The Lady Marine Engineer Chapter 21

Pagkadating ng dalawa ay agad naman dinala ni Coleen si Jane sa clinic ng cruise ship para mabigyan agad ito ng gamot. Halos mamaga na kase ang leeg at balat nito sa pamamantal. Kaya naman nag alala masyado si Coleen dito. Pinabantayan niya nalang ito sa nurse ng barko at sinabi sitong wag paaalisin hanggat si pa siya nagiging okay.

"Miss Jane wala po ang Daddy ninyo. Pinabibigay na lamang po niya ito sa inyo once daw na nakabalik na kayo ni Chief Engineer Castro."

Nakangiting sabi ni Kylie, ang nurse ng cruise ship na siyang binilinan ni Coleen para bantayan siya. Inabot niya sa dalaga ang sulat bago tuluyan bumalik sa table nito.

Ngumiti nalang din si Jane na tinanggap at binasa ang sulat na pinabibigay ng Daddy niya. Napakunot nalang ang noo niya ng malaman na bukas pa daw makakabalik ang Daddy niya ng barko dahil may inaasikaso daw ito sa BOC. Basta kapag may kailangan daw siya ay magtanong lang daw siya kay Coleen dahil di sya pababayaan nito. Kaya naman bigla nalang din siyang napangiti sa huling nabasa niya.

"Can i go now? Medyo okay naman na ako, saka kahit tanggalin mo na rin tong nakakabit sa kamay ko." Jane.

Tiningnan lang siya ng Nurse at ngumiti.

"Sorry Ma'am Jane. Kabilin bilinan po ni Chief engineer na wag ka daw paaalisin hanggat di nauubos yang dextrose mo. Saka hanggat namamantal kapa." Mahinahong paliwanag nito kay Jane.

"Swear I'm fine. Saka magpapahinga lang din naman ako sa kwarto ni Daddy e.."

Naiinip na kasi si Jane dahil halos tatlong oras na siya dito, inabot na rin siya ng dinner kaya lalo siyang nairita. Kanina pa rin kasi siya nagmamakaawa sa nurse na paalisin siya pero di siya nito pinapansin.

"Di po talaga pwede Ma'am. Wala po dito si Captain Mondragon kaya sabi ni Chief Engineer di kaw daw pwedeng paalisin dito, unless siya ang nagsabi." Sinulyapan lang siya nito saglit at bumalik sa binabasa niya.

"What?? Sinabi niya yun? Okay lang naman ako eh! Nasan ba sya, ako nalang ang kakausap sa kanya."

Naiinis na sabi ni Coleen. Pero lalo lang siya nainis ng di na siya pinansin ng Nurse at tinuloy lang ang pagbabasa nito sa hawak na folder.

"I'm talking to you! Kanina yung nurse na pinalitan mo ganyan din. Kanina pa ako daldal ng daldal dito!"

"Will you just let me take a rest in my Daddy's room?! Mas makakapag pahinga ako dun. Isa pa asan ba yang Coleen na yan!"

Tuluyan ng uminit ang ulo ni Jane dito lalo na ng parang bingi lang itong di man lang siya tinapunan ng tingin.

"What?! Talk to me! Bat ba ayaw niyo akong pansinin at kausapin! What's wrong with this clinic!!"

"Kapag di kapa sumagot tatanggalin ko tong mga nakakabit sa kamay ko!!" Pananakot ni Jane sa nurse kaya naman di magkaintindihang napatingin ang nurse dito.

'' I want to talk to your Chief Engineer! Di na ako bata. I can already handle myself!"

"Isa pa andito nga ako pero ayaw niyo naman akong kausapin! Ano bang problema?!"

"Kasi po Miss Mondragon..." Kinakabahang di makatingin kay Jane na sabi mi Kylie.

"What?!"

"Asan ba si Coleen kasi?"

Mataray na tinitigan ni Jane ang kabang kabang nurse.

''Bilin po kasi ni Chief Engineer na..."

Pinaningkitan naman ni Jane ng mata ang nagsasalitang nurse.

"Wala daw po pwedeng kumausap sa inyo o umistorbo. At di daw pwedeng umalis ka dito ng di niya nalalaman."

"Seriously? Ano naman ang gagawin ko dito!" Napasimangot na sabi ni Jane.

"Sorry Ma'am yan po ang bilin ni Chief eh." At itinuloy nito ang pagbabasa.

"Can i atleast talk to her? Asan ba siya?"

Nag aalangang tumingin ulit ito sa kanya.

"Eh Ma'am kasi....."

"Just let me talk to her please? Last na yan.. promise di na ako mangungulit.'' Pagmamakaawa ni Jane dito.

"Basta Ma'am kayo po ang kumausap at mag explain ha. Ayaw po talagang nagpapaistorbo si Chief Engineer Castro eh.. Malalagot po ako dun."

Tumango naman si Jane bago pa tumayo si Kylie at nagdial sa telepono. Matapos nitong makipag usap sa sumagot ay mabilis na dinala nito ang telepono kay Jane.

"What?'' Bungad ni Coleen.

"Coleen.. Naiinip na ako, where are you?" Paglalambing nito.

"I'm busy. Nagbilin na ako kay Kylie. Matuto kang makinig sa nurse mo para maging okay kana."

"Where are you?" Tanong ulit nito.

"Ang kulit mo na naman. Mamaya aakyat na ako dyan. Magpahinga ka muna di yung wala kanang ginawa dyan kundi kulitin ang mga tao dyan. May tinatapos lang ako."

"Kukulitin ko lang ng kukulitin yung nurse niyo kapag di kapa umakyat dito. Ikaw din baka......"

"Dont you dare Jane! Sundin mo nalang ni Kylie. Wag mong pasakitin ang ulo ko!" Kalmado pero madiin ang pagkakasabi nito.

"30 minutes. Pag ikaw wala kapa dito bahala ka. Bye! Mwahh!" At binabaan na niya ng telepono si Coleen saka inabot kay Kylie ang telepono.

Nakanganga naman at nagulat si Kylie sa sinabi ni Jane sa Chief Engineer nila.

"What? Bat ganyan ka makatingin."

"W... Wala Ma'am.. Wala kasing pwede makipag usap kay Chief Engineer ng ganyan.. Marami pong takot sa kanya.."

"Isa pa, walang may lakas ng loob na mag utos sa kanya maliban kay Captain. Parang mag ama na kasi silang dalawa." Sabi pa nito ulit.

"Well, I am the Captain's daughter." Natatawang sabi nalang ni Jane.

"Pero sobrang bait po nung si Chief Engineer. Sobrang sipag pa po.. Kaya nga maraming nagkakagusto at nanliligaw sa kanya dito. Kaso walang pumapasa."

"Ang ganda rin kasi nung si Chief eh.. Kahit nga babae may nagkakagusto rin sa kanya." Nakangiti na ito hbang nagkkwento kay Jane na hinila pa ang upuan para makaupo sa harapan niya.

Mukha namang naging interesado si Jane kaya naman nakangiti rin itong nakipag kwentuhan kay Kylie habang naghihintay ng oras.

Naningkit ang mga mata ni Coleen ng lumabas ng shower room si Jane ng walang ibang damit kundi ang maliit na towel na pinagkasya nito sa katawan nito. Halos makita na rin ang singit nito dahil sa ikli nito habang naglalakad na nakatingin sa kanya. Sinadya pa ata kasi nitong sa harapan ng table niya dumaan bago umupo sa kama.

Ngingiti ngiti lang naman si Jane sa iritang dalaga ng mapansing nakatigin ito sa kanya.

Napilitan si Coleen na dun muna sa cabin niya patulugin si Jane dahil wala naman itong kasama dahil wala si Captain Mondragon, isa pa binilin niya ito sa kanya. Nakokonsensya rin naman siya dahil nawala sa isip niya kanina na allergic nga pala ito sa seafoods kaya dahil sa kanya kung bat ito nagkaroon ng allergic reactions kanina. Kinabahan din siya kaya nagyaya na siyang umuwi agad para mapatingnan at madalanniya ito sa clinic ng barko. Buti na lang at naagapan at medyo okay na ang dalaga kahit may mga red dots pa ito sa katawan.

Iniwan niya ito kay Kylie kanina para mabantayan pero wala naman na itong ginawa kundi tawagan at kulitin siya. Kaya naman nagdinner lang silang dalawa sa messhall bago umakyat sa cabin niya para makapagpahinga. Pasado alas diyes narin naman at ayaw niyang mapuyat pa ito.

"You don't need to stare at me like that." Natatawang sabi ni Jane na ikinapula ng mukha ni Coleen kaya naman ibinaling nito ang mga mata niya sa hawak na papel.

''Put your clothes on. Pwede ka naman kasing magbihis sa loob ng bathroom. Ang dami mong arte."

"Buti sana kung maganda ang katawan." Pabulong na sabi ulit nito saka naiinis na humarap ulit sa mga papeles na hawak niya.

"I beg to disagree. Itong katawang 'to? Maraming naglalaway dito, sexy lang talaga ako at di mo lang maamin. Kung makatitig ka nga eh. Hahahaha!"

"Ikaw lang talaga ang di ko maintindihan kung bat di mo pa maamin na nahuhulog kana rin sa karisma ko eh. Hahaha!" Jane.

"You wish. Lumalakas ang hangin dito. Magbihis kana baka pati utak mo pinapasok na ng hangin." Di nakatinging sabi ni Coleen.

Lumapit naman si Jane sa table ng dalaga at biglang umupo sa ibabaw nito na ikinagulat ni Coleen. Lalo na ng mapansin nitong di man lang ito nakakapagbihis pa. At halos kitang kita niya ang mahabang legs nito na nakapatong sa table niya. Sobrang lapit pa nito sa kanya kaya amoy na amoy niya ang sabong ginamit nito sa pagshower kaya lalo siyang natigilan.

"Tell me, Coleen Brylle Castro Tan. Ano bang gagawin ko para lang mapansin moko, Im serious.... you know that." Sabi ni Jane na biglang hinawakan ang mukha ni Coleen at iniaangat paharap sa kanya.

Napalunok si Coleen sa ginawa ni Jane. She's thinking maybe Jane was just playing arround. Or baka trip lang nitong kulitin na naman sya.

''Magbihis kana Jane. At please lang. Marami akong ginagawa. Wag mokong kulitin." Malamig lang na sabi nito pagkatapos tanggalin ang kamay ni Jane na nakahawak sa mukha niya.

"Get off my table." Sabi pa nito ulit. Laglag ang balikat na umalis dito si Jane at naupo sa upuan sa harap ng dalaga.

"Bat ba ganyan ka? Am i that ugly? You know that i'm serious pero mas malamig kapa sa yelo. Ang manhid manhid mo pa.." Nakasimangot na sabi ni Jane.

Di naman sumagot si Coleen na abala sa binabasa niya.

"Coleen..."

"Di mo ba talaga ako kakausapin ng maayos ha!"

"Hoy! Ano ba!" Pangungulit nito ulit pero tila wala namang maririnig si Coleen na seryosong nagbabasa. Kaya naman tumayo si Jane at biglang pinatay ang main light, binuksan na lamang niya ang lampshade sa tabi ng kama.

Napabuntong hininga nalang si Coleen sa ginawa ng dalaga. Ayaw niyang patulan ang kakulitan nito hanggat kaya niya pang magtimpi. Inopen niya na lang ang ilaw sa study table niya at itinuloy ang pagbabasa.

Pero bigla naman pumunta sa gawi niya si Jane at in-off ang ilaw sa study table niya at mabilis na inagaw ang hawak nitong folder.

"What the..! Give me that!" Madiin at iniiwasang sumigaw na utos nito.

"Kinakausap kita pero inuuna mo pa ito! Pinatayan kana nga ng ilaw pero mas gusto mo pang magbasa kesa kausapin ako!" Parang batang nakasimangot na sabi ni Jane na bahagyang lumayo sa dalaga.

"Can't you see i'm working?! Ibalik mo nga yan sakin!"

Naiinis na umikot si Coleen ng table para abutin ang folder kay Jane pero mabilis naman itong lumipat sa kabila para di maabot ni Coleen.

''Di ako nakikipaglaro! Give me that fucking folder Jane!" Gigil na sabi nito.

"No! Matapos moko snobin! Kanina pa ako dumadaldal pero wala akong nakukuhang matinong sagot sayo."

Parang mga bata ang dalawa na halos maghabulan para lang makuha ni Coleen ang folder sa dalaga.

"Ibalik mo na yan sakin! Wag mong hintaying maabutan kita.."

"Ohhhhh.. What will you do babe? Tingnan natin kung makukuha mo to sakin." Nang aasar na sabi ni Jane habang pilit lumalayo para di maabot ni Coleen.

"Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko?! Wag mokong punuin! Kanina kapa!"

Mabilis na naghabulan ang dalawa paikot sa kama, mabilis ang reflexes ni Coleen kaya naman nacorner nito si Jane. Sasampa pa sana si Jane sa kama pero mabilis na nahawakan ni Coleen ang kamay nito na may hawak na folder kaya naman nag agawan ang dalawa hanggang nabuwal sila parehas sa kama.

Nag agawan ang dalawa habang halos paikot ikot sa kama. Natigilan nalang silang dalawa ng mapansing nakaibabaw si Colleen dito at halos matanggal na rin ang towel na nagsisilbing balot sa katawan ni Jane. Buti nalang nakapatong si Coleen dito kaya di gaanong na expose ang dibdib nito na halos makita na.

"J... Just give me that.." Mabilis na inagaw ni Coleen ang folder sa kamay ng dalaga.

Aalis na sana ito sa ibabaw niya ng bigla namang humawak sa leeg niya si Jane at siniil siya ng halik. Pilit na pumiglas si Coleen para makaalis pero lalo lang hinigpitan ni Jane ang kapit sa leeg ng dalaga. Lalo rin nitong idiin ang halik dito kaya naman habang tumatagal ay nagresponse na ang dalaga sa mainit na mga halik ni Jane.

Nabitawan na rin nila ang kaninay pinag aagawang folder at kapwa nadadarang sa init na nagaganap sa pagitan nila.

Bahagyang tumigil si Coleen habang sumisinghap ng hangin at napatitig sa mapupungay na mata ni Jane. Nababasa niya sa mga mata nito ang paghingi ng permiso. And she granted it. Di narin niya mapigilan ang silakbo ng damdaming lumulukob sa katawan niya ng mga sandaling iyon.

Awtomatikong napapikit si Jane ng makitang bumababa ang mukha nito sa mukha niya. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang mga labi nitong dumadampi sa labi niya. Mas mainit, mas madiin at mas mapaghanap.

Kung dati ayaw niyang napapalapit kay Jane at ginagawa niya lahat para iwasan ang nararamdaman niya dito, now she wouldn't dare to stop what was inevitable to happen and bound to happen.

" Jane...." Ungol niya sa pangalan nito.

"Babe....." Hindi rin napigilan ni Jane ang ang pagtakas ng ungol mula sa kanyang mga labi ng maramdaman niya ang ngayon ay tila wala nang anumang inhibisyong pagtugon nito sa kanyang halik. Hinawakan niya rin ng masuyo ang mukha ni Coleen habang hinahalikan siya nito.

Kinuha naman ni Coleen ang mga kamay nito na nakasapo sa kanyang mukha. Inilipat niya iyon paikot sa kanyang leeg ng sa ganun ay mas malaya niya itong mahalikan.

Dahan dahan namang ipinasok ni Coleen ang isa niyang kamay sa loob ng towel sa hita ng dalaga at dahan dahang hinaplos paakyat iyon. Dahilan para lalong mapaungol si Jane at mapadiin ang pagkakayakap nito sa leeg niya.

Hinalikan niya sa leeg ang dalaga habang unti unting inaabot ang switch ng lampshade na nagsisilbing liwanag sa buong kwarto at itinurn off niya yun.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.