XATANA'S POV
Wohhh na tapos din sa wakas!
"Mr. CEO naritito na po ang sundo niyo." Oh si Drixie pala. Aalis na siguro si Mr. CEO, sabi niya may pupuntahan siya ngayong hapon.
"Xatana, I'll be back later. Yung sinabi ko kanina, huwag mong kalimuta."
“Yes, Mr. CEO." Dahil sa babalik ako sa mansion nila dapat presentable ako. Hayst, buhay secretary nga naman.
Tumayo na si Mr. CEO, sumunod naman ako sa kaniya at si Drixie.
Pagkalabas namin ay pumasok na si Mr. CEO sa loob ng sasakyan at umalis na sila.
"Ok, balik na sa trabaho."
"Teka Xatana!" Lumingon ako nang tawagin ako ni Drixie. "Pupunta kasi ako sa kabilang company. Ikaw muna bahala dito."
"Oh, sige ok lang." Pumayag naman ako. Wala naman akong gagawin masyado at as chief secretary tungkulin ko naman yun.
Umalis na si Drixie kaya naman bumalik na din ako sa loob ng office ni Mr. CEO. Inayos ko mga gamit sa office niya. Pati sa akin din siyempre.
"Ms. Lockwood, hindi kami makapagdesisyon kung saan dito sa dalawa ang gusto ni Mr. CEO."
May bitbit itong dalawang tuxedo. Bakit may tuxedo? Anong okasyon naman kaya?
"Left, I think gusto niya sa black." Halos black din naman kasi mga sinusuot niya. Maging sa party noon black din.
"Sige Ms. Lockwood, maraming salamat!" Ngumiti na lang ako bilang tugon at umalis na siya.
*Ring*ring*ring*
Sino naman kaya ang tumatawag?
Nakita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Sinagot ko naman ang tawag.
"Mr. CEO may kailangan po kayo?"
"Ikaw magdala ng tuxedo ko mamaya. Pumunta ka sa lugar na ise-send ko sayo." Matapos ay pinatay niya agad yung tawag.
So para pala ito sa pupuntahan niya? Akala ko naman formal lang tapos ganun, hayst.
Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa ginagawa ko. Madami pang lilinisin at aayusin dito. Buti wala si Mr. CEO.
Matapos ang ilang oras ay pagabi. Siguro ay kailangan ko ng pumunta sa address na ibinigay ni Mr. CEO sa akin.
"Xatana! May lalaking nag-iintay sayo. Sabi tawagin daw kita baka ma-late daw kayo." Hmm, ito na ata yung susundo sa akin.
"Sige Drixie, maraming salamat. Pakisabi intayin niya lang ako, ayusin ko lang yung office magulo pa kasi. Ilang minuto lang talaga ito." Nagbuntong hininga ito at pumayag na din. Umalis na siya at lumabas.
Kinuha ko na mga gamit ko at yung tuxedo na sinabi ni Mr. CEO tapos lumabas na ako. Pagkababa ko may nakita akong kotse sa labas. Nandoon din si Drixie na nag-iintay. Kausap niya iyong driver. Magkakilala ba sila o madaldal lang si Drixie? Pft, imposible.
"Pasensya at nag-intay pa kayo."
Pinapasok na ako ng driver sa loob at si Drixie naman umalis na kaya umalis na din kami.
"Ms. Lockwood dala niyo daw po ba ang tuxedo ni Master?" Ohh, Master naman pala tawag sa kanya.
"Yes, hindi ko naman nakalimutan."
"Paki iwan na lang sa kotse mga gamit niyo Ms. Lockwood. Yun ang utos ni Master."
"Huh, bakit naman?"
"Nandito na tayo." Agad-agad? "Paki-iwan na lang Ms. Lockwood." Hayst, gusto talaga nilang wala akong dala?
Lumabas na ang driver ang binuksan ang pintuan ng kotse kaya lumabas na ako. Teka, inang lugar ito.
"Nais ni Master na nakapag palit kayo ng suot at iba pa." Pagpapaliwanag nito.
"Magandang gabi po, dito po tayo Ma'am." Biglang sulpot ng isang lalaki dito.
Sumunod na lang ako, mukhang wala namang mangyayareng masama sa akin.
Nagtungo kami sa madaming damitan. Hmm, kung tutuusin maganda napili ni Mr. Hunt na pagbilhan ng mga damit. Hindi na kataka-taka na maunlad ang company niya.
Madami silang pinapapili sa akin pero wala akong matipuhan. Alam ko magaganda mga damit dito pero hanggat hindi ko alam kung anong okasyon hindi ako makakapili ng tama para sa susuotin ko.
"Anong okasyon ba ang pupuntahan natin?"
"Ayaw ipasabi ni Master kung ano. Wala siyang binilin na sabihin ko sa iyo Ms. Lockwood."
Aba, kaya naman pala. "Kung ganun ay hindi ako sasama!"
"Ms. Lockwood, hindi kayo pwedeng tumangi."
"At bakit hindi pwede ha?!"
"Dahil sinabi ko." Ang-ang boses na iyon.
"Master, magandang gabi."
Naistatwa ako at hindi makagalaw. Nandito siya, pero akala ko hindi siya pupunta dito?
"Hindi ka ata makasagot diyan?"
"Uhm..." Xatana, anong nangyare sayo? Bakit hindi ako makapagsalita.
"Master ito na ho ang tuxedo niyo." Lumingon ako at tinignan na sila.
Kinuha nito ang tuxedo at umalis na. Susuotin niya na siguro.
"Bago ko makalimutan, yang nasa right ang suotin niya."
At tuluyan na siyang umalis. Teka ano ba yung pinapasuot niya sa akin? Tinignan ko yung right na damit at laking gulat ko ng makita kung para saan ang damit na iyon.
"Teka para sa kasal yan ah?!" Pinalibutan naman nila akong lahat at masamang tinitigan ako. "No way! Para sa kasal yan!"
"Ms. Lockwood, maki-cooperate na lang kayo."
"Oo nga, wala din po kayong mapagpipilian once na si Master ang nagsabi. Kaya pinapapili namin kayo kanina."
Tsk, bakit naman kasi pang kasal pa?
"Sige, susuotin ko na, tsk!"
Padabog akong pumunta sa may fitting area at sinuot yung pinili ni Mr. Hunt, kung alam ko lang sana ako na talaga pumili ng susuotin ko! Hindi na ito mauulit pa!
Hayst, kalma Xatana. Be professional, model ka naman eh. Kahit anong ipasuot sayo isipin mo pang advertise lang.
Aww, bwiset talaga. Bakit kasal? Sino ikakasal? At bakit pati ako kasama?
Sabi ni Mr. Hunt, ako daw ang napili. Teka huwag nilang sabihin na ako yung ikakasal?!
Hindi ito maganda! Paano pagnalaman nila Mom at nila Van ito. Lagot talaga ako!
Kalma Xatana, hindi naman siguro yun ang dahilan. Kung hindi kaya ako pumunta? Hindi pwede, hindi ko din alam kung papaano bumalik sa bahay namin at sa hospital nila Van. Argh!
"Ok na po kayo Ms. Lockwood?" Tanong ng isang babae sa labas.
Hayst, bahala na nga. Lumabas na lang ako bigla at nakita ko sila sa labas. Kakalabas lang din ni Mr. Hunt kaya napatingin din ako sa kaniya.
Ang gwapo niya... TEKA ANONG SABI KO?
Nagkatitigan kami ni Mr. Hunt, parang nag slow lahat ng nandito. Bakit ganito ang puso ko? Hindi ko alam kung ano ito. Normal lang ba na ganito?
Pero aaminin ko na, gwapo siya sa suot niya. Mukha namang tama yung napili ko. Bagay ang black sa kaniya. Siguro daw sa personality niya. Hindi ko alam pero ang sarap niyang titigan.
"Ehem! Mr. Hunt and Ms. Lockwood, may nakakalimutan ata kayo?" Nabalik ako sa diwa ko ng may makita akong bakla dito. "Mr. Hunt hinihintay na kayo ni Madam." Sabi nito at umalis na siya.
Lumapit si Mr. Hunt sa akin, humawak naman ako sa may braso nito at nagtungo na kami sa may kotse.
Umalis na kami pero napapaisip ako. Kung ako yung bride, siya ba mapapangasawa ko? Pero kakakilala pa lang namin at secretary niya ako.
"Anong iniisip mo?" Biglang tanong ni Mr. Hunt."
"Wala naman, kaya ba naging busy ka dahil sa kasal?"
"Alam mo?"
"Hindi naman kasi mahirap unawain lahat." Sa suot ko pa lang alam ko kasal na ang okasyon.
Kaya pala busy siya ng hapon. Kung may kasal kami, bakit sa gabi hindi ba? Dapat kahit hapon ok lang kaso gabi? Ok pa kaya Pari sa ganung oras ng kasal?
"Akala ko hindi mo mapapansin." Psh, anong akala niya sa akin wala akong alam? "Ngayon ang kasal ng kapatid ko. Mahalaga ito sa kaniya kaya naging busy ako ng hapon."
Te-teka! Kasal ng kapatid niya?! So it means, hindi kami ang ikakasal?!!
"Bakit halata sa mukha mo ang gulat? Akala ko alam mo?"
"Huh? Hindi, hindi ko lang aakalain na sasabihin mo sa akin yan ngayon. Akala ko mamaya pa kaya nagulat ako." May kapatid pala ang isang Granger Hunt?
"Master, naririto na ho tayo."
Pagkasabi ng driver ay bumaba na agad ito. Hmm excited siya masyado para sa kapatid niya. Hindi manlang siya maging gentleman ngayon. Akala ko magpapakabait siya?
Hahawakan ko na sana yung pintuan ng kotse para buksan kaso narinig kong nag "click" ito at bumukas. Si Mr. Hunt pala iyon.
So mali nga ako, gusto niyang magbago ang tingin sa kaniya ng mga tao. Well, isa na rin ito sa magandang pagkakataon para magmukha siyang mabait.
"Let's go."
Hinawakan ko naman braso niya at nagpatuloy na kami.
"Master naririto na pala kayo, nag-iintay na po sila Mr. Xin sa loob."
"Maraming salamat."
Hmm Mr. Xin, wala akong naalala na may Mr. Xin sa tatlong nakausap ko na lalaki nakaraan.
"Hello Mr. Xin." Inilahad naman ni Mr. Hunt ang kamay nito.
"Masaya ako at nakarating kayo Mr. Hunt." Nag shake hands naman sila. "Pasensya at wala pa siya."
"Kumusta ang groom?" Ano? Siya yung groom?
"I'm happy Mr. Hunt, sino ang babaeng kasama mo. Siya ba yung nababalitaang fiancé mo?" Tatangi na sana ako pero tumango naman ito. "Nice to meet you, ako nga pala si Mr. Xin. Husband ni..."
Hindi na natapos ang sasabihin nito ng may magsalita mula sa likod niya.
"Brother!" Sigaw ng isang babae. Ito na ata yung bride.
"Hello Mrs. Xin, cong—"
"Xatana nandito ka rin!"
O.O
"Drixie?!" Siya yung bride? So siya din yung kapatid ni Mr. Hunt? "Drixie, pero isa kang Young diba? Kung kapatid ka ni Mr. Hunt. Bakit iba apelyido mo?"
"Tungkol diyan, apelyido ng Mama ko ang ginamit ko at hindi naman kami biological eh."
"So sino ang adopted sa inyo?"
"It's me." Sagot ni Mr. Hunt.
"Teka naguguluhan ako." Bigla kong naalala yung Mom na tinawag ni Mr. Hunt. Kaya naman pala parang hindi sila magkamukha o magkahawig at parang cold sila sa isa't-isa dahil adopted lang si Mr. Hunt. "Hindi ito alam ng lahat sa company?"
"Hindi, ayaw ipasabi ni Granger ang tungkol dito." - Drixie
"Kung ganon, safe ang secret niyo sa akin." - Me
"Hindi ako magtataka kung bakit ikaw ang fiancé ni Mr. Hunt." - Mr. Xin
"Hon, huwag mong sabihin yan. Nagtatampo ako, kasal natin ngayon diba?" - Drixie
"Sorry Hon, sige hindi na mauulit." - Mr. Xin
"Good, sige na Xatana. Bye bye na muna." Pagpapaalam nito, pero halata naman na masaya siya.
"Sana kapag kinasal din ako, ganyan ako kasaya katulad ni Drixie" Bulong ko sa sarili ko.
"Pasok na tayo sa loob?" Pag-aya ni Mr. Hunt.
Pumayag naman ako. Ayoko namang tumayo lang dito.
Nang matapos ang reception ay nagsi-uwian na din ang lahat. Musta na kaya sila Estella? Sana nakauwi na si Stel. Hindi naman siguro gagawa ng kung ano si Ame. Nagpapahinga pa sila Van at Ria.
"Any problem?"
"Wala naman Mr. Hunt, naalala ko lang mga kaibigan ko."
"Don't worry, binabantayan naman sila ng mga kaibigan ko."
"Oo nga pala, so matagal na ba kayong magkakaibigan ng mga iyon?"
"Nope, nagkakilala lang kami noong college."
"Mahirap bang maging mayaman?" Teka bakit yun tinanong ko?
"Yes" Agad na sagot nito. Tumingala ito at nagpatuloy sa pagsalita. "Akala ko kapag naging mayaman ka magagawa mo lahat pero hindi, magiging kontrolado ka ng lahat."
"I feel you..."
"What din you say?"
"A-ahh f-feel ko nga na kontrolado ka hehehe."
"Paano mo naramdaman?"
"Noong pumunta ako sa inyo. Noong nakita ko yung Mom ni Drixie." Panimula ko. "Ang cold niyo kasi sa isa't-isa. Ramdam ko na parang hindi kayo mag-ina." Dugtong ko pa.
"Yeah, simula ng mapunta ako sa kanila kinontrol na nila ako. Dahil sa isa lang si Drixie na anak nila at babae siya, kailangan nilang magkaroon ng anak na lalaki para mag-handle ng company nila."
"Bakit ka pumayag?"
"Ang pangako nila hahanapin nila tunay kong mga magulang." Kaya naman pala.
"Gusto mo bang makita sila o yun lang ang offer nila para pumayag ka?"
"Ako nagbigay ng kondisyon na iyon."
Kahit na iniwan siya ng mga magulang niya gusto niya pa ring makilala ang mga ito.
Samantalang sa mga magulang ko, nais lang nila ng pera at kapangyarihan.
"Sana ay masaya sila na makita ka kung ganun."
"Sana...kung ikaw papipiliin. Gusto mong maging mayaman o hindi?"
Magandang tanong yan. "Gusto ko ng simple lang." Nagulat si Mr. Hunt sa sagot ko. "Bakit parang nagulat ka naman ata?"
"Pft, hindi ko alam na may babaeng gugustohin ay maging simple lang."
Tama, siguro nga mga iilan lang ang mga babae na gustong maging simple lang. May mga babae na gustong yumaman at gustong tumaas.
"Tama na yan, kasal ito ng kapatid mo at dapat masaya ka para sa kanya."
Tumango naman ito at nagpatuloy lang kami hanggang sa nalasing na ako at nakatulog.