Masuyong tinitigan ni Jane ang tulog na tulog na si Coleen habang nakayakap sa kanya. Naalimpungatan niya kasi ang pagkilos nito lalo na ang pagpulupot ng mga kamay nito sa bewang niya.
Himbing na himbing ito sa pagtulog kaya naman malaya si Jane na titigan ang maamong mukha nito. Di siya nakapagpigil kaya paulit ulit niya itong hinalikan ng mabilis sa labi, dahilan para mapamulat ng bahagya ang mga mata nito.
"I love you babe.. Good morning.." At muli itong hinalikan ni Jane.
"Jane..." Basag ang boses na tawag nito habang nanananitiling nakapikit ulit ito.
"Hmmmmm? Napagod ba ang girlfriend ko?" Nakangiti namang tunghay ni Jane sa dalaga habang hinahawi ang buhok nito.
Dahan dahang iminulat ni Coleen ang mga mata niya at sinalubong ang mga titig ng dalaga sa kanya.
"J.. Jane... What happened last night... was....."
"I was just.. "
Napahilot sa ulo at napapikit na nasabi ni Coleen.
"Shhhhhh.. It was amazing babe. Mahal na talaga kita.. Kung alam mo lang kung gano kitang namiss.."
Hahalikan pa sana ni Jane si Coleen pagkasabi niya nun pero bahagyang umiwas si Coleen at kinalas ang pagkakayakap nito sa kanya.
Dahan dahang ibinalot ni Coleen ang kumot sa katawan at umupo sa kama.
"Mali yun Jane..Siguro nadala lang talaga ako.."
"Di ko dapat ginawa yun... I mean.. Di na dapat pang naulit yun.." Napa buntong hiningang sabi ni Coleen.
Bumangon na rin si Jane at paupong humarap kay Coleen saka hinawakan ang baba nito para maiharap sa kanya.
"Nagsisisi kaba? Alam mo na mahal kita.. Na kahit nung una palang na nagkita at nagkasama tayo mahal na kita."
"Hinding hindi ko pagsisisihan lahat ng nangyari satin. Makulit na kung makulit pero sinabi ko na sayo. Mahal na talaga kita Coleen.."
Huminga ng malalim si Jane at binitawan ang baba ni Coleen saka umiwas ng tingin.
"Pero sana wag mo naman iparamdam sakin na nagsisisi ka. Na ayaw mo yung nangyari. Na parang wala lang sayo lahat..." Malungkot na sabi ni Jane.
"Hindi sa ganun Jane."
"Pero alam mo namang mali diba? Na di dapat nangyari ulit yun."
"Maling mali talaga dahil parehas tayong babae. At mas matanda ako sayo, parang Ate mo na ako na dapat nagtuturo sayo ng tama at mali. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid natin."
"Ng Daddy mo? Alam mo kung gaano kami kalapit sa isat isa."
Di parin makatingin si Coleen sa dalaga.
"Yan ang hirap sayo Coleen! Mas iniisip mo yung iisipin ng iba kesa sa maging masaya ka!"
"You know na walang magiging problema kay Daddy dahil out naman ako at alam na alam niya kung ano ako. At alam mo na gagawin ko ang lahat kahit sino pa man ang harapin ko para lang sayo." Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Jane kaya naman bahagyang natigilan si Coleen.
"Wala kabang naramdaman nung bigla mo na lang akong iniwan sa penthouse mo pagkatapos ng may mangyari satin? Di mo man lang ba ako naisip nun kahit saglit?"
"Ganyan ka ba talaga? Samantalang ako di mo alam kung ano ang mga ginawa ko malaman ko lang kung nasan ka.."Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ni Jane.
Dahan dahan namang hinarap ni Coleen si Jane at pinunasan ang mga mata nito gamit ang daliri niya.
"Di mo rin alam kung ano ang pinagdaanan ko makalimutan ka lang Jane..."
"I'm sorry if i make you feel that way. Kung alam mo lang kung paanong kong pinigilang mamiss ka at isipin ka.."
"Magulo ang isip ko.. Di ko alam kung anong sasabihin ko sayo nun.."
"Bat kailangan mong pigilan Coleen? Mahal kita at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.." Jane.
Napahinga ng malalim si Coleen habang hawak parin sa pisngi si Jane.
"Bago lahat sakin 'to Jane. Nahihirapan pa ako.. Gulong gulo ang isip ko." Nahihirapang sabi ni Coleen dito.
"Di naman kita minamadali Coleen.. Ang sakin lang wag mo naman sana akong pagtaguan. Wag mokong iwasan kagaya ng ginawa mo noon. Alam kong mahirap at magulo ang isip mo.. Pero andito naman ako para intindihin ka eh.. Di yung lagi ka nalang iiwas sa akin.." Humihikbing sabi ni Jane na hinawakan na rin ang kamay ni Coleen na nakahawak sa mukha niya.
"Jane... This can't be happening."
"Di moko maiintindihan. Di mo pa ako kilala."
"I think we should----"
"What? Iiwasan mo na naman ako? Di kana naman magpapakita?!"
Tuluyang tumulo ulit ang mga luha sa mata ni Jane habang nakatingin ito dito.
"You're too young to understand. Walang pupuntahan ang usapang to."
"Magbihis kana. Baka dumating na si Captain Mondragon."
Seryosong sabi ni Coleen na inabot ang towel na nakalagay sa dulo ng kama at binalot sa katawan niya bago tuluyang tumayo.
"You keep on telling me what to do or not! Wag na wag mokong idaan dyan sa pagiging Chief Engineer mo dito! Di pa tayo tapos mag usap."
"Dyan ka magaling eh. Sa pag iwas! Di mo na ako matataguan pa ngayon Coleen!"
Malakas na sabi nito habang nakahikbi.
''I have many things to do. Papadalhan na lang kita ng pagkain dito. Maliligo na ako." Walang emosyong sabi ni Coleen habang naglalakad papuntang bathroom.
Mabilis naman na tumayo si Jane na di man lang nagtabon ng kahit ano sa katawan at ihinarang ang katawan niya sa pintuan ng bathroom.
"We're not yet done talking babe..." Nakangising sabi nito na pinunasan ang mata habang malagkit na nakatitig sa kanya.
"Ja.... Jane.... Maliligo na ako.. Marami pa akong ga... gagawin sa baba..." Napalunok na sabi ni Coleen.
Ngumisi lang naman si Jane at lumapit pa lalo kay Coleen habang nakatitig dito.
Pero agad din namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Coleen at mataray na sinalubong ang mga titig ni Jane.
"Pwede ba Jane tigilan mo na ako! Marami pa akong dapat gawin na mas importante pa dito! Wag mo nalang akong kulitin please lang! Iba na lang ang kulitin mo at wag ako!"
"Wala akong oras makipaglaro sa'yo!"
Nagkasukatan ng tingin ng dalawa habang pinipilit namang di maiyak ni Jane dahil sa pasigaw na sabi ni Coleen sa kanya.
Nabigla lang din si Coleen pero di na niya napigilan ang sarili niya ng sabihin niya yun.
"Ayaw mo na talaga na kinukulit kita?" Humihikbing parang bata na sabi ni Jane.
Di makasagot si Coleen sa sinabi ni Jane dahil kahit siya nagulat rin sa mga lumabas sa bibig niya.
"Okay. I get it. Maligo kana."
Tuluyan ng umalis si Jane sa harapan ni Coleen at walang lingon likod itong nagpunta sa kama para pulutin ang mga damit niyang nagkalat nung gabi.
Kakausapin pa sana ito ni Colee pero naisip niya na wag na lang dahil alam niyang wala rin namang magandang pupuntahan ang usapan nila.
Tahimik na lang ding pumasok ng bathroom si Coleen at marahang isinara ang pinto.