JANE'S POV
Mag iisang oras na akong nakababad sa bathtub habang nag iisip sa mga nangyari kagabi. Umalis na rin ako agad sa pent ni Coleen dahil ayokong abutan pa niya ako dun. Isa pa, ayoko na siyang makita pa. Wala na ring dahilan para mag usap pa kami.
Kung ano man ang trip niya kung bat nagpakita pa siya sa akin at umuwi dito wala na akong pakialam dun.
Di ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa nung nakita ko ulit siya kagabi sa bar after few months na di ko siya nakita at nakausap. Ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin na may kasama pang babae na mukha namang pokpok sa kapal ng make up.
Kasalukuyang nakapikit ako ng maramdaman kong may pumasok sa room ko. Kung di ito si yaya Divine ay si Mommy kaya di ko nalang pinansin.
"Jane asan ka?" Narinig kong tawag ni Mommy. Kumatok nman ito sa bathroom pero tuloy tuloy rin namang pumasok sa loob at ngumiti ng makita ako sa tub.
"Mom?! Basta basta ka nalang pumapasok!" Reklamo ko.
"Ano pabang itinatago mo na di ko alam anak? Ikaw talaga."
"Ano nga palang nangyari sa inyo ni Coleen?"
Napamulagat ako sa huling tanong niya.
"Ang ibig kong sabihin, kung nakapag usap ba kayo? Akala ko ba dun ka muna kasama siya kasi yun ang paalam niya. E bat maaga ka atang umuwi?"
"Mom. I don't want to talk about it." Seryosong sagot ko.
My Mom knows everything. Alam niya lahat lahat ng nangyari sa akin nung nagbakasyon ako kay Daddy sa barko. Sinabi ko na rin sa kanya yung tungkol kay Coleen pero sabi ko ayokong makialam siya o sila ni Daddy. Even my Dad knows it dahil kahit sa kanya sinabi ko rin ito bago kami maghiwalay nung dumalaw ako sa kanya. Pero iisa lang ang sinabi ko sa kanila. Wag silang makialam at ayokong malaman ni Coleen at ng kung sino pa na alam nila kung ano man ang nangyari sa amin.
Aaminin ko dati wala akong ikinikwento sa kanila tungkol sa mga babaeng nakakarelasyon ko. Pero di ko rin alam kung bat di ko napigilang ikwento sa kanila yung kay Coleen. Maybe i'm that serious with her kaso nga lang imposible na magwork yung samin dahil siya mismo ang may ayaw sa akin.
Nung una nagulat si Daddy, ganun din si Mommy. Tanggap naman nila ako pero ayaw nila na masaktan ako dahil kilala daw nila si Coleen. Marami pa silang sinabi sa akin kaya parang nawalan na rin ako ng pag asa na may chance pa na maging okay kami.
"Anak..." Hinaplos ni Mommy ang mukha ko at iniharap sa kanya.
"Ayokong makialam dahil yan ang sabi mo. Alam mo rin na kahit ang Daddy mo di na rin nakikialam. But i think wala namang masama na magkita ulit kayo ni Coleen, parang anak na rin ng Daddy mo yun at ganun din sakin.. Mabait na bata si Coleen anak."
"Isa pa.. Okay naman na lahat diba.. You totally moved on sabi mo. I think wala naman problema na mag usap kayo... as friends... Mabait na bata si Coleen at mahal rin namin siya na parang anak na rin namin kagaya mo.."
"Nagulat pa nga ako kagabi na tinawagan niya ako para sabihin na magkasama kayo. I think. Wala naman na sa kanya yung mga nangyari at gusto niya na mag usap kayo.."
Sabi ni Mommy habang nakatitig ako sa kanya.
"Mom. Di mo alam ang nangyari kagabi."
"Yes i moved on. Pero di ko alam.. Nasasaktan pa rin ako nung nakita ko siya. Parang di ko pa siya kayang harapin."
"Ayoko na rin muna siyang pag usapan."
Ngumiti lang naman si Mommy at tumayo saka inabot ang nakasabit na robe saka ipinatong sa table na malapit sa tub.
"Sabi ko nga anak wag na nating siyang pag usapan. Umahon kana dyan ha.."
Napatingin pa ako sa Mommy ko sa biglang pagbago mg mood nito na parang wala kaming mabigat na pinag usapan.
"Di ba ngayon ang alis ko papunta sa Pampanga kasama ang Tita Maribeth mo."
"Wait ko lang driver, aalis na rin ako.."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Wala naman kasi akong natatandaan ma magpaalam siya na aalis siya ngayon.
"What? Wala ka namang sinasabi sakin Mommy? Ngayon na??? Saka mag gagabi na, di ba pwedeng bukas kana umalis?"
Weird naman ni Mommy. Ano bang gagawin nito sa Pampanga kasama si Tita Maribeth.
"Wala ba? Ohhhhhhh... Sensya na anak alam mo naman ang Mommy mo, nagkaka edad at lalong gumaganda kaya medyo nagiging makakalimutin. Hehehehe!"
Tumatawang sabi nito habang naglalakad patungo sa pinto. Napa iling iling na lang ako sa sinabi niya.
Isasara na sana nito ang pinto ng muli itong humarap sakin.
"Dinner will be ready in... 20 minutes.. Enough time for you to change. Ayusin mo yang sarili mo bago ka bumaba ha. Di kapa naglulunch dahil di ka lumabas ng kwarto kanina pagdating mo."
Ngumiti pa ito bago tumalikod at aktong isasara na ang pinto ng may maalala ako.
"Mom wait!!!"
"What dinner? I thought aalis kana? Sinong kasama kong kakain? I told you earlier na baka lumabas din ako with my friends."
Natigilan ito saglit at sumilip sa pintuan.
"I... cooked for you... Basta! Kumain kana muna bago ka lumabas."
Napatitig ako kay Mommy habang tinitingnan ang reaksiyon niya.
"Okay fine. Ano bang niluto mo Mom. Pwede naman kasing bukas ko na kainin, ipapatabi ko nalang sa maid." Sabi ko.
''No! Kailangan kainin mo na ngayon okay?... Oh sige na.." At isasara na sana nito ulit ang pinto ng tinawag ko ulit siya.
"Mom you're acting weird..."
Bago pa nito tuluyang isara ang pinto ay pasigaw pa itong nagsalita habang tumatawa.
"Be ready in 20 minutes Jane, dont let the food wait. I love you!" At tuluyan na nitong isinara ang pinto.
Naiwan naman akong nakatitig lang sa pintuan habang dina digest ang pinag usapan namin ni Mommy.
Halos isang oras bago matapos si Jane sa pag aayos bago lumabas ng kwarto. Tinatamad talaga siyang kumain ng dinner pero ayaw naman niyang magtampo ang Mommy niya kaya napilitan na siyang lumabas ng kwarto. Dumaan pa siya sa kwarto ng ina pero di niya ito nakita kaya dumiretso na agad siya sa baba para yayain na itong sabay na sila kumain.
Nagtataka pa siya ng makarating siya sa sala dahil madalas dito niya naaabutan ang Mommy niya pero di niya ito nakita dito.
Napangiti naman ang dalaga ng maamoy ang mabangong pagkaain na nanggagaling sa kitchen nila kaya dun na agad ito dumiretso. Kahinaan kasi niya ang pagkain, mahilig siyang kumain sa mga sikat na restaurant o kaya naman ay magpaluto sa cook nila kapag nabobored siya. Nawawala kasi ang stress at init ng ulo niya kapag nakakaamoy o nakakatikim siya ng masarap na pagkain.
Naabutan niya sa kitchen ang Yaya Divine niya na nagliligpit ng pinaglutuan kaya kinausap niya ito.
"Ang bango naman niyan Yaya.. Mukang mapapasarap ang kain ko ngayon ah.." Papuri ni Jane dito. Ngumiti lang naman ang matanda saka itinuloy ang pagliligpit.
"Yaya asan nga pala si Mommy? Kanina ko pa siya hinahanap para sabay sabay na tayong kumain."
Sabi ni Jane na tumabi sa matanda habang pinapanood ang ginagawa nito.
"Ho? Di po ba nagpaalam sa inyo? Kanina pa po siya nakaalis e.. Saka di kana nahintay ni Mam kasi ang tagal niyo po bumaba."
"Ang sarap talaga ng amoy.. Ano po bang niluto niyo Ya?" Sa halip na sumagot sa matanda ay tanong niya dito habang hinahanap kung saan nakalagay ang pagkaing naaamoy niya.
"Ikaw talaga anak, alam mo naman na hindi na ako nagluluto matagal na diba, Mommy mo ang reyna ng kusina kapag wala yung cook natin..'' nakangiting turan nito.
"So.. did Mom cook it? Asan ba siya?"
"Mabuti pa hija pumunta kana sa dining room dahil kanina pa naghihintay ang pagkain sayo.." Nakangiting turan ng matanda na di siya sinagot sa tanong niya. Di nalang niya ito pinansin at tumuloy sa dining room.
Napalawak ang ngiti niya ng maabutan sa table ang masarap na pagkaing kanina niya pa naaamoy. Lumapit dito ang dalaga ay nakangiting hinila ang upuan.
"Wow! It's my favorite. " Nasabi na lang ni Jane habang inaamoy amoy ang nakahain sa mesa.
"What took you so long?''
Napipi si Jane sa kinauupuan niya ng marinig ang boses na yun na siyang napalakas ng kabog sa dibdib niya. Di na lalo siya makagalaw sa kinauupuan ng makita niya ang nagmamay ari ng makapangyarihang boses na yun na naglalakad patungo sa kanya.
Naka apron pa ito habang nakasuot ng simpleng pink tshirt at nakamaiksing black shorts habang naglalakad at may dala dalang plato na may nakalagay na parsely.
"By the way, Tita left. Sobrang tagal mo kasi. Kanina pa kami naghihintay sayo."
"I prepared buffalo chicken and pork adobo. Paborito mo raw yun. Plus salad with vinaigrette dressing."
Sabi nito ng maibaba sa table ang dala dala. Lumapit pa ito sa kinauupuan niya at mabilis na hinalikan siya sa pisngi.
Magsasalita sana si Jane pero wala siyang maisip sabihin at tila ayaw bumuka ng bunganga niya para makapagsalita siya.
"I'll be back in ten minutes, antayin moko."
Dugtong pa nito ng biglang magring ang cellphone nito.
Nakaalis na si Coleen pero nananatiling nakatingin parin si Jane sa direksiyong tinahak nito bago umalis sa harapan niya. Bigla lang itong natauhan ng bumalik na agad si Coleen at nakangiting lumapit ulit sa kanya.
"Sorry. Sa office, may tinanong lang.."
Sabi nito habang hawak ang cellphone. Lalapit pa sana si Coleen kay Jane pero masungit na tumayo si Jane sa pagkakaupo at biglang nagsalita habang matalim ang titig nito sa dalaga.
"What the fuck are you doing in my house?!" Galit na sabi ni Jane.
''Relax okay.. You don't have to raise your voice to the highest pitch. What's wrong with you.. Masama bang puntahan ang bahay niyo?" Ngingiti ngiting sabi ni Coleen na nagdekwatro pa sa harapan ni Jane.
"Yaya Divine!!!!"
Nagtititiling sigaw nito na ikinalabas ng matanda sa kitchen.
"Hija gabi na, bat kaba sumisigaw?"
Tanong ni Yaya Divine na nagtatakang nakatingin sa dalawa.
"Anong ginagawa ng babaeng ito dito?! Bat niyo siya pinapasok? Nasaan ba si Mommy!!!?"
Naiinis na sabi nito na binigyan ng matalim si Coleen na nginitian pa siya. Natawa din naman si Yaya Divine sa inakto ng alaga niya na lalong ikinainis ni Jane.
"Manang Ginaa!!"
Tawag ulit nito sa isang katiwala nila sa bahay.
"She's on leave Jane. Why don't you stop yelling and just start to eat your foods, i know kanina kapa gutom."
Natatawang sabi ni Coleen na parang nang aasar pa.
"Hindi kita kausap at hindi ako nagugutom!!" Pinanlisikan pa nito ng tingin si Colleen saka bumaling kay Yaya Divine.
"Anak, wag ka ngang ganyan sa bisita mo. Saka diba sabi mo pa kanina parang mapapasarap ang kain mo. Kumain kana at sabayan mo si Coleen.."
Bigla namang tumawa sa Coleen sa sinabi ng matanda.
''Di pala gutom ha. Hahahahaha!" Coleen.
"What's wrong with you people?!!! Arrrghhhhhh!!! Makalayas na nga dito!"
Nagdadabog na umalis ito sa inis sa harapan ng dalawa.
"Hija wag mong iwan dito si Coleen! Ipinagluto kapa naman niya ng ----"
"Wala na akong gana Yaya! Isa pa baka may halong lason pa yang pagkaing yan!!! Aalis na lang ako! Susunduin ako ng barkada ko at sa labas na lang ako kakain kesa dito!!!"
Putol ni Jane sa sinasabi ng matanda.
Napailing iling nalang naman si Coleen na tiningnan na lang ang nagdadabog na si Jane habang paakyat sa kwarto nito.
"Coleen Hija, pasensya na sa alaga ko ha.. Di ata maganda ang gising." Kumindat pa si Yaya Divine kay Coleen bago lumapit dito.
"Nako, wala po yun.. Sanay na ako dyan. Kahit nung nasa barko pa lang ako at dinalaw niyan si Tito Joaquin ganyan na talaga yan.." Coleen.
''Nahihiya lang ako hija, binilin kapa naman sa akin ni Ma'am Isabella. Talagang may pagka maldita ang batang simulat sapol, pero mabait naman yan."
"Nako, halika at tayo na lamang ang magkwentuhan at marami akong ikkwento sayo tungkol sa batang yan.. bababa din yan dito dahil alam kong gutom na yun kanina pa. Hehehehe!" Sabi ni Yaya Divine na nakangiti.
Ngumiti nalang si Coleen at pinakinggan ang kwento sa kanya ng matanda.