Nalalakad sa hallway ng University na pinapasukan nila ang magkaibigang Jane at Wendy ng habulin sila ng humahangos na guard habang dala ang isang bouquet ng yellow roses.
"Miss Mondragon,para po pala sa inyo. Hinatid lamang po ng delivery boy kanina na kakilala ko rin at pinapaabot sa inyo."
Natigilan at napalingon si Jane dito. Nagkatinginan din sila ni Wendy bago nagtatakang tumingin sa guard. Ngayon lang kasi may naglakas ng loob na padalhan siya ng bulaklak maliban dun sa mga babaeng dati niyang pinapatulan kapag nilalandi siya.
"Yellow roses? Kanino naman galing yan? E diba halos red roses o kaya naman ay tulips ang binibigay sayo ng mga manliligaw mo o nagkakagusto sayo?"
Inismiran lang ni Jane ang sinabi ni Wendy at ibinalik ang tingin sa bulaklak.
"Ma'am mauuna na po ako. Wala pa po kasi yung kapalit ko sa gate e." Paalam ng guard bago iabot ang bulaklak kay Jane. Agad naman niyang binuklat ang maliit na papel na nakadikit dito.
"I missed you."
Napataas lang ng kilay si Jane at iniabot kay Wendy ang bouquet saka nagumpisang maglakad papunta sa classroom nila. Napasunod na lamang naman si Wendy dito na nagtataka sa ikinikilos ng kaibigan.
"Sino kaya sa mga naka one night stand mo ang nagpadala nito.'' Tatawa tawang sabi ni Wendy. Tinapunan lang naman ito ng masamang tingin ni Jane at walang pakialam na naglakad.
"Oppppsssss. Di kana pala sumasama sa mga lakad namin. Pero kanino kaya ito galing? Baka naman may nililigawan ka Jane ng di alam ng barkada ha? O baka naman may nanliligaw sayong magandang chicks na sinisekreto mo. "
"Or maybe baka kay Coleen mo 'to galing." Tumigil sa paglalakad si Jane at hinarap ang kaibigan.
"Wag mong simulan ang araw ko Wendy. I told you before na ayoko ng pinag uusapan ang babaeng yun!" Masungit na sita nito sa kaibigan.
"Biro lang.. To naman. Kasi naman ayan kana naman sa pagiging masungit mo. Lumipat na yata sayo ang kaluluwa nung Coleen na----" Mabilis na tinutop ni Wendy ang bibig at sumenyas ng peace sign sa busangot ang mukhang si Jane.
"I told you not to mention that name again."
"Sorry na.. Kasi naman eh.." Di na nakapagsalita pa si Wendy dahil nauna ng naglakad ang nakasimangot na kaibigan niya. Ayaw kasi nito na maririnig ang pangalan ni Coleen.
Malaki na rin kasi ang ipinagbago ng kaibigan nilang si Jane two months ago simula ng bumalik ito galing sa bakayon niya. Nung dumating ito ay nagyaya itong magbar at halos di ito makatayo sa sobrang kalasingan nito. Puro Coleen ang naririnig nila dito.
Halos isang linggo kasi itong naglalasing at minsan pa napaaway pa ito dahil sa babaeng lumapit sa kanya at itinaboy nito. Alam nilang magkakaibigan ang pinagdaanan ni Jane nung mga araw na yun. Kitang kita nila sa mata ni Jane kung gaano ito nasaktan ng sobra dahil sa mga sinabi at ginawang halos pagtaboy ni Coleen sa kanya.
Nagulat na lang sila isang umaga na parang sobrang sungit na nito. Di na rin ito sumasamang lumabas sa kanila at wala na ring babaeng kasama o dinidate ito di kagaya ng dati na kabilaan pa. Nagfocus na lang ito sa pag aaral niya at tila wala ng kaamor amor na sumama sa kanila sa mga lugar na dating pinupuntahan nilang magkakaibigan.
Kasama man nila ito, tahimik lang ito o di kaya ay nakasaksak sa tenga nito ang earphones niya habang nagrereview.
Pagkatapos ng klase ay nagkita kita ang magkakaibigang sina Wendy, Yasmin, Charlotte at Jane para kumain sa isang bagong Korean restaurant. Puro babae lang din ang pinag uusapan nila samantalang si Jane naman ay bahagya lang nakikisali sa usapan nila.
"Jane sumama ka naman sa amin ohhh, after nito pupunta kami sa bar ni Ate Meg. Ang tagal na nating di nagkakasamang apat." Yaya ni Wendy dito. Tumingin lang naman ang tatlo habang naghihintay ng sagot dito.
"Please don't say no." Charlotte.
"I'm not in the mo---"
"As always.." Halos sabay sabay na sabi ng tatlong kaibigan niya. At itinuloy ang pagkain.
"Okay fine. Pero ayokong uminom."
Sabay sabay napangiti ang tatlo na parang nanalo sa lotto at tuwang tuwa sa sinabi ni Jane.
Umiling iling nalang naman si Jane sa mga ito at inubos ang laman ng plato niya.
Pagkatapos kumain ng apat ay agad silang tumungo sa bar ni Meg. Uminom ang mga kaibigan ni Jane at kanya kanya ng kasamang babae pero nanatili lang siyang nakaupo habang inuunti unti ang red wine na inorder niya. Pinilit siyang painumin ni Yasmin pero tinanggihan lang niya.
Habang nakaupo ang apat ay nagpaalam saglit si Jane na magccr kaya sila ang naiwan sa table nila. Bigla namang natigilan ang kaibigan nilang si Yasmin habang nakatingin sa isang parte ng bar.
''OMG! Girls. Look who's here!" Napalingon naman ang dalawa sa tinitingnan ni Yasmin at nagulat din sila sa nakita.
"Is that Coleen? Your boss and Jane's---"
"What is it girls.. Ang haba ng pila sa cr. Nakakabwisit."
Sabay sabay silang napalingon sa biglang nagsalitang si Jane na kararating lang.
"What? Para kayong nakakita ng bampira sa mga itsura niyo." Nagtatakang sabi ni Jane sa mga ito.
"Wa.. wala naman.. si ano kasi..."
"Si Justin! Yung ex ni Wendy. Tama si Justin nga!" Singit ni Charlotte sa sasabihin sana ni Wendy.
"What's with that asshole." Wala sa mood na tanong ni Jane.
Nagkatinginan naman ang tatlo at nag iisip ng sasabihin ng tumigin ulit si Jane sa mga ito.
"What's with that stupid ex of yours Wen." Jane.
"Ha? Ahhhh... Wala.. na.. nakita lang ni Yasmin. May kasamang babae. Wala yun..." Putol putol na sagot ni Wendy dito.
"Where is that asshole? Ang kapal magpakita pa sayo! Asan ba yun!" Natigilan ulit ang tatlo ng magpalingon lingon si Jane para hanapin ito.
''Hayaan mo na siya Jane.. Wag mo na ngang hanapin.." Sabi ni Wendy na sinang ayunan naman ng dalawa. Pinagtulungan nilang madivert sa iba ang atensyon ni Jane para di nito mapansin ang table kung nasaan si Coleen kasama ang isang babaeng di nila kilala.
Akala nila okay na pero dumaan sa table nila si Meg na kapatid ni Wendy at pasigaw na naglakad ito patungo sa table ni Coleen.
"Coleeeeeeen! Kailan ka pa!" Tili nito habang halos patakbong tinungo ang mesa ni Coleen at niyakap ito.
Napatingin naman ang tatlo sa magiging reaksyon ni Jane na titig na titig kay Coleen. Madilim sa parte nila kaya posibleng di sila napapansin ni Coleen kung natatandaan pa sila.
"Ahhh... Jane.. Uwi na tayo.. May pasok pa tayo bukas eh.." Pagyayaya ni Wendy.
"Ako nga din eh.. May pasok pa ako bukas sa hotel.. Uwi na tayo.."Yasmin.
Pero parang bingi lang si Jane na nakatitig parin dito.
Lumingon si Jane sa mga ito at ininom ang natitirang red wine sa baso niya.
"Don't worry girls. I'm fine. Dont mind me." Maikling sabi nito.
"Sure kaba? Baka kasi...'' Charlotte.
"Wag nga kayong OA. Wala na sakin yun. Saka wala naman yung pakialam sa akin diba. Wala na rin akong pakialam dapat sa kanya." Jane.
"Uminom na nga lang tayo! Okay na naman diba Jane?" Yaya ni Yasmin.
"Oo naman. Sige inom tayo.."
Nagkatinginan nalang ang tatlo bago umorder ng alak kesa naman magmukmok ang kaibigan nila.