altheo. Hehehehe! Anyway, hayaan mo nalang yang kapatid ko na yan Jane, masungit talaga yan."

"Wala pa kasing boyfriend." Dugtong pa ng kuya niya na halos pabulong pa na sinabi kay Jane kaya napatingin ito kay Coleen na nakataas ang kilay na masama ang tingin sa kanilang dalawa.

Tumawa naman ang dalawa sa reaction si Coleen. Kita kasi sa mukha nito na napipikon na ito.

"What? Tigilan niyo akong dalawa! Pwede ba kuya, ano bang kailangan mo?" Pag iiba ni Coleen ng tanong para maitago ang inis.

"Di ba aalis na tayo papuntang Batangas? At syempre para makilala ang magandang dilag na 'to. Vincent Tan nga pala, ang nag iisang poging kapatid ng masungit na kaibigan mo." Nakangiting pagpapakilala nito na nakipagkamay kay Jane.

"Where not that..."

"Hi, di ko na siguro kailangan pang magpakilala kasi kahit pa ata parents ko kilala mo na.." Nakangiting singit ni Jane sa sasabihin sana ni Coleen.

Nagkamay naman ang dalawa. At nagkwentuhan pa na tila wala si Coleen sa loob kaya lalong itong nainis na kinalikot nalang ang cellphone para maiwasang makinig sa pinag uusapan ng dalawa. Di rin naman familiar sa kanya ang pinag uusapan ng mga ito dahil matagal na siyang wala dito sa Pilipinas at di pa siya noon interesado sa business world.

Nakampante na rin si Coleen dahil sinakyan nalang ni Jane ang paliwanag niya tungkol sa kotse niyo nung magtanong ulit ang kuya niya.

"Bat di nalang natin isama sa Batangas si Jane, Coleen?" Napataas ulit ang kilay ni Coleen sa tinanong ng kapatid niya. Si Jane naman ay nakangiti lang at nakatingin din sa kanya.

"Yea, i can join you guys.. Wala naman akong gagawin." Jane.

"No. Di pwede. May pasok yan ngayon. At ano naman ang gagawin niya dun." Nagbaba ulit ito ng tingin habang kinakalikot ang cellphone.

"Well, Di mo ba binasa ang Report Summary ni Trishia? Isa sa makakasama natin dun si Mr Altheo Estrella which happen to be Miss Jane's grand father, isa kasi siya sa may malaki ring share sa project na yun. Dapat umpisahan mo ng maging interesado sa business natin Coleen. Isa sa mahalagang part ng...''

"Kuya. You don't have to remind me. Di ka naman siguro si Daddy diba? We already talk about that last night." Wala sa mood na sabad nito sa kapatid.

Tumawa lang naman si Vincent saka tumingin kay Jane kaya lalong nainis si Coleen sa dalawa.

Bigla namang pumasok si Trishia para sabihin na handa na ang mga papeles na kailangan at kailangan na nilang umalis para di sila malate sa pupuntahan nila.

Sinabi rin ng Kuya niya na kasama nila si Jane kaya naman wala na ring nagawa si Coleen dahil alam niyang di rin siya mananalo sa Kuya niya.

Tuwang tuwa naman si Jane na nakipagkwentuhan ulit kay Vincent.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.