“NAGKITA na ba kayo?”
Mula sa pagngiti sa kumukuha ng larawan niya ay napalingon si Choi sa tanong na iyon ni JT. Nasa launching sila ng bagong collection ng mamahaling sports wear apparel kung saan sila naimbitahan ng araw na iyon. Guest lamang sina Choi roon dahil ang tunay na bida sa araw na iyon ay ang kapatid niyang si Riki na siyang modelo ng bagong clothing collection na iyon na kasalukuyang nasa isang panig at pinalilibutan ng mga babae.
Choi also had a share of groupies tailing him a while ago pero nagawa niyang itaboy ang mga iyon. Sa totoo lang ay nabo-bore na si Choi sa company ng mga babaeng iyon. At kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang manatili na lamang sa unit niya kasama sina Lorie at Maja dahil pagdating sa dalawang iyon ay wala siyang nararamdamang boredom. But Choi knew this event was an exposure and would be a good for business. Isa pa, lalo lang magtataka ang mga reporter kapag hindi nagpakita sa madla si Choi. Lalo lamang maghihinala ang mga reporter tungkol sa pribadong buhay niya na paboritong topic na naman ng mga ito.
“Hoy, ano na? Pagkatapos kong magpakahirap hanapin siya para sa `yo, hindi mo naman ako sinasagot,” patuloy ni JT.
Bumuntong-hininga si Choi at umiling. “Not yet.”
Kumunot ang noo ni JT. “Bakit? Ibinigay ko na sa `yo ang bagong number niya, hindi ba? Hindi mo pa siya kinokontak? Akala ko ba nagmamadali kang makausap si Sheila para maibalik mo na sa kanya ang bata.”
Napatiim-bagang si Choi dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ni JT. Oo nga at kailan lang ay iyon ang sinasabi niya. But now, he hated the thought of giving Maja back to a woman who nonchalantly threw her to him. Kaya kahit na kay Choi na ang contact number ni Sheila at alam niyang nasa Maynila ang babae ay hindi niya ito magawang tawagan. In fact, deep inside, he didn’t want to see her anymore. Ang gusto na lang ni Choi ay alamin kung talagang ibinibigay na ni Sheila sa kanya si Maja at siguruhin na lang na hindi manggugulo ang babae sa hinaharap. Dahil sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Choi ay may nabuong plano sa isip niya tungkol sa hinaharap na excited siyang matupad.
“I will contact her soon,” sagot niya kay JT.
Pinakatitigan siya ni JT habang bahagyang nakakunot ang noo. “You know, man, you’ve changed.”
Natigilan si Choi sa sinabi ng kaibigan. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Lalong tumiim ang titig ni JT sa kanya. “I can’t quite put a finger to it but I know you’ve changed. Nag-iba ang aura mo at nagmukha kang… bored. At least kapag kasama kita o tuwing nakikipag-usap sa `yo ang mga kakilala natin. It’s as if you always want to go somewhere else every time I see you. You have an aura of a… family man who could not wait to go home. What’s the deal?” bulalas ni JT.
Ilang segundong pinroseso ni Choi ang mga sinabi ni JT bago siya ngumisi dahil nahulaan nito ang nangyayari sa kanya nang mga nakaraang araw. Lalo namang kumunot ang noo ni JT sa reaksiyon ni Choi. Mukhang may sasabihin pa ito ngunit hindi na natuloy dahil sabay silang lumingon nang tawagin siya ni Riki.
“Choi, are you fine now?” nakangising tanong ni Riki.
Gumanti siya ng ngisi. “Yes. Never been better,” sagot ni Choi.
Umangat ang isang kilay ni Riki at biglang tumawa. “Let me guess, nagkaayos na kayo ng babysitter mo. That’s why you’re grinning stupidly like that. You’re out of your mind to actually fall in love, brother,” buska ni Riki.
“You are the one who’s grinning stupidly, Riki. Palalampasin ko ang sinabi mong iyan sa ngayon but not next time. Especially if you say that in front of her,” sagot ni Choi sa kapatid.
“Wait, what babysitter? I knew it, may hindi ka sinasabi sa akin, Choi,” manghang sabad ni JT.
Nagkibit-balikat na lamang si Choi dahil alam niyang hindi iyon ang tamang lugar para pag-usapan iyon.
“Pero hindi ko alam kung dapat ka pa ring matuwa sa nalaman ko, bro,” ani Riki sa mas seryoso ng tinig. “Raiven told me that Papa called him last night. Darating na sila bukas kahit dapat ay four days from now pa ang uwi nila. Do you know why? Because they saw an article on the Internet about you. Ano ang plano mong gawin?”
Bumuntong-hininga si Choi at wala sa loob na napahawak sa sentido. “The only thing I can do is to be honest with them, I guess. And to tie loose ends with Sheila. And to protect Maja for a possible stir,” aniya kay Riki.
“So, hindi mo na ibabalik kay Sheila ang bata?” mahinang tanong ni JT.
Lumingon si Choi sa kaibigan. “Hindi na. I will keep her for good. In fact wala akong balak ipakita pa kay Shiela si Maja dahil napansin ko na kapag binabanggit si Shiela ay natatakot ang bata. Kakausapin ko lang siya para magkalinawan kami at hindi na manggulo sa hinaharap. Kakayanin ko ang eskandalo pero gusto ko munang makausap ang mga magulang ko bago ako gumawa ng susunod na hakbang,” determinadong sagot ni Choi.
Ngumiwi si JT. “So, I think I messed up, huh. Sorry, man.”
Natigilan si Choi at biglang kinabahan sa ekspresyon ng mukha nito. “What does that mean?”
Lalong tumindi ang pagkakangiwi ni JT. “Well, dahil akala ko nagmamadali ka… I gave your complete address to Sheila. Saka sinabi kong hinahanap ka niya. So, kung hindi mo siya kokontakin ngayon, malamang pumunta siya sa unit mo like maybe today?”
Tuluyan nang nataranta si Choi sa posibilidad na bigla ngang sumulpot sa unit niya ang babae at mapagbuksan ito ng pinto ni Lorie. Paano kung ano ang sabihin ni Sheila kay Lorie? Alam ni Choi na mapagmataas si Sheila. He knew because he was once like her. Ang isiping may gagawing hindi maganda kay Lorie ang babae ay nagpapakulo na ng dugo ni Choi. He would not let her or anyone else for that matter hurt Lorie in any way.
“I’m going home. Kayo na ang bahalang magsabi sa kanila kung saan ako pupunta. Tell them I have another appointment,” sabi ni Choi, sabay tapik sa mga balikat nina JT at Riki. Magpoprotesta pa sana ang dalawa ngunit hindi na niya pinansin pa iyon. Mabilis na umalis si Choi sa pagtitipong iyon.
TUNOG ng doorbell ang nagpahinto kay Lorie mula sa niluluto niya sa kusina. Sinabi ni Choi na sandali lamang ito sa kung saan man ito pupunta sa araw na iyon kaya naisip niyang dagdagan ang pagkaing niluluto niya. Si Maja ay abala naman sa pagkukulay ng coloring book sa mesa sa kusina.
Hininaan ni Lorie ang apoy at bumaling kay Maja. “Huwag kang aalis diyan, Maja, okay?”
Ngumiti sa kanya ang bata. “Yes, Mama,” sagot nito bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
May humaplos na init sa dibdib ni Lorie sa ngiti nito. Sa totoo lang ay napapansin niyang magkaparehong ngumisi si Maja at si Choi. Habang tumatagal ay lalong nagiging halata ang pagiging magkamukha ng mag-ama. Nahiling na lang ni Lorie na sana dumating ang araw na hindi na kailangang itago pa at ikulong sa bahay na iyon si Maja. Ginawaran ni Lorie ng mabilis na halik sa noo si Maja bago patakbong nagtungo sa pinto kung saan halatang naiinip na ang nagdo-doorbell dahil pabilis iyon nang pabilis.
Sumilip si Lorie sa maliit na screen para alamin kung sino ang nasa labas. Napaatras siya at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang magandang babae. Kahit nakasimangot ang babae ay napakaganda pa rin nito. Kumabog ang dibdib ni Lorie. Kinutuban na siya kung sino ang babae sa labas. Tumunog uli ang doorbell, napakurap siya. Humugot si Lorie ng malalim na hininga, bago binuksan ang pinto.
Nang makaharap na ni Lorie nang tuluyan ang babae ay hindi niya naiwasang makaramdam ng panliliit. Hindi hamak na mas maganda ito sa personal. Ang aura ng babae ay katulad na katulad ng aura ni Choi noong una silang magkita.
“What took you so long to open the damn door?” mataray na sabi ng babae. Bago pa makasagot si Lorie ay walang pag-aalinlangang pumasok ito sa condo unit ni Choi kahit hindi pa niya ito pinatutuloy. “Nasaan ang amo mo? JT said he wants to see me kaya I went out of my way to come here today,” maangas na dugtong ng babae habang iginagala ang tingin sa paligid. Pagkatapos ay parang reynang umupo ito sa isa sa mga one seater couch bago tumingin uli sa kanya. “Well? Where is Choi?”
Kumurap si Lorie at tumikhim. “May event siyang kailangang puntahan sa araw na ito kaya wala siya rito ngayon.”
Umangat ang isang kilay ng babae at sa hindi malamang dahilan ni Lorie ay pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “You don’t talk like a servant. Do you know that? I can’t believe natagalan ka ni Choi na katulong dito sa tono ng pagsasalita mo,” komento ng maldita.
Mariing pinaglapat ni Lorie ang mga labi niya dahil kahit alam niyang may bahid ng katotohanan ang sinabi ng babae ay nakaramdam siya ng inis at panliliit. Lalong umangat ang isang kilay nito nang magtama ang mga mata nila. “And you’re cheeky,” puno ng disgustong dugtong ng babae na muntik nang pumutol ng pisi ni Lorie kung hindi lang siya nakarinig ng kung anong nahulog sa kusina.
Agad siyang napalingon doon sa takot na baka kung ano ang nangyari kay Maja. Saglit na nakahinga nang maluwag si Lorie nang makitang nakatayo ang bata sa bungad ng kusina, namumutla. Namasa ang mga mata ni Maja at may takot sa mga matang tumingin sa bagong dating. Nilukob uli ng pag-aalala ang puso ni Lorie. “Maja,” tawag niya sa bata kasabay ng paglapit dito.
Tumingala kay Lorie si Maja at tuluyang tumulo ang luha nito. “Mama,” garalgal na tawag ng bata sa kanya at yumakap nang mahigpit sa binti niya, mas mahigpit kaysa sa mga dating yakap nito.
“Mama?” untag ng babae na tumayo mula sa pagkakaupo at kunot-noong tumingin sa kanila. “Wait a minute. You’re a nanny, right? Please don’t tell me ibinabahay ka ni Choi rito para umastang nanay ng anak ko because I will treat that as an insult,” nandidiring sabi ng maldita na ikinamaang ni Lorie.
“Sheila!” galit na sigaw ng pamilyar na tinig.
Magkapanabay pa silang lumingon sa pintuan. Nakatayo roon si Choi. Madilim ang mukha ng binata habang nakatitig sa babaeng base sa pangalang binanggit ni Choi ay ang tunay na ina nga ni Maja. Nakaramdam si Lorie ng panlalamig at wala sa loob na kinarga ang bata. Ni hindi niya namalayang naroon na pala si Choi, mas maaga kaysa sa sinabi nitong uwi nito.
“Choi,” tawag ng babae rito sa mas malambing na tono. Mabilis itong lumapit sa binata at walang pagdadalawang-isip na yumakap kay Choi at matunog na hinalikan ang lalaki sa mga labi. Parang sibat na tumama sa dibdib ni Lorie ang eksenang iyon kaya iniwas niya ang tingin. “I knew you will miss me. Kaya mo ako hinahanap kahit sinabi kong huwag mo na akong hanapin, hindi ba?”
Nakagat ni Lorie ang ibabang labi niya sa mga sinabi ng babae. May panibagong kirot siyang naramdaman.
“Will you stop that?” galit na bulalas ni Choi na nagpabalik ng tingin ni Lorie sa dalawa. Nakita niyang marahas na kinalas ni Choi ang yakap ng babae at halos patulak na inilayo mula sa katawan nito ang babae. “I’m sorry for ruining your dellusions but that’s not the reason why I tried to find you. I admit at first I wanted to give the child back to you. Pero ngayon hindi na dahil alam kong hindi mo siya maaalagaan. Ngayon gusto ko lang na may linawin sa sitwasyon para maiwasan ang future problems na sigurado akong kaya mong gawin,” malamig na sagot ni Choi.
Naghalo ang pagkainsulto, pagkamangha, at pagtataka sa mukha ng babae. “So, you wasted my time and effort of coming here just to… clarify things?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Shiela.
“I didn’t ask you to come here.” Bumaling si Choi kay Lorie. “Lorie, puwede bang ipasok mo muna sa kuwarto ninyo si Maja? Then you can come out again. I want you to hear what we are going to talk about.”
Tumango si Lorie at mabilis na kumilos patungo sa guest room.
“Wait, bakit kailangan pang marinig ng katulong mo ang pag-uusapan natin?” ani Sheila.
Nakagat ni Lorie ang ibabang labi dahil nasaktan siya sa mga salita ni Sheila.
“Hindi ko siya katulong. She’s going to be the mother of my child so stop using that tone on her, Sheila,” mapanganib na sagot ni Choi na nagpamaang kay Lorie at Sheila. Nang sumulyap si Choi sa kanya ay saka lang naalala ni Lorie ang dapat niyang gawin. Mabilis na pumasok siya sa guest room. Nang maibaba niya sa kama si Maja ay saka lamang niya napagtantong pigil pala niya ang kanyang hininga. Paulit-ulit na naririnig ni Lorie sa kanyang isip ang sinabi ni Choi. Ano ang ibig sabihin ng binata? Tama ba siya ng pagkakaintindi o nag-iilusyon lang siya? Gustong malaman ni Lorie ang sagot.
Huminga si Lorie nang malalim at tumingin sa nakapinid na pinto. Nang makabuo siya ng desisyon ay pinahiga niya sa kama si Maja at malambing na sinabing manatili ito roon habang kausap nila ni Choi ang mommy nito. Hinalikan ni Lorie sa noo si Maja nang tumango ang bata, bago maingat na lumapit sa pinto.
MARIING ikinuyom ni Choi ang mga kamay nang walang pakundangang humalakhak si Sheila. “Oh, my God, Choi. You’ve got to be kidding me. Kailan ka pa nawalan ng taste? That cheap looking nanny as our child’s mother?” ani Sheila, saka tumawa.
Tumiim ang mga bagang ni Choi sa pagpipigil na huwag pagbuhatan ng kamay ang babae. “She is my child, Sheila, not ours. Gusto kong linawin iyan sa `yo. Ibinigay mo na siya sa akin kaya gusto kong siguruhing hindi mo kami guguluhin pagdating ng panahon. Besides, sa nakikita ko ay mukhang hindi mo naman tinrato nang maayos si Maja. She’s afraid of you. And who I want to be with is none of your business because honestly you’re no match for her,” gigil na sagot ni Choi.
Tumalim ang tingin ni Sheila sa kanya. Alam ni Choi na masyadong bilib sa sarili ang babae. At kung may bagay na nagpapagalit kay Sheila iyon ay ang masabihang may babaeng mas nakahihigit dito. “At paano kung hindi ako pumayag? Paano kung sabihin ko sa `yong gusto kong makuha ang bata? At ang tanging paraan para makuha mo siya ay kung pakakasalan mo ako?” seryosong tanong ni Sheila.
Nanlaki ang mga mata ni Choi. “Ang sabi mo sa sulat ay wala kang balak habulin ako at ibinibigay mo na sa akin ang bata.”
Nagkibit-balikat ang babae, bumalik na ang poise. “I can change my mind, you know. Though honestly I can’t stand children kagaya ni Maja na hindi marunong makaintindi kapag sinabi kong ayoko siyang kargahin, kaya kong makipag-compromise since I very much wanted you. And I know you still want me. We were so good together, don’t you remember? I know we are perfectly compatible in bed.”
Humugot ng malalim na hininga si Choi at lalo pang humigpit ang pagkakuyom ng mga kamay niya. “I’m on the edge of killing you right now, Sheila. Don’t push me too far dahil hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin,” banta niya rito. At sa totoo lang, malapit nang totohanin ng binata ang bantang iyon.
Mukhang natigatig naman si Sheila. Marahil ay nakikita ng babae sa mukha ni Choi na hindi siya nagbibiro. Napaatras ito. “S-subukan mo. Magagawa mo bang manakit sa harap ng babaeng iyan?” nanginginig ang tinig na sabi ni Sheila.
Awtomatikong napalingon si Choi sa guest room. Nakatayo sa pintuan si Lorie, walang kulay ang mukha at tila nakakita ng multo habang nakatingin sa kanila ni Sheila. May sumuntok na takot, pagkapahiya, at pagkataranta sa sikmura at dibdib ni Choi habang nakatingin kay Lorie. Did she hear everything the bitch said? Including the thing about them being sexually compatible? Kaya ba ganoon ang ekspresyon sa mukha ni Lorie?
Choi wanted to ease that ashen look on her face. He wanted to console her and embrace her. Ngunit hindi iyon ang tamang gawin sa mga oras na iyon. Kailangan muna niyang ayusin ang kung ano mang mayroon sa kanila ni Sheila. Mabilis na inalis ni Choi ang tingin kay Lorie at naniningkit ang mga matang bumaling kay Sheila. “Wala akong pakialam kung sino pa ang makakita. I will strangle you if you keep on making me mad, woman. Now listen to me and listen well, aalisin mo ang kahit anong relasyon mo kay Maja at lalong-lalo na sa akin. I called my lawyer at papunta na siya rito. He will make a contract na magsasabing ibinibigay mo sa akin ang buong karapatan sa bata at hinding-hindi ka na lalapit sa amin kahit kailan. You will sign it and you will go back to wherever you came from and will never come back again. Do you understand?” seryosong pahayag ni Choi.
Nanlaki ang mga mata ni Sheila. “W-why do I have to sign something like that? Sa tingin mo guguluhin ko kayo at maghahabol ako sa iyo in the future? Bakit, don’t tell me you want to marry that cheap-looking nanny?” natatawang bulalas ng babae.
Tumiim ang mga bagang ni Choi at inilang hakbang lang ang paglapit kay Shiela. Marahas na hinawakan niya ang braso ng babae. Hindi pinansin ni Choi ang pagsinghap nito. “I told you not to insult her. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Sheila, dahil sa totoo lang malapit na talaga kitang saktan. You will sign the damn contract and you will stop insulting her because yes, I will marry her,” mahina ngunit gigil na asik ni Choi.
Napaawang ang mga labi ni Sheila ngunit hindi nakapagsalita. Mukhang naniwala na ang babae sa kaya niyang gawin dahil nakita ni Choi na tinakasan ng kulay ang mukha nito. Biglang tumunog ang doorbell. Binitawan niya si Sheila. Dumeretso siya sa pinto. Huminga nang malalim si Choi nang makita sa screen ang abugadong palaging umaayos ng mga gusot niya. Alam ni Choi na hindi magle-leak sa publiko ang kung ano mang pag-uusapan nila sa harap ng abogado. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag at binuksan ang pinto.