The Last Will Series 1 - 4 Chapter 7

“DAMN traffic!” hindi na mapigilan ni Christien na magmura. Day-off na naman ng driver niya kaya siya ang nag-drive ng kotse para puntahan si Emerald. Kahit marami at ilan pa nga ay importante ang trabahong inaasikaso niya ngayon ay hindi na niya binigyang halaga iyon. Mas mahalaga si Emerald at ang kinatatakot niyang kalagayan nito ngayon.

Bakit ang traffic? Bakit ang layo ng pinuntahan ni Emerald na ospital sa kinaroroonan niya? Bakit hindi nito sinabing pupunta pala ito sa Doctor? Paanong nangyaring nabuntis ito samantalang binigyan na niya ito ng after pill? At bakit ginusto pa nitong sa mall sila magkita gayong sa tingin niya ay mas kailangan nilang mag-usap ng tahimik at masinsinan? Ano ang naisip ni Emerald at ginusto pa nitong mag-mall sa kabila ng kalagayan nito?

Bukod sa maraming tanong na naglalaro sa isip ni Christien ay tila mamatay rin sa sobrang kaba ang dibdib niya. Naiisip niya ang kalagayan ni Emerald. Ilang beses nitong sinasabi sa kanya na hindi na nito kayang magkaanak pa silang muli. Hindi man niya naramdaman ang pagpa-panic sa boses ni Emerald nang sabihin nito sa kanya na buntis ito ay hindi niya maiwasan na mag-alala...

Nagsisisi rin si Christien na nagdala pa siya ng kotse. Sa tingin niya ay mas makakarating yata siya nang mabilis sa kinaroroonan ni Emerald kung nag-MRT na lamang siya. Ilang beses na tuloy niyang naisip na iwanan na lang ang kotse sa daan. Gusto niyang makasama ito. Malaman ang kalagayan nito. Ilang beses na rin niyang sinubukang tawagan si Emerald upang maya’t maya ay tanungin kung ano ba ang lagay nito pero palagi naman siya nitong binababaan pagkatapos nitong sabihin na mas gusto nitong pag-usapan nila iyon ng personal. Sinabi na lamang nito na habang nag-aantay sa kanya ay aaliwin muna nito ang sarili sa mall na katabi lamang ng ospital na pinuntahan nito kanina. Iyon tuloy ay mas lalo pang kinabahan si Christien. Hindi kasi niya sigurado kung ano na ba talaga ang lagay nito. Hindi naman kasi kinumpirma sa kanya ni Emerald kung maayos lang ito sa kanya kanina sa telepono.

Malapit na sa paghalik sa lupa si Christien sa saya nang makarating siya sa mall. Kaagad na tinawagan muli niya si Emerald at inimporma na naroroon na siya. Tama lamang daw ang dating niya. Nasa isa na itong restaurant. Halos takbuhin na niya ang papunta roon dahil sa sobrang pag-aalala...

Na mukhang parang nauwi lamang sa wala.

Sa biyahe ni Christien papunta sa mall ay kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya na itsura ni Emerald pagdating niya. Nandoon ang umiiyak ito, naiinis o ang pinakakinatatakutan niya---ang miserableng lagay. Hindi nila plinano ang lahat. Tandang-tanda rin niya kung gaano ito natakot sa isipin pa lamang na mabubuntis muli ito noong una. Kaya naman nang sabihin nito na aaliwin lamang nito ang sarili ay hindi iyon iniisip ni Christien na positibo. Paano kung naglalakad ng wala sa sarili ang isipin ni Emerald na pagkaaliw sa sarili?

Iyon nga lamang, ang mga negatibong nasa isip ni Christien ay pawang mga napunta sa wala lang rin.

Maganda ang ngiti ni Emerald nang magtama ang kanilang mga mata. Christien felt relieved instantly because of that. Iyon nga lamang, hindi niya mapigilan na magtaka pa rin. Napakaraming paper bag na katabi si Emerald sa upuan nito. Pawang ang mga paper bag na iyon ay may brand na gamit pang-bata.

Halos matulala si Christien. “You’re okay...”

Tumango si Emerald. “But starving. Um-order na ako ng para sa `yo. I hope you don’t mind...”

Umiling si Christien. “But do you mind kung ilipat natin ang mga ipinamili mo sa kabilang lamesa?”

Nang umiling rin si Emerald ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Christien na ilipat ang mga gamit. Kapagkuwan ay mabilis rin niyang niyakap ang asawa sa pagtataka nito.

“W-what’s wrong?” lalo niyang naramdaman ang pag-aalala ni Emerald nang umiyak na siya. Niyakap rin siya nito.

“I’m sorry, Emerald. Hindi ko sinasadya ang lahat. I put you in this mess and---“

Pinutol ng tawa ni Emerald ang pagsasalita ni Christien. “Mukha ba akong mess?”

Umiling si Christien. “Na siyang ipinagtataka ko.” Tinapos ni Christien ang yakap para matitigan lalo si Emerald. Malayong-malayo nga si Emerald mula sa miserableng lagay pa na iniisip niya. Malaki ang ngiti nito at parang naggo-glow ito.

Hindi nito dinamdam ang lagay. Sa halip ay masaya pa ito. Patunay pa roon na namili ito ng mga baby stuffs. Mukhang nasabik pa ito. Pero paano?

“Naging saksi ako kung gaano ka naging kamiserable sa usapin pa lamang na magkaroon ng anak. Noong basahan ng last will ni Tita Judith, nahimatay ka pa. Noong may nangyari sa atin at sa isipin mo ay maaaring magkaroon ng posibilidad na nangyari na nga ngayon ay nakita ko kung paano ka nanlamig. Kung paano ka natakot, naging miserable. Ganoon rin ang iniisip ko na lagay mo ngayon...”

Huminga nang malalim si Emerald. “Natakot rin ako, Christien. Hindi ko itatanggi iyon. Naging napakasakit ng nakaraan. Nabuntis ako at masaya ang lahat. Pagkatapos ay nawala ko iyon at walang sumuporta sa akin. Lalong-lalo na ikaw. Sabi nila, history repeats itself raw. Hindi mo maalis sa akin na dahil sa mga sakit, iisipin ko na maaaring mangyari iyon. It was the most miserable time of my life. Hindi ko na gugustuhin na maulit iyon kaya palagi kong sinasabi sa `yo na hindi ko na kaya pang maulit iyon. I was badly hurt...

“Pero nang kinalma ko ang sarili, iisa lamang ang damdamin na nangibabaw. Masaya ako. There was a child living inside me. Nagustuhan ko iyon. Naging mabilis na tinanggap ko ang lahat. Maaari man na maraming maging komplikasyon, mamuhay man ang takot ay tila balewala na iyon. Isa pa, naisip ko, bakit pa ba nabubuhay ang takot? Hindi ka pa man tuluyan na magaling ay ginagawa mo ang lahat para ma-over come mo ang takot at trauma sa sarili mo...

“May dahilan ka sa lahat ng mga bagay na ginawa mo sa akin, Christien. Kung wala, iyon siguro ang makakapagpamiserable sa akin. Kung wala kang ginagawa para maalis at ma-overcome iyon, doon ako dapat na matakot `di ba? Kaya hindi mo na dapat na ipagtaka na masaya ako. Sa tingin ko ay wala ng problema kung magbubuntis ako dahil unti-unti ka ng umaayos. Isa pa, kung natatakot man ako, I need to be strong. Kagaya mo. Kailangan ko rin na i-overcome ito. Ano pa at in-encourage kita na alisin ang takot mo gayong ako mismo ay hindi maggawa iyon?”

Napakurap si Christien sa sinabi ni Emerald. Hindi niya akalain na magiging madali. Muntik na muli siyang maiyak. Pero ngayon ay hindi na sa pag-aalala kung hindi sa sobrang saya.

“But I advise you to took the morning after pill---“

Huminga nang malalim si Emerald. “I didn’t do it. Hindi ko kaya.”

Huminga rin nang malalim si Christien. “Hindi ko rin naman gusto na gawin mo iyon. But you see, I’m very worried about you. The way you explain the effect of that pill, hindi ko gustong mangyari iyon.”

“It was like killing a child. Tama na ang minsan na nawalan tayo noon. Kung magkakaroon man muli, hindi tama na gawin ko iyon, lalo na at hindi na iyon magiging kagaya ng dati. May option tayo ngayon...hindi kagaya noon.” Paliwanag ni Emerald. “Nagulo ako noon pero hindi ko kayang gawin. But then, nalimutan ko rin naman ang lahat tungkol roon. Hindi ko na rin sinabi sa `yo na hindi ko ginawa dahil umaasa ako na hindi naman siguro mangyayari. But it did. So congratulations. Makukuha mo na ang mana mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Christien. “At sa tingin mo ba ay iyon lang naman talaga ang lahat para sa akin? I told you, to hell with the firm! Mas mahalaga ka sa akin.”

Natawa si Emerald sa reaksyon ni Christien. “Tinatanggap ko. Pero `di ba at dapat na masaya ka dahil roon?”

“Yes. Pero hindi lang iyon ang lahat para sa akin. Hindi kagaya mo, hindi ko ginusto na tuparin ang last will dahil gusto ko lang na makuha ko ng lubusan ang firm. It is also because I want to be with you. I don’t know the meaning of happiness since you’ve left in my life. Tama na ang tatlong taon na pakiramdam ko ay kulang ako. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para mapalapit ako sa `yo, makuha kita at maituloy natin ang nasira nating relasyon...”

“At kumapit naman ako ng hindi sinasadya roon,” napailing-iling pero ngumiti si Christien. “Aaminin ko, kaya lang naman talaga ako pumayag ay dahil sa ancestral house. Para kay Papa, sa dati naming pag-aaari at legacy ng pamilya. Pero nang makasama muli kita, unti-unti kong nasabi na hindi lang talaga iyon ang dahilan. I love the feeling when I am close with you and that is because I still have this intense feelings for you. Mahal pa rin kita, Christien. At itong bagong kahaharapin natin sa buhay? I will make sure it works. Gagawin ko na ang lahat para ayusin iyon sa halip na tumakbo kagaya ng ginawa ko rin noon. Hindi man lang kita tinanong, pinilit kung ano nga ba ang dinadala mo kung bakit ka ganoon. This time, it won’t happen again. Maipapangako mo rin ba sa akin na gagawin mo ang kapareho?”

“I promise.” Ngumiti si Christien saka hinalikan ang asawa sa labi. “I love you Mrs. Christien de Guzman. Officially Mrs. Christien de Guzman again.”

“I wouldn’t doubt. Buntis ulit ako, eh.”

Hindi naintindihan ni Christien ang sinabi ng asawa. “What do you mean?”

“Una at huling beses ko na narinig sa `yo na sinabihan mo ako ng I love you ay noong nalaman mo na buntis ako...”

“What?” lalong napakunot ang noo ni Christien. “Hindi ko naiisip na naiisip mo ang bagay na iyan. Teka, nagtatampo ka ba sa akin na hindi ko nasasabi ang mga salitang `yan? Well, hindi rin naman kasi ako thoughtful...”

“Relax. Its okay. Ang mahalaga naman sa akin ay nararamdaman ko na mahal mo ako.”

Ngumiti si Christien. “Good. Dahil iyon ang totoo. Mahal na mahal kita, Emerald. Perhaps, noong una pa lamang kita na nakita....”

Si Emerald naman ang napakunot ang noo. “Anong ibig mong sabihin? Girlfriend mo pa si Alexa nang una mo akong makilala.”

“I know. Pero ano sa tingin mo kung bakit mabilis kitang nilapitan nang magkahiwalay kami? Bakit mabilis kitang pinormahan? It is because I am attracted to you. Isa rin sa mga dahilan kung bakit pinili ko ng tapusin ang relasyon namin ni Alexa noon.”

Napakurap lamang si Emerald sa pasabog ni Christien.

“The day I first saw you, may lamat na ang relasyon namin ni Alexa. Nagbakasyon siya sa ibang bansa ng dalawang buwan and because of that, we have been grown apart. Iyon ang unang beses na nagkahiwalay kami ng ganoon. Nang bumalik siya, sinusubukan namin na ayusin ang relasyon namin and still it all ends up in a mess. Dumating ka at lalo pa iyong nakagulo roon until we finally decided to call it quits.

“See, sa kabila ng walong taong relasyon namin ni Alexa, ang kakaunting panahon na nagkahiwalay kami ay nakasira sa amin. Well, hindi na rin ako nagtaka. What we had is a casual affair since from the start. We are both just very attracted to each other. We don’t do things much, lalo na ang mag-open ng damdamin sa isa’t isa. Kaya nga sa kabila ng lahat, ni hindi niya alam ang kondisyon na pinagdadaanan ko.”

“Hindi na kataka-taka. Hindi ka naman kasi talaga palakuwento. But I’m glad na nalaman ko ito. Dati kasi ay palagi kong iniisip na panakip butas mo lang ako sa kanya...”

“No. Sa una pa lang, kakaiba na ang sa `yo. I told you, my relationship with Alexa is just casual. So we are partners more on physical department only. But on you, hindi ko maggawang mag-take advantage sa `yo. I respect you so much. Ang mahalaga sa akin noon ay makita ka lang, makasama, ang malaman ko na mahal mo rin ako. And now, I open up to you. Sa kabila rin ng tatlong taong pagkakahiwalay natin, we have work it out. I am serious to work it out. See? My feelings for you are greater than what I have for her. Kung tutuusin, mas matagal pa nga ang pinagsamahan namin ni Alexa hanggang ngayon kaysa sa kung gaano katagal ang pagsasama natin ngayon. Still, the craziness I have for you is overflowing. I like you, Emerald. I want you and I love you. Binubuo mo ang mundo ko. I’m half a heart without you...”

“These things, hindi ko alam kung bakit naisip mo pa na ipaliwanag sa akin. Nakaraan na ang lahat. And yet, I still love you even if knowing all the doubts then.”

“Iyon ay dahil sa gusto kong mas mahalin mo pa rin ako. We need to make peace on the past. Inisip ko rin kasi noon na kaya baka ka na-insecure kay Alexa bigla ay dahil sa hindi ko naman ipinaliwanag sa `yo ang lahat tungkol sa relasyon namin. Hindi ko na gustong mangyari muli iyon.”

Ngumisi si Emerald. “Well, get ready yourself. I’m pregnant and pregnant women tends to be irrational, lalo na sa unang tatlong buwan.”

“Well then, its just patience is all I need. Hindi na rin mahalaga. Mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa `yo, para sa ikaayos ng relasyon natin...”

“Ditto.” Nakangiti namang sagot ni Emerald at hinalikan siya.

THE END OF BOOK 1

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.