MAAGANG lumabas si Christien mula sa kanyang trabaho para lamang matagpuan ang sarili na nakatigil sa isang psychological clinic. Malapit lamang iyon mula sa firm ni Tita Judith kaya hindi na bago sa kanya ang makita iyon. Sa tuwina ay napapatigil siya roon, lalo na kapag matinding binabagabag na siya ng mga dinadala niya sa buhay. Ngunit walang kahit anong araw na naisip niyang lumabas ng kotse niya sa tuwing napapatingin at napapatigil siya.
Hindi gusto ni Christien na makita siya ng mga tao bilang mahina. Gusto niyang maging matatag---kagaya ng bilin sa kanya ng ina at ni Tita Judith. Para sa kanya, ang pumunta sa isang ganoong klaseng clinic ay gawain ng isang mahina. Matalino siya, tinitingala. Ano na lang ang iisipin ng mga tao kung sakaling magpunta siya roon at magpatingin? Madalas pa naman niya na naririnig na ang mga tao lamang na pumupunta sa mga ganoong clinic ay mga taong may sira sa isip.
Makakasira iyon sa reputasyon niya. Iyon ang iniisip ni Christien sa mga nakalipas na taon. Kahit noong mga panahong tila bibigay na siya ay hindi niya pa rin na maggawa. Minsan ay muntik na nang dumating siya sa punto na muntik na talaga siyang magpatingin. Alam kasi niya na dahil sa pinagdadaanang trauma ay nasisira ang relasyon nila ni Emerald. Hindi niya maggawang makita ito dahil naalala niya ang nangyari sa ina. Inuunahan siya ng mga takot niya. Sa kalagayan ni Emerald noon ay hindi niya maggawang magpakita ng kahinaan. Hindi nito kailangan pa ng pinoproblema na kagaya niya. Kaya tanging naisip na lamang niya na paraan noon sa sobrang pagkagulo ay ang layuan ito.
Natuto na si Christien noon. Mali ang naging desisyon niya. Mas naging mahina lamang siya dahil hindi niya hinarap ang problema. Mas lalo lamang siyang nasaktan dahil nawala si Emerald sa kanya. They had grown apart. Hindi na niya gustong muling maulit iyon, lalo na ngayong nalaman niya na matindi pa rin ang nararamdaman niya sa asawa.
Tatlong taon silang naghiwalay pero hindi naapektuhan ng katagalan ang nararamdaman niya para kay Emerald. He still wanted her. Love her. Always...
And he would do everything to have her again. For forever. Sa tingin niya ay nagkaroon na siya ng pagkakataon ngayon. Gusto rin niyang makuha ng lubos ang tiwala nito. Sa tingin niya ay isang paraan para maggawa niya iyon ay kapag tuluyan na siyang gumaling.
Sinusubukan naman nila ni Emerald na ayusin ang kalagayan niya sa paraan nito. Sa tingin niya naman ay umaayon. Pero kulang pa rin. Hindi lang ganoon ang kailangan niya. Naging matindi ang nangyari sa kanya kaya sa tingin niya ay kailangan niya talaga nang lubos na pagsusuri. Isama pa na sa reaksyon pa lamang ng katawan niya dahil lamang sa mukhang dugo na gelatine na tumapon kay Emerald kahapon ay tila mababaliw na siya.
Nagagawa naman ni Emerald na mapakalma si Christien. Pero iniisip niya....palagi na lang ba na ganoon ang sitwasyon? Paano kung wala si Emerald sa mga panahong atakihin siya ng ganoon? Paano kung ito ang nasa bingit ng pangangailangan pagkatapos siya pa ang mas nangailangan ng tulong? Makakasama lamang siya sa sitwasyon.
Hindi na siguro bale kung magmukha siyang duwag sa mukha ng iba. Isa pa, nakaya niya nga na hayaang ilabas ang takot niya sa asawa...sa asawa na dapat ay nagpapa-impress talaga siya. Kailangan niya ang bagay na ito.
If he would try, it wouldn’t be that bad. Who knows at baka kapag naging maayos talaga siya ay pumayag na ito na ayusin ang relasyon nila sa terms niya. Magkakaroon na sila ng anak. Makukuha na niya ang firm...
Hindi naman talaga lubos na mahalaga sa kanya ang huling dalawang bagay. Gusto niya at pinapangarap rin niya ang firm. Pero kung sa ikasasama rin naman iyon ni Emerald, hindi bale na lang. Pagkatapos ng lahat, para naman lang talaga sa relasyon nila ni Emerald kaya niya ginagawa ito. Gusto niyang maging maayos para rito. Pero higit sa lahat, mas gusto niyang patunayan sa sarili niya na kaya niya.
Kailangan na niyang kaharapin ang problema. Kailangan na niyang patunayan na talagang malakas at matatag siya.
HINDI maintindihan ni Emerald ang sarili niya. Naiinis siya sa isang bagay na hindi naman dapat niya ikinaiinis. Oo, late na umuwi ngayon si Christien pero may dahilan naman ito. Gusto niya nga ang dahilan nito. Makakabuti iyon para sa lalaki.
Nagdesisyon na si Christien na magpatingin sa psychologist tungkol sa trauma nito. Ngayong araw ang unang session nito. Bilang isang tao na gustong gumaling ito, dapat ay sinusuportahan niya ito. Dapat nga ay sinamahan niya ito. Araw-araw, pagkatapos ng trabaho nito ang session ni Christien kaya late na itong makakauwi ngayon. Dahil hindi man niya nasamahan dahil parang masama ang pakriamdam niya kanina, dapat ay sabik naman siya sa pag-uwi nito. Gusto niyang malaman ang nangyari at reaksyon nito.
Pero walang kahit anong kagustuhan at sabik na naramdaman si Emerald nang makauwi si Christien. Sa halip, parang nairita pa siya nang makita ito kahit na ba maganda ang ngiti nitong sumalubong sa kanya. Iyon tuloy ay sa halip na salubungin ni Emerald si Christien ay tumalikod siya. Kunwari ay inabala niya ang sarili sa dining table kung saan siya naghanda ng hapunan para sa kanilang dalawa.
“Good evening!” masigla rin ang boses ni Christien nang dumating. Mukhang maayos ang naging session nito. Pero tila wala pa rin siyang pakialam.
“G-good evening...” sinubukan ni Emerald na gayahin rin ang boses ni Christien pero hindi niya magagawa. Pinangunahan siya ng inis na hindi niya maintindihan kung saan nanggaling. “Kain ka na.”
Tumango si Christien. Umupo ito sa isa sa mga upuan sa lamesa. Tumingin ito sa kanya pagkatapos, nagtataka. “Hindi ka ba kakain?”
Umiling si Emerald. “Hindi ako nagugutom.” Hindi lang kita gustong makasabay kumain.
Kumunot ang noo ni Christien. “Bakit? Mag-aalas-otso na.”
Naghanap ng ibang dahilan si Emerald. Alangan naman kasi na sabihin niya sa lalaki ang naiisip niyang dahilan. Paniguradong magtataka ito, lalo na at wala rin siyang mahandang paliwanag kung bakit. Basta ba parang kapag nakikita lamang niya si Christien ay naiinis na siya rito. “N-nabusog yata ako sa kakaluto. Isa pa, medyo masama ang pakiramdam ko. Gusto ko na sanang magpahinga.”
“Oh...” bumakas ang pagkalungkot sa mukha ni Christien. “C-can’t you even stay for a while?”
“Bukas na lang siguro tayo mag-usap.” Akmang tatalikod na si Emerald nang magsalita muli si Christien.
“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumusta ang session ko?”
“Masaya ka ng umuwi ka kaya for sure, maganda ang kinalabasan noon.” Hindi napigilan ni Emerald ang pagkairita. God, bakit?
“Pero----“
“Masama nga ang pakiramdam ko! Bukas na lang tayo mag-usap!” ngayon ay ang paglakas na ng boses ni Emerald ang hindi niya napigilan. Nagulat siya sa inasal pero mas nakita niya ang gulat ni Christien. Maya-maya pa ay guilt na ang nakita niya sa mukha nito.
“I’m sorry. Hindi na dapat ako naging mapilit. Pagod ka siguro. Mukha rin ngang masama ang pakiramdam mo.” Tumayo si Christien. “Sasamahan na kita sa itaas para makapagpahinga ka na.”
Na-guilty rin naman si Emerald sa ginawa. Walang ginagawa sa kanya si Christien pero sinigawan niya ito. Sa kabila noon ay naggawa pa nitong pagmabutihan siya. Ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanya?
Siguro nga ay pagod siya. Matagal-tagal rin naman kasing itinagal niya sa restaurant. Iyon nga lamang, sanay naman siya na ganoon pero hindi ganitong umiinit ang ulo niya. Maganda rin ang mood niya kanina. Naggawa pa nga niyang ipagluto ng hapunan si Christien. Medyo na-guilty rin kasi siya na hindi niya na-feel na samahan ito nang magpa-session ito kanina. Gusto sana niyang bumawi rito. Pero ang mga pakiramdam na iyon ay dagling nawala nang ma-feel niya na napakatagal nito na may dahilan naman at nang makita niya ang mukha nito na nakangiti. Hindi dapat iyon pero hindi niya napigilan ang sarili. Masama ba talaga ang pakiramdam niya? Siguro rin. Dahil kung hindi, ano ang kinaiinis niya?
Ah, ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanya?
INAASAHAN na ni Emerald ang gulat ni Christien nang dumating ito sa bahay at hindi siya nakitang bihis. Kahapon ay sinabihan siya nitong dumalo sa wedding day ng ex-girlfriend nitong si Alexa. Kahapon ay pumayag siya dahil na-guilty siya sa mga pinagagawa niya kay Christien noong isang araw kung saan sinigawan niya ito ng wala naman talagang dahilan. Pero ngayong araw ay kakaiba na naman ang mood niya. Kung anu-ano ang naiisip niya.
Hindi na siya pumunta sa restaurant dahil plano nga niya na maghanda para sa dadaluhan nila ngayon ni Christien. Pero habang nag-iisip ng gagawing pag-aayos sa sarili ay nasira na naman ang mood ni Emerald. Natagpuan rin niya ang sarili na nagtatanong kung bakit siya pumayag kay Christien. Bagaman hindi na niya pinagdudahan si Christien tungkol sa damdamin nito kay Alexa ay hindi niya pa rin maiwasan na ma-insecure. Ex pa rin ito ni Christien. Sa kabila ng mga taon, mas matagal pa nga ang pinagsamahan ng mga ito kaysa sa kanila ng asawa.
Mali iyon. Ano pa ba ang dapat niyang ika-insecure kay Alexa? Ikakasal na nga ito sa isa sa mga nakatambal at naging boyfriend nitong actor. Pinag-uusapan sa social media ang kasal ng mga ito. Mahal na mahal raw ng mga ito ang isa’t isa. Matagal na rin na tapos ang relasyon nito.
Sa tingin ni Emerald ay na-insecure siya sa hindi na naman maipaliwanag na kadahilanan. Nairita rin siya sa sarili at dahil roon ay hindi na siya nag-ayos. Nagmumukmok lamang siya sa bahay hanggang sa makarating si Christien.
“I expect you to be dressed and ready to go right now. Dalawang oras na lang at simula na ng kasal. Sa Laguna pa ang reception noon.”
“Hindi na ako sasama,” tila balewala lamang na wika ni Emerald.
As expected, naging malaki ang pagtataka ni Christien. Kumunot ang noo nito. “Bakit?”
Emerald snapped. “She’s your ex. Appropriate ba talaga na dumalo ka sa party ng isang ex?”
“Naging maayos naman ang relasyon namin ni Alexa pagkatapos. Wala akong makitang mali sa pagpayag roon. And I am invited. We are invited.”
Sa kabila ng paliwanag ay hindi pa rin iyon nagustuhan ni Emerald. Nanatili siyang nakaupo sa sofa. Nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib. Umasim pa ang kanyang mukha. “I don’t want to go.”
Umaawang ang mga labi ni Christien sa pagkagulat. “But I want you to be with me. I need you to be with me. Pumayag ka rin kahapon. Ayaw kong pumunta roon ng hindi ka kasama!”
“Kung ganoon edi `wag kang pumunta! Hindi problema iyon,” iyon lang at tinalikuran na ni Emerald si Christien. She was being irrational, all right. Akala niya kahapon ay maayos na siya. Pero tila sakit yata iyon na nagpapabalik-balik. Paulit-ulit na naglalaro sa utak niya ang tanong na bakit pero kahit naka-sampu na yata ay wala talaga siyang makuhang sagot.
Pumunta si Emerald sa kuwarto at humiga. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naging napakahaba rin noon. Alas tres nang dumating si Christien sa bahay at nang maggising siya ay maghahating-gabi na. Nakita niya sa tabi niya si Christien. Nakapambahay lang ito at tila taimtim na nakatingin sa kanya.
Hindi niya sigurado kung ano ang nangyari pero hindi pa man siya nakakapagtanong ay nairita na siya. “How’s the wedding?”
“Hindi na ako nagpunta sa kasal.”
Tumaas ang isang kilay ni Emerald. “At bakit?”
“Dahil ayaw mo.” Simpleng sagot lang ni Christien.
“Hindi ako ang may hawak ng buhay mo, Christien. You are invited. Minsan na naging mahalaga sa `yo si Alexa. Childhood sweethearts rin kayo. Pinuntahan mo dapat siya.”
“Mahalaga siya sa akin pero mas mahalaga ka/ Hindi ko kayang umalis gayong ramdam ko na tila may galit ka sa akin. Tila ayaw mo rin na pumunta ako sa wedding dahil parang na-i-insecure ka. Na-i-insecure ka na wala naman talaga dapat dahilan!”
Napakagat-labi si Emerald. Nasapol siya. “I’m sorry...”
Huminga nang malalim si Christien. Umupo ito sa kama pero hindi nakaharap sa kanya. Bumangon si Emerald sa kama.
“C-Christien, galit ka ba sa akin?”
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Christien. “Funny how you can say that. Samantalang ikaw itong pinagtataasan ako ng boses gayong wala naman akong kasalanan...”
“Nagtatampo ka.” Its not a question but a statement.
“Masisisi mo ba ako? Ganito ka rin noong isang araw. Hindi ko maintindihan. Ano bang mali sa akin? May mali pa ba? Hindi mo ba nagustuhan na inaayos ko na ang sarili ko? To think na ginawa ko rin ito para sa `yo...”
Paano ba ipaliliwanag ni Emerald kay Christien ang lahat gayong siya ay hindi naman talaga alam kung ano ang pinagmumulan noon? Napabuntong-hininga na lamang si Emerald. “I-I’m sorry. Masyado lang siguro akong pagod sa trabaho nitong mga nakaraang araw...”
Humarap na si Christien kay Emerald. Matamang tinignan siya nito pagkatapos ay napabuntong-hininga ito. “I’m sorry. Hindi ko rin maiwasan na masaktan. Noong isang araw, inaasahan ko na susuportahan mo ako. Tinanggap ko na hindi mo ako sinamahan sa session pero iyong pag-uwi ko at tila galit ka sa akin? Nasaktan ako roon. Ano ba ang ginawa kong mali? I expected you to support me for this. Ikaw pa mismo ang nag-encourage sa akin. Pero nang ginagawa ko na, I didn’t see you in the light. Tila iniwan mo ako. Minsan ay naiisip ko tuloy na kaya mo ginagawa iyon ay dahil binabawian mo ako sa ginawa ko sa `yo noon...”
Umiling si Emerald. Kailanman ay hindi naman niya inisip na bawian si Christien. Pagkatapos ng lahat, irrational rin na isipin iyon. Alam na kasi niya ang dahilan ni Christien kung bakit nito naggawa iyon sa kanya noon. Iyon nga lamang, hindi niya talaga maiwasan na isipin na may mali rito kaya ganoon na lamang ang mga damdamin na nararamdaman niya.
Kay Christien lang naman siya nagiging ganoon. Naiinis siya ng walang dahilan sa mga bagay na may kinalaman rito.
Wala naman siyang dapat ikainis. Marami pa nga siya dapat na ikatuwa. Hinarap na talaga ni Christien ang takot nito. Walang mali kay Christien. Sa kanya may mali at si Christien lang siguro ang napapagbuntunan niya noon.
Mali ang kanyang ginagawa kaya kailangan ni Emerald na bumawi. Niyakap niya si Christien na para bang sa pamamagitan noon ay mawawala ang lahat ng pagtatampo nito. Mukhang effective naman dahil gumanti rin ito ng yakap. Gumaan na ang kaninang mabigat na loob niya.
Mali talaga si Emerald sa iniisip na may mali kay Christien. Dahil kapag nagkakalapit silang ganoon? Tila lahat ng nangyayari sa paligid ay tama.
NAGDESISYON na si Emerald na magpatingin sa Doctor. Naaalarma na siya sa nangyayari sa kanya. Pakiramdam niya ay may mali sa kanya. Natatakot man siya na malaman kung ano iyon ay pumunta pa rin siya.Bahagyang natatakot rin siya sa ospital. Simula nang mamatay ang anak niya ay iniiwasan na niyang makapunta roon. Naalala niya ag mga masasakit na nangari. Ganoon pa man, sinubukan niyang kalabanin ang takot. Pagkatapos ng lahat, kung kinalaban nga ni Christien ang takot para sa kagustuhan niya, sino siya ngayon para hindi gawin iyon?
Nagpunta si Emerald sa kakilala at kaibigan niyang Doctor. Hindi niya sigurado kung ang specialization nito ang makakatulong sa kanyang problema pero nagbaka-sakali pa rin siya. Hindi naman kasi talaga niya alam kung ano ang mali sa kanya. Nang sabihin niya sa kaibigang Doctor ang mga nararamdaman ay napangiti ito.
“Hmmm... Sa tingin ko ay may kinalaman ito sa narinig kong balita tungkol sa `yo. Nagkabalikan na daw kayo ni Christien?”
“Ah, hindi sa paraang iniisip mo pero---“ natigilan si Emerald. Sa paano nga ba na paraan? Nagkakasama muli sila ni Christien sa iisang bahay. Nagkakalapit sa isa’t isa. Pero masasabi nga ba niya na nagkabalikan na sila? Kaya lang naman sila nagsasama sa iisang bahay ay dahil sa kondisyon ni Tita Judith.
Pero sa lagay nila ngayon ay mukhang hindi na naman talaga ganoon.
Pumapayag siya sa tawag ng katawan nila pareho ni Christien. Pinagluluto niya ito, inaasikaso, kinakausap at niyayakap pa. Higit pa sa ginagawa ng isang kaibigan ang ginagawa niya. Parang ganoon rin ang mga ginagawa niya noong mag-asawa sila, noong mga panahong mahal at baliw na baliw siya rito.
Pero masama ba talaga na gawin ang mga dati niyang ginagawa kay Christien kung gayong parang nasa kapareho rin siyang lagay ngayon?
Kung hindi maitatanggi ni Emerald na may matinding nararamdaman pa rin siya kay Christien, hindi na rin niya maitatanggi na mahal niya pa rin ito. Sa isipin na iyon ay dapat na magulo si Emerald. Pero hindi. Sa halip, masaya pa siya. Mahal niya si Christien. Mahal niya pa rin ito. At kahit walang ipinapangakong kahit ano sa kanya ang asawa ay tila balewala na naman iyon sa kanya. Kagaya ng dati. Walang kaso sa kanya kung hindi mahilig si Christien na magsabi na mahal siya nito o kung anu-ano pa man na matamis na salita. Nararamdaman na naman kasi niya iyon.
Kung hindi siya mahal at mahalaga para kay Christien, hindi siya nito susundin. Hindi ba’t inamin rin nito na kaya nito ginagawa ang pagpapagamot, ang pagharap ng takot nito ay para rin sa relasyon nila? Ilang beses rin nitong inamin sa kanya na gusto nitong ayusin ang relasyon nila. Martir man siyang ituturing ng iba dahil hindi siya natatakot gayong hindi pa naman talaga siya nakakuha ng kasiguraduhan ay wala na siyang pakialam. Mas mahalaga sa kanya ang mga kilos kaysa sa mga salita.
“Well, ganoon na nga. We’re together.” Pagtatama ni Emerald sa kanyang huling sinabi.
“Kung ganoon, I think, kung ano man ang naiisip ko na kondisyon mo, ay hindi mo naman siguro mamasamain.”
“Ah, so ano iyon?”
“I’ll refer you to an OB-Gyne.” Malaki ang ngiti ng kaibigang Doctor.
Sa narinig ay nagulo si Emerald. OB Gyne? Kung ganoon, iniisip ba ng kaibigan na Doctor na buntis siya kaya nangyayari iyon sa kanya?
Hindi naman imposible. Ang pagkairita sa mga wala namang dahilan na bagay ay isang senyales ng pagbubuntis. At tatlong linggo na simula nang muli silang magtalik ni Christien. Ang gabing hindi sila gumamit ng proteksyon...
Paano niya nalimutan ang bagay na iyon? Paano niyang hindi nakonsidera? Napapikit si Emerald sa sobrang inis sa sarili. Ganoon pa man, pumunta pa rin siya sa OB-Gyne. May mga test na ginawa sa kanya ang Doctor. Hindi naman nagtagal ang test at nakangiting ibinigay nito sa kanya ang resulta.
“You’re pregnant.”
Hindi kaagad nakapag-react si Emerald. Napuno ng napakaraming damdamin ang puso niya. May positibo at may mga negatibo rin. Nakaramdam siya ng saya dahil hindi pa at kahanga-hanga na magkaroon ng isang buhay na kumakapit sa kanya? Dinadala niya. Pero naging marami rin ang takot.
Kaya ba niya talaga na maging magulang? Kung dati ay nasasabik siya ay nag-iba na ang panahon ngayon. Masyado na niyang itinuon ang sarili sa kanyang career. Ngayong buntis siya, maaaring hindi niya maggawa ang responsibilidad niya roon. Babago pa naman na bukas ang isa sa mga branch niya ng restaurant. Kailangan noon nang matindi ang pag-aasikaso. Pero ganoon rin siya at ang baby niya.
Pero hindi lang iyon ay ikinatatakot niya. Kaya na nga ba talaga niya? Masasabi niya na hindi lang naman talaga si Christien ang nagka-trauma sa kanila. Ganoon rin siya. Hindi ba at ilang beses na niyang nilinaw sa asawa na hindi na niya kaya pa na muling magkaanak? Masyado na siyang natakot sa nangyari dati. Kahit wala namang risk sa kalusugan niya o malabong mangyari muli ay natatakot pa rin si Emerald. Naging napakasakit sa kanya ng nangyari...
Kinalma ni Emerald ang sarili at pagkatapos ay kinapa ang damdamin. Sa lahat ng mga naramdaman ay may nag-iisang damdamin lang na nangibabaw....
Tinawagan ni Emerald si Christien.