Chapter 3
Sugat
"I heard Damon's pissed yesterday. Ginawa mo na naman ba ang sa tingin ko'y ginawa mo?"
Patuloy kong pinaglaruan ang spaghetti gamit ang tinidor na hawak ko. Alas siete na ng umaga. Maaga akong nagising para kumain at magluto ng agahan. Em texted me if I have already cooked a breakfast because she wanted to eat with me. Tinatamad daw kasi siyang magluto ng agahan.
Napabuntonghininga ako, "Kailan ba sumaya si Damon? Besides, normal lang naman 'yang mukha niya e. Bitch face kumbaga," napabungisngis na lang ako.
Sa totoo lang, nanghihina talaga ako ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit sakit ng ulo ko. Parang pati nga ata yung braso ko nga nananakit din, e. Probably because of my injury.
Kumunot ang noo ni Em, "Are you okay? You look pale." Ibinaba niya ang tinidor niya at inilagay sa plato. Halos hindi pa siya nangangalahati sa kinakain niya. Bahagya pa siyang lumapit para titigan ako sa mukha.
Sinubukan kong ngumiti kahit kumikirot na ang sugat ko. "I'm okay, Em. Eat up. Ubusin na natin 'to. Ayaw kong nag-iiwan ng pagkain." Umakto akong parang maganang kumakain para hindi siya mag-alala.
Siguro para na akong tanga kasi hindi ko pa rin sinasabi kay Em na nananakit ang sugat ko kahit siya naman talaga ang may alam sa ganito dahil doctor siya. I just think I’ve been troubling her a lot.
Nag-aatubili man ay sinunod niya na lang din ako. Sinubukan kong nguyain ang spaghetti kahit na wala naman akong nalalasahan. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nagrereklamo si Em sa lasa e. Baka talagang naitama ko ang timpla? Huwag naman sanang magka-COVID at baka magkamatayan na literal.
"May chismis ba ngayon sa mafia?" curious kong tanong. Wala akong masyadong kaclose sa mafia bukod kay Dumbo at sa kanya. Hindi rin naman kasi ako palakaibigan na tao. Maarte man pakinggan pero mas sanay ako na ako ang nilalapitan kaysa ako ang lumalapit. Pero dahil nga bida-bida si Damon at itinuturing akong outsider ay hindi rin nagkaroon ng magandang image ang pangalan ko sa organisasyon.
Nilunok muna ni Em ang kinakain niya bago siya magsalita, "Yeah. Buti na lang naitanong mo 'yan. Isa rin 'yan sa mga reason kung bakit ako nagpunta dito e." Kinuha niya ang tissue sa may tabi ng plato niya at marahang pinunasan ang bibig niya.
"Damon hired new members for the mafia, particularly those who are working on the field." Kumunot ang noo ko habang sinasabi niya iyon. Bakit naman naisip ni Damon gawin 'yon? Masyadong delikado at mahirap magsala ng tao dahil baka anong malay natin at kaaway pala, hindi ba?
"What do you think is the reason kung bakit niya ginawa 'yon? As far as I'm concerned ay halos wala ng bakante iyong field na 'yon hindi ba?" Kinuha ko ang baso at ininom. Tsaka ko lang napansin na nanghihina na ako nang mag-umpisang manginig ang baso. Hinigpitan ko ang kapit kahit para hindi mahalata ni Em. “Hindi kaya balak na n’on magrebolusyon sa buong Pilipinas?”
Em shrugged. Mukhang hindi naman niya napansin ang pagkakahawak ko sa baso. "I don't know what's running inside your husband's head." She frowned.
"Sperm. Sperm ang tumatakbo sa ulo niya," ngumisi ako. Nanatiling nakakunot ang noo niya nang sabihin ko iyon. Marahan kong ibinaba ang baso at tsaka kumindat sa kanya.
Nang magets niya ang sinabi ko ay namula ang mukha niya. Natawa ako habang nakatitig sa mukha niyang sobrang pula. Halos mamula na rin ang leeg at tainga niya.
Parang bigla akong nagkaroon ng enerhiya habang nakatingin ako sa mukha ni Em. Parang nakalimutan kong masakit ang ulo ko habang nakatingin sa kanya.
"Ikaw! Ang lakas mo talagang mang-asar. Berde talaga kulay ng utak mo!" Binelatan ko na lang siya. Ang sarap talagang asarin nitong babaeng ‘to. Inosente kasi masyado at astigin.
Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang cellphone ni Em. Kumunot ang noo niya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot niya. She was wearing a floral dress underneath a white lab gown. Mamaya kasi ay papasok na siya sa duty niya kung kaya nama'y nagbihis na agad siya.
Sumenyales si Em na lalabas muna siya para sagutin ang tawag. Nagkibit balikat na lang ako habang nakikita ko siyang naglalakad palabas ng bahay.
Napabuntonghininga ako. I can feel my injury aching from deep within. Siguro'y kailangan ko na itong linisin para hindi na sumakit.
Akmang bubuksan ko na ang bandage ng sugat ko nang bigla na lamang pumasok si Em ng nakakunot ang noo. Mabilis pa sa alas kwatro akong napatuwid ng upo sa upuan. Halos sumabog na ang puso ko sa dahil sa pagtibok nito ng sobrang bilis. Muntik na 'yon a.
"Alis na muna ako. I need to go to the clinic. May mga pasyente na raw, e." Napabuga na lang si Em ng hangin pagkatapos niyang sabihin iyon. Kumunot ang noo ko.
"Ng ganitong oras? Ang aga naman? Diba eight pa duty mo?" nakataas ang kilay ko habang sinasabi iyon. Kinuha ko ang baso at uminom.
Inis na tumingin sa akin si Em, "Palpak daw kasi yung transaction kagabi. Medyo high blood daw si Damon kaya ayun, napunta sa putukan. Tapos nabawasan pa ng doctor kasi nagkaputukan nga sa mismong site kung saan ginagamot ang mga nasugatan. I wonder kung sinong may pakana at galit na galit ang damuho?" sinamaan ako ng tingin ni Em habang sinasabi iyon.
Nasamid ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Ibinaba ko ang baso. Alanganin akong tumawa pagkatapos ay nag-peace sign ako sa kanya.
Alam ko naman na ako ang tinutukoy ni Em. Pero kahit pinapagalitan niya ako ay hindi ko mapigilang mapabungisngis. I always have that effect on Damon. Actually, inaabangan ko nga kung anong mangyayari kinabukasan once na gawin ko iyon kay Damon e.
"Pasaway ka talaga, Ella. O siya una na ko. Trabaho muna ako. Bye bye!" Kumaway si Em, senyales na aalis na siya. Kinuha niya ang tinidor at muling sumubo bago siya nagsimulang maglakad paalis.
Ngingiti-ngiti ako habang kumakaway. Nang makaalis na siya ay ngumiwi ako. Mas sumakit ang sugat ko. Kailangan ko na talagang ipagamot ito. Probably not with Em.
I know how busy Em is. Siya ang assistant head ng mga doktor kung kaya nama'y talagang nahihiya akong ipagamot ang sugat ko sa kanya. And besides, naabala ko na siya kahapon. Hindi naman siguro ako mamamatay nang dahil sa sugat.
Nang matapos na akong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko. I went to the sink and washed the dishes, pati na rin ang hugasan ni Em. Pagkatapos ay nagpunta na ako ng kwarto at nagpalit ng damit. Tinatamad pa akong kumilos kaya ipinagpaliban ko muna ang pagligo.
I was walking in the middle of the hallway. Halos wala namang tao sa paligid dahil training ngayong araw. Every weekday, at exactly 7:30 or 8 in the morning ay may training sa field. Doon ako madalas naglalagi at pumapatay ng oras.
Umupo ako sa bench. Once again, the field enthralled me. Arnis, karate, taekwando. All people that are doing martial arts are scattered all over the field. Sa sobrang lawak ng headquarters ng mafia ay may field na rin sa loob nito.
I can see those experts, training the members of the mafia. Hindi ko alam kung anong meron sa martial arts at kung bakit I always find it so fascinating. It was like a magic slowly bewitching me inside, an art that will capture everyone with just the sight of it. People who do it, make it look so easy but it’s not.
Mapait akong napangiti. I can see my dream right in front of me. Malapit lang ngunit hindi ko kayang abutin. I am stuck being a trophy wife of the evilest person I know, Damon.
My heart's been shouting so loud. Gusto kong makipaglaban. Gusto kong makita ang sarili ko, kahit ngayon lang na makitang ginagawa ang bagay na gusto kong gawin.
But what's the point in all this screaming? No one's listening anyway.
They say you can get your dreams when you work hard, but the more I work hard for it, the more I feel spent and tired. It’s like fighting a useless battle while you’re surrounded by thousands of soldiers and you’re all alone in the battlefield.
Napapikit ako nang maramdaman ang malakas na ihip ng hangin. I can feel the strands of my hair being swayed by the wind. Payapa ang hangin at maging ang paligid.
This is my kind of peace.
Nang buksan ko ang aking mga mata ay nagulat ako nang makita kong may mga bagong lalaking nakaitim ang papasok ng field. The crowd fell silent. Para bang pinapakiramdaman din nila ang mga bagong dating. Feeling ko magkakaroon ng gulo mamaya dahil natural na matataas ang mga pride ng mga tauhan sa mafia. Geez, men and their egos!
I never knew these people who are walking along the wide field, at least not in this lifetime. There were five men in total. Nakabihis sila ng suit at mukhang mga businessman kung business meeting nga sana ang pinuntahan. But what shocked me is Damon at the back. His forehead was knotted, and he looked like he slept in the wrong side of bed.
Pigilan ko mang mapahagikhik ay hindi ko magawa. Kaya naman bago pa ako matawa ng tuluyan ay tumayo na ako at naglakad paalis. I took the door, opposite to the entrance kung kaya nama'y hindi pa ako nakikita ni Damon. Baka mabugahan pa ko ng apoy ng dragon kaya tatakas muna ako.
Nang lumingon ako sa pwesto ni Damon ay gayon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin sa akin ang lalaking kasama niya. He was smiling at me amusingly. Kumunot ang noo ko nang kindatan niya ako. Napuwing ‘yan?
Nang mapadako naman ang tingin ko kay Damon ay kumabog ang puso ko. He was looking at me intently. Para akong malulusaw sa mga titig niya, tipong pati kaluluwa ko ata ay binabasa niya rin. I hurriedly went out of the field and walked towards the clinic to get my injuries treated. Sana lang ay wala na si Em doon.
Ngunit wala pang dalawampung hakbang ay bigla na lamang akong nahilo. I stopped myself from walking when I felt the ground shake. Tumingala ako, only to see several black spots above na sinabayan pa ng pagkapos ng hininga.
With one last breath, everything went black. The last thing I felt was two arms slowly gripping me and catching me before I fall.
---
Minulat ko ang aking mga mata nang maramdaman kong parang may ilaw na nakakatutok sa akin. Sa una ay malabo pa ang nakikita ko, ngunit maya-maya pa'y nag-adjust na ang aking paningin.
Nasaan ako?
Iginala ko ang aking paningin sa buong kwarto. Clinic. Nasa clinic ako. Paano ako nakapunta dito?
Doon ko lamang napansin ang lalaking nasa gilid pala ng aking kama. Nakaubob siya sa tabi ko habang nakaupo. Napangiwi ako nang maramdaman kong sumagi ang sugat ko sa gilid ng drawer. Puta, ang sakit! Mama!
Nang mapawi na ang hapdi ay napakunot ang noo ko nang mapansin kong napalitan na ang bandage nito. I wonder what happened and who changed my bandage. It’s not Em since it looks so sloppy, and I wish na hindi siya iyon dahil baka pag-ulitin siya ni Damon sa pagdodoktor kapag nagkataon.
"Are you alright?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ng nagsalita. Medyo malalim ito at buo. Rinig ko rin ang lamig nito, parang nanunuot sa kaloob-looban ko.
Nilingon ko ang lalaki. I can't help but to admire his physique. He was tall. Kahit nakaupo siya ay malalaman mong matangkad na tao siya. Approximately 6 ft in height, I think. Medyo singkit ang kanyang mga mata. Maputi siya at matangos ang ilong. Mamula-mula rin ang kanyang labi na bahagyang basa at nakaawang.
Mukhang foreigner. Pwedeng murahin sa tagalog.
"Y-Yes..." nauutal kong sagot. His presence was intimidating. Para bang katumbas ng presensya niya ang awtoridad.
Tumango naman siya pagkatapos. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtanong. "H-How did I get here?"
Hindi siya sumagot. Tinitigan niya ako pagkatapos ay tumaas ang kilay. Mukha siyang suplado habang ginagawa iyon.
"Taray naman this boy. Akala mo naman gwapo," Bahagya akong tumagilid para hindi niya marinig ang sinabi ko. Pabulong ko pa iyong sinabi. Ganoon na lamang ang gulat ko nang magsalita siya.
"I am. Gwapo naman talaga ako, hindi ba?" The corner of his lips raised upward making him look so devilishly handsome. Hindi ko alam na posible palang magkaroon ng ganito kagwapong nilalang. Akala ko sa mga BL manhwas lang na dati naming binabasa ni Em posible iyon.
Nang magregister ang sinabi niya sa utak ko ay ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko. "N-Nakakaintindi ka ng tagalog?" Hindi pa ako nakuntento at dinuro ko pa talaga siya.
Marahan siyang natawa. Lumapit siya sa akin. Bahagya akong umusod paatras. Hinawakan niya ang daliri kong nakatutok sa kanya at marahang ibinaba. Napaawang ang aking labi nang makita ko sa kanyang mata na natatawa siya habang nakatingin sa akin.
I stepped out of my trance nang marinig ko ang pamilyar na bagsak ng mga yabag sa labas. Hindi mapigilang tumibok ng puso ko. Akala mo aso na kilala ang yabag ng amo.
Isang malakas na paghampas ng pintuan ang narinig ko kasabay ng sigaw ni Damon na rinig sa buong kwarto.
"What the heck is happening here?!"
Sa gulat ko ay hinaklit ko na lang kung anong mahawakan ko ng oras na iyon. Sakto naming leegan ng damit ng lalaking nasa harapan ko lang ang nakaya kong hablutin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa lakas ng pwersang nailagay ko.
Ang huli ko na lamang naalala ay ang paglapat ng labi ko mula sa kanya.