The Lady Marine Engineer Chapter 20

JANE'S POV

Andito kami ngayon ni Coleen sa isang kilalang mall, ayaw niya sanang dito magpunta dahil medyo malayo ito at dulo na ng port area pero wala na rin siyang nagawa dahil kinulit ko siya ng kinulit at sinabing di pa ako nakakapunta dito. Kaya naman napapayag ko na siyang magpunta dito.

Seryoso siya buong byahe namin at halos di ako kinakausap kahit lahat na ata ng kwento nasabi ko na sa kanya.

Ngayon naman iniwan niya ako dito sa kilalang boutique habang namimili ako ng damit, tatawag lang daw muna siya sa barko dahil may nakalimutan lang daw siyang ibilin.

"Hi Miss.."

Napalingon ako sa dalawang babaeng malapit din sa kinatatayuan ko habang namimili ng jeans. The one looked like American and the tall sophisticated look girl looks like a magazine model. Maganda kasi ito at parang hawig sa commong model girls na nababasa ko sa ilang ellite magazine. Idagdag mo pa ang halos nakaluwang damit nito na nag eexpose ng malaking dibdib nito.

Her brows where high. It seemed to be shaved and shaped to be that way. Bilugan ang mga mata nitong naaadornohan ng makakapal at malalantik na pilik. Matangos din ang ilong nito na siyang nakakadagdag ng ganda nito.

"Done checking me?" Natigilan ako saglit ng marinig ko ang boses nung magandang babae na tinitingnan ko. Di ko na namalayan na nakalapit na pala sila sa kinatatayuan ko kakatingin dito.

Ngumiti lang naman ako habang nag iisip ng pwedeng sabihin.

"Amanda, and you are? Ohh.. my friend here, she's Macey." Biglang lahad nito ng mga kamay bilang pagpapakilala.

Iba talaga dito sa US, liberated ang mga tao at ginagawa na lang ang gustong gawin ng walang may pakealam.

"Jane." Nakangiti ko na lang na tinanggap ang palad niya. Pero laking gulat ko ng bigla niya akong hinalikan malapit sa lips ko at nakangiting tumingin sa akin. Sabagay. Wala lang naman yun dito.

"You're from? I think you're not from here. You look beautiful.."

''Are you alone?"

Nakangiting tanong ni Amanda. Pero nakikita ko sa mata nito ang ibang titig. Titig na nakikita ko sa mga mata ng mga babaeng nakikilala ko na naikakama ko rin at kinabukasan nakakalimutan na.

Napangiti ako sa isiping yun.

"We can go for a coffee.. I think you're alone and you need a company." Dagdag nung pinakilala niyang Macey na may iba ring ngiti.

"Uhm...." Shit, di nga pala ito Manila, isa pa kasama ko si Coleen.

Napansin ko pa ang malalagkit na tingin sa akin nung Amanda.

"She's with me."

Biglang kumabog ang puso ko ng marinig ang boses sa may likuran ko.

Napatingin naman ang dalawa sa may likuran ko at lalong lumawak ang pagkakangiti nila ng makalapit si Coleen.

"Ohhhh.. Looks like we really have a rainbow connection." Macey.

Alam ko kung anong ibig sabihin ni Macey pero nanatili lang akong nakangiti.

Pakiramdam ko tuloy ayaw ni Coleen na may ibang babaeng lumalapit sakin.

Tinaasan lang naman ng kilay ni Coleen ang sinabi ni Macey at seryosong tumingin sa akin na parang nagtatanong.

"Ohhhh.. Looks like my girlfriend here is not in the mood." Pabirong sabi ko na ikinatawa ng dalawa. Siguro nasense nga nila na bisexual ako kaya lumapit at akala naman nila nag iisa lang ako.

"We need to go. We need to get back before 5pm." Di ngumingiting sabi ni Coleen. Kung baril lang siguro ang mga mata nito baka kanina pa ako duguan sa mga tingin niya.

"Anyway, we're happy for you two. We're also gays. Again. This is Macey, actually she's my girlfriend. And i am Amanda."

"Whe're just roaming arround when we saw your girl. So we thought maybe.." Tuloy tuloy ang salita habang nakalahad naman ang kamay ni Amanda para sana makipagkilala kay Coleen.

"She's not my girlfriend. Thanks for the time but we really have to go." Pagpuputol ni Colleen sa sinasabi ni Amanda.

Ang sungit naman ng girlfriend ko.

Natigilan naman ang dalawa na nagpalit palitan ng tingin sa aming dalawa. Habang si Colleen naman ay walang pakialam sa reaction nila at binitbit ang mga paperbags na laman ng pinamili ko. Saka nag umpisang maglakad.

"Let's go Jane."

Masungit na sabi pa nito sakin bago ako tingnan ng masama. Pero bago pa ako sumunod sa kanya ay humarap muna ulit ako sa dalawa.

"She's my wife. Not just a girlfriend." Nakangiting sabi ko at kinindatan pa si Coleen na napatingin sa sinabi ko.

"We really have to go, thanks for the time ladies.." At halos malaglag ang panga ng dalawa na halos di makapaniwala sa sinabi ko bago ako tuluyang tumalikod.

"Lets go babe!" At sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko nun bago ko ikinawit ang kamay ko sa braso ni Coleen habang naglalakad kami paalis.

"Ano ba Jane! Bat kailangan mo pang sabihin yun, saka pwede ba wag ka ngang clingy. Mamaya may makakita satin dito kung anong isipin."

"Whe're in California babe, sino namang makakakita dito satin no?" Idinikit ko lalo ang katawan ko sa kanya at ihinilig ang ulo ko sa balikat niya.

"May d.. dala dala ako.. Umayos ka nga.." Narinig ko sabi niya.

"Babe... Gutom na ako..." Paglalambing ko sa kanya.

"Stop calling me that way Miss Mondragon!" Angil niya.

"Bat ba ang sungit mo Coleen. I just want to eat.. Kanina pa ako nagugutom. Antagal mo kasi e.."

"Kailangan kong tumawag sa barko para siguraduhing maayos ang lahat. Isa pa. Panong di ka magugutom e inuna mo pa makipag usap sa mga babaeng yun! E kung kumain kana muna habang hinihintay ako."

Mataray na sabi nito at  inungusan ako sa paglalakad.

"Bilisan mo maglakad. Wala tayo sa buwan. Kumain na tayo para mapuntahan pa natin ang iba pang gusto mong puntahan para makabalik na rin tayo ng barko." At di man lang ako nilingon nito bago pumasok sa isang restaurant na nadaanan namin.

Hinayaan ko nalang syang mag order at di na ako nagsalita pa.

Tahimik lang kaming kumain at di nagpapansinan. Kinausap ko siya kanina pero ang sagot niya lang "just eat" kaya naman di na ako nagsalita pa. Di ko naman kasi alam bat ang sungit sungit niya sakin.

Malapit na kaming matapos kumain ng makaramdam ako ng pangangati. Pakiramdam ko rin ang init init ng pisngi ko.

"What's wrong?" Seryosong tanong nito na nakatitig sakin. Napansin niya siguro na di ako kumportable.

"W.. wala.." Di ko nalang siya tiningnan at inubos ang nasa plato ko.

Tinawag naman ni Coleen ang waiter. Siguro oorder pa. Di ko na lang siya pinakialaman pa at kumain na lang.

Susubo pa sana ako ng bigla nalang siyang lumapit sa kinauupuan ko at inagaw ang plato ko.

"You're allergic to seafoods. May oras ka para makipag usap sa mga babaeng yun pero pagtingin lang sa pagkaing kakainin mo di mo pa nagawa."

Napatingin ako sa sinabi niya saka napatingin sa platong inagaw niya. Damn! Allergic nga ako sa seafoods. Bat di ko man lang tiningnan yung inorder niya bago ko kainin.

"Ma... May seafoods bang halo yung pasta?" Natanong ko na lang.

''Ngayon kapa magtatanong ubos mo na. Magbibill out na ako. Bumalik na tayo ng barko bago pa kumalat yang allergies mo." Puno ng pagsusungit na sabi niya na di man lang ako tiningnan. Tinawag nya na lang ang waiter saka nagbayad.

This isn't good.

Naparami ang kain ko ng pasta. The last time na nagka allergy ako nahospital ako dahil namaga ang katawan ko pati ang air passage ko kaya nahirapan akong huminga.

"You okay?" Di ko namalayan na nakatayo na siya sa harapan ko.

"Okay lang ako." Tumayo na ako at nauna sa kanya. Dinala niya naman ang mga dala ko kaya di ko nalang inagaw sa kanya. Isa pa nag umpisa na talaga akong mangati at pakiramdam ko mainit ang buong katawan ko.

Pagkasakay namin ng taxi sinubukan ko nalang isandal ang ulo ko at ipinikit ang ulo ko.

"Sakin ka sumandal. Baka mauntog yang ulo mo. Mahaba haba pa ang byahe kaya umidlip ka muna." Mahinang sabi niya.

Tama ba yung narinig ko?

Ayan na naman siya. Nagbago na naman mood niya. Kanina lang galit na galit siya sakin tapos ngayon naman gusto niyang sa kanya ako sumandal.

"I'm fine." Sinagot ko nalang.

"Such a stubborn young young lady."

At naramdaman ko nalang na kinabig niya ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Parang sasabog sa lakas ng tibok ang dibdib ko ng magdikit ang mga balat namin. Bat ba kasi ganito na lang ang dating ng babaeng to sakin.

"Jane...."

"Hmmmmm...?"

"Okay ka lang ba talaga?" Pagtatanong niya ulit.

"Bigla ka ata naging concern. Kanina lang kung awayin moko kala mo may masama akong ginawa."

"Because you are talking with those girls..."

Ano daw? Ang babaw naman atang dahilan nun para magtaray siya kanina.

"I mean.. Di mo naman kasi kilala yung mga yun. Saka halatang iba ang gusto." Dugtong niya ng di ako sumagot.

"Selos ka lang eh." Halos pabulong na sabi ko.

''What?"

"Wala.. How did you know pala na allergic ako sa seafoods?" Pag iiba ko sa usapan namin.

"Your dad keeps on telling me about you.."

"Young kakulitan mo, katigasan ng ulo mo. At yung pagiging pasaway mo at pagpapasakit ng ulo mo sa Mommy mo." Natatawang kwento nito.

Di ko talaga maintindihan ang mood nito. Ang bilis magbago.

"So, sinabi din ni Daddy kung gaano kaganda ng anak niya? Hahahaha!"

"You're not beautiful."

Seryoso ba siya? E ako ata ang Queen bee ng university namin at maraming nagkakandarapa para lang mapansin ako. Tapos sasabihan lang ako ng bruhang to ng "you're not beautiful" .

"Di daw, e kung makatitig ka sakin kanina nung pumasok ka sa office ni Daddy kulang nalang yakapin mo ako." Natatawang pang aasar ko.

"Ikaw ang yumakap sa akin. Saka bat kasi ganyan ang suot mo e mamimili lang naman tayo." Masungit na sabi niya.

"Ayan. Nagbabago na naman ang mood mo. Makatulog na nga lang." Ipinikit ko na lang ang mata ko at niyakap ko siya. Akala ko aalisin niya ang kamay ko pero wala naman akong naramdamang iba maliban sa pagbuntong hininga niya.

"Jane..." Tawag ulit niya. Ano na naman kayang sasabihin nito.

"Papagalitan mo na naman ako. Parehas na parehas kayo ni Daddy."

"I- I just want to say sorry for the pasta. Nawala rin sa isip ko na allergic ka dun.." Coleen.

"Okay lang yun. Hinayaan mo naman akong yakapin ka eh. Plus pinasandal mo pa ako sayo." Kinikilig na sabi ko.

"Umidlip kana nga lang. Pagdating natin uminom kana ng gamot. Dadalhin kita sa clinic ng barko." 

Naiinis na sabi niya. Pikon talaga.

Pero kinikikilig ako dahil ramdam na ramdam ko na concern siya.

Pero sobrang saya ko ngayong araw na to. First time naming magkasama ulit ni Jane after 6mos na di kami nagkita. Kahit di kami gaanong nag uusap masaya parin ako na kasama ko siya.

Bwisit naman kasing allergy ko yun. Matagal pa sana kaming magkasama kung di dahil dun. Ayoko naman siyang kulitin na magstay pa kami kasi nagwoworry din ako baka lumala pa yung allergies ko.

Okay na rin siguro yun dahil hinayaan niya akong humiga sa balikat niya at yakapin siya.

Unti unti ko nalang ipinikit ang mata ko habang nakasandal parin sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.