The Lady Marine Engineer Chapter 26

COLEEN'S POV

Kasama ko si Meg at nagkkwentuhan kami habang kasama namin ang pinsan kong si Sweet. Ito kasi ang malapit na bar kung saan kami nagmeet kanina. Kagagaling lang ni Sweet ng Japan at umuwi dito para asikasuhin ang papers niya. Malapit na kasi itong ikasal.

Nagulat din naman ako kanina nung bigla nalang nagtitili itong si Meg kaya ikinwento ko na lahat sa kanya kung bat nandito ako at kung hanggang kailan. Tuwang tuwa ang bruha nung sinabi ko na di na ako aalis.

Konti lang din ang ininom ko dahil maaga pa ako bukas sa office. May importante kasi akong client na dapat kausapin bukas ng umaga kaya di pwedeng di ko siputin.

Pasado ala una na ng madaling araw ng magyaya si Sweet na kailagan na raw niyang umuwi at di na daw niya kaya. Kaya naman nagpaalam na rin ako kay Meg. Inalalayan ko na lang si Sweet maglakad habang nag aabang kami sa sundo niya.

Habang naglalakad kami palabas ng bar ay natigilan ako sa nadaanan ko sa parking area na babaeng nakakapit sa kotse niya habang sumusuka.

"Jane???"

Hinang hina na ito kaya di man lang ako tiningnan habang nakatukod ang mga kamay sa kotse. Di ko alam pero kahit pa ata anong anggulo nito o san ko man ito makikita, makikilala ko pa rin ito.

"Sweet, saglit lang ha.."

Tumango naman ang pinsan ko kaya mabilis akong pumunta sa kinasasandalan ni Jane at inalalayan ito.

"Di kana nagbago. Iinom inom ka ng di mo naman kaya.." Sabi ko habang inaalalayan ko syang sumandal ng maayos sa kotse niya ata.

" Coleen....."  Natatawang sabi nito.

Nakakainis talaga ang babaeng ito. Iinom inom tapos di naman kaya ang sarili. Wala ba itong kasama? Dis oras na ng gabi pero nandito pa siya at sobrang lasing.

"You're back Coleen." Mapait na ngumiti ito habang nakatingin sa akin.

"You're drunk! Wala kabang kasama?! Madaling araw na pero nandidito ka at lasing na lasing! Hanggang ngayon ba naman ganito kapa rin?"

Di ko mapigilang sabi. Gusto ko siyang makita pero di naman sa ganitong sitwasyon.

"Ohhh come on! Wala ka namang pakialam diba.. hik!" Pinalo pa nito ang kamay ko at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya kaya napabitaw ako.

"Col.. Andito na ang sundo ko..." Napalingon ako kay Sweet na malapit na pala sa amin. Napatingin din si Jane dito at inirapan pa ang pinsan ko bago tumingin ng masama sa akin.

Shit! Lasing nga rin pala si Sweet.

"You stay here okay! Wag kang aalis dito! Papasakayin ko lang ng kotse si Sweet." Bilin ko dito bago umalis. Narinig ko pang may sinasabi siya pero di ko na masyadong maintindihan dahil muntik ng matumba si Sweet kaya mabilis ko itong inalalayan.

Tumawa pa ito habang yumakap sa akin at sumandal. Tsssss.. buti na lang at di ako kagaya ng mga ito. Nagpapakalasing ng sobra di naman kaya.

Nung makita ko ang kotse ng pinsan ko ay pinasakay ko na ito agad at naghabilin ng maayos sa driver nito. Sinabi ko rin na itext ako kapag naihatid na niya ang amo niya.

Bumalik rin ako sa pwesto ni Jane kanina kung san ko siya iniwan pero wala na akong naabutang Jane doon.

"Where are you spoiled brat?" Sabi ko sa utak ko habang palingon lingon. Lalo pa akong kinabahan ng di ko siya makita kaya naman mabilis akong nagpunta sa guard at tinanong kung napansin siya nito.

Sabi ng guard ay pumasok daw ulit ito ng bar kaya naman nagmamadali akong pumasok sa bar para hagilapin siya. Baka kasi napano na yun.

Di ko alam pero pakiramdam ko nag uusok ang tenga ko sa biglang pagkakita ko dito na may kausap na babae sa may wine section, halos matumba pa ito habang tumatawa at kakwentuhan ang babaeng parang ahas kung makayakap sa kanya.

"We should go Jane!"

Madiing sabi ko ng marating ko ang pwesto niya. Tiningnan lang naman ako nito at humarap sa malanding babae na kausap nito.

Shit! Bingi ba siya!? Lasing na lasing na nga pero may oras pang makipagharutan sa mukhang pusit na babaeng ito.

Parang nagpanting pa ang tenga ko ng makita kong hahalikan sana siya ng babae sa harapan ko kaya naman tumikhim ako kaya naman napatingin sa akin ang malanding babae bago tumingin ulit kay Jane.

"Don't mind her honey." Natatawang sabi ni Jane na di man lang ako tiningnan.

Magsasalita pa sana yung babae pero mabilis kong hinawakan si Jane sa kamay at inalalayang bumaba dito.

"Ano ba?! What are you doing!"

Nagpupumiglas na sabi nito pero napasunod na lang sa paghila ko. May sinasabi pa yung malanding babae pero di ko na halos narinig dahil nakafocus ako sa lasing na lasing na si Jane.

Kinalabit pa ako nung babae at nagpapacute pa itong humarap sa akin. Magsasalita pa sana yung malanding pusit pero hinarap ko 'to at tiningnan ng matalim.

"Stop flirting with her! Ayoko ng makita yang pagmumukha mong umaaligid sa kanya! At wag na wag kang susunod baka manghiram ka ng mukha dyan sa basong hawak mo!"

Di ko alam bat yun ang nasabi ko pero mabilis pa sa magnanakaw na nawala sa harapan namin yung babae na natakot ata sa sinabi ko.

Medyo nakaagaw ata ng atensyon yung sinabi ko dahil ramdam ko na may mga nakatingin sa amin, di ko na lang sila pinansin at inalalayan ang lasing na lasing na si Jane palabas ng bar dahil di na rin ito halos makalakad ng maayos. Bago pa kami umabot sa pinto ay nakita ko si Meg na nagtatakang nakatingin sa akin, kasama pa nito ang ilan sa kaibigan ata ni Jane na natatandaan ko pa yung iba.

Sinenyasan ko nalang sila na sa labas mag usap dahil sobrang ingay sa bar at crowded pa kaya naman sumunod na lang sila at tinulungan akong alalayan si Jane hanggang makarating sa kotse ko.

"What happen Coleen? Akala ko ba kasama mo si Sweet?"

Tanong ni Meg habang nagtatakang nakatingin sa akin. Nakatingin din sakin ang mga kaibigan ni Jane, Yasmin pa ata ang pangalan nung isa na natatandaan ko.

"What are you kids doing in this bar? Alam ba ng mga magulang niyo na nandito kayo?! Isa pa kasama niyo ba ang babaeng ito?! Bat pinabayaan niyong malasing ito ng ganito?!"

Tahimik lang naman ang tatlong kaibigan ni Jane na kapwa nagpapalit ng tingin sa aming dalawa ng kaibigan nila. Maging si Meg ay nagtataka sa sinabi ko at nakatingin lang din sa akin.

"Relax Coleen! Ano bang nangyari? Saka di mo nalang dapat hinatak yang si Jane, kilala naman sa bar yan. Saka di mapapahamak yan dahil andun mga kaibigan niya isa pa safe siya dun. Makatingin ka dun sa babae kanina akala ko lulunukin mo na, akala mo ba di ko kayo nakita?" Meg.

Tahimik namang nagpapalit palit lang ulit ng tingin samin ang mga kaibigan ni Jane.

Nag ooverreacting lang ba ako? Kahit ako nagulat din ako sa mabilis na nangyari at ginawa ko.

"Kayo naman, bat hinayaan niyo si Jane e alam niyo namang lasing na! Nasaan ba si Wendy?" Patutsada ni Meg sa mga kaibigan ni Jane.

Napahawak nalang naman ako sa ulo habang nakataas ang kilay na nakatingin sa mga ito.

"Ate Meg kilala niyo naman yan pag lasing. Di namin mapigilan yan, si Wendy naman po kasama si Paul. Umalis ng maaga kanina.." Sabi ng isa sa kaibigan ni Jane.

"Pano na ito? Nakakahiya kay Tita kapag nalaman niyang dito na naman sa bar ko nalasing ito. Iuwi niyo na si Jane, tingnan niyo nga! Halos di na makamulat sa kalasingan!" Meg.

Nalilitong nagkatinginan ang magkakaibigan at parang nag iisip pa sila ng pwedeng sabihin o idahilan.

"Ako na ang bahala kay Miss Mondragon." Seryosong sabi ko na isinara ang pinto ng kotse ko ng makitang maayos ang higa nito sa backseat.

Napatingin naman ulit silang lahat sa akin, maging si Meg ay natigilan sa sinabi ko.

"What? E di mo nga kilala yan Col, saka andito naman mga kaibigan niya.." Nagtatakang sabi ni Meg habang nakatingin sa akin habang naglalakad ako paikot ng kotse.

"O... oo nga Miss Coleen.. Ka.. kami na po ----"

"Umuwi na kayo. Ako ng bahala sa kaibigan niyo." Pagputol ko sa sinasabi ni Yasmin.

"Meg, ako na tatawag kay Mrs Mondragon para sabihing kasama ko ang anak niya." Walang kangiti ngiting sabi ko pa bago ko maisara ang pinto ng kotse ko at paandarin ang makina.

Naiwan namang halos malaglag ang panga sa pagtataka sina Meg at mga kaibigan ni Jane sa sinabi ko.

Bumuntong hininga na lang ako at sinilip ang tulog na tulog na si Jane saka ko pinatakbo ang kotse.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.