SINISISI ni Mandy ang kondisyon niya kung bakit pakiramdam niya ay nagbago ang personality niya. Natutunan niya sa pagiging isang negosyante na hindi dapat siya magtiwala na lamang. Pero ngayon ay nagtiwala siya kay Rolf na iuuwi siya nito sa unit nito pagkatapos siya nitong isugod sa ospital. At naggawa pa niyang matulog sa kotse nito. Dala rin ng pagbubuntis niya kaya nagiging antukin na rin siya. Hindi niya mapigilan iyon.
Naggising na lamang si Mandy na pakiramdam niya ay payapa siya pero sa isang hindi komportableng posisyon. Nakaramdam siya ng pangangalay sa binti niya at nang mapagtanto niya ang lagay niya ay muntik na siyang mahulog ng wala sa oras.
“`Wag kang mag-freak out,” pagsaway naman agad sa kanya ni Rolf at lalong pinag-igi ang paghawak sa kanya. Kasalukuyan siyang buhat-buhat nito at kahit bagong gising ay hindi maiwasang maapektuhan ng sarili niya sa isipin ng lagay nila. Awtomatikong namula ang mukha niya.
“Ibaba---“
“Kailangan mo pang magpahinga. Hindi ka puwedeng mapagod, remember?”
“Pero hindi ako imbalido! Kaya kong maglakad.”
Hindi nagsalita si Rolf. Itinuloy nito ang ginagawa. Pero hindi rin naman ginusto ni Mandy na maging pasaway. Nasa maselan siyang lagay at kung maglilikot siya ay baka maihulog siya nito. Kahit hindi man niya plinano ang kondisyon, alam pa rin niya ang tama at mali.
Iyon nga lamang, nang punahin ni Mandy ang paligid ay hindi niya mapigilan na magsintir ng kalooban niya.
“Papunta ito sa unit mo. Matinding binilin ko na sa `yo na sa unit ko mo ako dadalhin.”
“Alam ko. Pero mali iyon. I’m the guy. Mas may responsibilidad ako sa `yo kaya sa tingin ko ay mas makakabuti kung ibebenta mo na ang unit mo na iyon.”
“At bakit ko naman gagawin iyon?!”
“Because from now on, you will live with me.”
Napaawang ang mga labi ni Mandy. Hindi magagawa iyon ni Rolf. Hindi siya papayag. Pero hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa gulat. Nakuha lamang niya ang boses nang mailapag na siya ni Rolf sa sofa ng unit nito. “Hindi mo magagawa sa akin ito, Rolf. Tapos na tayo.”
“That was two months ago. Nang hindi ko alam ang tungkol diyan sa batang dinadala mo.”
Napapikit si Mandy. Ito na nga ba ang sinasabi niya---ang iniisip niyang dahilan kung bakit malaki ang pag-aalinlangan niya na aminin kay Rolf ang kalagayan niya. Hindi niya gustong akuin nito ang responsibilidad at magiging ganoon rin ang tingin nito sa kanya.
Hindi niya gustong malagay sa lagay ng mga magulang niya dati. Hindi niya gustong mangyari ang nangyari sa kanyang anak. Hindi niya gustong sisihin. Ayaw niyang tawagin na isa lamang talaga siyang responsibilidad...
“Mandy? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” hindi man magmulat si Mandy ay ramdam niya na may pag-aalala si Rolf. Naririnig niya iyon sa boses nito.
Umiling si Mandy pero hindi pa rin nagmulat. Kailangan niyang panatilihin ang pagpikit upang huwag lumabas ang luhang nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata. Kailangan niyang ipakita kay Rolf ang babaeng alam ng marami kung ano siya---matatag.
“Kung ganoon ay---damn! Alas tres na ng hapon. Hindi ka pa nagla-lunch! How silly of me not to think of it!”
Naramdaman ni Mandy ang pag-alis ni Rolf sa harapan niya. Nagdilat siya ng mga mata at nakita nga niya na wala na si Rolf sa tabi niya. Hindi na niya naman sinubukan na tawagin muli ito at pinagpasyahan na lamang muna na magpahinga sa sofa. Pagkatapos ng lahat, pakiramdam niya ay napagod siya at tama ito, gutom na nga rin para magprotesta pa. Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rolf.
“Alam ko na maaaring hindi maganda dahil hindi ganoon ka-healthy pero ito lamang ang kaya kong i-offer ngayon.” Inilagay ni Rolf ang isang tasty bread at spam sa harapan niya.
“Its all right.” Kinuha rin naman ni Mandy ang pagkain. Umalis muli si Rolf at pagbalik nito ay may dala itong isang baso ng tubig.
“Puwede ba ako na mag-request ng kape?”
Kumunot ang noo ni Rolf. “Hindi ba at masama iyon sa lagay mo?”
Alam naman iyon ni Mandy pero tila pinaglilihian niya ang kape. Iyon ang palagi niyang gustong inumin. “White coffee.”
Umiling si Rolf. “Hindi.”
Tumaas ang isang kilay ni Mandy. Hindi niya gusto ang paghigpitan ni Rolf o kahit sino man na tao. Pagod na siya roon.
Huminga nang malalim si Rolf. Umupo ito sa tabi niya. “Tinakot mo ako nang husto kanina, Mandy. Ngayon ay sisiguraduhin kong hindi na muli mangyayari iyon.”
“Wala kang karapatan.”
“Pero sa batang dinadala mo ay mayroon. Akin rin ang batang `yan, Mandy.”
Sandaling napaawang ang mga labi ni Mandy. Wala pa siyang inaamin kay Rolf pero tila siguradong-sigurado na ito roon. “Gaano ka kasigurado tungkol roon?”
“There was one time that the condom broke.”
Namutla si Mandy. “At hindi mo sinabi sa akin ang tungkol roon.”
Naging malaking gulat para kay Mandy nang malaman niyang buntis siya. Maingat sila ni Rolf. Pero inisip na lamang niya noong una na hindi lahat ng contraceptives ay mabisa. Iyon naman pala ay may naging pagkakamali pala talaga.
“Hindi ko inisip na importante. Isang beses lang iyon. But what’s with the regrets now? Nandiyan na `yan. We just have to deal with it.”
Deal with it. Hindi ba at ganoon ang nangyari rin sa mga magulang niya? She hated it. Naiinis rin siya na iyon ang gustong mangyari sa relasyon nila ni Rolf. Alam niya na popular ang katagang “history repeats itself” pero hindi niya gustong i-apply iyon sa sarili.
“I will deal with it.” Sadyang diniinan ni Mandy ang salitang “I”. Kumain muli siya at sinubukang bilisan iyon. Gusto na niyang umalis sa lugar.
“`Wag mo akong gamitan ng stubbornness mo, Mandy. Mula ngayon ay responsibilidad na kita. Poprotektahan kita. Ikaw at ang anak natin.”
Nakipagtagisan si Mandy ng tingin kay Rolf. Pero sa huli ay siya rin ang unang sumuko. Nakakaramdam lalo siya ng panlalambot sa tuwing nagsasalubong ang tingin nila ni Rolf, lalo na kapag nagtatagal iyon. May kakaibang kapangyarihan ang lalaki sa kanya na noon pa naman ay ikinabahala na niya. Iyon nga lamang, ginusto niya na i-discover kung ano iyon. Pero maling kilos iyon. Masyado siyang naaliw sa nadiskubre niyang damdamin na hindi siya makaalis-alis roon.
Huminga nang malalim si Rolf. Lumapit ito sa kanya, umupo sa tabi niya. Kapagkuwan ay hinawakan nito ang isang kamay niya. “Naiintindihan kong mahirap ito sa `yo, Mandy. Kaya nga kahit gusto ko na awayin ka dahil hindi mo sinabi ang lahat ng ito sa akin ay hindi ko ginawa. Hindi natin plinano ang lahat ng ito at may kasalanan rin ako. Pero sana naman ay pagbigyan mo ako. Hindi lang naman talaga ang tungkol sa bata ang dahilan kung bakit ginusto ko na bumalik sa `yo. You see, nagbaka-sakali ako sa unit mo dahil gusto ko na makita kang muli. I want you back. I missed you. Binigyan lang ako ng mas matinding dahilan ng batang dinadala mo para maging determinado ako na muli kang bumalik sa piling ko.”
Kumurap si Mandy. Totoo nga ba ang sinabi ni Rolf? May punto rin naman ito. Ramdam niyang nagulat ito nang malaman na buntis siya. May malaking posibilidad na hindi nito alam ang lagay niya hanggang dalhin siya nito sa lahat.
Kung ganoon, hindi lang naman responsibilidad ang lahat.
Ang isipin na iyon ay ikinataba ng puso ni Mandy. Dahil sa loob-loob niya, gaano man niya itanggi ay tila ganoon rin ang nararamdaman niya.
She missed Rolf, too. So much. Iyon nga lamang, tinuturing iyon ng kanyang isip bilang maling pakiramdam.
“IT IS YOUR first time.” Hindi mabasa ni Mandy ang emosyon sa tinig na iyon ni Rolf nang matapos ang pinakaunang pagniniig nila. Hindi sigurado ni Mandy kung dahil ba pisikal na nasaktan siya sa ginawa nila ni Rolf o dahil magulo ang isip niya kaya hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi na iyon ng lalaki. Magaling siya sa mga tao. Mabilis niyang nababasa ang mga ito. Pero hindi niya mabasa kung disappointment ba ang mayroon sa boses ni Rolf.
“It was.” Pagtatama naman ni Mandy. Bumangon na siya ng kama at sinimulan na bihisan ang sarili.
Kumunot ang noo ni Rolf. “What the hell do you think you are doing?”
“Its late. Sa bahay pa ako uuwi.” Kahit may sarili ng condo unit ay sinanay pa rin si Mandy ng mga magulang na umuwi sa bahay nila. Gusto kasi ng mga ito na kausapin siya tuwing umaga---isang pagkausap na iisa lang naman palagi ang pinupunto. Ang pag-alam tungkol sa nangyayari sa business nila.
“Ihahatid kita. Sa ngayon ay mag-usap muna tayo.”
“Ano ang kailangan nating pag-usapan---“
“Just so you know, I don’t sleep with virgin girls.”
Naglihis ng tingin si Mandy. “Scratch it. Hindi iyon importante.”
“It is to me!” lumakas ang tinig ni Rolf. Maya-maya ay bumuntong-hininga rin ito. “I’m sorry. Masyado lang akong nabigla. Paano mo naggawa ang lahat ng ito? Hindi ko inaasahan. I thought your views in commitments explain what kind of person you are. I thought you are one of those girls...”
“Hindi na iyon mahalaga. There is a first time for everything, right?”
“Alam ko. But this one, I don’t think I deserved it.”
Umiling si Mandy. “Ginusto ko ito.”
“Alam ko. Pero sa tingin ko ay---“
“Please don’t make a big deal of it, Rolf. Hindi naman kita pinupuwersa na panagutan ako. I totally agree with our set-up.”
Sa sinabi ni Mandy ay muntik na siyang mapalunok. Payag ba talaga siya? Friends with benefits. It sounds tempting. At sa ngayon at sa tingin niya ay hanggang tumanda na siya ay ganoon lamang ang relasyon na kaya niya talagang ialok.
Hindi niya gustong magpakasal. Simula bata siya ay ganoon na ang linya ng isip niya. Hindi niya gustong magkaroon ng isang seryosong relasyon. Hindi kasi siya naniniwala sa pag-ibig. Paano niya magagawa kung wala naman siyang nakikitang pag-ibig sa paligid niya?
Nagpakasal ang mga magulang niya dahil aksidenteng nabuntis ng kanyang ama ang ina. Walang pag-ibig na namamagitan sa mga ito. Hindi rin magkasundo ang mga ito. Maraming beses na nakikita niya na nag-aaway ang mga ito ay gusto na niyang sumigaw na maghiwalay na ang mga ito. Tanging ang dahilan lang naman kasi ng pagpapakasal ng mga ito ay dahil sa kanya. Napilitan ang mga ito. Pero dahil isa pala sa mga kondisyon ng parehong lolo at lola niya ay hindi maaaring maghiwalay ng mga ito dahil sa kanya. Kapag ginawa ng mga ito iyon ay tatanggalin lahat ng kayamanan ng mga ito na sa parehong magulang nanggaling. Pati ang suportang pinansyal sa dalawa ay ganoon rin. Ayaw lumaki ng Lolo at Lola niya siya na mayroon siyang sirang pamilya. Naniniwala rin ang mga ito sa kahalagahan ng pagpapakasal.
Naipit si Mandy sa sitwasyon at naging masama pa para sa kanya ang nangyari. Wala siyang makitang pagmamahal at hindi tuloy niya maggawang maniwala na nag-e-exist iyon. Dahil roon, umiwas siya sa mga lalaki. Kahit marami ang nag-aalok sa kanya ng pag-ibig ng mga ito, hindi niya tinanggap. Naging matigas siya.
Hanggang sa makilala niya si Rolf.
Nagustuhan niya si Rolf sa unang pagkikita pa lamang nila. Paanong hindi? Sa pampisikal pa lamang ay panalo na ito. Una siyang na-attract roon. Brown hooded eyes, high-bridge nose, full lips. Lahat yata ng makikita sa anyo nito ay masasabing perpekto. Gusto rin niya ang paniniwala nito sa buhay. Sa tingin niya ay nagkasundo sila---o ang damdamin niya sa damdamin nito.
May kung ano na hindi niya maipaliwanag kay Rolf. Gusto niya ang makita ito hindi lamang dahil sa nagaguwapuhan niya ito. May kakaibang damdamin sa puso niya na bumabangon kahit naiisip niya lamang ito. Naku-curious at nahihiwagaan siya sa kung ano iyon. She wanted to solve the mystery hanggang sa umabot na iyon sa puntong ito: ibinigay niya ang sarili sa lalaki.
“So you are really okay with it? Tuloy pa rin ang set-up natin? Hindi ka maghahabol ng commitment mula sa akin?”
Sandali pa lamang nagkakilala sina Mandy at Rolf. Naging mabilis para sa kanya ang desisyon na ito. Hindi siya ganoon. Iniisip niya madalas nang matindi at masinsinan ang mga bagay-bagay. Nararamdaman naman niya na may malaking interes para sa kanya si Rolf pero ang patulan agad ang alok nitong affair? Kahit naman sinasabi niya sa sarili na kung magkakaroon man siya ng relasyon, baka iyong mga ganoong klase lamang. No strings attached. Friends with benefits. Sa kabila naman kasi ng lahat, naniniwala pa rin siya na may mga bagay na kailangan rin niyang maranasan sa buhay. Sadya lamang niyang ipinagtaka na mabilis siyang nakapagdesisyon ng ganoon. Pero may malaking pakiramdam si Mandy na kaya ganoon ay mas pinagana niya ang kanyang damdamin. Ganoon pa man, wala naman siyang nakapa na pagsisisi.
Tumango si Mandy. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga mata nila ni Rolf. Ngumiti ito at maya-maya ay hinalikan muli siya. She immediately melted. Nakakatakot iyon. Hindi ba at siya ang nagsabi na kailangan na niyang umuwi? Pero magagawa ba niyang makauwi kung ganoong hindi siya nakatanggi sa muling pang-aakit nito? At may pakiramdam siya na mahihirapan siyang makawala mula roon lalo na sa nangyari ngayon.
Sinubukang paganahin ni Mandy ang isip. Ang mga affair na kagaya nito ay panandalian lamang. Pero bakit sa isipin na hanggang doon lamang iyon ay tila kumurot na nang matindi sa kanyang puso?
“NANDITO na ako sa tapat ng bahay niyo. Are you ready?”
Napakunot noo si Mandy nang mabasa ang text message na iyon ni Rolf. Patapos na siya sa pag-aayos ng sarili at papasok na ng trabaho. Sumilip si Mandy sa bintana. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang makitang nasa labas nga nag kotse ni Rolf.
Wala silang plano ni Rolf na magkikita. Alam naman nito na may pasok siya. Kaya bakit naisipan nito na sunduin siya nito sa bahay nila?
Buti na lang wala sina Mama, nasa isip-isip niya. Hindi niya gustong magtaka ang mga ito kung bakit may lalaking sumusundo sa kanya. Panigurado kasing magtatanong ang mga ito sa kung sino si Rolf sa buhay niya at wala siyang tamang maisasagot. Malaki pa naman ang expectation ng mga ito at kung malalaman ng mga ito kung anong klaseng relasyon ang sinuong niya ay magiging malaking gulo iyon.
Sa halip na sagutin ang text message ni Rolf ay tinawagan ito ni Mandy. “Anong ginagawa mo rito?”
“Gusto kong ihatid ka sa trabaho.” Sagot naman kaagad ni Rolf.
“May sarili akong kotse at marunong akong mag-drive. Hindi ko kailangan---“
“Come on, Babe. Don’t make a big deal out of this. Gusto ko lang i-make sure na maayos kang makakarating sa office mo,”
Sandaling natigilan si Mandy. Bahagyang tinanggal rin niya ang cell phone sa tainga at tinitigan iyon. Ano ang ibig sabihin ni Rolf? Nag-aalala ba ito sa kanya?
Nakaramdam siya ng nakakakiliting damdamin sa puso. Bahagyang lumambot rin iyon na gusto niyang mapakurap at sampalin ang sarili para malaman kung totoo ba ang nangyayaring iyon sa kanya. May taong nag-aalala sa kanya? At sa isang taong hindi niya pa inaasahan na gagawin iyon?
Masasabi ni Mandy na neglected child siya. Mahigpit ang kanyang mga magulang pero hindi niya masasabi na dahil sa mga iyon ay pinapahalagahan at nag-aalala ang mga ito sa kanya. Ramdam kasi niya na kaya iniingatan siya ng mga ito ay dahil para hindi masabihan ng mga ito na masamang magulang ang mga ito sa kanya kung sakali man na may mangyaring masama sa kanya. Malaki ang paniniwala niya na hindi siya mahal ng mga ito. Hindi naman kasi niya nararamdaman iyon. Ni wala siyang matandaang pangyayari kung saan hinalikan o niyakap man lang siya ng isa sa mga ito.
Sa huli ay tinanggap na rin ni Mandy ang paanyaya ni Rolf. Bahagyang nagulat pa siya ng may bulaklak rin sa kotse nito. “For you. To make your day beautiful.”
Kaunti na lang ay mamumula na ang pisngi ni Mandy. She felt very flattered.
“Hindi mo naman kailangang gawin ito.” Isang no strings attached affair lang ang mayroon sila pero pakiramdam niya sa ginagawa na ito ni Rolf ay boyfriend na niya ito.
“Gusto ko, okay? I want to make your day just like you and the flowers. Beautiful.”
Makita at makausap lang kita ay maganda na yata ang araw ko, wika ng isip ni Mandy at muntik na siyang mapakunot ang noo. Ganoon na ba talaga ang pagkahumaling niya kay Rolf? Dalawang linggo pa lamang simula nang magkakilala sila nang maayos. Isang linggo pa lamang simula nang mapagpasyahan nila na magkaroon ng isang walang commitment na affair.
Dapat na ikabahala na niya iyon. Binibigyan siya ng mga bagong damdamin ni Rolf at pakiramdam niya ay nagiging kahinaan niya ang mga iyon. Hindi niya kasi maggawang tanggihan iyon. Hindi niya gusto ang ganoong mga damdamin dahil ang tingin at gusto niyang mangyari sa sarili ay maging matatag.
Ganoon pa man, wala na rin naggawa si Mandy. Kahit papaano rin pala ay may wishful thinking pa rin pala siyang kiligin. Gumanda nga ang araw niya sa ginawa ni Rolf. Bihira siyang ngumiti pero buong araw yata ay nakangiti siya dahil sa ginawa nito.
Nang dumating ang hapon ay sinundo rin siya ni Rolf. Gusto raw nitong mag-dinner sila. Pumayag siya at napansin niyang natigilan pa si Rolf nang magtagpo sila pagkatapos ng araw.
“Bakit?”
“I-It’s your smile. Mas lalo ka palang gumaganda kapag nakangiti.”
Bukod sa abot taingang ngiti dahil sa nagustuhan ang papuri ay namula rin si Mandy.
“And wow...especially when you blush like that!” dagdag pa ni Rolf. “Why so? Natutuwa ka ba sa papuri ko? Ngayon lang kitang nakitang ganyan.”
“I-I just feel special.” Hindi na napigilan ni Mandy ang pag-amin.
“Then where’s my thank you for that?” nakangising wika ni Rolf. Kapagkuwan ay hinawakan nito ang kanyang pisngi at unti-unting nilapit ang mukha sa kanya. Hinalikan siya nito. Hindi na rin napigilan ni Mandy ang pagganti roon. Ginaya niya ang paraan ng paghalik sa kanya ni Rolf, kagaya ng madalas na ginagawa niya dahil wala naman siyang experience talaga. Pero sa pagkakataong iyon, hinayaan ni Mandy na kumawala ang damdamin. She ended up kissing him more passionate than ever. Ang lakas ng ungol ni Rolf pagkatapos.
“That was amazing. Gusto mo pa bang mag-dinner tayo o diretso na sa unit ko?” nakangising wika ni Rolf.
Natatawang umiling si Mandy. “Dinner first.” Sagot niya pero sa loob-loob niya ay mas magiging busog at kontento yata siya kung sakaling sinagot niya ang huling option.
NAGPAALAM si Mandy kay Rolf na tignan ang cell phone nito. Galing kasi sila sa Tagaytay. They had a date. Dahil rin sa ginawa ay kumuha sila ng mga larawan at lahat ng mga iyon ay nasa cell phone ni Rolf. Tinignan niya ang mga larawan habang nasa banyo ito at naliligo.
It was a nice spent day. Simple lamang naman iyon na maituturing. They went road tripping, kumain sa isang sikat na sea food restaurant at sabay na nagkape habang nakatanaw sa pinagmamalaking bulkan na matatanaw sa lugar. Ganoon pa man, sobrang nag-enjoy si Mandy.
Masasabi ba niya na isa iyon sa pinakamasayang araw sa buhay niya? Puwede. Pero sa tingin ni Mandy ay may mali pa rin. Dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang simulan nila ni Rolf ang affair na iyon. Ilang beses rin silang nag-date. Maraming beses na may nangyari na sa kanila. Halos araw-araw silang magkasama. Paano kasi ay naging paborito na nitong gawain ang sunduin at ihatid siya araw-araw. At masasabi ni Mandy na sa araw-araw na iyon ay lahat ay masaya. Basta makita at makasama lamang niya si Rolf ay masaya na siya. In fact, marami ang nagsasabi sa kanya na nagiging blooming raw siya. Palagi na rin siyang ngumingiti.
Hindi pa man niya inaamin sa marami, alam ni Mandy na si Rolf ang dahilan noon. Minsan ay naiisip niya kung totoo nga ba talagang no strings attached pa rin ang relasyon nila ni Rolf. Pakiramdam kasi niya ay exclusively dating na sila. Wala naman kasing kahit sinong nakapagitan sa relasyon nila. Kahit nalaman niya na playboy si Rolf at hindi talaga nagtatagal ang babae rito, pakiramdam niya ay isa siyang exception. Nakatagal sila ng dalawang buwan at kahit hindi pa man malinaw para sa kanya ang lahat, pakiramdam niya ay may kakaiba.
Dapat ay ikatakot iyon ni Mandy. Pero habang nagtatagal, nawawala ang takot. Mas nagiging mas katanggap-tanggap para sa kanyang sarili ang isipin na maaari nilang i-level up ang relasyon nila ni Rolf. Hindi niya kasi lubos maisip na darating ang araw na maaaring basta-basta na lamang siyang iiwan ng lalaki.
Habang nagba-browse ng mga larawan ay biglang nagkaroon ng upcoming call sa cell phone ni Rolf. Aksidenteng napindot rin niya ang answer button. Hindi naman sana niya gustong patagalin pa pero kinain siya ng curiousity nang makarinig ng boses mula sa babae. Hindi nagsasalitang pinakinggan ni Mandy ang kung sino man na tumawag.
“Hello Rolf. Are you free today?” may landi ang boses ng babae.
Sa kabila ng mga masasamang emosyon na mabilis na umahon sa dibdib ni Mandy ay mas pinanaig pa rin niya ang rational na bahagi ng kanyang isip. Hindi dapat niya pinapakialaman ang personal na buhay ni Rolf.
“Are you there, Rolf? `Cause I really missed you. Your lips, your touch and the fuck. God, you make me cum just by thinking of you...”
Sino ang babaeng ito? Naging girlfriend ba ito ni Rolf? Naka-affair rin nito? Or ka-affair rin nito kasabay niya?
Parang may pumiga na isang malaking kamay sa puso ni Mandy. Pakiramdam niya ay namutla at nanlamig rin siya. Nasa ganoon siyang lagay nang lumabas si Rolf mula sa banyo.
“Mandy?”
Ibinigay niya sa lalaki ang cell phone. “A-ah, aksidenteng napindot ko ang answer button ng tawag...”
Kunot noong kinuha ni Rolf ang cell phone. Napansin niyang nagulo rin ito nang ma-recognize ang tumawag.
“Yanna,” wika ni Rolf sa pangalan ng dalaga. Lumayo ito kay Mandy kaya hindi na niya muling narinig ang sinabi. Curious man ay pinigilan ni Mandy ang maging pag-usisa. At alam niya na kailangan rin niyang pigilan itong sakit sa dibdib na nararamdaman niya.
Naapektuhan siya sa narinig. Hindi dapat iyon. Lahat ay mali---kahit ang kasiyahan niya. Higit sa lahat, ang sakit sa isipin na may ibang babae sa buhay ni Rolf. Wala siyang karapatan.
“`Wag ka ng tatawag muli rito. Matagal na tayong tapos!” kung may narinig man muli si Mandy mula kay Rolf ay iyon ang galit na wika na iyon ni Rolf. Hindi naman nagtagal at muling bumalik si Rolf sa tabi niya.
“`Sorry about that. Yanna’s a bitch.”
“W-wala kang dapat ihingi ng patawad, Rolf.”
“Bakit? I feel like she said something bad to you and---“
“Hindi ko naman siya kinausap.”
“Okay, pero malamang ay nasaktan ka sa mga narinig mo. I hear her saying sexy words when you handled me the phone.”
Tumawa nang peke si Mandy. “Ano naman ngayon? Ano ba ang relasyon natin, Rolf? Kung may babae ka man bukod sa akin, wala dapat akong pakialam roon `di ba?”
“Mandy...” halatang nagulo ang mukha ni Rolf. Gustong kuhanin ni Mandy na senyales iyon na pinapahalagahan talaga siya nito. Pero mas tumatak sa isip niya ang usapan nila. Iyon dapat ang palagi niyang inilalagay roon.
Dahil nakilala na niya si Rolf, masasabi niya na kung hindi man siya isa, siya ang naging pinakamatagal na naka-affair ni Rolf. Napag-alamanan niyang madalas na linggo lamang ang tinatagal ng isang babae rito. Sa mga nalaman na iyon ay inisip niyang baka may kakaiba sa kanya kaya ganoon na lamang na nagtagal sila. Pero mali siya. Ang tanga niya para mag-isip ng kakaiba.
“`Wag kang mag-alala. Hindi ako nagseselos. I’m perfectly fine if you are also sleeping with her.”
Gustong palakpakan ni Mandy ang sarili niya dahil naggawa niyang hindi manginig habang sinasabi ang mga salita kay Rolf. Ganoon kasi siya kapag nagsisinungaling. Nahahalata na hindi siya komportable sa sinabi niya. Pero nuncang ipapahalata niya kay Rolf iyon.
Ginusto rin naman niya ito. Mataas ang pride niya. Kung sakaling aaminin niya kay Rolf na tila may kakaiba na rin siyang nararamdaman rito ay parang ipinatalo na rin niya ang sarili. At paano kung mali naman talaga ang iniisip niyang may kakaiba ngang nararamdaman sa kanya si Rolf kaya ganoon na lang kung alagaan siya nito? Mapapahiya siya. Maaaring tapusin na rin ni Rolf ang affair nila.
Sa kabila ng mga maling nararamdaman sa sarili, hindi pa rin niya kayang mawala ito sa piling niya. Gusto niya pa rin ito kahit ramdam niyang kailangan na talaga niyang ikabahala iyon.
Kukumbinsihin na lamang talaga niya ang sarili na hindi dapat niya pairalin ang pagseselos.
Wala siyang karapatan. Hindi niya mahal si Rolf. Hindi niya kayang magmahal dahil sa mismong bahay nga nila ay walang makagawa noon sa kanya. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig.
Pero kahit gaanong beses na sabihin ni Mandy iyon sa sarili, hindi iyon makayang iproseso ng kanyang puso.