The Last Will Series 1 - 4 Chapter 8

The Last Will Series Book 2: More Than This

“YOU GOT to be kidding me, Attorney. Hindi magagawa ni Tita ang lahat ng ito sa akin,” naggawa pang tumawa ni Rolf sa kabila ng seryosong sitwasyon. Kasalukuyan silang nasa library ng mansion kung saan siya lumaki at kahit ngayon ay paminsan-minsan pa rin na tumitira roon. Malapit siya sa Tita Judith niya kaya naman kahit may sarili na siyang condominium unit , hindi miminsan na ginusto niyang dalawin ang tiyahin na nagpalaki sa kanilang lima na magkakapatid.

Dahil malapit nga si Rolf sa Tita Judith niya, hindi rin niya matanggap na kailangan pa siya nitong pahirapan para makuha niya ang mana. Alam rin nito kung gaano niya kamahal ang golf club---ang inaasahan na niyang ipapamana nito sa kanya at nangyari naman. Iyon nga lamang ay nagkaroon pa ito ng stipulations sa last will and testament nito.

Lahat sila ay may stipulations sa will. Hindi lang rin siya ang mukhang mahihirapan. Nakita niya kung paano naghisterya si Emerald---ang asawa ng Kuya Christien niya pagkatapos magbasahan ng mga ito ng stipulation sa will nito at ng asawa. Hindi naman siguro magkakaroon ng ganoong reaksyon ang asawa ng nakakatandang kapatid kung hindi ito nagulat sa stipulation, kung hindi iyon mahirap. Kaya dapat ay sinasabi na ni Rolf sa sarili na hindi na dapat siya magulat.

Pero paborito ako ni Tita! Giit naman ng puso ni Rolf. Hindi niya matanggap. Paano iyon naggawa ni Tita Judith sa kanya?

Ipinakita ni Attorney Denver Morales kay Rolf ang papeles na may pirma ng tiyahin para maniwala siya. Kahit natitigan na niya iyon nang lagpas sa isang minuto ay hindi pa rin siya makapaniwala. Natatawa-tawa pa siya. Pero kasama ng pagtawa ang kaba. Alam kasi niya na gaano man niya gawing cool ang sitwasyon ay hindi na niya iyon mababago.

“Close kami ni Tita Judith. Alam mo iyon, Attorney.” Malapit sa pamilya nila ang abogado kaya tumango-tango rin ito.

“Wala na tayong magagawa, Rolf. Hindi ko naman siya gustong question-in kung bakit ginawa niya ito.”

Tumiim ang mga bagang ni Rolf. Gusto niya muling siyasatin ang papel. Pero tama si Attorney Morales. Wala na nga silang magagawa. Patay na ang Tita niya. Hindi na nito maaaring baguhin pa ang will.

“P-pero hindi ko magagawa ito, Attorney. Serious relationship? Hah! Kilalang-kilala ako ni Tita. Hindi ko magagawa iyon. Thirty three years old na ako at ni hindi pa ako kailanman nag-uuwi ng babae rito sa bahay para masabi na nagkaroon ng seryosong relasyon. At kasal para ibigay niya sa akin ang katabing lupa para sa plano kong extension? I think mas maganda yata kung magpatayo na lamang ako ng sarili kong golf club.”

Hindi talaga matanggap ni Rolf. Hindi niya maiproseso sa kanyang utak. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa golf. Pitong taon siya nang una siyang isama ng ama niya at ni Tita Judith na parehong hobby ang maglaro ng golf. Simula noon ay nahilig na siyang sumama sa mga ito. Ang dalawa ang mga naging unang mentor niya.

Dalawang taon pagkatapos mamatay ng Daddy ni Rolf ay naggawang makabili ni Tita Judith nang malaking shares sa Royal Country Golf Club---ang golf club kung saan rin sila madalas na naglalarong mag-anak. Hindi kalaunan ay nakuha rin ni Tita Judith ng buo ang golf club. Bukod kasi sa magaling na lawyer, magaling rin sa negosyo ang Tita niya.

At ngayon ay masasabi kong magaling rin na manipulador.

Nais na mapabuntong-hininga ni Rolf. Kung gugustuhin niya, makakaya naman niya na magpatayo ng sarili niyang golf club. Malaki na ang naipon niya bilang kilalang golfer. Pero dahil hindi niya masasabing magaling siya sa business, sa tingin niya ay mahihirapan pa siya kung sakaling magpaggawa siya kaysa sa kuhanin na lang ang mayroon na at mas established pa na business.

Rolf de Guzman was the country’s leading golfer. Name the competition at nakasali na siya roon. Maraming beses na rin siyang nanalo at sa pamamagitan noon kaya naggawa niyang kumita nang malaki. Dahil mahilig talaga siya sa golf ay iyon ang ginawa niyang career at naging maayos naman ang lahat. Sinunod niya ang passion niya at umayon naman ang tadhana roon.

Iyon nga lamang, hindi na siya bumabata. Alam niya na hindi magtatagal ay maaaring malaos na rin siya. Napapansin rin kasi niya na sa mga nakaraang kompetisyon na nasalihan niya ay hindi na maganda ang performance niya. Nararamdaman niya na dumarating na rin siya sa punto na malalaos na siya at kailangan na niyang mag-settle down sa isang bagay na sinasabi nilang mas may patutunguhan---ang business.

Umaayon na si Rolf roon. Ganoon pa man, gusto rin naman niya na kung sakaling putulin na niya ang career sa pagiging golfer, may kinalaman pa rin roon ang susunod. Iyon na nga ang plano---ang pamunuan ang golf club. Pero paano niya gagawin iyon kung ang gusto niyang pamunuan na business ay mukhang malabo na mapa-sa kanya?

“May isang taon ka pa naman, Rolf. Who knows, makahanap ka rin ng babaeng kaya mong seryosohin at mas maganda kung magagawa mong pakasalan `di ba?”

May punto si Attorney Morales. Pero ramdam naman ni Rolf sa loob-loob niya na malabong dumating na ang araw na iyon. Maaaring naisip niya na mag-settle down na sa ibang career pero ang mag-settle down sa buhay pag-ibig? Hah! Masama man na sabihin iyon pero aminado naman siya na malaro siya sa buhay. Hindi niya lubos maisip na magagawa niyang tumagal sa iisang babae sa panghabang buhay. Hindi niya makita ang sarili na lumalagay sa tahimik at tanging iisang babae lamang ang iniisip.

O hindi nga ba? Sutsot ng isang bahagi ni Rolf. Kung naiirita siya sa mga nalamang stipulations ay mas nairita siya sa biglang pumasok sa isip. Of course not. At kung naisip man niya na lumagay sa tahimik kasama ang isang babae, malabo na mangyari iyon. Tapos na sila. Tinapos na nito ang kung ano ang mayroon sila.

“Hindi ko masabi kung ano ba ang dapat kong maramdaman.”

“Maaaring may dahilan ang Tita mo kaya ganito, Rolf. Mahal niya kayo, lalo ka na. Paborito ka niya `di ba? Sa tingin ko ay para sa ikabubuti mo rin naman kaya niya ginawa ang stipulation na ito sa `yo. You are not getting any younger...”

But the hell I care with that. Balewala sa kanya kung tumandang binata siya. Hindi rin naman kasi niya maisip na magkaroon ng isang pamilya. Tama na ang mga kapatid na lamang niya ang pamilya niya. Marami naman sila. Mamahalin na lamang niya ang mga pamangkin niya para kapag matanda na siya at malaki na ang mga ito, mamahalin at aalagaan rin siya ng mga ito sa huli. Iyon ang palaging nasa isip ni Rolf kapag sinasabing masama raw ang ginagawa niya.

“Pag-iisipan kong mabuti ito, Attorney.” Wika ni Rolf saka nagpaalam na sa abogado. Sinubukan niyang kumalma sa kanyang paglabas. Ayaw na niyang takutin ang mga natitira niya pang kapatid na hindi pa nababasahan ng stipulations sa will. Sinubukan niyang ngitian ang mga ito pagkalabas niya para hindi matakot ang mga ito. Tama na ang pag-aalala ng mga ito sa nangyari kay Emerald. Iyon nga lamang, pagkalampas niya sa mga naghihintay pang kapatid at makapunta sa kuwarto niya sa mansion ay gusto ng pagsusuntukin ni Rolf ang pader.

Kailangan niya ng pagbubuntunan ng inis niya. Natagpuan ni Rolf ang sarili na kinukuha na lamang ang unan sa kama niya. Sinuntok niya iyon, pinaghahampas. Hindi niya gustong tanggapin ang lahat. Gusto niyang magwala at iyon na lamang ang natitirang naiisip niyang paraan para makapagwala ng hindi nag-iingay para na rin sa sake ng mga kapatid niya.

Pero tila mali rin na kilos ang ginawa ni Rolf. He still lost his control. Sinubukan naman niya na paghahampasin lamang ang unan sa kama pero may iba pa rin na nadali iyon. He also hits the bed’s beside table---ang gamit kung saan nakalagay ang lampshade. Bumagsak iyon sa kahoy na sahig at nabagsak.

Napamura si Rolf dahil sa ginawang kapabayaan. Ganoon pa man, ginawa niya pa rin ang nararapat at pinilit na linisin iyon. Only to find out that it is still a bad move.

His heart was aching and it ached more when he saw the broken lampshade. Napapikit rin siya. Masasabi ba talaga niya na galit siya sa Tita niya dahil sa ginawang stipulation nito para makuha niya ang pangarap niya? O mas galit siya sa sarili dahil alam niya na hindi na niya magagawa ang nasa stipulation dahil ang tanging relasyon na naisip niyang seryosohin ay kagaya rin ng picture frame na iyon?

Broken.

Eight Months Ago

“I MADE it clear to you, Eleanor. I don’t do serious relationships,” cool na cool pang sabi ni Rolf sa namumula na sa galit na babaeng nasa harapan niya ngayon. It was Saturday night. Para kay Rolf, it was his bar night. Simula nang matutunan niya na mag-bar at masabi na masaya pala iyon, ginawa niyang opisyal na bar night ang Sabado. Hindi naman sa dahil iyon ang madalas na araw na libre siya, iyon ay dahil madalas siyang makakita ng mga babae sa bar tuwing Sabado.

Sa bar rin unang natagpuan ni Rolf si Eleanor. Dalawang linggo na simula nang magkakilala sila. Eleanor was an easy girl. Sa unang pagkikita pa lamang nila ay nakuha na niya agad ito. It was a great night. She was good. Iyon nga lamang, hindi iyon sapat para makontento si Rolf kay Eleanor lamang. Sa totoo lang ay kahit sandaling panahon pa lamang niya itong nakakasama ay nagsasawa na siya rito. Kaya iyon, pumunta siya ng bar at hindi man lang sinubukan na sabihan ito.

Hindi niya girlfriend si Eleanor. Yes, they hooked up. Pero bago pa iyon ay sinabi niya na agad ang rules rito at pumayag naman ito. Kaya kung ano man ang pinagsisintir nito sa kanya ngayon ay hindi na niya dapat ikabahala.

“Pero nag-date tayo exclusively for two weeks! Sinubukan ko naman ang lahat para magbago ang isip mo at---“

“Hindi sapat ang mga iyon.” Huminga nang malalim si Rolf. Hindi na naman bago sa kanya ang ganoong eksena. Ganoon pa man, sa ngayon ay may mali siya. Noon kasi ay nangyayari ang mga ganoong eksena pagkatapos niya na sabihin sa mga babae na makikipagkalas sa mga ito. Ngayon lamang niya ginawa na hinayaan niya ang babaeng kuhanin na senyales ang panlalamig niya sa mga nagdaang araw.

“Look, Eleanor. I have a great time. We had a great time. But its just that... sa tingin ko ay kailangan na nating matapos.” Sinubukan pa ni Rolf na gawing mahinahon ang boses na para bang sa pamamagitan noon ay mahahawa ang babaeng nasa harap niya ngayon.

“No!” inis pa rin na wika ng babae. “Hindi ako papayag. I like you, Rolf. I really like you. `Wag mo naman na gawin sa akin ito.”

Tinapik si Rolf ng babaeng kasama---ang dahilan kung bakit nang makita siya ni Eleanor sa bar na iyon ay kaagad na lumabas ang galit nito. “Maybe we can talk some other time, Rolf.”

“There would be no some other time, Miss. Dahil hindi ko na papayagan na makasama ka muli ni Rolf,” parang malapit ng sampalin ni Eleanor ang kakakilala rin lamang naman niyang babae dahil sa selos.

Nagkibit-balikat ang babae saka pinaikutan ng mata si Eleanor. Sinubukan man niya muna na kausapin ito. “You are right. Some other time. Hayaan mo muna ako na makipag-deal rito.”

Tumango ang babae saka inalis na ang pagkakapit sa kamay niya. Lumayo na ito at nawala sa paningin nila. Gustong mapailing at mapapalatak ni Rolf. Sayang. Maganda ang babae at sa tingin niya ay kagaya rin ito ni Eleanor. Madali rin niya itong makukuha.

Sa sitwasyon tuloy ngayon ay parang gusto ng maniwala ni Rolf na sa kanilang magkakapatid siya ang may mahinang ulo. Paano kasi ay hindi siya marunong magplano. Kung sana ay diniretso na lamang niya si Eleanor, tinext ito o tinawagan para sabihing tapusin na nila ang kung ano man na namamagitan sa kanila, hindi na magkakaroon ng ganoong malaking gulo. Pero nagsawa na rin kasi siya. Kahit naman kasi noong nakikipagkalas muna siya ay nagiging gulo pa rin.

Mahina nga ba talaga ang ulo niya kaya ganoon? Hindi siya marunong humawak ng sitwasyon, isa sa mga dahilan kung bakit alinlangan siyang bitawan ang pagiging golfer niya at subukang gamitin naman ang pinag-aralan niya---business administration. Hindi siya kagaya ng mga kapatid niya na lahat ay magaling base sa pinag-aralan ng mga ito. Bahagya na nga siyang makapasa noon sa kolehiyo na kaya lang naman talaga niya kinuha ay para kung sakaling dumating na siya sa punto na mahina na rin siya pagdating sa golf ay may masasabi pa rin siyang magagawa niya. Pero kahit ganoon, sa tingin niya ay hindi niya pa rin magagawa. Wala siyang tiwala sa sariling talino. Minsan nga ay niloko pa siya ng isa sa mga kapatid niya na magaling raw siya sa dalawang bagay---sa golf at sa mga babae.

Magaling nga siya sa babae. Isang tingin, ngiti at kindat lamang niya ay mabilis na nakukuha na niya ang mga ito. Rolf have good looks, all right. Pero masasabi niya na hindi rin talaga siya perpekto.

“Lahat ng ito ay mali, Eleanor. Hindi mo pa ako lubusang kilala. Ni hindi mo nga alam na hindi naman nagtatagal ang babae sa buhay ko.”

“Pero Rolf...” sa tantiya ni Rolf ay malapit ng umiyak ang babae.

“I’m sorry, Eleanor. Sa una pa lamang naman ay sinabi ko na sa `yo ang lahat ng `di ba? Hindi para sa akin ang seryosong relasyon. Hindi ako naniniwala roon kaya para ano pa para gawin ko iyon? I don’t believe in love and commitments. Gusto kong maging malaya. Ayaw ko ng may iniisip na babae, partikular ang mga nararamdaman nila. Hindi ko gusto ng asikasuhin na sa huli ay mawawla rin naman.” Hinawakan ni Rolf ang balikat nila Eleanor. “You don’t deserved me. You’re a wonderful woman. Let’s end this up.”

“So ano ang drama nating ito? “Its-not-you-its-me?””

“Ganoon na nga. You deserved someone better. I’m a self-proclaimed jerk so...”

Huminga muna nang malalim si Eleanor bago ito nagsalita. “F-fine. Pero puwede bang pasampal muna?”

Kumunot ang noo ni Rolf pero bago pa siya makapagsalita ay ginawa na ni Eleanor ang pakiusap. Nasapo na lamang ni Rolf ang nasaktang pisngi.

“That is for hurting me!” wika ni Eleanor saka umalis na sa harap ni Rolf.

She had the guts. Napatiim-bagang si Rolf. Sa kabila ng pagiging malaro niya sa babae, wala pang kahit sino ang nakasampal sa kanya. And to think na sa harap pa ng maraming tao? Pakiramdam niya ay natapakan ng malaki ang pride at ego niya.

Pero hindi na dapat niya palakihin na isyu iyon. He deserved it. He deserved more than that. Masama naman daw kasi talaga ang ginagawa niya ayon sa Tita Judith niya at sa mga kapatid niya na palaging pinupuna ang ginagawa niya. Pero ano ba ang magagawa niya? Siya mismo ang nilalapitan ng mga babae at kahinaan niya ang mga ito. Talent na rin kung maituturing niya ang charms niya at hindi ba at sabi nila na hindi dapat tinatago ang mga talento? Lalaki lang rin siya. May mga pangangailangan niya at madalas na nahihila ng tukso.

Sa huli ay sinubukang balewalain na lang rin ni Rolf ang nakakahiyang pangyayari. Umiling-iling siya. Sinubukan niyang um-order ng tequila sa bar table na kinauupuan niya para maisip ng mga tao na hindi kawalan sa kanya ang eksena. He tried to keep himself cool. Napansin naman niya na nawala rin sa kanya ang atensyon pagkatapos.

Pero hindi ng isang tao.

Hindi nagtagumpay si Rolf sa pagbabalewala sa pangyayari gayong may isang babae na nakita niyang tila apektadong-apektado. Nakaupo ang babae sa dulo ng bar table at nakangisi at ilang beses rin niyang napansin na iiling-iling na nakatitig sa kanya.

Rolf found the gestures rude. Naiinis ba ito sa ginawa niya? Pero buhay naman niya ito. Hindi dapat siya pakialamanan nito. Ito ba ang may hawak ng buhay niya para pakitaan siya nito ng ganoon? Isa itong estranghero sa kanya kaya dapat lamang ay mainis rin siya sa tila tahimik na pangungutya nito.

Ngunit sa kabila ng lahat, natagpuan ni Rolf ang sarili na tinitigan ang babae. Naintriga siya rito hindi dahil sa pinapakialaman nito ang buhay niya kung hindi ay dahil sa magandang mukha nito. Madalas naman siya sa bar na iyon pero ngayon niya lamang nakita ito.

Tila pinatawad ng itsura ng babae ang nararamdamang inis ni Rolf. Sabi nila ay rude daw ang tumitig nang matagal sa isang tao, lalo na sa isang estranghero. Pero hindi mapigilan ni Rolf ang sarili. She was very pretty. Nagustuhan niya ang anyo nito, ang simpleng pag-aayos nito.

Dahil nga sanay na si Rolf sa bar, saulo na niya ang itsura ng mga babae roon. Makakapal palagi ang make-up ng mga ito. Nang minsan na maglakas siya ng loob kung bakit ganoon, sabi nila ay dahil mas maganda raw na makapal ang make-up kapag gabi upang mas lalong ma-enhance ang kagandahan. Hindi iyon sinunod ng babae at sa tingin niya ay umakma naman iyon. Light lamang ang make-up nito at nakatali lamang ang may kahabaang buhok nito. Hindi rin revealing ang damit. Simple lamang ang tabas at sa tingin niya nga ay maaari pang gawing pang-opisina kung lalagyan lamang ng coat upang matakluban ang pagka-sleeveless noon.

Pero hindi lang naman ang paraan ng pag-aayos ng babae ang napuna ni Rolf. It was also how her physical features was made. Ramdam niya na tila may kung anong kalamigan ang mayroon sa mata nito pero hindi pa rin nakakabawas iyon sa mga mata nito. Her nose was straight, bumabagay sa mataas na cheekbones nito. May kakapalan ang labi nito pero tama lamang iyon para bagayan ng mamula-mulang lipstick nito. Sa madaling salita, maganda ang babae, may make-up man o wala. Pero kung papipiliin siguro siya kung ano ang pinakamaganda sa nakikita niyang panlabas na anyo nito, iyon ay ang tila peaches and cream na kutis nito. Tila ba biglang nangati ang kamay niya para mahawakan lamang iyon.

Ganoon na ba talaga siya kasama? Nasa isip-isip ni Rolf. Oo, aminado si Rolf na babaero siya. Pero ang maging ganoon ka-pervert para maisip agad na gusto na niyang maka-tsansing sa babae na hindi man lang niya kakilala, masyado ng kakaiba iyon. It seems like he wanted her at first sight. Pero bukod sa kakaibang naramdaman na iyon ni Rolf, may kung ano rin na gumulo sa puso niya.

Gustong tuklasin ni Rolf kung bakit ganoon ang kanyang nadarama. Iyon nga lamang, sandaling nagdalawang isip siya. Tama ba na lumapit kaagad siya sa isang babae gayong nasaksihan pa nito kung paano niya sinaktan ang isa? Sinubukan muna na kalmahin ni Rolf ang sarili. Baka naman kaya tila nagugulo ang puso niya ay dahil dala pa rin ng nakakahiyang eksena?

Pero hindi. Kanina pa ang eksena. At hindi naman niya madalas pinapansin ang pagkakapahiya. Bakit lalakas ang tibok ng puso niya dahil roon? It must be the girl. Nagkaroon ng kakaibang epekto sa kanya ang pagtingin pa lamang niya rito.

Ngunit bago pa man makakakilos si Rolf ay nawala na ang babae at siya rin na pagkawala ng magandang damdamin na nagsimulang mamuo sa puso niya. Sa halip, napalitan iyon ng kakaibang lungkot na para bang pinalampas niya ang pinakamagandang oportunidad na nakita niya sa buong buhay niya.

“FUCK!”

Girls with bad mouth was a turn on for Rolf. Pakiramdam niya kasi ay magkakasundo agad sila dahil may ganoon rin siyang ugali. Isa pa, hindi siya mahilig sa mga mababait na babae. Kadalasan kasi ng mga mababait na babae ay kailangang seryosohin. At dahil malayo ang salitang seryoso sa buhay niya kasama ang mga babae, iniiwasan niya ang mga iyon. Pagkatapos ng lahat, hindi rin naman siya ganoon kasama. Pinipili pa rin niya ang mga babaeng nilalapitan niya at madalas ay mga babaeng “game” lamang sa kaya niyang ialok sa mga ito. Isa sa mga napuna ni Rolf sa mga babaeng iyon ay mayroong ganoong matatalas na dila.

Pero sa totoo lang ay hindi naman iyon ang naunang pumukaw sa interes ni Rolf. Sa katunayan, kanina pa siya nakatayo hindi kalayuan sa babae. Kanina pa niya hinahangaan ang kagandahan ng katawan nito. Isang misteryo pa sa kanya ang itsura ng mukha nito dahil hindi pa ito humaharap sa kanya. Mainipin na tao si Rolf pero nagugustuhan niya na tila nagtatagal siya sa ganoong posisyon. Pakiramdam niya ay mas lalong napupukaw ang interes niya sa babae. He was enjoying it.

Base sa kilos ng babae ay mukhang nahihirapan ito na maglaro ng golf. Bilang isang professional na golfer, alam ni Rolf kung bakit. Mali ang paraan nito ng paghawak sa club at pati na rin ang posisyon nito habang pinapalo nito ang ball. Pero dahil naaaliw lamang siyang panoorin ang babaeng walang kamalay-malay sa ginagawa niya, hinayaan niya ito.

Saka lamang sinubukan ni Rolf na lapitan ang babae nang ihagis na nito ang gamit na club sa inis at umupo sa damuhan.

“You are doing it wrong.”

As expected, lumingon ang babae. Kung natutulala na siya nang makita niya itong nakatalikod, mas natulala si Rolf ngayon. Kagaya nga ito nang inaasahan niya---napakaganda. Pero hindi lang iyon ang nakapagpatigil sa kanya at tila nakapagpatigil ng mundo niya. Pamilyar sa kanya ang babae.

Ang babae sa bar! Sigaw ng isip ni Rolf nang maalala kung sino ito. Gaanong kasuwerte niya?

Isang linggo na ang nakalilipas simula nang makita niya ang babae. Pero ito siya at mabilis lamang na naalala ito. Bago iyon sa kanya. Madali siyang makalimot, lalo na at hindi naman siya nagkaroon ng malaking interaction kasama ang babaeng iyon. Pero siguro ay kaya ganoon ay tila tumatak nang matindi sa isip at puso niya ang babae. Ilang beses rin kasi siyang ginugulo ng mukha nito na tila ba nagkaroon siya ng ache sa loob-loob niya na gustong makita muli ang babae.

“So kanina mo pa ako pinapanood dahil nasabi mo ang bagay na iyan?” unang salita pa lamang ay natarayan na agad si Rolf. Katarayan rin ang ipinakita ng mukha at mata nito sa kanya. Rolf felt intimidated for a while. Hindi siya sanay sa matataray na babae. Not on a first meeting. Madalas ay purong interes kaagad ang nakikita niya sa mga babae kapag nilalapitan niya.

“I’m just admiring you, I mean the view,” ngumisi si Rolf. Pinilit pa rin niya na magpaka-cool. “First time mo ba na mag-golf?”

Tumango ito.

Tumaas ang isang kilay ni Rolf. “Requirement ang magkaroon ng instructor kapag first time, ah.”

Hindi nagsalita ang babae. Kinagat nito ang ibabang labi.

“Hindi mo sinabi sa kanila na first time mo?”

“I think it was easy! Pero bahagya na akong makapag-shoot ng ayos sa malapitan pa lamang na hole,”

“Everything is easy. Basta ba may passion ka sa bagay na iyon.”

Palaging ganoon ang linya ni Rolf sa mga taong sinasabing mahirap raw ang trabaho ng mga ito. Well, ganoon kasi ang paniniwala niya. Ika nga sa isa sa mga nabasa niyang quote, “You will never achieve success unless you like what you are doing”.

“Bakit mo ba ginagawa ang bagay na ito? Do you want to be a golfer someday?”

“No. But my future business partners are golfers. May meeting ako sa kasama nila next week sa golf club na ito. Para mas pagkatiwalaan nila ako, kailangan kong ipakita sa kanila na may interes rin ako sa hobby nila. Gusto ko rin na makita nila na magaling ako sa mga bagay na gusto nila para magkaroon ng magandang impresyon.”

“Kung ganoon ay negosyante ka pala. Parang ang bata mo.” Sa tantiya niya ay nasa early twenties pa lamang ang babae.

Tumaas ang isang kilay nito. “Ang pag-oobserba mo ba sa akin ay paraan mo para makakuha pa ng maraming impormasyon tungkol sa akin?”

Natawa si Rolf. “Sabihin na nating oo. Interesado ako sa `yo.”

“Yeah, just like you have in almost all the female population in the world?” humalukipkip pa ang babae.

Tinaasan ng isang kilay ni Rolf ang babae. “Sa tingin ko ay nakilala mo ako.”

“At ganoon ka rin sa akin but then, hindi mo inamin.” Inumpisahan na ng babae na ayusin ang mga golf equipments nito.

“Hindi ako kasing sama ng iniisip---“

“Sa tingin mo ay masama ang tingin ko sa `yo? You don’t do serious relationships, you said to that girl. Naiintindihan naman kita. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko maiwasan na pansinin ka sa bar. Narinig ko kasi ang usapan niyo and I actually kind of agree with it. And I actually believe that what you are doing is good. Naging honest ka sa una pa lamang. Sa malas nga lamang, hindi iyon tinanggap ng babae mo.”

Namilog ang mga mata ni Rolf. “Naiintindihan mo ako? Seryoso?”

Tumango ito. “Serious relationships, saan ba ang punta niyan? Marriage. Isang salita na magtatali sa `yo habang buhay at ano? Madadala sa tukso at masisira lang rin sa huli. I’d rather die single than entering in that. Though, naiintindihan ko naman na kailangan rin ng tao ng partner sa buhay, lalo na kayong mga lalaki sa department na kilala kayo.”

“Sexually.” Ngumisi si Rolf. “You know what, lalo lang akong nagkainteres sa `yo.”

“Kailangan ba kitang pasalamatan para diyan?”

“Sa tingin ko ay hindi ko kailangan ng salita. What about actions? Stay here. Stay with me.”

Kumunot ang noon g babae. Pero maya-maya ay kumalma rin ang mukha. “Instructor ka ba rito?”

Business woman nga talaga ang babaeng ito. Nasa isip-isip ni Rolf. Sa tingin niya ay papayag lang ang babae sa gusto niya kung sakaling tuturuan niya ito. Mautak. Tuso. Hindi niya gusto ang magpagamit. Pero mas lalong hindi niya gusto ang umalis ito.

“Hindi. Pero kaya kitang turuan. I’m good in golf,” ngumiti si Rolf para lalo niyang makuha ang tiwala ng babae. Gusto niya pa na makasama ang babae kahit sa ganoong paraan lamang iyon.

Pumayag na magpaturo kay Rolf ang babae. “Lesson one: We have to get to know each other.”

“Mandy,” inilahad ng babae ang kamay nito. Tinanggap naman iyon ni Rolf pero nais niyang mapakunot noo sa reaksyon ng kamay niya nang mahawakan ang kamay nito. Mainit iyon, kagaya ng karamihang kamay ng mga babaeng nahahawakan niya. Pero sa babaeng ito ay tila nagkaroon yata ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya. It was unusual, weird.

Kagaya na lamang ng paglakas ng tibok ng puso ko kapag nakikita siya.

Pinilit ni Rolf na maging cool pa rin sa kabila ng lahat. “R-Rolf.”

Napakunot noo ang babae. “Rolf? It sounds familiar. A-are you the---“ napahawak ang kamay nito sa bibig.

Ngumisi si Rolf. “The international golfer.”

“Oh! Sabi na nga ba kaya parang familiar rin ang mukha mo sa bar! But well, it was nice meeting you.”

Inalis na ni Mandy ang kamay nito kay Rolf. Nakaramdam naman ng kung anong kalungkutan sa puso si Rolf. Naaliw pa siya sa kakaiba pero nakakiliti naman na emosyon na nararamdaman niyang epekto ng kamay nito. Pinagana kaagad niya ang isip kung paano siya magkakaroon pa ng chance para mahawakan iyon.

“It was nice meeting you, too. Let’s proceed to lesson number two?”

“At iyon ay?”

Inilahad muli ni Rolf ang kamay niya. “Be comfortable with each other.”

Itinaas na naman ni Mandy ang isang kilay. “Pero bakit ang kamay?”

“To welcome each other as friends. Magiging mas komportable tayo sa isa’t isa kung magiging magkaibigan tayo `di ba?”

Kumunot muli ang noo ni Mandy pero tinanggap rin nito ang pakikipagkamay niya. Tagumpay siya sa pag-iisip ng paraan para mahawakan ang kamay nito. Iyon nga lamang, kapag naiisip niya ang rason kung bakit nila ginagawa iyon ay gusto niyang mapangiwi. Friends? Gustong magprotesta ng puso ni Rolf.

He wanted more than that.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.