The Last Will Series 1 - 4 Chapter 4

“IPINAMILI mo ako ng damit.”

Mula sa prenteng panonood ng telebisyon sa sala ay napalingon si Christien sa boses na iyon ng asawa. Kunot na kunot ang noo nito---nagtataka habang dala-dala ang mga ipinamili niyang damit para rito na inilagay niya sa kuwarto kung saan naman ito dumiretso nang makarating ito.

Tumayo si Christien. “Bakit, hindi mo ba gusto? Hindi ba kasya sa `yo?”

“Hindi sa ganoon. But these dresses are designer dress. Mayroon ka pang gown na binili. Para bang lahat ng ipinamili mo ay para sa mga social gatherings. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito?”

“Alam ng lahat na nagsasama na muli tayo. You are my wife. Nararapat lang naman siguro na isama kita sa mga social gatherings na madalas na pinupuntahan ko dahil sa mga colleagues at mga matataas na taong nakilala ko.”

Matamang tinitigan ni Emerald si Christien. Pinilit niyang kumalma. Kinakabahan kasi siya dahil baka hindi tanggapin ni Emerald ang paliwanag niya.

Nang ibaba ni Emerald ang mga binili niyang gamit ay umasa siyang tapos na ang mga panunuri. Pero sa halip ay pumamaywang ito. Tinaasan rin siya nito ng isang kilay. “At ang mga araw-araw na bulaklak na pinapadala mo sa akin?”

“Ha?” medyo na-caught off guard si Christien. Dapat ay pinaghandaan na niya iyon. Nakikita niyang nagtataka si Emerald pero sa huli ay mukhang na-appreciate rin naman nito iyon. Namumula ang mukha nito at nagpapasalamat. “A-ah, eh...nabalitaan ko na nakakapagpaganda raw ng araw ng isang babae ang mga bulaklak kaya kita pinapadalhan noon. K-kahit si Agnes ay sinubukan ko rin na padalhan ng mga bulaklak. Baka makabubuti rin sa kanya.”

Tumaas ang isang kilay ni Emerald. “Kanina ay dinalaw ako ni Agnes sa restaurant. Nang malaman niya ang ginagawa mo sa akin ay nainggit siya. Kung ginagawa mo rin iyon kay Agnes, hindi ba dapat ay mali na mainggit siya?”

Pinagpapawisan na si Christien. Damn, bakit pa ba niya naisip na magsinungaling? Idinamay niya pa ang kapatid. Nahuli tuloy siya at lalong nahirapan na magdahilan.

Ginagawa ni Christien ang lahat ng mga iyon ay dahil gusto niyang mapalapit kay Emerald. Gusto niyang gumawa ng paraan para kahit papaano ay mapasaya niya ito. Baka sa ganoon ay makita na rin niya na dahil sa ginagawa niya ay maging masaya rin ito sa piling niya. Maaayos nila ang pagsasama nila.

Matindi pa rin ang nararamdaman ni Christien kay Emerald. Hindi niya masasabing nawala rin iyon. Nanatili ito sa puso niya sa kabila ng mga taon. Minsan, kapag nga may nakakaalam na may asawa at nalalaman ang estado kung ano ang mayroon sila ay marami ang nagtataka kung bakit niya hinahayaang ganoon na lamang iyon. Pero nagtataka ang mga ito hindi dahil sa hindi niya binibigyan ng pagkakataon muli ang pagsasama nila. Nagtataka ang mga ito kung bakit hinayaan niyang kasal pa rin siya kung ganoon naman ang estado ng relasyon nila.

Hindi option para kay Christien ang annulment. Hindi dahil sa wala talagang grounds para hiwalayan niya si Emerald. Magaling siyang lawyer. Kayang-kaya niyang hanapan ng butas kung gugustuhin niya na makipaghiwalay kay Emerald. Pero dahil hindi niya gusto, hindi man lang kahit minsan na sumagi iyon sa isip niya.

Napagtanto niya na kailangan niya si Emerald. Hindi na niya gustong palipasin ang mga taon. Gumagawa naman siya ng paraan pero alam niyang kailangan rin niyang dahan-dahanin kaya nga hindi niya tuwiran na sinasabi sa babae ang gusto niya. May usapan sila. Pumayag siya roon. Kailangan niyang pigil-pigilan ang sarili.

“Madalas ka rin na tumatambay sa Bread and Pasta. Madalas pa ay sa branch kung alam mo na nasaan ako. Palagi na akong inaasar ng mga employees ko. Sinasabi nila na nagpapansin ka raw sa akin. At sa tingin ko ay tama sila. Ang mga ginagawa mo, its fishy. Para bang may mga mali sa mga dahilan mo. O may mas malalim pa talaga na dahilan iyon. Pag-usapin natin ito, Christien. Ano ba talaga ang binabalak mo?”

Sa sobrang kaba, naumid ang dila ni Christien. Para sa isang lawyer na kagaya niya, dapat ay sanay siya na makipag-argumento. Pero kay Emerald ay talo siya. Hindi rin kasi niya ginagawa ng tama ang lahat.

Bumuntong-hininga si Emerald. “Sinabi mo na nirerespeto mo ang desisyon ko na hanggang sa terms ko lang ang pagsasama natin. Pero bakit iba ang nakikita ko ngayon? You seem to be crossing out of the line. Ginagawa mo ang mga hindi dapat.”

Hindi muling nakapagsalita si Christien. Nakatitig lang siya sa asawa.

“Kung iniisip mo na gamitin ang pagkakataong ito para paikutin ako at makuha mo ang mana mo ay mali ka. Hindi kita kayang tulungan, Christien. Masyado na akong nasaktan sa nangyari sa nakaraan. Hindi ko kayang bigyan ka muli ng anak.”

Iyon nga ba talaga ang dahilan niya? Mahalaga para kay Christien ang firm. Doon siya nagsimula, doon siya nakilala. Umasa rin siya na balang araw ay mapapasa-kanya iyon. Napag-usapan na nila iyon ni Tita Judith.

Idol ni Christien si Tita Judith niya kaya pinili niyang maging isang lawyer rin na kagaya nito. Isa itong lawyer at ito mismo ang nagtayo ng law firm na gusto niyang makuha. Pamilya ito at bilang pamilya ay dapat siya ang magpatuloy ng pinaghirapan nito. Isama pa na malaki rin ang inambag niya sa law firm. Malaki ang pinagharapan niya sa kung ano iyon ngayon. Tama lang siguro na talagang bigyan niya ng pagpapahalaga na mapapunta sa kanya ang law firm.

Pero kung nasasaktan naman niya ng ganito si Emerald, balewala na sa kanya siguro iyon. Ang mahalaga lamang para sa kanya ay ang babae. Iyon nga lamang, magiging mahirap para rito na paniwalaan iyon.

Sinaktan niya ito noon dahil sa kaduwagan niya. At nang maka-move on na siya sa lahat na itinagal ng taon, nakita niya na mukhang hindi na iyon magkakaroon ng katuparan. Ilang beses rin niyang sinubukang dalawin ang asawa pero nakita niya na mukhang masaya na ito sa buhay. Masaya na wala siya sa piling nito.

Kung sana ay nakinig lang ako sa kanila...

Napakaraming beses siyang kinausap ng mga kapatid at ni Tita Judith tungkol sa lagay nilang mag-asawa. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Botong-boto ang mga ito para sa kanya kay Emerald. Naging mabait ang asawa niya sa mga ito at nakasundo rin. Medyo may pagkasabik rin kasi si Emerald noon sa mga kapatid dahil nag-iisa lamang ito. Itinuring nitong parang kapatid na rin ang mga kapatid. Giliw rin si Tita Judith sa dalaga dahil marunong itong tumanaw ng utang na loob. Ito ang tumulong kay Emerald noong mga panahong hirap ang pamilya nito. Pero gaano pa man siya pilitin ng pamilya, hindi siya nakinig. Naging selfish siya. Hinayaan lang niya ang mga ito sa paulit-ulit na pangangaral sa kanya hanggang sa magsawa na ang mga ito.

Binigyan ni Christien si Emerald nang lubos na sakit nang panlamigan niya ito pagkatapos. Alam niya na nasaktan niya si Emerald. Kung subukan man niya na balikan muli ito noon, magiging mahirap na iyon. Naging napakatagal ng healing process niya na kinailangan pa niyang layuan ang asawa. Lalo lamang siyang nasasaktan at nahihirapan. Naalala niya paulit-ulit ang lahat. Iyon nga lamang, hindi niya maggawang aminin rito ang lahat. Sa kabila ng mga pagsasabi sa kanya ng pamilya na mali ang kanyang ginagawa ay hindi niya maggawang baguhin iyon.

Sinaktan niya si Emerald. Naduwag siya na lapitan ito nang nasabi niya sa sarili niya na naka-move on na siya. Alam kasi niya na mahihirapan siya dahil nasaktan na niya ito. Ika nga, “the damage has been done”. Hindi na niya sinubukang sumubok noon dahil nakita rin niya na mukhang masaya na si Emerald sa buhay nito.

It was a lame excuse, yes. Pero naisip rin niya na kung babalik pa siya sa piling nito, hindi ba at sisirain lang niya ang mukhang masayang buhay na nito? Ginulo niya ito. Sinaktan. Hindi nito deserve ang mga bagay na iyon.

Lubos na pinagsisihan niya ang lahat. Sinusubukan man niya ngayon dahil na rin sa pagkakataon na ibinigay sa kanya pero mukhang tama lamang na hindi rin niya sinubukan dati. Its hopeless. Nakita rin niyang nasaktan si Emerald sa tamang naiisip nito na maling ginagawa niya rito.

“I’m sorry.” Sincere ang pagkakasabi ni Christien noon pero ramdam niyang hindi iyon ang tamang gawin. Ibig sabihin lang kasi noon ay talagang tinanggap na niyang wala silang pag-asa ng asawa.

NAGGISING si Emerald na nararamdaman na parang may kakaiba sa kanyang paligid. Nang unti-unti niyang imulat ang kanyang mga mata ay nakita niya si Christien na katabi niya sa kama at titig na titig sa kanya. Kaagad na napabalikwas siya sa pagkakahiga.

“Anong ginagawa mo rito?” nanlalaki na kaagad ang mga mata ng babagong gising na si Emerald.

“Napagtanto ko lang na mali ako na humingi ako ng patawad sa `yo. Mali rin ako na sabihin na kaya kong pumayag sa kondisyon mo lang. The truth is, I still want this marriage to work.”

Kumabog ang dibdib ni Emerald. “Pero bakit? Dahil lang ba talaga ito sa mana mo?”

Umiling si Christien. “Do you want me to tell you or just show you?”

Nanuyo ang lalamunan ni Emerald, lalo na nang unti-unting lumapit si Christien sa kanya. “A-ano?” bahagyang nasabi na niya ang salita.

Si Christien na ang pumili ng sagot sa tanong nito sa kanya. Tinawid nito ang kakaunti ng distansya sa pagitan nila. Hinalikan siya nito. Nagulat si Emerald. Mas lalo pang lumaki ang kanyang mga mata. Pero kahit anong sabi niya sa utak na pumalag ay hindi naman iyon maggawa ng kanyang katawan.

Parang natunaw si Emerald sa halik ni Christien. Lumalim pa iyon at lalo lamang nawala ang depensa niya sa kanyang sarili. Hindi niya maggawang makalaban at malaking bahagi ng isip niya ang nagsasabi na mas gustong tumugon roon.

Malamig sa kuwarto pero naramdaman ni Emerald ang mga init. Tila nabuhay siya at nakuha nito kaagad ang kanyang pagkatao. She was trapped by this man power and the intensity of what she was doing to her.

Hindi naglaon ay nakita na lang ni Emerald ang sarili na tinutugon ang halik ni Christien. It seems wrong but it does feel right, too. Gusto niya ang mga nararamdaman sa ginagawa nito, ang ginagawa nila. Hindi na rin niya nakuhang sawayin si Christien nang magsimulang lumikot ang kamay nito sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Nakita na lang rin niya ang kanyang sarili na ginagawa rito ang kaparehong ginagawa rin nito sa kanya.

They went wild and she was lost. Pero mali pa rin. Lost? Samantalang alam niya sa sarili niya na hinahanap niya na mabuhay muli sa kanyang dibdib ang ganoong damdamin.

Christien rode into her at lalong hindi na nakapag-isip ng tama si Emerald. He began kissing her again---mas malalim, mas nakakawala ng ulirat. He buried her into him. Lahat ay mabilis at may nakakapaso pero kaakit-akit na init. She wanted him as much as she feels he wanted her.

Sure and swift, he entered her. Muntik ng mapaiyak si Emerald sa nag-uumapaw na damdamin. God, she missed this. She missed Christien. Hindi na niya napigilan na mapaungol na sinagot naman ni Christien ng paghalik sa kanyang mga labi. Tila nawawalan na ng hangin sa kanyang baga pero kung mamatay man siya ng dahil roon, hindi niya iyon pagsisihan. At least, she died because of pleasure.

Pareho silang kinakapos ng hininga ni Christien ng matapos. Niyakap siya nito at hindi mapigilan ni Emerald na humilig sa dibdib ng lalaki. Ganoon ang palaging nangyayari sa kanila pagkatapos nitong gawin iyon. Maraming oras na iniisip ni Emerald na sa tuwing napupunta sila sa ganoong oras at puwesto ay nasa pinakarurok na siya ng saya.

Matagal-tagal rin silang nasa ganoong puwesto at hindi nag-uusap. Para bang hindi na rin naman nila kailangang gawin iyon. Nagkakaintindihan ang puso nila kahit hindi nagsasalita. Sa tibok pa lang ng parehong puso nila ay pareho na iyong nag-uumapaw sa saya. Maya-maya ay natagpuan na lamang ni Emerald na mukhang nakatulog na si Christien. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para libreng pagmasdan ang natutulog na lalaki.

Inaliw ni Emerald ang kanyang sarili sa pagmamasid sa natutulog na si Christien. Mukhang pagod ito, yet he was physically imposing. Napakalakas nito. Nakapamapangyarihan. Very potent.

And then it hit her. Potency...

Nanlamig si Emerald. It couldn’t be. Maling-mali ang lahat. Hinayaan niya si Christien. Hindi siya naging maingat. Paano kung inakit lang siya nito para roon? Hindi na niya kaya pang bigyan ng anak si Christien. Ayaw niya. Hindi na niya kayang mapunta sa kaparehong sitwasyon noon....

No!

HINDI sigurado ni Christien kung nakatulog ba siya o nakaidlip lang. Pagkamulat niya ay madilim pa rin. Pero sa kabila ng hindi nagbabagong paligid at panahon, ibang-iba naman iyon sa itsura ni Emerald ngayon. Just a while ago, she was burning hot and now she was cold. Literally cold.

Agad na dinaluhan ni Christien ang asawa. Kumawala na ito sa yakap niya rito kanina kaya muli niyang niyakap ito na para bang ang init na sariwa pa rin sa katawan niya ay makakapagpakalma rito at makakapagpawala ng lamig na nararamdaman nito. Pero sa halip na kumalma ay napaiyak pa si Emerald. “Damn you! You fooled me!”

Sinimulang tanggalin ni Emerald ang pagkakayap niya. Nagpumiglas ito. “Anong niloloko? Emerald, will you just please calm down---“

“We didn’t use any protection! Sinadya mo ang lahat,”

Napaawang ang mga labi ni Christien. Na-guilty siya. Ni hindi niya naisip iyon. He acted on impulse.

“You seduced me to get your inheritance, right? Dapat ay natuto na ako! Simula ng mawala ang anak natin, wala ka ng ginawa sa akin kung hindi saktan ako!”

“H-hindi. Hindi ko intensyon iyon. Maniwala ka sa akin---“

“What’s there to hear for your explanation? Wala. Ginamit mo ako. Ginamit mo ang kahinaan ko para makuha mo ang gusto mo!”

Nagtiim ang bagang ni Christien. “Will you please calm down first, Emerald?”

“Sinabi mo na irerespeto mo ang desisyon ko. Pero anong ginagawa mo? Anong ginawa ko? Nagpaakit rin ako sa `yo.” Tumayo na ito ng kama. Nagsuot ito ng roba at akmang tatakasan siya para pumunta ng banyo. Mabuti na lamang at mabilis rin siyang nakasunod rito at napigilan niya ito sa ginagawa.

“Pag-usapan natin ito, Emerald.”

“Ano pa rin ang dapat pag-usapan? Nangyari na ang nangyari. Inakit mo ako. You intend to got me pregnant so---“

“Hindi iyon ang intensyon ko!” hindi na napigilan pa ni Christien na mapataas ang boses. “I want you! That’s all, Emerald. Ang ginawa kong iyon, nadala lang ako sa damdamin ko. Pero hindi ko intensyon o ginusto man lang na gawin iyon dahil gusto ko na mabuntis ka at makuha ko ang mana kapag nangyari iyon. To hell with the firm! I care about you more than that! I respect you.”

Umiiling na umiiyak si Emerald. “I can be pregnant by now. Ayaw ko ng magdaan muli roon...”

“No...” nanikip ang dibdib ni Christien. “I’m sorry. Let’s just hope na hindi tayo suwertehin at walang mabuo.”

“Paanong hindi? Hindi tayo gumamit ng kahit anong proteksyon. Naging mabilis lang para sa atin ang makagawa dati. Magiging ganoon rin iyon sa kondisyon ngayon.”

“Emerald...”

“You hurt me then, Christien. Hindi ko na gustong maulit iyon. Kung mauulit pa muli, hindi ko na kakayanin...”

“Sinabi ng Doctor sa `yo na malabong maulit na ang nangyari dati. At kung mangyari man, I promise, I won’t be that selfish man who left you.”

Matagal-tagal rin na tinignan lamang ni Emerald si Christien. “M-mahirap para sa akin ang magtiwala.”

Tumango-tango si Christien. “Naiintindihan ko.” Huminga nang malalim si Christien. Pinilit niyang paganahin ang utak niya kaysa sa masamang nararamdamang damdamin. “May ibang paraan pa naman siguro para maiwasan ito. The morning after pill---“

Nanlaki ang mga mata ni Emerald. “Hindi...”

Kumunot ang noo ni Christien. “Bakit? Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na hindi mo gusto ito. Hindi mo kakayanin. I don’t want to put you in so much trouble.”

“Pero alam mo ba kung ano ang tawag sa mga iyon, Christien?” puno ng sakit ang boses ni Emerald. “Little abortions. Iyon ang ginagawa nila. They abort the egg wheter it is fertilized or not...”

Namutla si Christien. Pero pinilit niya pa rin na kumalma. “The morning after pill, p-people do it most of the time.”

“Pero Christien---“

Lumayo si Christien kay Emerald. “I’ll call someone who could help.”

Tumawag si Christien sa isa sa mga Doctor na kilala niya. Pero wala rin naibigay na tulong ito kung hindi ang sinasabing morning after pill. Tila nawalan na siya ng choice. Tumawag siya ng isang kakilala rin na maaaring bumili noon at dalhin sa bahay.

Umupo si Emerald. Nanginginig pa rin ito. Ikinuha ni Christien ng tubig ang asawa para kahit papaano ay pakalmahin pa rin ito. Sinubukan niyang magsalita ng mga sweet words para kahit papaano ay maayos niya ang lagay nito. Tila kambal ang kanilang nararamdaman. Ngayong nasa hindi magandang sitwasyon ito ay ganoon rin si Christien. He was also near to shaking.

Mukhang nakatulong naman ang ginawa ni Christien. Tumigil sa pag-iyak si Emerald at humihinga na rin ito nang maayos. Bahagyang nanginginig na lang ito. Nang dumating ang inutusan niyang bumili ng gamot ay nasa ganoong kondisyon si Emerald.

“Here. Take this.”

Matagal na tinitigan ni Emerald ang gamot na hawak niya. “It’s the pill.”

“Wala na tayong choice...”

Napuno ng lungkot ang mukha ni Emerald. Hindi rin ito nakapagsalita.

Hinaplos ni Christien ang mukha ni Emerald. “S-sinabi mo sa akin na kapag nangyari muli ay baka hindi mo kayanin. I couldn’t lose you, Emerald....”

That was so selfish of him. Pero kung buhay naman ni Emerald ang nakataya roon, hindi na mahalaga sa kanya kung masunog siya sa impyerno dahil sa isang kasalanan.

Kinuha ni Emerald ang pill. Nagpunta ito sa banyo. Sinundan niya ito para alamin ang magiging lagay nito pero naiwan lang siyang nakatayo sa labas. She shut the door on his face.

“MA’AM, labasin niyo naman po si Sir,” tila pakiusap ng wika ng isa sa mga empleyado ni Emerald sa Bread and Pasta. Bilang may-ari, habit niya ang bantayan ang restaurant at mag-asikaso ng accounts patungkol roon. Hindi man sinasabi sa kanya ng empleyado kung sino ang “Sir” na iyon ay may malakas na feeling na siya na si Christien iyon. Ilang beses na niyang nasilip ito mula sa kanyang opisina.

Pinilit ni Emerald na hindi magpaapekto. Hangga’t maaari ay ayaw niyang pansinin si Christien. Tatlong araw na simula nang may mangyari sa kanila at gaano man karaming sorry o kaya ay kilos para kuhanin muli ang loob niya at patawad ay hindi niya pa rin maggawang ayusin ang pakiramdam niya para rito. Pakiramdam niya ay mahihirapan na muli siyang magtiwala rito.

“Ma’am, tatlong oras na po naghihintay si Sir---“

“Tatlong oras pa bago tayo magsara. Alam naman niya iyon. Alam niya na nagtatrabaho rin ako kaya ako nandito. Kung gusto niya na makausap ako, mas mabuting dapat ay inaantay niya iyon, hindi ba? Hindi ko gusto ng istorbo. I’m busy. Hayaan mo siya.”

Bihirang magsungit si Emerald sa mga empleyado niya. Pero ngayon ay hindi na niya maiwasan. Masasabi rin kasi niya na naiinis siya. Hindi siya gaanong makapag-concentrate sa ginagawa. May isang bahagi ng isip niya na gustong labasin si Christien. Pero gusto rin naman niyang iparamdam rito na hindi talaga siya natuwa sa ginawa nito. Galit pa rin siya rito. Gaano man sabihin sa kanya nito na hindi nito intensyon ang nangyari ay hindi iyon maggawang ma-process ng utak niya. Masyado siyang nabulag sa galit.

Pinilit ni Emerald na mag-concentrate sa kanyang ginagawa. Nagkaroon siya ng break para kumain ng dinner pero hindi niya ginamit iyon para labasin si Christien. Sa halip, kumain siya habang tinatapos rin ang ginagawa para hindi na niya kailangang lumabas sa munting opisina niya sa loob ng restaurant. Alas nuwebe na nang matapos siya at nagsara na rin ang restaurant. Doon lang niya naggawang lumabas. Nag-aantay pa rin sa kanya si Christien. Ngiting-ngiti at para bang hindi pa niya ito pinag-antay ng anim na oras.

“Ako na ang magdadala,” wika nito nang makita ang dala-dala niyang handbag at isang paper bag. Ibinigay niya naman iyon rito pero hindi pa rin iniimikan ang lalaki. Kahit ang magpasalamat nang pagbuksan siya nito ng pinto ay hindi niya ginawa. Iyon nga lamang, ang pagsama rito ay wala rin naman siyang choice kung hindi ang gawin. Kung mag-iinarte pa siya rito, hahaba lamang ang usapan nila dahil magpupumilit pa rin ito. Nagsasama pa rin sila sa iisang bahay pagkatapos ng lahat.

“Saan mo gustong mag-dinner?”

“Nakakain na ako.”

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Christien. Naintindihan naman niya agad ito kung bakit. “Bakit mo kasi ako kinailangang antayin pa? Malamang na hindi ka na naman kumain.”

“I just want to share dinner with you.”

“And what? Be intimate again? Ayaw ko na, Christien. Kailan mo ba ako titigilan?”

Hindi nagsalita si Christien. Kinuha niya ang paper bag na dala kanina.

“`Wag kang mag-alala, naisip rin naman kita.” Wika niya at ibinigay rito ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Inutusan niya ang isa sa mga empleyado niya bago umalis na magbalot ng isang order para rito.

Ngumiti si Christien pero hindi iyon ganoong kalaki. Mukhang na-appreciate nito ang ginawa niya pero hindi lubos na masaya.

“Pagod na ako. Gusto ko na lamang umuwi,” wika niya para matapos na ang usapan. Sinunod naman ni Christien si Emerald. Nagsimula na itong mag-drive.

Dahil na yata sa pagod ay hindi na namalayan ni Emerald na nakatulog na siya. Naggising lang siya nang maramdaman niya na may nakatitig sa kanya. Of course, it was Christien. Iyon nga lamang, hindi sa lugar kung saan nararapat na naroroon sila ang nakita niya. Hindi iyon sa tapat ng bahay nila o sa kahit ano mang tapat na bahay.

Ang lahat ng nakikita lamang ni Emerald nang tumingin siya sa labas ay puro ilaw.... ilaw na sa tingin niya ay nangagaling sa buong kamaynilaan. Medyo pamilyar sa kanya ang mataas na lugar.

“Bakit nasa---“

“Antipolo.” Ngingiti-ngiting sagot naman ni Christien sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Emerald. “Anong naiisip mo at dinala mo ako rito?”

Nagkibit-balikat si Christien. Kapagkuwan ay lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto. Sinubukan pang hawakan nito ang kamay niya. “No. Gusto ko ng umuwi!”

Pumikit si Christien. “P-puwede bang kahit sandali ay maging mabait ka sa akin? Nanghihina na ako sa gutom...”

“Kung umuwi tayo sa bahay, malamang ay tapos ka ng kumain ngayon.” May kalayuan rin ang Antipolo sa restaurant niya.

“Gusto ko lang naman na kahit papaano, maging romantic ang set-up ng dinner ko...kahit tapos na ang sa iyo.”

“Pero sana inisip mo rin ang sarili mo at oras,” may inis na nararamdaman si Emerald sa sarili dahil pakiramdam niya ay dahil sa kanya kaya nagkaganoon ang lalaki. Ganoon pa man, malaki na ito. Alam na dapat nito ang tama at mali para rito.

Pero sa kabila ng lahat, hindi na inisip ni Emerald na makipagtalo pa muli. Guilty rin naman kasi siya. Kung hindi niya sana trinato ng ganoon si Christien, hindi ito manghihina ng ganoon kagaya ng sinabi nito. Mukhang totoo naman iyon dahil napansin niya na maputla kaysa sa dati ang mukha nito.

Si Emerald na rin ang umabot ng pagkain sa loob ng kotse ni Christien. Umupo siya sa damuhan kung saan nakaupo na rin si Christien. The view in front of them was enchanting. Inayos niya pa iyon at sinubukan rin na subuan ang lalaking namilog naman ang mga mata sa kanyang ginawa. “Seriously?”

“Tinatanggap ko naman na may mali ako.” Itinaas niya ang kutsara.

“What a way to give back.” Komento pa ni Christien pero tinanggap rin naman ang subo. Ang laki pa ng ngiti nito habang ngumunguya.

“Thanks.” Wika ni Christien saka kinuha na sa kanya ang pagkain nito. Ang akala ni Emerald ay kaya nito ginawa iyon ay dahil kaya na nitong kumain ng para sa sarili nito. Kaya naman nagulat siya nang itaas nito ang kutsara sa bibig niya.

Sa halip na tanggapin, ang pagkunot ng noo ni Emerald ang natanggap ni Christien.

“Gusto ko lang mag-share.”

“Nasabi ko na sa `yo na kumain na ako. Busog ako. Ikaw diyan ang namumutla na sa gutom pero naggagawa mo pa na mag-share. Paano mo nagagawa iyon? O baka gusto mo na naman na pumaraan para maging intimate tayo sa isa’t isa?”

Sandaling napatitig si Christien sa kanya pagkatapos ay umiling-iling. Yumuko ito at pagkatapos ay tahimik ng kumain. Nag-behave ito bigla sa pangangaral niya.

Hindi maintindihan ni Emerald kung bakit pero tila na-guilty siya. Mukha kasing lumungkot ang mukha ni Christien habang tahimik na kumakain. Pero masisisi ba siya kung bakit nagtaray siya sa lalaki? Pakiramdam niya ay naloko siya.

Gaano man sabihin sa kanya ni Christien na hindi nito intensyon ang nangyari sa kanila ay mahirap para sa kanya ang maniwala. Noong una pa lamang naman ay sinabi na nito ang kagustuhan niyang iyon. At kung totoong nirerespeto nito ang desisyon niya, bakit patuloy pa rin ang pagpapalipad hangin nito sa kanya? Ang halik, ang hinayaan niyang yakap.

Pero may kasalanan ka rin. Nagpadala ka sa tukso. Susot naman ng isang bahagi ni Emerald. Sa tuwing sinusungitan niya si Christien, pumapasok rin iyon sa utak niya. Pareho nilang ginawa ang bagay na iyon. May pagpipilian naman siya. Maaari niyang pigilan ito. O kung hindi naman, maaaring siya ang nagmungkahi ng proteksyon o gumamit noon. Pero bumigay siya. Hinayaan niyang malunod siya sa tukso at kagustuhan.

May kasalanan rin si Emerald. At kung ano man na consequences ng mangyaring iyon...alam niya na kailangan rin niyang pagbayaran.

Kahit magiging mahirap pa iyon para sa kanya.

I can’t do it.

“I’m sorry...” out-of-nowhere ay nasabi rin ni Emerald. Nagpanting ang kanyang pride. Hindi nito nagustuhan iyon. Pero ang mabuting bahagi ng puso niya ay nagdiwang. Alam kasi niya na tama iyon.

Tumingin si Emerald kay Christien, nakataas ang kilay.

“I’ve been rude to you for the past few days...”

“May dahilan ka naman. Tanggap ko iyon.”

“Its my fault, too. Bumigay ako sa `yo. Hindi lang ikaw ang gumawa noon.”

“Ako ang unang gumawa ng hakbang.” Binitawan ni Christien ang kinakain. Hinawakan nito ang kamay niya. “I’m sorry. Can you forgive me, Emerald?”

“Paanong hindi? Parehas rin tayo na may kasalanan.”

“Alam ko. Pero ang tungkol sa nakaraan...”

Sandaling napatitig si Emerald kay Christien. Kaya nga ba niya na mapatawad ito tungkol sa nangyari sa nakaraan? Naging malaki ang sugat noon para sa kanya. Halos araw-araw siyang umiiyak, lalo na sa mga unang buwan ng paghihiwalay nila. Naging malaki ang sakit na dinulot sa kanya ni Christien. Kahit ang trauma niya sa pagkakaroon muli ng anak ay dahil na rin sa lalaki.

Sa kabila ng mga matitinding damdamin pa rin niya kay Christien, hindi sapat iyon para mabura ang nakaraan. Ni hindi niya nga alam kung ano ang totoong nangyari kung bakit ganoon...

“A-alam mo ba kung gaano kalaki ang hinihingi mong iyon, Christien?”

Bumakas ang sakit sa mukha nito. “Y-yeah. Pero nagbabaka-sakali lang naman ako.” Inalis na nito ang kamay sa kanya.

Tila mali ang lahat. Hindi niya gustong nasasaktan si Christien. Pero hindi makukuha ng simpleng sorry lamang ang lahat. Kahit ang magagandang kilos nito, ang mga damdamin na patuloy pa rin na nararamdaman niya rito...kulang pa iyon. Mas may higit pa siyang kailangan sa mga iyon.

“Hindi magiging madali. Pero kung bibigyan mo ako ng mga paliwanag, isang katanggap-tanggap na paliwanag kung bakit naggawa mo sa akin ang bagay na iyon, malamang ay mababawasan ang mga sakit at sugat...”

Napaawang ang mga labi ni Christien, tila ba nagulat at medyo nahirapan pa na i-process sa utak nito ang kanyang sinabi. Pero tumango ito, bumuntong-hininga at maya-maya ay natagpuan na lang ni Emerald na nagkukuwento...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.