Tahimik lang na pabalik balik ang lakad ni Coleen sa loob ng office niya habang malalim ang iniisip.
Wala naman kasi siyang gagawin dapat. Sinabi niya lang yun kanina kay Jane para umiwas siya. Magulong magulo rin kasi ang isip niya. Maraming tumatakbo sa utak niya na di niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin o maramdaman kaya lalong bumigat ang pakiramdam niya.
Pero parang may biglang tumusok sa puso niya kanina nung pagkalabas niya ng bathroom ay wala na siyang naabutang Jane sa cabin niya. Naghanap pa siya ng kahit anong note o kaya kung may tatawag sa kanyang Jane sa telepono para inisin siya o kulitin siya kung nasaan ba ito pero wala man lang siyang nakitang bakas nito.
Nagulat pa siya ng makitang maayos na ulit ang kama niya at natiklop ng maayos ang mga kumot na kanina lang ay sobrang gulo. Di kasi siya makapaniwala na marunong din naman palang magligpit kahit papano si Jane.
Lumapit siya saglit sa telepono at nagdial ng telepono ng galley.
"Ginawa niyo ba yung inutos ko kanina?"
''Yes Chief. Kaso nung dala na namin ang pagkain para kay Miss Mondragon nasalubong namin si Captain. Sumama po sila kanina sa lifeboat papunta ng pier. Nagyaya po atang magshopping si Miss Mondragon."
"Yung pagkain pong pinaluto niyo para kay Miss Mondragon itinabi na lamang po namin." Sagot ng cook na kausap niya.
"I see." Parang nanghina si Coleen sa nalaman niya. Inutusan niya kasi kanina ang galley na magluto ng pagkain para kay Jane at hinabilin pa niya na wala dapat itong seafoods. Peace offering niya narin sana dahil sa di magandang napag usapan nila kanina.
"Chief Engineer pinapasabi pala ni Captain na baka dun na rin daw sila magdinner. Ikaw na daw muna ang makipag usap sa Chief Mate para sa bilin niya." Tuloy nito.
"Ahhhh.. Roger that. Thanks " At hinang hinang napaupo si Coleen sa swivel chair niya.
Pakiramdam kasi niya may nagawang siyang mali. Parang lalong bumigat ang laman ng dibdib niya nung nakausap niya yung cook.
Siguro mamaya na lang niya kakausapin si Jane pagbalik nila ni Captain Mondragon sa barko para humingi ng paumanhin dito. Alam niyang di maganda ang mga nasabi niya kanina dito lalo na at nasigawan niya ito.
Pinilit na lang libangin ni Coleen ang utak niya sa mga dapat gawin. Nilibot niya ang buong engine room at isa isang chineck ang mga apparatus at machines dito. Lumipas ang buong araw na puro yun ang ginawa niya kesa mag isip ng mag isip. Ganun kasi ang dalaga kapag may malalim siyang iniisip o may problema siya.
"Coleen hija.. Kanina pa kita hinahanap. Dun kana naman ata matutulog sa engine room.." Natatawang biro ni Joaquin kay Coleen ng masalubong niya ito sa gangway.
"Captain Mondragon. Kanina pa po ba kayo? Nilibang ko lang po ang sarili ko." Coleen.
''Why? May problema ba hija?"
"Wa.. wala naman po Sir... Magulo lang isip ko.. Wag niyo po akong isipin." Pilit na ngumiti amg dalaga para di na magtanong pa ito sa kanya.
"Tito. Kinalimutan mo na naman Coleen. Problemado ka nga ata talaga. Dun ba yan sa nalalapit mong pag disembark ng barko?"
"O.. Opo... Hayaan niyo na lang po Tito..." Napilitan na lang si Coleen na makiayon sa sabi ng matanda para di na ito mag usisa pa. Di naman niya kasi pwedeng yung anak niyang si Jane ang nagpapagulo ng utak niya.
"Si Jane po pala Tito.." Di niya napigilang itanong niya dito. Muntik pa niyang makagat ang dila niya kakapigil na wag ng magtanong sa kanyang Tito Joaquin.
Napakamot naman ito ng ulo at napasandal sa gangway holding wall at bumuntong hininga.
"That stubborn kid. Magulo ang utak. Kanina lang sabi niya gusto niyang magshopping at mamili dahil kulang pa daw yung napamili niyo. Pero nung naglulunch kami biglang sinabi sa akin na dun na muna magsstay sa kapatid ng Mommy niya na malapit lang din dito." Malungkot na sabi nito.
"M... may problema po ba Tito?
"Wala naman siguro hija. Pero ewan ko ba. Nung dumating naman siya dito okay naman siya at sobrang saya pa. Pero kaninang umaga biglang iba na naman ang mood niya at gusto ng umuwi." Bakas sa mukha ng matanda ang lungkot.
"Have you ask her Tito kung ano ba ang problema?"
Bigla ring nalungkot si Coleen at pakiramdam niya kasalanan niya lahat kung bat bigla na lang nagdesisyong umalis si Jane. Parang ramdam niya rin ang sakit na nararamdaman ng Tito Joaquin niya dahil alam niya kung gaano kasaya ang matanda ng bisitahin ng anak niya.
"Tinanong ko siya hija..."
"Pero sabi niya lang nagpunta siya dito para daw makalimutan yung babaeng mahal niya. Akala daw niya makakalimutan niya yun kapag nagpunta dito pero parang di daw nakakatulong kaya baka umuwi na lang daw siya.."
"Miss na rin daw niya ang Mommy niya.." Joaquin.
"Ba... Babae? Babaeg mahal Tito?" Nauutal na tanong ni Coleen.
"Di ko na alam hija. Diba nakwento ko nga sayo ang tungkol dyan. Na halos mabaliw din ako nung malaman yan..."
"Pero parang habang tumatagal naman parang okay na sakin na yun si Jane.. Alam mo naman na mahal na mahal ko ang anak ko kahit sino pa man siya.. Isa pa wala naman akong magagawa kung dun siya masaya.."
Natigilan si Coleen sa sinabi ni Captain Mondragon.
"I know what you're thinking hija. Mali talaga na itolerate ko si Jane.."
"But what should i do? I just want her to be happy. Kaya kung ano yung makakapagpasaya sa kanya. Tanggap ko yun."
"And i think wala namang masama na ganun siya. Wag lang siya talaga magdadamit panlalaki o magiging itsurang lalaki. Baka atakihin na ako sa puso nun!" Pabirong sabi ng matanda na natatawa pang napatingin kay Coleen.
"No Tito.. Di naman ako nag iisip po ng ganun. Maybe you're right.. Wala naman talagang masama.." Di na makatingin si Coleen sa matanda. Buti pa si Captain Mondragon tanggap na tanggap na niya si Jane.
Pero paano kapag siya?
Paano niya sasabihin sa family niya?
Anong ipapaliwanag niya? Matatanggap kaya siya?
Paano kapag nalaman ni Captain Mondragon ang namagitan sa kanila ng anak niyang si Jane? Magagalit ito sigurado. Lalo na parang anak na rin siya nito.
"What are you thinking hija?"
"Parehas na naman tayong problemado no.. hahahaha!" Pabirong sabi ni Joaquinnna tinapik pa siya sa balikat.
"Nothing Tito... Magiging okay rin siguro lahat.."
"Anyway. Salamat nga pala sa pagsama sa anak ko ha.. Pasensya kana kung napasakit din nun ang ulo mo. Kahit ako nga sinusukuan ko.."
"Wala po yun Tito..." Nalulungkot na sagot ni Coleen. Pilit na lang siyang ngumiti kahit sa loob niya pakiramdam niya may mabigat na nakadagan sa puso niya.
"Tara na Coleen.. Alam ko pagod ka rin. Magpahinga na tayo. Dalawang araw na lang at magpupull out na naman tayo papuntang ibang destination."
"Oo nga Tito eh.. Sige po.. Mauna na po kayo. Dadaan pa ako ng playing area mamaya para maglibang. Matagal na rin akong di nakakapaglaro ng volleyball e. Maglalaro kami ng mga taga kitchen"
''Pagabi na rin ahhh.. Basta wag masyadong magpagod ha at mauuna na rin talaga ako. Pakiramdam ko nirarayuma na ako eh."
At nagtawanan pa ang dalawa bago maghiwalay sa gangway.