The Last Will Series 1 - 4 Chapter 3

PINILIT ni Emerald na kumalma. Malalim na ang gabi. Bukas ay marami pa siyang kailangang asikasuhin sa bagong branch ng Bread and Pasta---ang restaurant na itinayo niya makatapos nilang maghiwalay ni Christien. Nang maghiwalay sila ni Christien ay doon niya ibinuhos ang oras niya. Sinubukan niyang mag-loan para magkaroon ng capital, bukod pa sa mga naging ipon niya nang makapagtrabaho siya. Dahil sa maganda ang naging kita noon, naggawa na rin niyang magtayo ng pangalawang branch kaya masasabi niya na abala siya. Kakabukas pa lang kasi noon at marami pang inaayos. Hindi niya kailangan ng distraction. Kailangan niya ng pahinga para makapagtrabaho siya nang maayos bukas.

Pero paano niya magagawa iyon kung ang daming bumabagabag sa isip niya? Nasa isip pa rin niya ang mga provisions, kung tama ba ang naging desisyon niya na gawin iyon para sa mana, at ang sitwasyon nila ngayon ni Christien. Iyon nga lamang, sa tatlong bagay na iyon ay ang pinakahuli ang hindi siya mapakali.

Kung nahihirapan siya kapag nasa malapit si Christien, parang mas mahirap para sa kanya ang isipin na nasa malapit man ito ay alam niyang nahihirapan naman ito. Napagdesisyunan kasi na siya ang matutulog siya sa kuwarto at si Christien naman ay sa sofa sa living room ng bahay.

Kung tutuusin, kasalanan ni Emerald ang lahat. Nang binili nila ang bahay ay siya ang nag-suggest kay Christien na ipa-renovate iyon. Dati kasi iyong may apat na tabi-tabing kuwarto sa itaas ng bahay. Pero sinabi niya sa lalaki na pangarap niyang bahay ay iisa lamang na may kuwarto. Gusto kasi niya na kapag nagkaanak sila, kasama rin nila iyon sa kuwarto. Kung magkakaroon man sila ng guests ay puwede naman nila iyong dalhin sa mansion ng mga de Guzman na hindi naman kalayuan sa nabili nilang bahay.

Malaki naman ang kama na minsan ay pinagsaluhan rin nila ni Christien. Iyon nga lamang, iba na ang sitwasyon. Napag-usapan na lamang nila na ipa-renovate muli ang bahay para magkaroon ng sariling kuwarto ito. Matagal-tagal rin ang isang taon para matulog sa ganoon si Christien. Maaaring magtagal rin ng buwan ang renovation kaya sa tingin ni Emerald ay tatagal pa lalo ang paghihirap niya. Nagi-guilty siya kahit na ba si Christien na mismo ang nangmungkahi sa set-up nila ngayon.

Namatay man ang mga magulang sa batang edad ay lumaki pa rin ng maginhawa si Christien at ang mga kapatid nito. Hindi ito sanay sa hirap. Duda nga siya kung naggawa na ba nitong matulog sa sofa sa buong buhay nito. He was born with a silver spoon in his mouth. Lahat ng kayamanan at comfort sa buhay ay tinatamasa nito. Guilty siya na dahil sa kanya, kailangang malagay ni Christien sa ganoong sitwasyon.

Dahil hindi mapakali ay sinubukang bumangon ni Emerald. Titignan niya si Christien. Nagdala rin siya ng kumot. Hindi kasi niya sigurado kung mayroon bang ganoon si Christien. Sa pagbaba niya ay nakita niya na tama ang desisyon niya. Walang kumot si Christien. Bagaman mukhang tulog na ito dahil sa nakapikit na ang mga mata nito ay mukhang hindi naman ito komportable. Umasa siya na kapag nalagyan niya ito ng kumot ay magiging maayos na ang lagay nito. Baka iyon ang kulang rito para magmukhang komportable ito habang natutulog.

Naging matagumpay si Emerald sa plano. Maayos na nalagyan niya ng kumot si Christien nang hindi ito nagigising. Iyon lang naman talaga dapat ang ginagawa niya roon. Pero hindi niya naiwasan na gumawa ng iba...isang bagay na mali.

Natagpuan ni Emerald ang sarili na tinitignan na lang si Christien.

Sa kabila nang hindi komportableng anyo ng lalaki, nanatili pa rin itong guwapo. Naroroon pa rin at mas lalo pa ngang nakakapang-akit ang mga features nito na unang nakapang-akit sa kanya. Kahit nakapikit ay nai-imagine niya ang kulay tsokolateng mga mata nito. Magulo ang buhok nito dahil na rin sa puwesto pero mas nakaramdam pa siya ng urge na hawakan iyon. She remembers she liked his hair messy. Gustong-gusto niya iyon palaging hawakan sa mga gabing may nangyayari sa kanila...

Mali itong ginagawa niya. Kaya lang naman talaga siya pumayag na mapunta sa sitwasyon na ito ay dahil sa mana. Kahit ramdam niya na parang hindi pa rin nawawala sa kanya ang epekto ni Christien, mali pa rin ang nangyayari sa kanya. Kung mahuhulog siya kay Christien, saan siya dadalhin noon? Sa dating relasyon nila na napatunayan niya na marupok pala? At hindi ba ay kapag nakipaglapit siya rito, sinubukan na ayusin ang relasyon nila ay hindi malabo na magiging kalakip noon ang salitang pamilya. Ang anak.

Ang anak na hindi na niya makakayang magkaroon pa kahit hindi pa rin naman ganoong kaimposible. Hindi na niya gustong bumalik sa parehong sitwasyon.

Siguro ay pagbibigyan ko na lang kahit paminsan-minsan ang sarili ko na maging masaya, bulong ni Emerald sa sarili. Sa pagtitig niya sa asawa ay nakakaramdam siya noon. Hindi talaga niya maitatanggi na may kakaibang epekto pa rin ito sa kanya sa kabila ng mga nangyari sa nakaraan. Naaaliw siya sa pagtitig rito. He is still as handsome as ever.

Kaya naman naging isang malaking gulat para kay Emerald nang maya-maya ay nagmulat ng mga mata si Christien. Awtomatikong namula ang kanyang mukha.

“I-I’m sorry. Naggising kita at---“

“Hindi naman talaga ako nakatulog.”

Napaaawang ang labi ni Emerald. Kung ganoon ay nararamdaman ba nito ang pagtitig niya?

“You’re staring at me.” Pagkumpirma ni Christien sa tanong ni Emerald sa isip.

“I---“

“Minsan na may nakapagsabi sa akin na rude raw na gawain iyon.”

Nataranta si Emerald. “H-hindi ko intensyon na gawin iyon. Nadala lang ako at---“

“No more explanations. What I think is you deserve a punishment for that.”

Bago pa man makapag-react muli si Emerald ay nakita na lang niya na pinapanood si Christien na unti-unting bumangon sa pagkakahiga. Hindi rin siya nakakilos nang bigla-bigla ay hablutin ng lalaki ang ulo niya at ilapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

Kung iyon ang sinasabi ni Christien, masasabi ni Emerald na iyon na siguro ang pinakamasarap na parusa na natanggap niya sa buong buhay niya.

“DAMN! Damn! Damn!” inis si Christien pero medyo nagpasalamat pa rin siya na pribado ang opisina niya sa J. De Guzman Law firm. Hindi nakikita ng kahit sino sa iba pa na mga empleyado roon na mukha siyang tanga. Gulong-gulo siya. Kung kahapon ay hirap na hirap siyang makapag-concentrate ay mas lalo ngayon. Alas-kuwatro na ng hapon pero wala siyang kahit anong naggawa sa kanyang trabaho.

Iniisip ni Christien si Emerald at ang halik na pinagsaluhan nila kagabi.

Mali iyon pero malaking bahagi ng puso niya ang nagsasabi na tama. Gusto niya iyon. Pinalakas ng halik ang tibok ng kanyang puso na parang pagkatapos ng tatlong taon ay nabuhay muli.

But the thing was...he couldn’t concentrate because of that. Again. Gusto niyang maulit iyon pero alam rin naman niya na malabo. Naramdaman naman niya na tila nagustuhan rin iyon ni Emerald pero pagkatapos ay basta-basta na lang siya nitong iniwan. Ni kaninang umaga rin ay hindi ito bumababa para kausapin siya tungkol roon. Mukhang masama ang loob ni Emerald.

To think na sinabi niya kay Emerald na irerespeto niya ito. He felt like a failure again. Paano kung hindi na siya nito pagkatiwalaan dahil sa kapangahasan niya? Hindi na niya ito makikita muli. Hindi na siya magiging masaya. Kahit na ba may expiration ang pagsasama nila ay mahalaga pa rin sa kanya ang buong taon na iyon. Kung hindi man siya magtagumpay sa plano, at least, kahit isang taon ay maging masaya naman siya kahit papaano. Masaya na siya na makita at makasama ito kahit papaano.

Plano sana na kuhanin ang pagkakataon na iyon upang makuha muli si Emerald. Pero masyado siyang naging mabilis. Dapat ay dinadahan-dahan niya ang babae. Nararamdaman niya naman na parang may kakaiba pa rin sa pagtingin nito sa kanya. Pero ginawang sensitive ng trahedya noon ang asawa. Dapat ay kinonsidera niya iyon. Dapat ay pinigilan niya ang sarili.

Pero sandali lang ang isang taon. Paano kung kagaya ng tatlong taon ay ipatalo niya rin iyon? Maigi rin na magsimula siya ng maaga. May tama rin naman talaga sa ginawa niya kagabi.

Kung pinigilan lamang ni Christien ang sarili kagabi, hindi siguro siya magiging ganoon kagulo ngayon. Pero kung hindi niya ginawa, he wouldn’t experience heaven again.

Hindi na maitatanggi ni Christien na gusto pa rin talaga niya si Emerald. He wanted her. Always. Kahit sa nakalipas na taon.

At kailangan na niyang gumawa talaga ng paraan.

Kinuha ni Christien ang cell phone. Kinuha niya sa kapatid na si Allain kanina ang number ng babae. Alam niya na in touch pa rin ang dalawa kaya accurate ang nakuha niyang numero. Nang tumunog ang cell phone at sagutin iyon ni Emerald ay naglalaro ang mga daga sa dibdib niya.

Pero hindi na maaatim pa ni Christien na maging duwag.

“Sino ito?”

“Lets have dinner tonight.” Sa halip ay sagot ni Christien sa tanong.

BAHAGYANG pinagsisihan ni Emerald na pumayag siya sa gusto ni Christien na mag-dinner sila. Pinagsisihan rin niya na pinili niya pa na sa bahay na lamang sila mag-dinner ni Christien. Mali na pinili niya iyon dahil mas naramdaman niya na nagiging intimate sila ng asawa. Nahihirapan siyang hawakan iyon.

Tila sumisikip kapag nasa paligid si Christien---mas lalo pang sumikip iyon simula nang nangyari sa kanila kagabi. Sila lamang dalawa ni Christien sa bahay dahil uwian naman ang driver nito. Simula pa man ay wala na rin silang katulong. Marunong naman kasi siya sa bahay. Inako niya ang lahat ng gawain kahit medyo hindi iyon nagustuhan ni Christien. Hindi nito gusto na mahirapan siya. Pero ang dahilan naman ni Emerald ay gusto niya ng privacy sa kanilang dalawa.

Ang pagkakaroon rin ng kagustuhan ni Emerald ng privacy ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag na kumain sa labas. Tama lamang na ang mga pamilya at si Attorney Morales ang may alam ng lahat na hindi man lumalapit ay alam niyang nakatanaw rin sa kanila para makita kung tinutupad nga nila ang nasa will ni Tita Judith.

“Ang lahat ng ito ay paborito ko,” makikita ang saya ni Christien nang makita ang mga niluto niya.

“N-naisip ko lang na gawing paraan ito para makapagpasalamat sa `yo.”

Tumaas ang isang kilay ni Christien. “Pagkatapos ng nangyari kagabi?”

“Pagkakamali iyon.”

Alam ni Emerald sa sarili na nagsisinungaling siya. Na-enjoy niya ang halik ni Christien. Kagabi nga ay ilang beses pa niyang iniisip na sana ay maulit iyon. He missed the warmth of his kisses and also the butterflies that ran through her stomach whenever he does the deed.

Matamang tinitigan ni Christien si Emerald. Na para bang sa pamamagitan ng tingin na iyon ay malalaman nito kung totoo o kasinungalingan ang mga sinabi niya. “Kumain na tayo.”

Nakakaramdam ng tensyon si Emerald habang kumakain sila ni Christien. Kahapon, kahit nagluto siya ay hindi sila nagkasabay na mag-dinner ni Christien. Nagkaroon kasi ito ng importanteng tawag sa telepono nang magsimula siyang kumain. Natapos na siyang kumain nang matapos ang tawag at makabalik ito.

Hindi sila nag-uusap ni Christien habang nakain pero maya’t maya ay napapatingin sila sa isa’t isa. Pinilit lang niya na makakain nang maayos. Naitawid rin naman nila ang dinner kahit medyo awkward iyon.

“I’ll clean the dishes.” Wika ni Christien pagkatapos kumain.

“Hindi. Kaya ko na---“

“Mukhang pagod ka na. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa mo sa buong araw pero mukhang napapagod iyon base sa mukha mo. Nagluto ka rin. Mas okay kung ako naman ang maghugas.”

Hindi na nagpumilit pa si Emerald. Pero hindi niya maiwasan na punahin at tignan si Christien habang naghuhugas ito ng pinggan. Nakatalikod ito sa kanya kaya tanging likod lang nito ang kaya niyang titigan. Parang nagpapa-palpitate ang puso niya habang tinitignan iyon. Blood rushing through her veins. Kinikilig siya. He really had a sexy body and sexy butt. Kahit nakapormal na damit ito ay kanasa-nasa pa rin ito.

Naaaliw si Emerald sa ginagawa at maya-maya ay pinagsisihan niya iyon. Bigla kasing naibagsak ni Christien ang plato at nabasag iyon. Maya-maya rin ay nakarinig siya ng sigaw mula rito. Mukhang nang kinuha nito ang nabasag na plato ay nahiwa at nagkasugat ito. He sounded hurt.

Dinaluhan ni Emerald si Christien. Mukhang nataranta ang lalaki. Pinaupo niya ito at kumuha ng emergency kit. Pagbalik niya ay namumutla ito. Hanggang sa maayos niya ang sugat nito at tumigil ang pagdudugo ay namumutla pa rin ito. Mukhang hindi rin ito mapakali.

“Masakit pa ba?” nag-aalalang tanong ni Emerald.

“H-hindi ko lang nagustuhan na makakita ng dugo.”

Hindi niya alam iyon. Pero hindi na niya pinagtakahan. Hindi madalas na nag-o-open sa kanya ang asawa. Ramdam niya na marami pa rin siyang hindi alam rito.

“Sabihin mo sa akin kung may magagawa ako at---“

Sa gulat ni Emerald ay niyakap siya ni Christien. She felt comfortable. Kagaya ng halik na iginawad nito sa kanya, na-miss niya iyon.

Kay tagal niyang hinanap ang yakap ni Christien. Kailangan niya iyon. Nakakapagdala sa kanya ng kakaibang damdamin at the same time rin ng comfort ang yakap ni Christien. Pero bakit ngayon lang naggawa iyon sa kanya muli ni Christien?

Sa nangyari, mas naramdaman ni Emerald na napaka-unfair talaga ng buhay. Ang unfair ni Christien. Libreng nakuha nito ang yakap niya sa mga panahong kailangan na nasasaktan siya. Samantalang siya, noong mga panahong kailangan niya ng ganoon ay ni tingin ay naging napakahirap para rito na bigyan siya...

NAUNANG makatulog si Christien kaya libreng napagmasdan ni Emerald ang mukha nito. Pagod ang kanyang asawa kaya mabilis na bumagsak ito. Ayon rito ay naging napakarami ng inaasikaso nito sa law firm ngayong araw. Pero sa kabila ng lahat, naggawa pa rin nitong umuwi ng maaga at tama sa oras sa bahay. Dinala na lamang nito roon ang ilang trabaho para kahit papaano ay nababantayan pa rin at nakikita siya nito kaysa kapag nasa office ito at nag-over time.

Na-appreciate nang husto ni Emerald iyon. Christien cared too much of her, lalong-lalo na ngayong buntis siya. Kahit dalawang buwan pa lamang ang pinagbubuntis niya ay ramdam na ramdam na niya ang kasabikan nito. Ingat na ingat ito sa kanya. Tuwing break nito ay palagi siya nitong tinatawagan para kumustahin ang lagay niya. Inabisuhan rin siya nitong huwag munang magtrabaho. Pumayag siya roon. Naging isang tipikal na housewife si Emerald at masaya siya roon. Nakakatuwa kasi na kahit nasa bahay ka lang ay sa huli ay may ilu-look forward ka rin na magugustuhan mo na darating.

Pati ang pamilya ni Christien ay sabik rin. Nasabi na rin sa kanya ni Tita Judith na nag-uumpisa na itong ipamili ng gamit ang magiging anak nila sa kabila ng kaliitan pa lamang noon. Ang mga kapatid ni Christien ay nararamdaman rin niya ng concern. Palagi siyang tinatawagan ng mga ito para kumustahin o minsan pa nga ay dinadalaw siya. Ganoon rin ang kanyang ama. Nasabik ito na magkaroon ng apo. Lahat ay masaya sa pagdating ng anak nila ni Christien. Ganoon rin si Emerald. Sa sandali pa lamang na panahon, kahit na ba hindi nakikita at hinahawakan ay mahal na mahal na niya ang anak niya.

Pakiramdam ni Emerald ay napakasuwerte niya. Mayroon siyang mabait na asawa. Maayos ang relasyon nila. Hindi sila nag-aaway. Gusto siya ng pamilya nito. At ngayon, magkakaanak na sila. Bubuo na sila ng pamilya.

Nang ma-satisfy si Emerald sa pagmasid sa asawa ay pinagpasyahan na niyang matulog. Kaya lang ay nakaramdam siya ng kung anong masakit sa kanyang puson. Bahagyang kinakabahan rin naman siya sa nangyayari sa kanya pero ayaw niyang mag-isip ng masama. Isa pa, pagod na si Christien kung aabalahin niya pa at sabihin ang kanyang nararamdaman. Kinalma na lamang ni Emerald ang sarili. Baka pagod lang siya kaya ganoon. Hindi naman nagtagal ay nakatulog siya.

Alas dos ng madaling araw nang maggising muli si Emerald. Ang kaninang sakit ng puson ay lalong lumala ngayon. Hindi lang basta pagod ang lahat. Naalarma na si Emerald, lalo na nang makitang may dugong umaagos sa hita niya. Ginising na niya si Christien. Namutla ito nang makita siya at bahagya pang natakot si Emerald na mukhang mas uuna pang bumigay kaysa sa kanya ang asawa. Iyon ang unang beses na nakita niya itong ganoon. Ganoon pa man, sinubukan pa rin siya nitong dalhin sa ospital.

Sa ospital ay kung anu-ano pa ang ginawa kay Emerald na sa huli ay tila balewala rin. Nalaglag ang baby niya.

“Its a chromosome problems. Minsan ay dumarating sa punto na bigla na lang na nagkakaroon ng mali sa pagbubuntis at ang bata ay nakakuha ng kulang o kaya ay mas higit na chromosomes. Madalas ay walang paliwanag tungkol sa reason na iyon. Pero ang ibig sabihin ng lahat ay hindi made-develop ang fetus ng normal kaya nagkakaroon ng miscarriage.

“Hindi naman bago ang mga ito sa kaso ng miscarriage. Hindi rin nagkakahulugan na may problema sa inyong dalawa na mag-asawa. Masakit na mawala ang bata pero sana ay huwag nating gaanong ikabahala. Rare na mangyari muli ang ganitong kaso kaya kung susubukan niyo muli na magkaanak, malaki pa rin ang tsansa na hindi na muling mangyari ito.” Paliwanag sa kanila ng Doctor na tumingin sa kanya.

Sa kabila ng mga narinig ay hindi pa rin maggawang kumalma ni Emerald. Iyon ang unang baby niya. Masakit iyon para sa kanya. Mahal na niya ang anak. Isama pa na napakaraming nag-aantay sa anak nila. Lahat ay nalungkot sa nangyari. Mas lalo siyang nasaktan. Nabigo niya ang mga ito.

Pero bukod sa pagkabigo sa pamilya niya at sa pamilya ni Christien, mas lalong naramdaman ni Emerald na mas binigo niya ang asawa. Naiintindihan naman niya na nasasaktan ito. Pero lalong hindi iyon nakatulong sa kanya.

Masakit para sa kanya ang nangyari, masakit na binigo niya ang pamilya pero mas masakit na makita mong binibigo mo ang pinakamamahal mong tao. Naging malaki ang sugat sa kanya sa isipin na para kay Christien ay isa siyang pagkatalo. Hindi ito sanay na matalo. Kaya talagang iniisip niya na iyon ang naging tingin sa kanya ng asawa.

Nagbago ang relasyon nila pagkatapos ng trahedya. Kung dati-rati ay palaging maagang umuwi si Christien, ngayon ay isinubsob nito nang husto ang sarili sa trabaho. Halos hindi na niya ito makita. Parang sinasadya pa nga nito iyon. Hindi siya nito maggawang tignan at sobrang nasaktan roon si Emerald.

Dapat ay kasama niya itong nagluluksa. Pareho silang nawalan. Pero sa tingin ni Emerald ay mas lalo siyang nawalan. Nawalan siya ng asawa at anak. Nag-iba si Christien. Hindi na ito ang lalaking kilala niya.

Kailangan niya ng suporta ni Christien. Dapat ay inaalalayan siya nito. Mas kino-comfort. Mas nawalan siya kung tutuusin. Siya ang nagdala sa bata. Malayo sa intensyon niya na mangyari iyon. Hindi naman rin niya kasalanan ang nangyari para tratuhin siya nito nang ganoon.

Pero hindi iyon kailanman nangyari. At nang subukan na niyang ayusin ang problema nilang mag-asawa, isang masamang pag-uusap lamang ang kinatapusan noon.

“I suggest to you that you pack your bags.”

Nanlaki ang mga mata ni Emerald sa sinabi ng asawa. “P-pinapalayas mo na ako?”

“Hindi naman sa ganoon. Pero hindi ako ang taong kailangan mo sa ngayon. Hindi ko kayang damayan ka, Emerald. Mas mabuting doon ka muna kayna Tita.”

“Ni hindi mo maggawang tumingin sa akin. Hindi mo ako gustong makita...”

Hindi nagsalita si Christien. Para kay Emerald, ang ginawa nitong iyon ay pag-sang-ayon na sagot ni Christien sa sinabi niya.

Labis na nasaktan si Emerald. Sinunod nga niya ang utos ng asawa. Pero sa halip na pumunta sa pamilya nito, mas pinili niyang pumunta sa tunay niyang pamilya---ang kanyang ama.

Sa kabila ng lahat, sinubukan rin naman ni Emerald na antayin ang panahon kung saan masasabi na ni Christien na ito ang lalaking kailangan niya. Iyon nga lamang, napagod rin siya. Wala siyang kahit anong natanggap rito pagkatapos. Minabuti na lamang ni Emerald na gawin rin kay Christien ang kung ano ba ang mukhang gusto rin na gawin sa kanya nito...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.