The Lady Marine Engineer Chapter 9

JANE'S POV

Nakakwentuhan ko ng medyo matagal si Trishia. Matagal na pala siyang personal secretary ni Coleen. At pagpasensyahan ko nalang daw ang boss niya dahil pagod daw yun buong araw. Limitado lang din ang mga impormasyon na binigay ni Trishia sakin tungkol kay Coleen kahit pa sandamakmak na ata ang mga tinanong ko tungkol dun. Tikom ang bibig niya dahil ayaw daw ni Coleen na pinag uusapan sya. Kaya naman ako lang ang tinanong ng tinanong ni Trishia, nagulat daw kasi sya na magkakilala pala kami ng boss niya. Napa oo nalang ako para di na masyado pang magtanong kung paano kami nagkakilala.

Matatagalan pa raw sa meeting si Coleen kaya naman umalis na rin ako.

Bahala na nga, siguro babalik nalang ako bukas sa office ni Coleen. Di ko talaga siya titigilan hanggat di niya ako kinakausap ng maayos. Talo pa niya ang Mommy ko sa sobrang katarayan. Pwes, di sya uubra sakin hanggang sya na mismo ang sumuko sa kakulitan ko.

Papasok na sa gate ng mansiyon ang kotse ko ng maabutan ko na halos kakarating lang din ng kotse ni Mommy. Kaya hinintay na niya ako sa may pinto hanggang makababa ako ng kotse.

"Where have you been? Pinahanap kita sa driver mo sa buong school niyo wala kana naman dun." Bungad ni Mommy na halatang nagsusungit sungitan lang naman.

"Mom, may kinausap lang akong importatanteng tao. Ikaw naman.. I miss you Mom." At pinupog ko ng halik si Mommy habang yakap yakap ko sya.

"Alam mo talaga ang kahinaan ko ha. Pero di kapa nakakalagpas. Nagpapasama ako the other day sayo para imeet yung anak anakan ng Daddy mo sa barko pero di naman kita macontact at di ka nagrereply nun." May halong pagtatampong sabi ni Mommy.

"Mom, i'm too busy that day. Saka nagmessage naman ako sayo kahit late na diba.. Wag na magtampo Mom. Meet nalang natin siya ulit or lets envite him over the dinner." Nakangiting sabi ko habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Mommy ng makaupo kami ng sofa.

"Her. Babae yun Jane. Di ka talaga nakikinig sakin kagabi.. I've been telling you about her last night pero mukhang tinulugan mo lang na naman ako kaya limot mo na ang mga sinabi ko." Pagtatama ng Mommy ko.

Oo nga no. Parang naaalala ko nga mga knwento niya kagabi kaso antok na antok talaga ako kaya nakatulog na ako habang nagsasalita pa siya.

"Ahhh, yea.. Medyo natatandaan ko Mom no. Pagod lang talaga ako kagabi. As i told you Mom. Invite mo nalang siya para din makilala ko, saka bibili rin ako ng pwede kong ipabigay kay Daddy. Kelan ba alis nun? " Shocks! Bibili nga pala ako dapat kanina ng ipapadala kay Daddy kaso inuna ko pang puntahan si Coleen. Nakalimutan ko na naman tuloy.

"Sa isang araw na ata, di ba sinabi ko na sayo? Sige at tatawagan ko mamaya. Sana lang hindi busy yun, marami pa kasing tinatapos na trabaho yun sa kumpanya nila."

Nagkkwento pa si Mommy pero nawala na ang focus ko ng marinig na nagriring ang cellphone ko.

"Wait Mom. This is important." At tumayo na ako para sagutin ang tawag galing kay Yasmin.

"Hello Yas? Nagawa mo ba?" Pabulong na tanong ko dito.

"Bwisit ka talaga Jane! Huli na to ha. Pag ako nahuli sasakalin talaga kita!" Malakas na sagot nito.

"I'm asking if nagawa mo ba yung pinapagawa ko!" Ulit ko sa kanya.

"Oo na! Daanan mo nalang sa apartment ko bukas."

"Okay thanks best! Love you.. Bye!" At napatalon ako sa saya. Sa wakas, ikaw din ang maghahanap sakin Coleen.

Kinuha ko lang naman ang kotse ni Coleen at hinatid ko kay Yasmin, sabi ko ingatan niya at kukunin ko sa kanya bukas. Takot na takot nga ang gaga, syempre boss niya ang may ari nun e. Pero sabi ko ako na bahala sa kanya. Kaya sabi ko dun na muna niya ipark sa apartment niya dahil di ko pwedeng dito sa bahay iuwi yun dahil sigurado uulanin na naman ako ng sandamakmak na tanong ni Mommy. Tapos dun na ako nagpasundo sa driver namin sa may coffee shop para di magtaka si Mommy kung bat nakataxi akong nakauwi. Ayaw kasi nito na nagtataxi ako dahil may sariling kotse at driver naman daw ako.

"Baka kalokohan na naman yan Jane ha. Lagi mo nalang pinapasakit ang ulo ko." Narinig kong nagsalita si Mommy.

"No Mom, si Yasmin lang yun.. Yung thesis kasi namin, sabi niya tutulungan niya ako.." Pagdedeny ko. Totoo naman kasing si Yasmin e. Pero syempre di ko na pwedeng sabihin na di naman talaga thesis yun hahaha.

"Be sure na thesis talaga. Baka mamaya babae na naman yan. Magpakatino kana nga Jane, unahin mo yang pag aaral mo kesa kalokohon mo. Aakyat na ako para tawagan si Coleen para magdinner dito. Wag ka ng umalis, baka pagbaba ko di ka na naman mahagilap." At umakyat na si Mommy na di man lang ako nilingon.

"Wait Mom, Coleen? Sinong Coleen??" Kilala ba ni Mommy si Coleen? O baka naman kapangalan lang? Imposible naman.

"Naikwento ko na sayo lahat kagabi, di mo na naman maalala. Magbihis kana at papupuntahin ko nalang yung maid sa kwarto mo kapag magdidinner na tayo." At tuluyan ng umakyat di Mommy hangang di ko na siya makita.

Baka naman yung mineet niya na kasama ni Daddy sa barko. Imposible naman na si Coleen yun e itsura palang wala sa mukha nitong nagtatrabaho sa barko. Saka boss ito ng kilalang fivestar hotel. Kapangalan lang siguro talaga. Napangiti ako bigla sa naisip ko.

Gusto ko na tuloy ulit makita ang future girlfriend ko. Ano kayang ginagawa niya ngayon. Siguro nakasimangot na naman yun. Hahahahaha.

Ang saya saya ko tuloy ngayon dahil sa kanya. Napapangiti ako kapag naaalala ko yung kunot niyang mukha na pikon na pikon sakin kanina.

Hahanapin mo rin ako Coleen. This time siguradong kapag nalaman mo kung ano yung nawawala ikaw na mismo ang maghahanap sakin.

At pasayaw sayaw na umakyat ako papunta sa sa sariling kwarto ko.

Mag aalas singko na ng matapos ang kwentuhan at meeting ni Coleen kasama ang mga classmate niya na pinag usapan ang fund para sa charity ng organization nila.

Kakababa lang din ng tawag galing sa Kuya niya na pinapauwi na siya dahil hinihintay na raw siya ng mga pamangkin niya para sa dinner nila kasama ang buong pamilya. At siyempre, yung kotse daw niya. Ibalik na daw ng dalaga dahil okay na daw yung ginagamit nitong kotse, nakuha na daw ng driver nila sa casa. Napapailing na natatawa nalang ito sa pagiging isip bata ng kuya niya.

Kaya naman nagmamadali na siyang pumasok sa sariling office niya para kunin ang mga gamit niya pati ang susi ng kotse niya ng lalong sumakit ang ulo niya ng di ito makita. Kaya naman tinawagan nito si Trishia sa intercom para tulungan siyang maghanap.

"Where the hell is that key!" Patuloy na paghahanap niya. Ang alam niya kasi naipatong niya lang ito sa ibabaw ng table niya at di niya inalis yun.

"Yes Ma'am? Ano po yun? " Tanong ng kakapasok lang na si Trishia.

"Help me to find my brothers key! Kanina pa ako hanap ng hanap. Lagot ako nito kay Kuya." Naghihimutok na sabi nito habang kulang nalang itapon ang mga gamit sa mesa niya.

"Ng kotse? Akala ko ba pinahiram mo kay Miss Mondragon kanina?"

"What? Why should i do that? It's my brothers car for God's sake! Alam mo naman kung gaano kamahal ni Kuya ang kotseng yun, ni ayaw pa nga ipahiram sakin kahapon. Kung di ko lang kailangan ng kotse di ko hihiramin yun." Seryosong sabi nito na napakapit sa ulo.

"E di ba nga pinahiram mo? Makakalimutin kana Coleen." Natatawang sabi nito.

Sumingkit lang naman ang mata ni Coleen habang nakatingin kay Trishia na parang naghihintay pa ng ibang sasabihin nito.

"Di ba? Sabi mo pa nga daw kay Miss Mondragon tatawagan mo nalang daw siya kapag kukunin mo na yung Kotse. Iniwan pa nga niya yung contact number niya dyan sa table mo kasi nagmamadali ka daw kaninang pumunta sa meeting mo kaya di niya nasabi agad sayo na nagpalit na siya ng number. " At nagtungo si Trishia sa table ni Coleen at hinanap ang sinasabing papel saka inilagay sa kamay ni Coleen na tulala at nag iisip kung may sinabi ba siyang ganun kanina.

Tumatawa at umiiling naman na lumabas ng opisina niya si Trishia.

COLEEN'S POV

Nakatayo pa rin ako dito habang hawak hawak ang papel na nilagay ni Trish sa mga kamay ko. Di pa kasi nagsisink sa utak ko lahat ng mga sinabi niya kanina.

Yung kotse ni kuya?

Pinahiram ko daw?

At dun pa sa makulit na babaeng yun na di ko nga kilala bukod sa pangalan nitong Jane Mondragon.

Binasa ko ang nakasulat sa papel na hawak hawak ko.

Call me babe :)

0995***5**1

Tumaas lalo ang kilay ko sabay hampas sa table ko.

Bwisit talagang babae yun! Pinupuno niya ako! Ano na lang ang sasabihin ko sa kapatid ko? Na pinahiram ko sa di ko kakilala yung mahal na mahal na kotse niya? Damn!

Mabilis na kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at halos mabitawan ko ito habang pinipindot ang number ng bwisit na babaeng yun.

"Where is the fuckin' car Jane?! I need that car now!" Galit na sabi ko ng sagutin niya ang tawag ko.

"Hey babe, di mo man lang ako binati muna.. Miss mo na ako agad? Kanina lang tayo nagkita e.." Tumatawa pa ito sa kabilang linya. Alam na alam talaga nito kung pano ako maaasar.

"Stop calling me that way! Where is my car!" Padiing sabi ko.

"Babe, pagod ako kakahintay sayo kanina dahil pinaghintay moko sa wala. Let's have a breakfast tomorrow okay? Call me before 7am." Humahagikhik pang sabi nito na di man lang pinansin ang galit ko.

"I'm not playing games with you Jane! Will you just.."

"Mag aaral pa ako babe, di ba sabi mo dapat nag aaral akong mabuti kesa kung ano ano ang ginagawa ko.. Tomorrow okay? Bye. Mwah!" At naputol na yung tawag. Naiwan naman akong nag uusok sa galit at inis habang nakatingin sa cellphone ko na pinipigilan kong itapon sa sobrang pikon at galit.

Kaya naman dinial ko ulit ang number niya paulit ulit pero di ko na siya macontact. Seryoso ba ang babaeng baliw na yun? At ngayon niya pa talaga sinabi na sabi ko pa na mag aral siya kesa kung ano ano ang ginagawa.

Ano na ngayon ang sasabihin ko kay Kuya. Napaupo ako habang nag iisip ng makatanggap ako ng text galing kay Mommy na tinatanong kung on the way na daw ako kaya lalo akong nang ngitngit sa galit.

Humanda ka bukas Jane! Napupuno na ako sayo!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.