The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 5

Chapter 4

Ashton

Marahas na hinaklit ni Damon ang lalaki palayo sa akin. Ramdam ko ang pwersang inilaan niya para lamang mailayo ako mula sa lalaking nasa harapan ko.

I was faced with a seething Damon. Nakaigting ng bahagya ang kanyang panga habang mariin ang titig sa akin. He was furious, no doubt. Kita ko ang ugat sa kanyang leeg.

Hindi ko alam kung bakit, but I found myself gawking at his form. It was quite unusual for me to see him, wearing something casual. Madalas kasi ay nakikita ko siyang naka-business suit kahit nasa loob siya ng headquarters.

"What do you think you are doing?" Damon hissed. I can see the guy being shoved near the door. Nakatingin sa akin si Damon habang sinasabi iyon.

"I-I..." Hindi maapuhap ng bibig ko ang mga salitang kanina pa naghihintay na mabuo. Pati ang puso ko’y di maawat sa pagrigodon mula sa kaba. Ngayon ko lamang nakita si Damon na ganito kagalit.

"Are you and this asshole..." muling nag-igting ang kanyang panga. He went to the guy who was currently sitting on the floor, leaning his back at the door. Nanatili ang kamay ng lalaki sa likurang parte ng kanyang ulo, probably because he was hurt by the amount of force exerted by Damon just to push him towards the door.

Mabilis na humakbang si Damon patungo sa lalaki. Agad nanlaki ang aking mga mata nang makita kong yumuko siya. Hinaklit ni Damon ang leegan ng lalaki pataas para lamang suntukin siya sa ilong. Mabilis na natumba ang lalaki at napaupo sa sahig.

I can see a good flow of blood coming out from the guy's nose. Napangiwi ako. Masyado iyong madami. Marahil ay ugat ang natamaan ni Damon. Parang ketchup, lintek.

Mabilis akong umalis sa aking higaan upang lapitan ang lalaki. Akmang yuyuko na ako nang haklitin ni Damon ang aking braso palapit sa kanya. Pinaharap niya ako.

I gasped. He was standing too close for my comfort. Naitukod ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang tigas nito. Hindi ko mapigilang mapasinghap nang dumampi ang aking mga kamay doon. Tila ba napaso ako nang maramdaman ko ang balat naming nagtama.

Damon was too tall for me. He stands for about 6 ft. and above. Halos umabot lamang ako hanggang sa kanyang baba kung kaya nama'y tumatama ang kanyang hininga sa aking noo.

"What are you doing, Ella?" His voice was filled with authority and power. Napapikit ako nang tumama ang mabangong hininga ni Damon mula sa aking noo. Hindi ko alam kung bakit, pero kinilabutan ako nang maramdaman ko ang init niyon. I can feel butterflies inside my stomach, slowly shouting and rejoicing just by hearing his voice and feeling his breath. Mga talipandas! Traydor kayo!

Nagpumiglas ako but it was no use. Tinangka kong itulak ang kanyang dibdib palayo sa akin para tuluyang makaalis ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak niya roon. Kung masyado na kaming malapit kanina ay mas naging malapit pa kami ngayon. Mahihiya ang sticky paper para sa mga daga sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

"Let go of me, Damon. Wala ka ng pakialam doon," matigas kong sabi. I was thankful na hindi nagputol-putol ang aking mga salita habang sinasabi iyon. My heart was beating so fast! I don't know why Damon is acting like a jealous bastard. Whatever it is, I will not fall for his scheme.

Hindi ko na napigilan ang malakas kong pagsinghap nang hapitin niya ang aking baywang. Labis-labis ang kaba ko nang dumikit ang aking pisngi sa matigas at matipuno niyang dibdib. Nag-umpisang mag-init ang aking pisngi. Ang kanina'y mabilis ng tibok ng puso ko ay mas lalo pang nagrigodon.

"You’re not allowed to date any man, Ella. You are mine," mainit ang buga ng kanyang hininga sa gilid ng aking tainga. Nakatagilid ako sa kanya habang nakadikit ang aking tainga sa kanyang dibdib. Halos magsitaasan na ang aking balahibo nang marinig ko ang mariin at medyo paos na boses ni Damon sa aking tainga.

Kinagat ko ang aking labi. Pinwersa ko ang sarili kong lumingon sa kanya. Tinitigan ko siya sa mga mata at sinamaan ng tingin.

"I am not yours, Damon. I will never be yours. And why is that?" I smirked at him. "Because I am your wife. But only in papers, right?" Pagkatapos ay nakangiti ko siyang inirapan. Parang mauubusan na ako ng hininga dahil sa patuloy na pagririgodon ng puso ko.

Nang tumalikod ako ay agad nagbago ang ekspresiyon sa aking mukha. Mula sa masaya ay napalitan iyon ng pait at kalungkutan. Pinikit ko ang aking mga mata para pakalmahin ang aking sarili. I tried to calm myself, but it was no use. Parang gustong tumulo ng aking mga luha mula sa mga mata ko.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatitig pa rin pala sa akin ang lalaki at kasulukuyan pa rin siyang nasa sahig. To worsen the situation, patuloy niya pa ring pinupunasan ang dugo sa kanyang ilong gamit ang likod ng kanyang palad.

Nahihintakutan akong yumuko at inalalayan siya patayo. His right arm was placed at the back of my neck patungo sa kanan kong balikat. We started walking. Hindi na ako muli pang tumingin sa likuran kung nasaan si Damon. The hell I care with him.

"Ngaray! Ngindi na ango mangahinga!" malakas na boses na sabi ng lalaking nasa harapan ko makalipas ang ilang minutong pagkakapisil ko sa kanyang ilong. Agad na kumunot ang aking noo.

"Bakit ba ang ingay mo, ha? Nasuntok ka na nga’t lahat, hindi ka pa rin nananahimik. Anak ka at ani Aling Marites, e." Tinanggal ko ang aking daliri mula sa pagkakapisil sa kanyang ilong. Ni hindi ko na napansin na ginawa ko pala iyon. Siguro’y reflex na rin dahil madalas dumugo ang ilong ko noong nasa highschool ako. Pinunasan ko ang dugong tumutulo mula roon. I squinted my eyes while staring at him like an eagle. Nanlaki ang kanyang mga mata.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kuwarto ko. Bahagyang nakabukas ang bintana at sumisiwang ang liwanag mula sa labas.

"Are you implying that I’m talkative? Hmm? You wanna shut me up by kissing me?” He smirked right after he said those words. I looked at him disgustingly. What a manwhore. Kita ko pa ang bakas ng dugo sa ilong niyo. Mabuti na lang at hindi na masyadong tumutulo iyon.

"Whatever,” saad ko pagkatapos ay dinampi ko ulit ang bulak sa kanyang ilong para alisin ang bakas ng dugo mula roon.

Inayos ko ang pagkakalagay ng yelo. Pumunta ako kanina kay Emerald para manghingi ng yelo. Luckily, she did have it. Pakiramdam ko rin ay hindi naman siya ang naggamot sa akin dahil hindi niya ako pinagalitan. Kung siya nga iyon ay malamang, tustado na ko sa sermon.

Nakakunot ang noo ko. Inilapit ko ang aking mukha para tingnan kung may dugo pa ang ilong niya. Naiilang ako dahil ramdam ko ang titig niya sa akin. It was as if his stares are boring into my face and sporting some holes.

"'Wag mo nga akong titigan," marahan kong turan. Iniwas niya ang kanyang tingin. Hindi pa rin siya nagsasalita. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang hininga niya sa aking mukha.

"Asawa mo 'yon?" mahina niyang tanong. Seryoso at wala ng halong biro ang boses niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Saglit akong napatigil. Ayaw ko sanang sagutin, but it would be rude to do so lalo na at kaharap ko lang naman siya. Pinunasan kong muli ang ilong niya bago sumagot.

"Yes," matipid kong saad. Nagsalubong ang kilay ko dahil nararamdaman ko na naman ang init ng titig niya sa aking mukha. I can see the movement of his Adam’s apple. I can't help but to admit that he did look hot. Kahit na may asawa ako ay marunong akong makaappreciate ng gwapo sa hindi. This guy is dangerous. Too dangerous for his own good.

"He doesn’t deserve you. You deserve someone better," seryoso niyang sabi. Agad kong naibaba ang kamay kong may hawak na bulak.

Ramdam ko ang paghapdi ng gilid ng aking mga mata sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nakakaiyak sa sinabi niya, but I found my own heart weeping, howling in pain, remembering all the sufferings that it has experienced from Damon.

“Walang nagtatanong,” mariin kong sabi kahit na sa loob-loob ko ay gusto kong umiyak. Shit, napakaiyakin ko talaga! May nagbabalat ba ng sibuyas diyan?!

Lahat ng sakit na naramdaman ko sa kamay ni Damon ay dumaan sa aking isip. It was if all the pain and hatred na ayaw kong ipakitang nararamdaman ko dahil sa pinaggagagawa niya ay biglang lumabas dahil sa mga simpleng salitang tinuran ng lalaking nasa harapan ko.

Kinagat ko ang aking labi. By that time, alam kong nagu-umpisa ng mamula ang aking mga mata dahil sa hapdi at kirot nito. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa kanya.

"Done. Wala ka ng sugat. Okay na yung ilong mo. Pwede ka ng umalis," matipid na ngiti ang inialay ko sa kanya pagkatapos.

Hindi siya natinag mula sa pagtitig sa akin. I can see the seriousness behind his eyes. Nakaigting na rin ang panga niya, making him look so mysterious and deadly at the same time.

"Hindi mo man lang ba tatanungin ang pangalan ko?" Sa isang iglap ay biglang nagbago amg lalaking ito. I can see pure mischief in his eyes. Tinaasan ko siya ng kilay. Who says girls are the most confusing human being?

"Para saan pa? Hindi rin naman tayo magkikita pa. You can go, Mister."

He looked at me, amusedly. "Magkikita pa tayo. I will make sure of that," mabilis siyang tumalon mula sa kama ko paibaba. Nag-umpisa siyang lumakad patungo sa pintuan. Ngunit bago pa siya tuluyang makaalis ay lumingon siya sa akin. Tsaka ko lamang napansin ang dimple niya sa kaliwang pisngi.

"I am Ashton. Tandaan mo ang pangalan ko, Ella," he smirked and left me all dumfounded.

How the hell did he know my name?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.