"Hey Coleen! I was looking for you.. Kanina pa ako ikot ng ikot nandito ka lang pala."
Nakangiting sabi ni Vincent sa kapatid niya ng maabutan si Coleen sa garden ng mansion nila habang may hawak na kopita.
"Kuya.." Ngumiti din naman ito sa papalapit na kapatid.
"Why are you here? Paalis na ang ibang bisita pero nagmumukmok ka dito."
Inubos ni Coleen ang laman ng kopita niya bago tiningnan ang oras sa relo niya.
''I told you not to throw a party like this Kuya." Bagot na sabi nito.
"Coleen. Alam mo naman sina Mommy at Daddy. Masayang masaya lang naman sila na nandito kana at kasama kana namin. Saka sinunod naman namin ang gusto mo na yung malapit lang sa pamilya natin ang imbitado."
"Yun ba ikinamumukmok mo my beautiful sister? Para kang bata dyan. Hahahaha!" Natatawang pang aasar ng kuya niya.
"Di ako nagmumukmok no. I just want to be alone. Saka namiss ko rin itong garden ni Mommy." Saway nito sa pang aasar ng kapatid niya.
Lumapit naman si Vincent sa kanya at binulungan siya bago umalis.
''Ang drama mo Coleen. Kung di lang kita kapatid iisipin ko na inlove ka dahil sa mga weird na kinikilos mo simula nung isang araw na bumalik ka dito." Hinalikan nito ang kapatid niya sa noo at kinuha ang kopita sa kamay niya.
"Babalik na ako doon. Sumunod kana ha. Di yung nagmumukmok kana naman dito." Sabi ulit nito bago nagumpisang maglakad papasok ng mansion.
"Whatever Kuya." Naiiling na sabi ni Coleen sa tumatawang kapatid niya.
COLEEN'S POV
Ang bilis ng araw. Magtatatlong araw na simula ng dumating ako dito sa Pilipinas. Parang saglit lang dumaan ang dalawang buwan simula nung nagpunta kami ng California bago tumulak sa next destination namin at ganun din kabilis na nakapag disembark ako ng barko.
At ito na nga, ayoko man pero nagpahouse party pa sina Daddy at Mommy para sa pagbabalik ko. Minabuti ko na lang na maglibot muna ng mansion dahil napagod rin ako kanina kakangiti at kakakwento sa mga bisita. Napadaan ako dito sa garden ni Mommy kaya naisipan kong dito muna magpahangin.
Ilang araw na lang din at babalik na ako sa opisina para ako na ang magpatakbo nito. Di naman ako minamadali ni Daddy na bumalik agad ng trabaho pero ayoko namang nakatunganga lang.
Napabuntong hininga ako sa naisip ko.
Kaya ko kayang imanage ang kumpanyang bigay ni Daddy?
Sumagap ako ng sariwang hangin habang nakatingin sa mga roses na tanim ni Mommy.
My mom really love those flowers. Kapag wala yung ginagawa andito yun para diligin o magtanin pa ng maraming bulaklak. Natatawa tuloy ako. Ngayon ko lang kasi naaappreciate ang mga roses na tanim ni Mommy. Parang ang ganda ganda ng mga ito.
"Ang gaganda nila no?"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at napangiti ako ng makita ang Mommy ko
"Mom..." Hinalikan ko si Mommy bago siya umupo sa tabi ko.
"You're really acting weird since you were home hija. The first day nagkulong ka lang sa kwarto mo tapos minsan tulala ka or wala sa sarili. Then ngayon maaabutan kitang nakatitig sa mga bulaklak na tanim ko na alam ko namang di mo hilig ang mga bulaklak." Nagtatakang sabi ni Mommy.
Pare parehas sila ng iniisip sa akin. Ganun ba kaweirdo yung mga kinikilos ko para mapansin nilang lahat?
"Weird agad Mommy? Di ba pwedeng namiss ko lang sa barko? Saka naninibago pa ako.."
"And... Your roses here is really beautiful. Ngayon lang din kasi ako nagawi dito at nakita ang mga tanim mo Mommy." Nakangiting sabi ko.
"Since you were a litle never mo naging paborito ang bulaklak anak. I never saw you holding any."
"Naaalala ko pa noong maliit ka pa ayaw mong tulungan akong magtanim ng roses."
Natatawa rin akong balikan ang mga alaalang yun. Tama si Mommy. Ewan ko ba, parang ayokong humawak sa bulaklak o kahit amuyin yun. Kapag nga may manliligaw akong nagbibigay ng bulaklak di ko talaga tinatanggap ni hinahawakan e.
Pero bat ngayon kung kelan gabi dun ko naaappreciate ang ganda ng mga ito.
"Ngayon ko lang narelize Mommy na maganda pala ang mga bulaklak. Hehehe!"
"May problema kaba anak? Simula kasi nung bumalik ka napapansin namin na tahimik ka at laging tulala na may malalim na iniisip."
"Nag aalala lang kami ng Daddy at Kuya mo. Malay mo diba.. Makatulong kami.."
"Nothing Mom.. May gumugulo lang sa isip ko pero maliit lang naman yun. Kayang kaya ko." Nakangiti kong sabi.
Di ko naman pwedeng sabihin na namomroblema ako sa pagkatao ko o naguguluhan ako sa kasarian ko which is my big problem. Baka naman atakihin pa si Mommy kapag nalaman yun. Kaya mas mabuti siguro na sarilinin ko muna ito.
May kailangan lang akong gawin para mawala na ang mga iniisip ko at nagpapagulo ng utak ko.
"You sure hija? Alam mo naman na nandito lang kami.. Kung anuman ang problema na yan sigurado kayang kaya mo yan..'' Niyakap ako ni Mommy habang hinahalikan ng paulit ulit sa mukha.
"Mommy?!" Reklamo ko.
"What? Namiss lang kita pupugin ng halik anak. Hehehe! Namiss ko ang maliit na Coleen na lagi kong hinahabol nung maliit kapa.."
"Kelan mo kaya ako mabibigyan ng apo Coleen? Sana naman malapit na.. Aba di kana bumabata."
"Mommy?! Ayan kana naman! Andyan naman ang mga anak ni Kuya Vincent eh.. Tatlo pa nga, ako na naman ang nakita niyo."
Bat ba kasi nila ako minamadali.
Iisipin ko palang na manganganak parang ayoko pa, sabi kasi nila masakit daw yun.
"Oo nga naman Coleen. When are you going to give us a little Coleen or a handsome one na manggagaling naman sayo? Iba pa rin na may apo kami sayo, sigurado gwapo at magaganda yun!"
Napalingon ako sa padating na si Daddy na kanina pa ata nakamasid sa amin. Andito na naman itong dalawang ito para kulitin ako.
"Mom, Dad pwede ba tigilan niyo nga ako tungkol dyan! Wala pa akong planong mag asawa no. Ni wala nga akong boyfriend. Isa pa mas guto ko munang asikasuhin na muna ang kumpanya kesa sa mga yan.." Naiinis na sabi ko. Di na naman ako titigilan ng mga ito.
"Anak lesbian kaba?" Pabiro pero seryosong tanong ni Daddy na ikinalakas ng kaba ng dibdib ko at halos ikalaki ng mata ko. Di ko iniexpect na magtatanong ulit si Daddy ng tungkol dyan. Natatandaan ko kasi na nagbiro na rin sya dati tungkol dito.
Napatingin na rin si Mommy sa akin na naghihintay ng sagot.
"Well sakin wala naman kung lesbian ka anak, advance na ang technology ngayon kaya mabibigyan mo parin kami ng apo na pwedeng magdala ng pangalan natin. Heheheh!" Daddy.
"I can't believe you guys talking to me about that. Do i look like one? For God's sake!" Nag init bigla ang mukha ko dahil pakiramdam ko nasa gitna ako ng husgado at nililitis ang kaso ko sa mga sinasabi nila.
Pero sa totoo lang naman kabang kaba talaga ako dahil pakiramdam nila nararamdaman din nila kung anuman ang nararamdaman ko.
"Hmmmmm.... Your Dad's right. Okay lang din sa akin anak pero siguro di ka naman magpapatanggal ng boobies mo or magpapalaki ng katawan diba?" Biglang seryosong sabi ni Mommy. Tumawa naman ng malakas si Daddy na kinurot pa ni Mommy.
Di ko alam kung matatawa ba ako o ano sa mga sinasabi nila.
"Ughhhhhhhhh.. Ewan ko nga sa inyo! Hindi ako ganun okay! Makaalis na nga, inaatok na ako! Sumasakit lang ang ulo ko sa inyo ni Mommy!" Nagdadabog akong umalis sa harapan nilang dalawa pero lalo lang naman nagtawanan si Mommy at Daddy. Minsan talaga isip bata ang dalawang yun. Kung kelan nagka edad e kung ano ano ang mga sinasabi.
Nasalubong ko pa si Kuya sa hallway at nagtataka pa kung bat sambakol daw ang mukha ko pero di ko nalang ito pinansin. Napailing na lang ito, siguro alam niya na sina Mommy at Daddy na naman ang dahilan.
Kailangan sigurong may gawin ako pra kahit papano mawala ang ilan sa mga gumugulo ng isip ko.
Hinagilap ko ang cellphone ko at may tinawagan ako. Di pwedeng tumunganga lang ako dito hanggang mabaliw ako sa kakaisip.
I really need to do something about it.