ESTELLA'S POV
"Na saan na kaya si Xatana? Ame, sigurado ka hindi pa umuuwi si Xat?" Nag-aalala ako, baka kasi kung anong mangyarr kay Xatana.
"Hindi pa siya umuuwi, wala din siyang sinabi sa akin. Hindi naman siya pumunta dito para tignan sila Van at Ria." Hayst, kung hindi talaga umuwi si Xatana gaya ng sabi ni Ame baka kailangan ko ng hanapin siya.
"Hintayin mo si Xatana dito. Hahanapin ko siya, baka kung ano ng nangyare sa kaniya."
"Sige pero hindi kaya delikado? Gabi na din kasi Estella. Baka mamaya sa iba siya natulog."
"Wala naman siyang ibang lugar na matutulugan Ame!"
"Ok, calm down. Sige hindi na ako magsasalita. But, mag-iingat ka ok? I'll call you na lang if umuwi na siya or dumaan dito. Just calm down yourself."
Saan ba kasi napadpad yun?
"Sige, aalis na ako..." Naglakad na ako para umalis pero bumukas ang pintuan at nakita ko si Xatana na buhat-buhat ng isang lalaki.
"Xatana!" Agad naming pinuntahan si Xatana. "May nangyareng masama ba?!" Tanong ko sa lalaki.
"She's sleeping now. Hindi ko alam kung saan siya nakatira, so I ask my friends. Alam nila kung saang hospital mga kaibigan niya. Kaya dito ko na lang siya pinapunta." Hmm mga kaibigan niya?
"At sino naman mga kaibigan mo? Bakit kilala niya mga kaibigan ko?"
Ibinaba niya muna si Xatana sa may upuan at inalalayan naman ito ni Ame bago siya magsalita.
"Sila Copper and Zamora." Ohh I see, yung mga lalaki pala na kasama nila Van at Ria yung mga kaibigan niya pero ang weird.
"Bakit ganiyan suot ni Xatana?"
Oo nga, tama si Ame. Ngayon ko lang na realised na iba suot ni Xat.
"Nasa event kami and she was invited. She need to wear a dress. She's drunk and sleepy, hindi ko siya pwedeng iwan doon."
Aba! Anong klaseng event naman iyon at bakit kasama pa si Xatana? Tapos lasing pa siya?
"At sino ka naman? Bakit mo siya kasama? Bakit kailangan niyang sumama sayo? Boss ka ba niya ha?! Baka pinilit mo siya?!"
"Yes, I'm her Boss..."
"Eh Boss ka naman pala—ANO?!" Nagulat ako, so ito yung Boss ni Xatana? Itong lalaki na ito?!
"Uyyy ang gwafu ha! Teka, teka, kung ikaw ang Boss ni Xatana babes. Hmm edi pananagutan mo siya!" Nagulat ako sa sinabi ni Ame. Anongbsinasabi ng babaitang ito?
"Hoy Ame, anong pinagsasasabi mong pananagutan?!"
"Why? We didn't know baka..."
Tumawa naman ang lalaki sa sinabi ni Ame.
"No, it's ok. She's my chief secretary, wala akong balak sa kaniya. Business is business."
Sinamaan ko ng tingin si Ame. Itong babaeng ito gusyo ata ng sapak. Kapag nagising si Xatana at sinabi ng Boss niya iyang sinabi ni Ame kulong na naman yan.
"Oh Ame bakit dalawa ka?" Nagulat kami sa boses ni Xatana. Gising ito pero halatang tinamaan talaga ng kalasingan.
"Xatana babes, ang gwafu ng Boss mo ah. Gaganahan akong pumasok pag ganyan, ayieee—Aray!"
Kinotongan ko naman siya, kung anu-ano na kasi sinasabi daig pa niya yung lasing, tsk!
"Ikaw manahimik ka Ame, nakakahiya kung anu-ano na sinasabi mo. Nandito yung Boss ni Xatana kapag ito sinabi ko sa kaniya kulong ka na naman!"
"Hindi mo naman sasabihin diba?"
Inuubos ba niya pasensya ko?-_-
“Hello, Mr. H-hunt? Hindi pa ta-tayo tapos mag i-numan. Na saan na si-la Drixie?"
At ito ang nakakahiyang gabi ko ngayon.
"Ame, alalayan mo yang si Xatana. Uhm, pasensya na ah. Maraming salamat sa paghatid sa kaniya dito. Sige, kami ng bahala hehe. Bye bye!" At pinalabas ko na siya dito sa kuwarto ng hospital tapos sinarado ko na.
Nakakahiya, ito naman kasing si Ame eh. Haynako! Xatana anong mukha ihaharap mo sa Boss mo bukas? Alam ko pa naman kapag nalasing ka.
"Bakit mo agad pinauwi yung gwafu?"
Sinamaan ko ng tingin si Ame. "Ikaw, alam mong lasing na nga si Xatana kung anu-ano pa sinasabi mo!" Iniisip ko pa lang kung anong maaaring gawin ni Xatana, jusko, ako yung nahihiya!
"Chill ka lang Estella. Ikaw naman, hindi naman ikaw yung lasing bakit ganiyan ka? Ang OA mo."
"Ako kasi may hiya ikaw wala!"
"Ang ingay niyo! Na saan na yung alak?!" At ito na naman si Xatana bigla na lang susulpot.
"Sabi ko alalayan mo eh! Hayst, iuuwi ko na siya. Ikaw na bahala diyan sa dalawa!"
"Ok, sige na kalma."
Agad kong kinuha mga gamit ko at itong si Xatana tinulungan ko na ding makatayo. Kahit na pagewang-gewang ang isang ito, pwede ko naman gamitin kotse ni Van.
Lumabas na kami ni Xatana ng hospital. Pinaupo ko na siya sa kotse at pinag-seat belt.
"Estella ikaw pala, tara samahan mo kami uminom."
"Xatana tama na yan, uuwi na tayo."
"Hindi pwede, hindi pa kami—teka iniwan nila ako wahhh!"
Ito na nga ba sinasabi ko eh.
"Xatana, ilang bote pa ng alak ininom mo ha?!"
"Estella huwag kang maingay. Magagalit si Mr. Hunt, samahan mo na lang kami^_^"
Kung pwede lang iwan sa kalsada ang isang 'to ginawa ko na.
"Bahala ka diyan, basta uuwi na tayo."
Sinarado ko na yung pintuan ng kotse pero hinila ako nito pabalik. "Gusto ko ng simpleng buhay. Bakit ba kasi ang yaman ko, Mr. Hunt. Hindi ko naman ginusto na maging ganito. Gusto ko lang ng normal na buhay!" Tinakpan ko agad bibig niya.
Xatana naman, nilalagay mo sarili mo sa alanganin!
Tinanggal ko na kamay nito sa pagkakahawak sa akin at pumasok na sa loob ng kotse.
"Sana wala kang ibang sinabi sa Boss mo Xatana kundi lagot ka talaga!"
Sinimulan ko ng paandarin ang makina at umuwi na kami.
*Kinabukasan*
XATANA'S POV
"Aray, ang sakit ng ulo ko. Teka ano bang ginawa ko kagabi?"
"Nagpakalasing ka lang naman kagabi kasama yung Boss mo."
"Estella?"
Bigla kong naalala na pumunta kami sa kasal ng kapatid niya na si Drixie. Uminom din kami, pero ang alam ko hindi naman madami ininom ko ah?
"Ano hindi mo makalimutan ginawa mo kagabi? Haynako, sana nga hindi mo maalala kung gaano ka kakulit at kaingay kagabi."
"Wait, umuwi ba ako mag-isa?"
"Hinatid ka ng Boss mo doon sa hospital."
"ANO?!"
"Oo, huwag ka na ding magtaka kung isang araw makuha ka nila Tita dahil sa pinasasasabi mo kagabi."
"Wait, what? Nagsabi ba ako sa kaniya?"
"Huwag mo ng tanungin sa akin. Hmp! Ito inumin mo, pangpawala ng sakit sa ulo!"
Umalis na ito matapos na ibigay ang isang bowl ng soup.
Hala anong ginawa ko?! Peste! Wala akong maalala kagabi! May sinabi ba ako na hindi ko dapat sabihin? Nalaman na ba nito pagkatao ko?!? No way!
Kung tawagan ko kaya si Mr. Hunt ngayon?
Inner self: At ano? Itatanong mo kung may sinabi kang hindi maganda kagabi at kapag naisip niya na naalala mo yung sinabi mo kagabi hindi na niya masasabi sa parents mo na nandito ka?
Ahhh! Shocks! Pero wala akong work ngayon. Anong gagawin ko?!
*Ring*ring*ring*
Nagulat ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Hinanap ko ito at tinignan kung sino yung tumatawag at nakita ko si Mr. CEO iyon.
Ano, sasagutin ko ba o hindi? Sasagutin o hindi? The heck! Bahala na, kalma Xatana kalma.
Inhale...exhale...inhale...exhale...
Bandang huli sinagot ko tawag niya.
[Are you ok?]
"Ye-yes, ok na ok Mr. CEO hehe."
[Good to know, may ipapasa akong documents sa'yo. Tignan mo kung pumasa sa'yo.]
"Ye-yes Mr. Hunt,"
[Sure ka na ok ka lang?]
"Yes po, uhm tungkol po pala saan yung documents?"
[Suggestions ng iba para sa designs ngayong buwan. We need some opinions para sumakto sa theme.]
Wait, alam ba nila na model ako? Kaya sa akin nila binigay? Oh no, mukhang may ginawa nga ako kagabi at hindi ko maalala kung ano iyon!
[Xatana, are you there?]
"Yes Mr. CEO, sige po ako na pong bahala."
[We need it as soon as possible.]
"Yes Mr. CEO, makakaasa kayo."
[Good, that's all. See you tomorrow.]
At ibinaba na niya yung tawag.
Napatakip ako ng unan at sumigaw.
"Ahhh! Xatana alalahanin mo, anong sinabi mo kagabi?!"
Hayst, kahit na sumigaw ako ng sumigaw wala namang mamgyayare.
Makapag-ayos nga muna. Gagawin ko pa yung pinapagawa ni Mr. CEO.
Matapos ang isang oras, natapos ko ng ayusin mga gamit dito sa kuwarto ko. Ngayon ko lang ulit naalala na linisan ang kuwarto ko. Dahil sa wala naman akong pasok inasikaso ko na.
Speaking off, yung sa designs nga pala. Simulan ko na nga.
Kinuha ko na ang laptop ko at nagsimulang mag-online sa account ko.
Ang ginagamit namin. Real name namin pero yung last name is gawa-gawa lang namin para kahit papaano hindi kami ma-recognise.
Pagkabukas ko ang daming tumambad na post.
Scroll...
Scroll...
Scroll...
Ang tahimik nila Mom ah...
Scroll...
Scroll...
Ok, binabawi ko na yung sinabi ko kanina.
"Xatana, nakita mo na ba?" Hindi ko alam pero biglang sumulpot si Estella.
"Please kumatok ka muna, ok?"
"Huwag kang magsimula ng ganyan. May ginawa ka pa kagabi."
Tsk!
"So what? Nakita ko na post nila. Kung sino ang makakahanap sa atin, siya ang mapapangasawa natin. So ano namang bago doon?"
"Tsk, malaman ginamit na naman nila yung asawa-asawa na yan! Ano akala nila sa atin pwedeng mag-asawa kahit kanino?"
"Yeah, wala namang bago doon. So ayun lang ba?"
"Wait, may ipapakita ako sayo."
May kinuha si Estella sa bulsa niya at agad niyang inilagay sa lamesa ko yung isang USB drive.
"Ano namang meron dito?"
"To see is to believe."
Tsk, may pa ganun-ganun pa makikita ko naman.
Agad kong inilagay sa laptop ko yung USB at pinindot kung anong laman no'n.
"Wait, para kanino ito?"
"Para kay Vannesa."
"No way!"
Ang laman ng USB na ito ay yung test result ni Vannesa.
"Pinalagay ko diyan sa USB para secret yung documents. Sinabi ko na sa doctor na ilihim yung result. Wala kahit sino man ang makakaalam bukod sa ating tatlo."
"So it means?"
“Yes, pinatignan ko yung brain ni Van. If may problem ba or may problema sa dugo or what ng utak niya. Tapos nalaman ko na lang na yung dugo niya iba sa pamilya nila. Dugo siya ng pamilya niyo Xatana."
"Rare ang dugo ng mga Lockwood. Paanong naging ganun?"
"We don't know unless she's your sister."
Hindi maaari, sabi nila iisa lang ang naging anak nila at ako yun. Nagsinungaling sila Mom and Dad sa akin?
"Xatana, ano? Itatago natin ito kay Vannesa?"
"Yes, after all masama ang tinamo niya sa pagkakatama sa ulo niya." Tama, ayokong mabigla siya. "Hindi pwedeng sabihin ito agad sa kanya. Once na magising siya hindi ko kakayanin na may mangyare sa kanya. Kung kapatid ko nga talaga siya. It means kailangan ko siyang protektahan at alagaan."
"Hanggang kailan mo ito itatago?"
"Hindi ko din alam, siguro hanggat kaya ko. Kapag nalaman ko na lahat. Sasabihin ko sa kaniya."
"Sige kung yan ang plano mo."
Kailangan kong malaman agad, anong itinatago niyo sa amin Mom and Dad?
SOMEONE'S POV
"Master, nakarating na ho tayo."
Tinanggal ko na salamin ko at tumingin sa kaniya.
"Mr. Lee, ikaw na bahala sa mga gamit. May pupuntahan lang ako."
"
Yes, Master." Lumabas na ako mula sa sinasakyan naming eroplano.
Ang tagal din simula nang umalis ako.
"Master, naririto na ho ang sasakyan niyo."
Pumasok na ako sa loob at pinaandar ang kotse.
Madaming pasyalan ang hindi ko na napuntahang muli. Kung bumalik ako sa dati kong favorite spot?
Hindi naman malalaman nila Mr. Lee kung babalik ako doon.
Binilisan ko na agad ang pagmamaneho ko para makarating sa school. Ang school ko noong nasa college ako. Iyon ang favorite spot ko.
Nang makarating na ako ay bumaba na ako ng kotse at nagtungo agad sa silid namin noon.
Nakita ko ang isang babae at agad ko itong na-mukha-an.
"Xatana?" Mahina ngunit tama lang upang marinig niya ito.
Pagkalingon nito'y nakita kong muli ang mukha niya.