Nagising si Jane dahil sa sunod sunod na pagring ng cellphone niya kaya naiinis na kinapa niya ito habang nakapikit.
"What do you want this early!" Masungit na sabi niya ng mapindot ang answer button.
"Girl okay ka lang ba? Nasan ka? Buti na lang sunday ngayon at wala tayong pasok kung hindi magugulat si Ma'am Enriquez dahil ngayon ka lang aabsent ulit. Hahahaha!" Pang aasar ni Wendy.
"Masakit ang ulo ko Wendy! Mamaya kana nga tumawag! Isa pa inaantok pa ako!" Nakapikit na sabi ni Jane dito.
"Yun nga ang itatanong ko kaya tumawag ako bruha ka! Balita ko may babaeng nag uwi say ----"
"Call me later okay! Inaantok pa ako!" At pinatayan nito ng phone si Wendy at walang pakialam na hinagis ang cellphone niya.
Dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at inaninag ang paligid niya. Kinusot kusot pa niya ang mga mata niya habang inaalala ang mga nangyari kagabi ng mapabangon siya bigla at napatingin sa paligid. Familiar kasi sa kanya ang silid na nabungaran niya, lumingon lingon pa siya para makita kung may iba pang tao pero wala naman siyang nakita dahil tanging siya lang ang nandun.
"Ughhhhhhhh! What am i doing in Coleen's room!''
Parang baliw na sabi ni Jane habang padabog na bumangon at hinagilap ulit ang cellphone para tawagan ang mga kaibigan. Huling pagkakaalala niya kasi nakita niya si Coleen sa parking kagabi pagkatapos nun wala na siyang gaanong maalala.
"Hello Yas! What the hell happen last night?! Anong ginagawa ko dito sa hotel ni Coleen? Pumasok kaba? Pumunta ka dito!"
Sunod sunod na sabi ni Jane ng sagutin ni Yasmin ang tawag niya.
''Nasa CBCT Hotel ka?" Yasmin.
"Don't give me that question! I'm asking you what happen last night at paanong nakarating ako dito? Bat hinayaan niyo akong dalhin dito ng babaeng yun?!" Pagalit na sabi nito sa kaibigan habang tinitingnan ang paligid dahil baka andun lang si Coleen. Ayaw din niya muna kasing makaharap ang babaeng yun.
"Isa isang tanong lang okay! Sobrang lasing mo kasi kagabi kaya di namin namalayan na kung san san kana nagsusuot. Nakita na lang namin na hatak hatak ka ni Miss Tan at galit na galit na kinausap kami ----"
"Bat naman siya magagalit?! Saka bat kasi di niyo ako inuwi na lang!" Putol ni Jane sa paliwanag ng kaibigan.
"As if may magagawa kami e nakakatakot naman pala yang si Miss Tan kung magalit. Halos manginig kaya kami kagabi kaya wala na kaming nagawa nung sinakay ka niya sa kotse niya."
Di nakasagot si Jane sa huling sinabi ni Yasmin, nagtataka kasi siya kung bat ganun ang ginawa ni Coleen e alam naman niya na ayaw ni Coleen sa kanya. Isa pa di pa rin niya nakakalimutan ang mga sinabi nito sa kanya noon.
"Jane.. Oyy.. Okay ka lang ba?" Yasmin.
"I... I'm fine.. Tawagan kita mamaya. May nagdodoor bell lang."
Kinakabahang napatingin si Jane sa pinto pagkababa niya ng cellphone.
Napalingon nalang siya ulit sa pinto ng tumunog ulit ang door bell. Kabang kabang nilandas niya ang pintuan at nanginginig na binuksan ito. Hindi pa kasi sya ulit handang makita at makausap si Coleen.
"Goodmorning Ma'am. Breakfast po.."
Nakalma siya ng mabungaran niya ang room boy na nakangiti habang tulak tulak ang table tray na may mga pagkain. Hinayaan niya itong makapasok sa kwarto ni Coleen at napasunod na lang dito.
"Ma'am pinapaabot din po ito ni Miss Tan. Saka kabilin bilinan niya po na ubusin niyo po yung pagkain na dala ko."
Nakatungong inabot sa kanya nung lalaki yung papel bago ito nagpaalam.
"Uhmmmm.. Where's Coleen?" Di sinasadyang naitanong niya dito. Wala naman talaga siyang balak itanong kung nasaan ang babaing yun pero wala na siyang nagawa ng yun ang lumabas sa bibig niya.
"Ma'am maaga po siyang umalis eh. Basahin niyo na lang po yung iniwan niyang sulat. Order din kasi sa amin na walang makikipag usap sa inyo na kahit sino e. Hinatid ko lang din po talaga yung agahan niyo."
Di nakatinging paliwanag ng room boy na agad din tumalikod sa kanya.
Matagal na nakatitig si Jane sa nakasarang pintuan habang nag iisip ng tumunog ulit ang cellphone niya. Kinabahan naman siya ulit ng mag appear dito ang pangalan ng Mommy niya. 10 am na rin kasi kaya siguradong nag aalala ito kung nasaan na siya.
"Hello Mommy? Sorr----- "
"Jane anak, kamusta ang pagkikita niyo ni Coleen? Nako buti naman at siya ang kasama mo kagabi, akala ko naman mga barkada mo na naman.."
Natigilan si Jane sa mga sinabi ng Mommy niya kaya di niya alam ang isasagot niya dito.
"Andyan ba siya? Saglit lang din kami nakapagkwentuhan kagabi eh, tumawag kasi sya e kausap ko naman sa facetime ang Daddy mo. Tuwang tuwa din yun nung malaman na magkasama kayo. Pakausap nga kay Coleen anak.''
"M... Mommy kasi.."
Di maisip ni Jane kung ano ang tamang isagot sa Mommy niya. Nagulat din siya sa mga sinabi nito sa kanya.
"Na.. Naliligo pa siya Mommy. Pwedeng mamaya kana tumawag.. Saka pauwi na rin naman ako eh..." nagugulumihanang sagot nito sa Mommy niya.
"Uuwi kana agad? Okay lang naman hija kung dyan ka muna kasama si Coleen. Matagal din kayong di nagkita diba.. Pinagpaalam ka naman niya sa akin kagabi e.. O sige na.. Mag enjoy muna kayong dalawa, sunday naman ngayon e.." Rinig na rinig ni Jane na tuwang tuwa pa ang Mommy niya habang nagsasalita sa linya.
"No!"
"I mean.. Uuwi na din ako, may mga gagawin pa ako Mommy--"
"Okay lang anak, mag enjoy na muna kayo ni Coleen okay. Sige na at pupunta pa ako ng spa ngayon.. Bye!"
Napanganga si Jane habang nakatingin sa cellphone niya ng babaan siya ng Mommy niya.
Di niya naiintindihan ang mga nangyayari. Kung paano ba talaga sya napunta sa pent house ni Coleen at ngayon naman tinawagan pa pala nito ang Mommy niya.
Ano kaya ang sinabi ni Coleen dito?
Saka alam naman niya na ayaw sa kanya ni Coleen. Bat ganun naman ang ginagawa niyo ngayon.
Napaupo na lang siya sa sofa habang binabasa ang nakatiklop na sulat na inabot sa kanya kanina ng lalaking room boy na weird din ang kinikilos.
Stubborn,
I have an early meeting, pinalutuan na kita ng agahan. Ubusin mo yan para mawala din yang hangover mo. Antayin moko before lunch, sabay na tayong kumain.
We have important things to talk about.
P.S. Di ako nakatingin nung binihisan kita kagabi kaya wag kang umasa na pinagnasaan kita.
Coleen.
Halos umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya sa hiya at inis dun sa huling nakasulat sa papel na hawak niya. Kaya naman halos itapon niya ito bago ihinilamos ang mga kamay sa mukha niya.
"Damn Jane!! Nakakahiya ka! Bat ka kasi nagpakalasing kagabi!!"
"Bwisit na babaeng yun! Ang kapal ng mukha para isiping baka iniisip ko na pinagnanasaan niya ako!! Sino ba kasing nag utos sa kanya na iuwi ako e kaya ko naman ang sarili ko! The nerve of that girl!!! Ang lakas ng loob na magpakita pa sa akin kasama ang malanding babaeng yun kagabi!!"
Para siyang hibang na kausap ang sarili habang hinahagilap ang bag na dala niya kagabi. Ayaw niya ring humarap sa salamin dahil mukha lang ni Coleen na nakangiti ang nakikita niya na parang inaasar pa siya.
Para tuloy siyang baliw habang nagmamadaling ayusin ang mga gamit niya.
Kailangan niyang makaalis dito bago pa dumating ang babaeng ayaw na niyang makita pa ulit.
Wala na rin siyang oras para alamin ang dahilan nito kung bat niya ginagawa ang lahat ng ito simula pa kagabi.
Isa lang ang alam niya.
Kailangang iwasan na niya si Coleen.