The Lady Marine Engineer Chapter 29

JANE'S POV

Kanina pa ako nakatitig sa pintuan ko na parang baliw. Hindi ko alam kung naiinis ba ako o natutuwa o baka nababaliw na ako sa mga nangyayari.

Di na ako nakalabas mg bahay dahil nung tinawagan ko sina Wendy at Trish ay parehas lang ang sagot nila.

"Colleen called, at wag na daw nila akong sunduin dahil di daw ako aalis ng bahay."

The nerve of that girl to command and tell my friends not to fetch me! Tinalo niya pa si Mommy kung makapag utos.

Si Mommy pala? Kasabwat ba siya ng bwisit na babaeng to.

How could Coleen enter in our house that easy. Paanong nangyari na nandidito siya sa bahay na naka sitting pretty pa kanina pagkatapos niyang magluto. At bakit naman siya nagluto? Isa pa kasundo na niya agad si Yaya Divine.

Damn! At naiinis na dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan ko habang naiinis na hinampas hampas ang walang alam na kama ko. Dito ko ibinuhos ang inis ko kay Coleen.

Bakit ba nandidito siya sa bahay? Kagabi lang iritang irita ako sa bwisit na yun dahil ang kapal ng mukha niyang kausapin ako at dalhin pa sa hotel niya ng di man lang ako tinatanong kung okay lang.

Ngayon naman.. Grrrrrrrr!

Mabilis na naihagis ko sa likod ng pintuan ang nahawakan kong unan.

Ano paba ang gusto ng babaeng yun?

Hindi ko na nga siya kinulit pa nung sinabihan niya ako ng masasakit na salita. Akala ba niya makakalimutan ko yun!

''Iha papasok ako ha.."

Napalingon ako bigla sa pinto kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Magsasalita pa sana ako pero nakapasok na si Yaya Divine namay dala dalang tray.

"Anak di kapa kumakain kaya dinalhan na kita dito ng pagkain. Alam ko di ka na naman bababa doon."

Yaya Divine knows everything. Lahat ng pinagdaanan ko para makalimutan lang ang babaing yun kaya nagtataka ako kung bakit ganun sila kabilis maging close at hinayan nitong magluto ito sa kusina.

"Don't worry anak, umalis na si Coleen.. Kaya kumain kana.."

Nakangiting sabi pa ni Yaya.

"Don't give me that smile yaya! Ano bang ginagawa ng babaeng yun dito?!"

"Iha, mabait naman palang bata yang si Coleen eh, saka wala naman akong napansin na mali sa kanya. Masarap pa nga siyang kakwentuhan e-----"

"Ya alam mo naman na ayoko ng makita pa yung babaeng yun! Saka nasaan ba si Mommy bat bigla na lang siyang umalis kanina!"

Naiinis na sabi ko.

"Di ko din alam hija.. Nako ikaw talagang bata ka.. Kainin mo nalang yan okay.. Alam ko na kanina kapa nagugutom at kung di mo lang nakita siguro si Coleen baka naubos mo lahat ng niluto niya para sayo.. hehe!"

Nanlaki ang mata ko sa inis sa sinabi ni Yaya Divine na naglalakad palabas ng kwarto ko. Pati ba naman si Yaya aasarin lang ako.

"Yaya?!!" Pasigaw at naiinis na sabi ko.

"Iha, give Coleen a chance. Mukha namang gusto niya talagang mag usap kayo para magkaayos. Pagbigyan mo na, mukhang mabait na bata si Coleen.."

"Ubusin mo na yan ha.. Siya pa ang naghanda niyan bago siya umalis at sinabi sa akin na iakyat dito sa kwarto mo."

Natigilan na lang ako at di na nakasagot pa hanggang sa makalabas ito ng pinto.

"Isa pa pala hija, masama ata ang pakiramdam ng batang yun. Nung paalis na siya kanina at nagpaalam sa akin e napakainit ng kamay niya. Sabi niya naman okay lang siya pero alam ko na hindi."

Habol ulit ni Yaya na agad din namang umalis ulit.

Naiinis ako pero pakiramdam ko tinatraydor ako ng puso ko dahil parang nawawala ang galit ko nung marinig ang huling sinabi ni Yaya. Bigla akong nag alala, kung bat naman kasi pupunta punta pa siya dito kung masama naman pala ang pakiramdam. Alam kung mali pero pakiramdam ko tuloy nakukunsensya ako.

Di ko alam kung anong trip ng babaing yun o baka naman nakokonsensya lang talaga din siya sa lahat kaya pinuntahan niya ako.

Nakokonsensya lang ba talaga siya kaya ginagawa niya 'to?

At nasasaktan ako sa isiping yun.

Bahala nga siya. Ayoko na ring isipin pa siya. Basta galit pa ako dahil sa naging huling usapan namin noon. Nasaktan kaya ako. Baka akala niya manhid ako.

Lalong nadagdagan ang pagkabwisit ko sa naisip ko.

Napatingin na lang ako sa tray na nakapatong sa study table ko. Kanina pa talaga ako gutom na gutom pero dahil sa impaktang masungit na babaing yun nawalan ako ng gana.

Si Coleen naman ay umuwi na rin ng bahay nila dahil sa masamang pakiramdam. Kaninang umaga pa talaga masama ang pakiramdam niya pero sa kagustuhang makita at makausap ulit si Jane ay tumuloy siya sa mansyon nila pagkatapos niyang manggaling ng office.

"Coleen hija, kamusta na ang pakiramdam mo? Sigurado kabang di kana namin dapat pang dalhin sa hospital? Mataas ang lagnat mo. Sabi ko naman sayo di ba? Okay lang kahit di kana muna pumasok ng office o lumabas. Ayan nagkasakit ka tuloy, tapos kanina umalis kapa ng maaga. Sino bang pinuntahan mo?"

Nag aalalang sabi ng Mommy niya na kakapasok lang ng kwarto niya dala dala amg tray na may lamang pagkain at gamot.

"I'm fine Mom. Pahinga lang siguro 'to." Coleen.

"Basta magpahinga ka ha, wag ka na rin munang lumabas. Gabi kana lumabas nung nakaraan tapos di ka pa umuwi dito. You should rest and stay here hanggat di pa nawawala yang lagnat mo. Andyan naman ang secretary mo para mag asikaso sa office mo."

"Sure ka ba na okay ka lang hija?" Tanong ulit nito sa kanya.

"Mommy. Okay lang po talaga ako, tulog lang ito promise. Bukas makakapasok na ako ng opisina."

"At sinong nagsabing papasok kana agad ha? Magpagaling ka na muna okay. Hanggat di ka gumagaling dito ka muna at wag kana muna aalis."

"I'll be fine Mom. Don't worry okay?" At hinawakan niya ang kamay ng Mommy niya.

"But Mom.. Ahmmmm.. " Nag aalangang sabi ni Coleen.

"What is it baby?''

"Can i have more flowers from your garden?" Nakangiting sabi ni Coleen dito na ikinatingin ng Mommy niya.

Nung nakaraan kasi ay humingi rin siya ng mga bulaklak sa garden ng Mommy niya at sya mismo ang kumuha ng mga ito kaya naman nagkasugat sugat ang mga kamay niya. Di na lang niya sinabi o pinakita sa kanila dahil ayaw niyang may marinig pang mga comments dahil sigurado aasarin lang siya.

"Nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos mo Coleen. Kanino mo ba binigay yung mga roses? Don't tell me ikaw na ang nanliligaw sa mga lalaki ngayon?!" Sita nito sa kanya habang pinipigilang matawa.

"Mom?! Ofcourse not!" Mabilis na sagot ni Coleen na umiiwas sa tingin ng Mommy niya.

"Come on. You can tell me everything anak. Sino ba yan ng maipakidnap na natin sa mga tao ng Daddy mo para maikasal na kayo agad? Hehe!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Coleen sa tinuran ng ina. Pero agad din naman niyang binawi ng may pumasok sa isip niya.

"Nako ha, yang mga pag iwas iwas mo ng ganyan hija alam ko yan. Tell me who's that lucky guy ng makilatis naman namin at maisaayos agad ang kasal ninyo!" Seryoso pero natatawang sabi ulit nito.

"Mom?! Arghhhhh! Lets not talk about it okay. And please! Don't ever do that! Ganun na ba ako kadesperado makapag asawa?"

"And..."

"Basta.. Magulo pa ang utak ko..."

"So meron na nga anak? May boyfriend ka na ba? Bat ikaw ang nanliligaw? Di ba dapat siya yung nag eeffort ng ganyan?"

"Saka maysakit ka? Di ba dapat nandito yun at nagpapakilala sa amin para din maalagaan ka?! What kind of guy is that?!"

"Mom chill okay? Wala akong boyfriend! My God. Pakiramdam ko lalo akong magkakasakit!"

"Forget it okay? I have no boyfriend.." Naiiling na sabi nito.

"Pero......." Magsasalita pa sana ang Mommy niya.

"Mom forget it. Gusto ko na rin muna magpahinga.."

"Please?" Turan nito sa ina.

"Okay. Pero pag okay kana pag usapan natin yan okay? Ayokong may nililihim ka sakin,alam mo yan. Sige na magpahinga kana.." At hinalikan niya ang anak bago tuluyang tumayo para lumabas na.

"We should talk about that Coleen okay?"

"Mommy.. Leave okay. I know you wont stop bothering me about that. Pero gusto ko muna talaga magpahinga.." Coleen.

"I want to meet that boy Coleen." Nakangiti pa nitong sabi ulit.

"I told y....."

"Okay im going... Basta sabihin mo sa akin hija kung sino ba yan ng makilala naman namin ng Daddy at kuya mo." Natatawang sabi nito bago tuluyang lumabas. Napailing nlang ulit si Coleen sa mga sinabi ng Mommy niya. Kilala niya kasi ito. Siguradong kukulitin na naman siya nito lalo na ang Daddy at kuya niya kapag nalaman nito ang pinag usapan nila.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga habang hinahagilap ang cellphone at may hinahanap na numero dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.