Chapter 5
Death
It's been a week since I hired new agents inside the field. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng mapunta sa clinic si Ella.
Pinaikot ko ang yelong nakalagay sa loob ng basong aking hawak. It started to produce some sounds. It clinked, ngunit kapagkuwa'y nawala na rin ang tunog. Siguro ay natunaw na ang yelo.
Mabilis lang talagang mawala ang isang bagay kahit gaano mo pa ito kagustong hawakan. Kung sana'y ganoon lang kadaling makalimutan ang lahat. Ang galit at poot na nararamdaman ko kay Ella... then everything will be okay.
Napabuga ako ng hangin bago ko lagukin ang natitirang laman ng basong hawak ko. Magkahalong pait at tamis ang inumin. Siguro'y umeepekto na sa akin ang alak dahil kanina pa ako umiinom.
Pumikit ako. Sa pagbuka ng aking mga mata ay nabungaran ko ang larawan ng namayapa kong asawa. The old picture frame was placed above the drawer of the room. Kahit na nasa ibang kwarto ako’y para bang kasama ko pa rin si Erin.
Nag-umpisang manginig ang aking labi. Kasabay niyon ay ang paghapdi ng aking mga mata. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang luhang nagnanais tumulo mula roon. Pero kahit iyon ay hindi nakatulong dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang pamamasa ng aking kanang pisngi dulot ng luha ng poot at kalungkutan.
Today is October 9. A year since Erin died. A year since Ella and I married each other.
Ramdam ko ang pait na nagsisimulang umahon mula sa aking dibdib. If only Erin was still alive… If only she wasn't killed by Ella. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng isang iyak. Iyak ng paghihinagpis at puno ng sakit. Little did I know na sa akin pala nanggagaling ang tunog na iyon.
I grimaced when I felt my heart being ripped into two as I stare at Erin's delicate face. She has lips, as red as an apple. Her thick eyelashes define her caramel brown eyes. Maamo ang kanyang mukha habang nakatingin sa kamera. Samantalang ako ay masayang nakangiti sa litrato. Pati ang mga mata ko'y kakakitaan din ng galak.
The picture was taken during our wedding ceremony. Parehas kaming mukhang masaya sa larawang nasa harapan ko. Parang wala kaming problema. Parang walang mangyayaring masama.
But then, the events suddenly turned. Isang buwan lamang pagktapos ng kasal ay namatay siya. Pinatay siya ng mismong kapatid niya. I can still remember that scene, Ella with her gun pointed right at her sister while splatters of blood are spread all over the bed. I clenched my fist. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit nagawa niyang patayin si Erin. Gusto kong malaman pero takot akong baka magsinungaling si Ella at dumihan ang pangalan ng aking namayapang asawa.
Kinuha ko ang picture frame at nagtungo sa kama. Nakahiga ako habang nakatingala sa kisame. Niyakap ko ang picture frame at ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
I cried, remembering that I will never be able to hold her again forever. Kahit isang taon na ang nakalipas ay hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na siya. Na hindi ko na siya mayayakap pa. My heart clenched.
Hindi pa rin pala sapat ang lahat. Kahit na ikinulong ko si Ella sa kasal na ito ay parang hindi pa rin ako masaya. Hindi ko pa rin makamit ang hustisyang gusto kong makuha.
Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang murahin at sampalin. Gusto kong ipaghiganti si Erin.
Gusto ko siyang makitang lumuha.
Binuksan ko ang aking cellphone. Agad akong nagpunta sa gallery at tiningnan ang larawan namin ni Erin. Mga larawang naging bahagi na lamang ng aking alaala. Mananatili na lamang na alaala si Erin dahil wala na siya.
My fingers unconsciously made their way to the screen of my phone. Sa bawat haplos ko sa phone ko ay nadadagdagan ang pangungulilang nadarama ko habang nakatitig sa ngiti niyang dati'y pumupuno sa akin.
I tried. Sinubukan kong alisin ang pangungulila sa sistema ko sa pamamagitan ng pambababae. Pero hindi, walang nangyari. Kahit ilang babae pa ang nakasama ko ay hindi pa rin naaalis ang pait at sakit sa sistema ko sa tuwing naaalala ko siya.
Napapikit na lamang ako. Everything inside this room... lahat ng nandito ay siya ang naaalala ko. Lahat ng meron ako ay siya ang naaalala ko. Paano nga ba makalimot? Paano mo nga ba makakalimutan ang taong minsa'y naging mundo mo?
Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay biglang dumaan sa aking isipan ang mukha ni Ella. I know it was weird. I tried to suppress everything. But the way she stands so firm and confident facing me...
Sa loob ng isang taon ay hindi siya natakot na harapin ako at ang aking galit. Hindi man lang siya nagpakitang natitinag siya sa galit ko. Ni hindi man lang siya apektado sa pinaggagawa ko. Pakiramdam ko pa nga ay ako ang ginagantihan.
Hindi ko alam kung bakit ako nainis nang makita siyang halikan ng lalaking nasa clinic. I can feel anger reverberating inside my system. It was deadly… and poisonous. It’s something that I don’t know if I could put a stop on it.
Alam kong masamang isipin kahit minsan si Ella dahil pinatay niya ang asawa ko. God knows how hard I tried to remove Ella from my system. But every time that I tried to do so ay nagpapatuloy pa rin siyang sumiksik sa aking utak.
Dapat nga ay matagal ko na siyang inalis sa buhay ko. Sinabi kong papahirapan ko siya, ngunit bakit hindi ko naman iyon magawa? Sinabi kong gusto ko siyang lumuha pero bakit sa tuwing iniisip kong nasasaktan siya nang dahil sa akin ay hindi ko masikmura?
No, this isn’t right. She’s not worthy to be spared even a thought. Stress. Right. Maybe I am indeed stressed. The new mission is coming, and I must get that package no matter what. Oo, tama. There is no way in hell that I’ll harbor feelings for that killer.
I frustratedly sighed. Pagkatapos niyon ay napapikit ako.
Soon, I felt myself falling into a deep slumber.
-
Ella’s
Mapait akong napangiti. Kasabay niyon ay ang paghagulhol ko. Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa bagay na nasa harapan ko. Halos mapaos na ako kakaiyak at manakit ang mata sa hapdi.
Erin V. Stanford
January 12, 1992 – October 9, 2017
Inilapag ko ang pinabili kong bulaklak sa isa sa mga tauhan ni Damon. The flower was laying so freely onto the tomb, kabaligtaran ng pagkakakulong ko sa lugar na ito. Mapait akong napangiti. Sa tuwing nakikita ko ang lapidang ito ay hindi maiwasang manikip ng dibdib ko.
Tumingala ako. I can see the birds flying above the sky. Malaya. Malaya silang lumilipad sa kalangitan. Mabuti pa sila. Samantalang ako ay patuloy pa ring nakakulong sa salang ginawa ko isang taon na ang nakakalipas.
Napapikit ako. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinpigilan. Ramdam ko ang pagkabasa ng aking pisngi mula sa luha ng sakit at pighati.
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang sarili kong nanghihina. Bigla akong napasalampak sa damuhan, kaharap ng kanyang lapida. At doon, ako ay lumuha. Iniluha ko ang lahat ng sakit at pait na mayroon ako.
Ang kaisa-isang pamilyang mayroon ako.
Pinatay ko.
Pinatay ko si Ate Erin.
"I'm sorry, Ate Erin..." Mapait kong sabi habang nakatingin sa lapida niya. Hinaplos ko iyon. Sa aking pagpikit ay sumabay ang luha mula roon at marahang pumatak sa lapida.