The Lady Marine Engineer Chapter 8

"Ako nga!"

"Aba donya. Baka nag eenjoy ka masyado. Examination mo kaya ngayon. Tinawagan pa ako ni Ma'am Coleen para ako na mismo ang maghatid nito sa'yo. Sosyal mo ha." Dugtong pa ni Yasmin na tuloy tuloy na pumasok sa pinto ng penthouse habang naiwan naman at nagdadabog na napasunod nalang si Jane.

"What are those?" Masungit at pasalampak sa sofa na sabi ni Jane.

"Breakfast mo! Ako pa nga ang una niyang tinawagan this morning para lang gawin to para lang SAYO" At diniinan pa nito ang huling salitang binitawan niya para lang mas maasar ang kaibigan na tinawagan pa siya ni Coleen.

" At kabilin bilinan niya bago daw mag 9am dapat nakaalis kana dito dahil 9am ang exam mo or else maghanap na raw ako ng aapplyan." Dugtong pa nito na nakapamewang sa harapan ni Jane.

"What?? Sinabi niya yun? Naman e... Ayokong umalis dito. Di pa kami nakakapag usap ng maayos."

"Please Jane! Maawa ka naman sakin oh! Umpisahan mo nang kainin yang mga pagkaing dala ko. Sabi niya ayaw daw niyang malaman na di mo naubos lahat yan." Pagmamakaawa ulit ni Yasmin sa kaibigan na lalong ikinalaki ng mata ni Jane.

"Anooo??? Sinabi niya ba talaga yun? Alam mo naman na di ako breakfast person ever since Yas!!" Naniningkit na sagot ni Jane na di pinansin ang kaibigan dahil sa narinig.

"Jane naman ee... Katapusan ko naba ngayong araw na ito sa hotel na 'to? Sige na naman ohhh.." At naluluha na itong tumabi sa kaibigan.

"OA ha! She'll fire you just because di lang ako kumain ng breakfast?? She's impossible!!" Naiiritang sabi ni Jane na humalukipkip pa.

"Nobody in this world can command me in whatever i should do or eat!" Masungit pa nitong dagdag na halos magpaluha na rin kay Yasmin dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng kaibigan.

"Jane naman e... Please naman ohh.. Kilala ko rin si Miss Coleen. May isang salita yun. Wala pa daw sinasabing di nangyayari o nasusunod yun. Saka exam mo naman talaga ngayon diba? You have no choice. Lagot kana naman sa Mommy mo pag nagkataon.." Pagsusumamo niya sa kaibigan na siyang nagpaisip din kay Jane.

"Fine. But... You owe me this one bes ha!! Mag usap tayo mamaya after ng exam ko. Grrrrr! Yung babaeng yun.. Mananakot pa para lang masunod ang gusto niya..." Nakabusangot na tumayo si Jane para kainin ng breakfast na dala dala ng kaibigan.

Nagtatalon naman sa tuwa si Yasmin at niyakap pa ang kaibigan na nakasimangot paring tinitingnan ang dala dala ni Yasmin.

" Sino naman bumili nito? Bat andami naman. Saka what's all these." Tanong ni Jane habang inilalabas sa paperbag ang mga laman nito.

"Si Ma'am Coleen." Sagot lang ni Yasmin na paikot ikot at tinitingnan ang bawat parte ng kwarto ng boss niya.

"Lahat to? Kakainin ko? Seriously??" Nakaturo pa si Jane sa nakalagay sa mesa na inalis niya sa paperbag na dala ni Yasmin.

Napahagalpak naman kakatawa si Yasmin sa mga nakita niyang laman ng paperbag. Di kasi ito yung breakfast na iniisip niyang laman ng paperbag na inabot sa kanya ng boss niya kanina.

Eggs, cereal, bacon, fresh milk, bread, fruits at may kasama pang kung ano anong healthy foods.

"Ano ako bata? Saka ang dami dami nito!! '' Pagrereklamo ni Jane na di alam kung matatawa ba siya o maiinis sa mga ginawa ni Coleen.

"Fine. Pagtulungan nalang natin yan bes kasalanan mo rin naman kaya di ako nakapag agahan kanina dahil sa tawag ni Ma'm Coleen para lang asikasuhin ka. Saka kung si lang sya ang mag utos.. koooo.. Natutulog pa sana ako hanggang ngayon dahil off ko naman. " Paninisi pa ni Yasmin.

"Yas. Ang sweet sweet niya no? Mahal ko na talaga yun.."

" Sweet? Agad agad? Kanino? Sayo?? Hello.. Yan lang nassweetan kana.. e para ka namang ginagawang bata e.. " Pang aasar ni Yasmin sa kaibigan habang sabay nilang kinakain ang pagkaing dala dala nya.

"I'm serious. I want her to be my next girlfriend."

"Girlfriend?? Agad agad talaga? E di ka nga ata papasa sa standards nun isa pa.. STRAIGHT yun oy. Stop dreaming!"

"Basta! Magiging girlfriend ko sya. Wala pa akong sinabi na di ko nagagawa." Seryosong sabi nalang ulit ni Jane habang iniinom ang gatas sa baso niya.

"Whatever Jane. Just please. Ayokong madamay dito ha.. I love my work. Sinabihan na kita. Ibahin mo yang si Miss Coleen."

"Saka tara na nga, baka mamaya malate kapa at yan maging dahilan ng pagkasesante ko!"Dugtong pa ni Yasmin na tumayo na.

Natatawa naman na nagdahan dahan pang kumilos si Jane para asarin ang kaibigan kaya naman para silang mga bata na nag asaran habang kumakain.

                             ***********

Nag aantay naman si Coleen sa isang sikat na Restaurant para makipagkita sa asawa at anak ni Captain Mondragon para iabot dito ang pinapasuyo ng ama amahan niya. Tinawagan niya ito kanina bago pa sya makalabas ng CBCT Tower para tanungin kung available ito, at swerte naman niya dahil wala daw itong masyadong ginagagawa.

May binabasa siyang email sa phone niya ng may marinig siyang babae na tumawag ng pansin niya.

"Miss Coleen Castro?" Galing sa may edad ng babae na nasa harapan niya. Di maikakaila ang ganda at kinis ng kutis nito kahit halatang may edad na rin. At dahil nagkikita na rin sila noon sa videocalls nakilala niya agad ito.

"Tita Isabella? Kamusta po.. Napakaganda niyo po pala talaga sa personal." Humahangang puri ng dalaga sa asawa ng ama amahan niya habang nagyakap at nagbebeso sila.

"Mas maganda ka hija, nako. Magkasing ganda kayo ng unica hija namin ng Tito mo. Sa wakas nagkita na rin tayo." Nakangiting bati ni Isabella.

"Nasa'n nga po pala ang anak niyo Tita, i thought magkasama po kayo?" Lumilingang tanong ni Coleen.

"Hay nako hija.. Wag mo ng hanapin. Di sinasagot ang tawag at text ko, kasama ata ang mga kaibigan at may ginagawang thesis daw. Anyway, kamusta kana? Napakagandang bata mo pala talaga Coleen. Wala kapa ba talagang asawa?" Nakangiting sabi ng matanda.

"Wala po talaga Tita, saka marami pa akong priorities na dapat unahin. Pinapaabot nga po pala ito ni tito, pasensya na po at di ko kayo agad natawagan nung unang dating ko. Napakadami ko pa po kasing inasikaso sa kumpanya."

"Wala yun hija, saka nakakahiya nga eh. Alam ko naman na busy ka. Bat kasi di ka nalang dito tumigil sa Pilipinas?"

Natigilan si Coleen sa sinabi ng Tita Isabella niya.

"Pati ba naman kayo Tita." Natatawa nalang na sagot ni Coleen.

At umorder na ang dalawa habang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Madalas na rin sila nagkakausap kahit sa videocalls lang nung nasa barko pa ang dalaga kaya di na sila nagkahiyaan pang mag usap ngayon sa personal. Yung nag iisang anak nalang talaga ng mga Mondragon ang di pa niya nakikita at nakakausap dahil laging wala ito sa bahay.

Pagkatapos kumain at magkwentuhan ng dalawa, niyaya ni Isabella ang dalaga na sumama sa mansiyon nila baka daw nakauwi na ang unica hija nila. Pero tumanggi naman si Coleen dahil may meeting schedule sya after lunch at kailangan niya ring umuwi ng maaga sa bahay nila dahil andun daw ang maybahay ng Kuya nya kasama ang mga pamangkin niya.

Kaya naman nagpaalaman nalang ang dalawa at sinabi nalang ni Coleen na susubukan niyang bago ang flight niya pabalik ng Brazil ay magdinner o lunch nalang sila ulit at sana kasama na ang nag iisang anak nila para makilala man lang niya ito.

Naging abala ang araw na yun kay Coleen. Dalawang araw nalang din kasi at schedule na naman ng flight niya pabalik ng Brazil. Kaya naman inayos na niya lahat ng mga dapat pang ayusin sa kumpanya niya. Di pa rin alam ng mga magulang niya na in two days paalis na naman siya kaya balak niya na mamayang family dinner nalang niya iyon sasabihin.

COLEEN'S POV

Parang mas nakakapagod talaga dito sa office kahit ganun ganun lang ang ginawa ko. Sumasakit ulo ko sa mga reports na mga nababasa ko. Buti nalang di ako iniiwan ni Trishia kanina dahil alam niya na di maganda ang mood ko. Kung di lang ako paalis in two days di ko tatapusin lahat ng yun.

Damn. Isa pa pala yun.

Pano ko sasabihin na pabalik na rin ako agad ng Brazil sa isang araw. Sigurado magtatampo na naman sina Daddy lalo na si Mommy. Pero mawawala din naman yun. I know maiintindihan nila.

Tumawag ako sa intercom para magpadeliver ng coffee. Sumasakit talaga ang sentido ko sa maghapong meetings at pakikipag usap sa ilang investors at business partners ko na galing din sa ibang bansa pa yung iba para lang makapag usap kami ngayong araw dahil paalis na nga ako in two days.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. 3:46pm na pala, kaninang lunch pa sa bahay ang mag iina ni Kuya. Miss ko na rin ang mga makukulit na pamangkin ko.. Sigurado ang lalaki na ng mga yun. Nasa gitna ako ng pag iisip ko ng kumatok ang secretary ni Trishia na si Cherry dala dala ang coffee ko.

''Ma'm may bisita po pala kayo sa labas. Kanina pa pong 2pm yun naghihintay e. Kaso nasa meeting kapa po kanina with foreign investors kaya sabi kong maghintay nalang sya... Saka.. " Napatigil sa pagsasalita si Cherry ng tumikhim ako. Alam niya na di pa ako nakakapagpahinga masyado.

Inikot ko nalang ang swivel chair ko habang hawak ang kape. Shit. Di na talaga natapos 'to.

"Let him in then."  Sagot ko nalang habang nakatalikod sa kanya. Wala na rin akong choice kundi tapusin lahat ng pwede kong gawin dito sa office. Kaya naman di na bago na may mga naghihintay sa labas para lang antayin kung anong oras ako mababakante. Siguro yun na yung classmate ko from highschool. Ngayon din kase ang usapan namin para asikasuhin yung fund para sa gagawing feeding program ng batch namin para sa orphanage na tinutulungan namin quarterly.

Inayos ko na ang sarili ko habang naghihintay. Kung pwede lang hubarin ang coat na suot suot ko. Di talaga ako komportable na ganito ang suot ko.

Napataas naman ang kilay ko ng makilala ang kakapasok lang ng opisina ko na kasunod ni Cherry.

"You may go Cherry, ayoko munang may iistorbo sakin. Wait for my call." Maawtoridad na sabi ko at sumunod naman si Cherry na nagmamadaling lumabas. Natakot siguro sa biglang pagbago ng mood ko.

Kung alam ko lang kasi na ito pala ang sinasabi ng secretary ni Trishia di ko na sana pinapasok. Kairita.

"What on earth are you doing here?" Ano ba naman kasi ang ginagawa ng batang ito sa opisina ko, at anong kailangan pa niya sakin.

"You keep me waiting outside." Simpleng sagot nito na nakasimangot pa na parang bata. Ano namang pakelam ko dito.

"You should be in your school at this hour! What else do you want. Marami pa akong gagawin, so kung wala kang kailangan. You may leave."

"Ganyan kaba talaga makiharap sa tao ha Coleen? Kilala mo ba ako? Di naman ako bast..."

"I dont care who you are and i'm not interested with whatever you want to say. I have no time for a childish talk. Just go." Pagtataboy ko dito. Ano ba naman kasing pinuputok pa ng butchi nito. Ang alam ko wala naman na kaming dapat pag usapan pa pagkatapos ng gabing yun.

Pero aminin. Gustong gusto mo siyang makita.

Shit! Ano bang iniisip ko. Pabulong na sabi ko.

"Jane Mondragon." Nakangiting inilahad nito ang kamay niya.

Manhid ba to o bingi. Ano bang kailangan niya. Wala ako sa mood para makipag usap sa kanya.

"What's that for? Pinuntahan moko para istorbohin para lang makipagkilala? You are just waisting your time for nothing." Wala sa mood na di ko pinansin ang pakikipagkamay niya at binalingan ko nalang ang kape sa table ko.

"Is that the way on how you treat your visitors? Kanina mo pa ako pinaghihintay sa labas tapos pakikipagkilala lang ayaw mo pa?"

"Di kapa nga nagtthankyou sakin nung isang gabi e. Kung di dahil sakin di ka..." I cut her off.

"Di ako malalasing kung di dahil sayo at sa mga pakulo mo. Di mo pa ako kilala. Maraming mas importanteng bagay ang dapat ko pang asikasuhin kesa naka upo dito at kausap ka. Bumalik kana sa school niyo at mag aral." Pinapakulo ng batang to ang dugo ko.

"At pwede ba? We dont have any business to talk about kaya wala ding dahilan para magpunta ka dito lalo na na magkita ulit tayo."

"I just want to know you more." Nakapout na sabi nito at parang bata na pasalampak na naupo sa upuan. Lagpas sa tenga lahat ng sinabi ko para lang mapalayas siya sa harapan ko.

Napatingin naman ako sa ginawa niya.

God! Bat ang ganda ganda niya lalo. Para tuloy gusto ko siyang yakapin at magsorry sa pagtataray ko. No. Dapat di ako magpadala sa pag iinarte nito.

"Coleen, andito na yung mga classmate mo from St. Barbara Montessori para pag usapan yung sa foundation." Boses ni Trishia sa intercom. Dumating na siguro siya galing sa site ng ginagawang bagong building na halos katabi ng CBCT.

"Sa Blue room nalang Trish. Give me 5 minutes." At hinarap ko si Jane na nakasimangot pa rin habang nakatingin sakin.

"Wag ka ngang magpacute dyan. Umuwi kana, may meeting pa ako." Tama ba yung sinabi ko? Muntik ko ng kagatin ang dila ko.

"So cute talaga ako? Ikaw ha.. Sabi na nga ba crush moko eh." At nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"You're at my office Miss Mondragon. Stop playing arround. Umuwi kana lang at mag aral. May meeting pa akong pupuntahan." The nerve of this girl. Ang kapal niya ha.

"Aminin mo kaya, okay lang naman sakin e.. Saka tayo lang naman dito e.. hahahaha!" Pang aasar nito na ikinatayo ko. Nakakapikon. Ano ba kasing problema ng babaeng to na napakadaldal at napaka kulit.

''Will you go and leave. I dont really have time for this nonsense conversation. Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa mga sinasabi mo.'' Pinipigilan kong wag mapikon at patulan ang trip ng babaeng to na basta basta nalang pupunta dito sa opisina ko para bulabugin ako.

"Namumula ka eh.. Sabi na nga ba, gusto mo ko no? Siguro nung natutulog ako tijdhdbsbwgrrfrrr..." Di ko alam bat bigla ko nalang hinawakan ang bibig niya para lang matigil na siya sa mga sinasabi niya.

"Damn! Will you stop! Ano ba kasing kailangan mo!"

Nasa ganun kaming posisyon at hawak hawak ko parin ang bibig niya nun ng biglang bumukas ang pinto ng office ko at niluwa nun si Trishia na nagulat sa nakita niya. Kaya naman bigla kong binitawan si Jane na bigla naman tumawa at tumabi pa sakin na parang wala lang.

"Dont you know how to knock? I told you to just give me a minute Trish!" Pagalit na nasabi ko. Nakakahiya kasi. Baka kung ano ang sabihin ni Trishia.

"Hi, Jane Mondragon." Nakangiting pakilala ng katabi ko na lumapit pa kay Trishia at nakipagkamay.

" Oh, I know you.. Trishia Sandoval nga pala. Kaibigan at personal secretary niyang masungit na katabi mo. Magpakilala pala kayo? Kelan pa?"

"NO/YES!" Sabay na magkaibang sagot namin.

Natawa naman si Trishia na napatingin saming dalawa na medyo naguguluhan sa magkaibang sagot namin.

"Bahala nga kayo. I'm going.. Trish. Ikaw na bahala dyan." Di ko na hinintay pa ang mga sagot nila at mabilis na lumabas ako ng office ko saka padabog na sinara ang pinto. Natahimik naman ang mga nakakita sakin na lumabas ng office pero agad agad na ibinaling ang tingin nila sa mga ginagawa nila.

Namumuro na sakin ang Jane na yun.

Pasalamat siya marami akong dapat gawin ngayon. Lakas makasira ng araw. Bwisit!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.