WHAT the hell! Hindi makapaniwala si Riki sa nangyari sa kanya kanina. His body was so tense with awareness that he had to pull his robe a little away from his body or else someone might notice his growing arousal. Napamura na naman si Riki at mabilis na lumayo sa dressing room niya kung saan malamang ay naalis na nang tuluyan ni Ailyn ang lahat ng saplot nito sa katawan.
Riki intended to make fun of her. Iyon lang ang tanging dahilan kaya niya hinatak patungo sa pool si Ailyn at ininis sa loob ng dressing room. Bukod doon ay talagang buo ang tiwala ni Riki sa sarili na hindi siya mai-impress sa kung ano man ang nasa loob ng makapal na damit ng dalaga. Sigurado siya na wala naman siyang makikitang kagusto-gusto rito. That was why Riki got the shock of his life when she took off her thick jacket and saw what was hidden beneath. Kumapit sa katawan ni Ailyn ang basang suot nito. Riki clearly saw the womanly curves he never thought she had. Her breasts were medium sized and firm, her waist small and hips shapely.
Kung hindi pa tumingin si Ailyn sa kanya at nagsalita, hindi pa mare-realize ni Riki na titig na titig siya sa dalaga. Kahit na halata sa mukha ni Ailyn na hindi nito alam kung ano ang naging epekto nito sa kanya ay napahiya pa rin si Riki. Wala pang isang oras niyang sinabi na hindi siya maaapektuhan ni Ailyn kahit na maghubad ito ay nangyayari na kay Riki ang kabaliktaran ng sinabi niya. It was frustrating because he didn’t even like her, right?
“Riki.”
Napakurap siya at awtomatikong napatingin sa pinanggalingan ng malambing na tinig na iyon. Nakita ni Riki ang modelong kapareha niya kanina. Sa pagkakataong iyon ay nakadamit na ang babae ng bestidang hapit na hapit sa katawan nito. May mapang-akit na ngiti sa mga labi ng modelo. “You are still not dressed? Kanina pa kita hinihintay,” sabi pa nito nang tuluyang makalapit kay Riki. Hinaplos ng babae ang dibdib niya. Gustong mapaigtad ni Riki at umatras palayo sa modelo dahil tila ayaw niyang magpahawak dito. It was because the woman inside his dressing room was still on his mind. “Let’s go somewhere after this. Just the two of us. Wala ka naman na sigurong gagawin, `di ba?”
Tinitigan ni Riki ang babae. Baka nga kapag sumama siya rito ay mawala na ang anyo ni Ailyn sa isip niya. Baka mawala rin ang epekto ng bodyguard niya sa sistema niya. It would be better to suppress his awareness of her as soon as possible because Riki wasn’t interested in getting involved with Ailyn. Kung sasama siya sa babaeng ito ay walang magiging komplikasyon. Mabilis na nagdesisyon ang isip ni Riki kahit pa may bahagi niya ang parang ayaw sumama sa modelo. Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ng babae. “Sure,” sagot ni Riki.
Lumapad ang ngiti nito. Bago pa maisip ni Riki kung ano ang gagawin ng babae ay tinawid na nito ang pagitan ng mga mukha nila at hinalikan siya sa mga labi.
TILA sinuntok sa sikmura si Ailyn nang makita niya ang hinahanap niyang lalaki na walang pakundangang nakikipaghalikan sa babaeng kapareha nito sa shoot kanina. Mabilis siyang nakapagbihis at agad na lumabas ng dressing room ni Riki dahil bilang bodyguard, tungkulin niyang siguruhing nakikita niya palagi ang binata. Nalingat lang si Ailyn ay gumagawa na si Riki ng kalokohan. Paano kung may makakitang press kay Riki at makunan ito ng larawan? Magiging laman na naman ng balita ang binata. Isa pa naman sa bilin ni Jeremy kay Ailyn ay siguruhing hindi madadawit ang pangalan ni Riki sa isang bad publicity.
Huminga nang malalim si Ailyn at malakas na tumikhim. Huminto naman sina Riki at ang modelong kahalikan nito at sabay na lumingon sa kanya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Riki samantalang mukhang nainis kay Ailyn ang babaeng kahalikan nito.
Nabura ang pagkagulat sa mukha ni Riki at napalitan iyon ng matigas na anyo. “What?” malamig na sabi nito.
Nagulat si Ailyn sa tono ni Riki. Kanina lang ay para itong batang nagpapapansin pero ilang minuto lang ang lumipas ay tila isa nang hari na nakikipag-usap sa isang utusan ang binata.
“Magbihis ka na bago pa may makakita sa ginagawa mo at maging laman ka na naman ng mga balita,” malamig na sagot ni Ailyn.
Sa halip na kumilos agad ay humarap uli si Riki sa babae at hinalikan na naman iyon sa mga labi bago sinabing “Wait for me.”
May umusbong na inis sa dibdib ni Ailyn pero agad din niyang sinaway ang sarili at walang ekspresyon na tumingin kay Riki na nagsimulang lumapit sa kanya. Huminto sa harap ni Ailyn ang binata. “Puwede ka nang umuwi. May lakad pa kaming dalawa,” hindi nakatinging sabi nito sa kanya.
“Hindi puwede. Trabaho ko ang bantayan ka kahit saan ka magpunta,” sagot ni Ailyn.
Bumakas ang inis sa mukha ni Riki at tiningnan siya. “You want to watch us the whole night? Sige, kung kaya mo kaming panoorin, eh, di sumama ka,” sarkastikong sabi nito.
Sa isang iglap ay nakuha na ni Ailyn ang ibig sabihin ng binata. Tumingin uli siya sa babaeng nakapamaywang at nakatingin sa kanila ni Riki bago ibinalik ang tingin sa lalaki na may nakalolokong ngiti sa mga labi. “Ano, kaya mo ba? Kung hindi umuwi ka na.”
Napatiim-bagang si Ailyn. Alam niya na trabaho niyang bantayan si Riki pero isipin pa lang niya na panonoorin niya ang binata at ang babaeng kasama nito buong gabi habang magkaulayaw ang mga ito ay bumabaliktad na ang sikmura niya. Sinalubong ni Ailyn ang mga mata ni Riki. “Fine. Mag-enjoy ka sana. Uuwi na ako.” Hindi na hinintay ni Ailyn na sumagot ang binata. Malalaki ang mga hakbang na nilayasan na niya ang mga ito.
SUNOD-SUNOD na katok sa pinto ang nagpagising kay Ailyn kinabukasan. Napaungol siya dahil sa palagay niya ay kakatulog lang niya. Hindi kasi agad inantok si Ailyn kagabi dahil inis na inis pa rin siya kay Riki at sa sarili niya dahil iniisip niya kung ano na ang ginagawa ng binata at ng babaeng kasama nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gigil na gigil siya nang makita si Riki na nakikipaghalikan sa babaeng iyon.
Naiinis na bumuga si Ailyn ng hangin at marahas na bumangon sa kama. Hindi kaya si Anton na naman `to? Nang maisip ang posibilidad ng pagsulpot na naman ng kapatid niya ay lalo lang siyang nainis. Marahas na binuksan ni Ailyn ang pinto nang makarating siya roon.
“Akala ko wala ka na dahil hindi ka sumasagot.”
Napabuga siya ng hangin nang makitang si Winnie pala ang halos sumira ng pinto niya sa pagkatok. “Winnie, ang aga mo namang mang-istorbo, eh,” reklamo ni Ailyn sa kaibigan.
Ang magaling na babae, sa halip na makonsiyensiya ay tumawa pa. “Aba, maaga ka pang dumating kahapon kaya akala ko mahaba na ang tulog mo. Anyway, may gusto akong itanong sa `yo tungkol sa binabantayan mo. May nakita akong pictures sa Internet na siguradong magiging laman na naman ng mga balita. May kasama siyang babae,” sabi ni Winnie.
Nagising nang tuluyan si Ailyn sa sinabi nito. Mula nang sabihin niya kay Winnie na si Riki Montemayor ang binabantayan niya ay sinabi ng babae na kapag may nakakalap itong tsismis mula sa Internet tungkol sa binata ay sasabihin nito iyon kaagad sa kanya. “Anong picture?” tanong ni Ailyn kahit pa may hindi na siya magandang hinala sa tinutukoy ng kaibigan niya.
Sa halip na sumagot ay sinenyasan siya ni Winnie na sumunod dito. Nang nasa harap na sila ng screen ng laptop ni Winnie ay napagtanto ni Ailyn na tama ang hinala niya. Larawan nga iyon ni Riki kasama ang babaeng kahalikan nito kahapon. Sa larawan ay nasa loob ng kotse na malamang ay pag-aari ni Riki ang dalawa at naghahalikan.
“Hindi talaga marunong mag-ingat ang buwisit na lalaking `yan,” gigil na naibulalas ni Ailyn. Nakikini-kinita na niya ang sangkaterbang press na dudumog na naman kay Riki kung nasaan man ito ngayon. Napaderetso si Ailyn ng tayo. “Kailangan ko nang pumunta sa pad niya habang hindi pa nakakatunog ang lahat ng press,” aniya kay Winnie.
“Sigurado ka ba na nandoon nga siya?” tanong ni Winnie na nagpatigil sa pag-alis niya. Tiningnan ni Ailyn ang kaibigan niya. “Kung kasama niya ang babaeng iyon baka naka-check in sila sa isang hotel or something. You know, hindi lang ang larawang iyan ang lalabas sa madla,” komento ni Winnie sa seryosong tinig. Mayamaya ay tumahimik na ito na tila may malalim na iniisip.
Napakunot-noo siya. “Bakit?” nalilitong tanong ni Ailyn.
Sumulyap si Winnie sa larawan at itinuro ang babae. “Dahil sa kanya. You see, kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita. She looks like trouble to me. Ah!” bulalas nito sabay tayo. “Alam ko na.” Lumapit si Winnie sa isa sa mga cabinet nito at naghalungkat ng kung ano. Nang lumapit uli ang babae kay Ailyn ay may iwinawagayway na itong CD sa harap niya. Inilagay iyon ni Winnie sa CD drive ng laptop nito at i-p-in-lay. Halos lumuwa ang mga mata ni Ailyn nang makita kung ano iyon.
“Sex video? Bakit mayroon ka niyan, Winnie?” gulat na sabi ni Ailyn sa kaibigan niya.
“References ko ito para sa dati kong articles. Tanda mo `yong mga panahong mainit ang isyu ng mga sex video ng mga sikat na personalidad? I did a lot of articles about that before. `Ayan, tingnan mo `yang babaeng `yan. Sinabi ko na nga ba siya ito, eh,” sabi ni Winnie at i-p-in-ause pa ang video kung saan kitang-kita ang mukha ng babae.
Nanlaki ang mga mata ni Ailyn nang makitang iyon nga ang babaeng kasama in Riki sa shoot kahapon. “Siya nga!”
Tumango si Winnie. “That’s Helena, a model. At least iyon ang alam ng marami. Pero may mga nakakakilala rin sa kanya sa modus niyang pamba-blackmail sa mga mayayamang nakakasalamuha niya. Nang-aakit siya ng lalaki at aayain niya sa hotel o kung saan man. Pagdating doon ay may nakahanda na siyang hidden camera. Helena records her sexual activities with the guy. Pagkatapos ginagamit niya iyon para makapanghuthot ng malaking pera. Kapag hindi siya binabayaran ay inilalabas niya ang sex video na iyon gaya nitong nakikita mo.
“Hindi nakukulong o nairereklamo man lang si Helena dahil takot ang mga nabibiktima niya na lumaki pa ang isyu. After all, sex videos are a very sensitive issue na maaaring permanenteng makasira sa reputasyon ng kahit na sino. So, kung nagpadala si Riki sa pang-aakit niya, hindi lang larawan nilang naghahalikan ang magpapagulo sa buhay ni Riki. Either, mahuhuthutan siya ng pera ni Helena o magkakaroon siya ng sex scandal,” paliwanag n Winnie.
Nabahala si Ailyn sa balitang iyon. Siya ang masisisi kapag nangyari iyon. Iniwan ni Ailyn si Riki at hindi sinunod ang instinct niya na hindi mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon. Nagpadala na naman si Ailyn sa bugso ng damdamin niya na dapat ay hindi niya ginawa. Tungkulin niya ang protektahan si Riki pero hindi niya nagawa nang maayos ang trabaho niya. Pero hindi pa huli ang lahat. Maaari pang mailigtas ni Ailyn si Riki sa nagbabadyang eskandalo at kapahamakan.
“Kailangan kong tawagan si Jeremy,” sabi ni Ailyn. Tumayo siya at nagmamadaling bumalik sa bahay niya. Kinuha ni Ailyn ang cell phone niya na nakapatong sa bed-side table at hinanap ang numero ni Jeremy. Mukhang kagigising lang ni Jeremy nang sagutin ng lalaki ang tawag niya. Agad na ipinaliwanag ni Ailyn ang natuklasan niya tungkol sa babaeng kasama ni Riki.
“Okay, I’ll check Riki’s GPS para malaman ko kung nasaan siya, `tapos tatawagan kita uli,” kalmadong sabi ni Jeremy.
Mabilis na nagtungo sa banyo si Ailyn at naligo. Nang matapos ay agad din siyang nagbihis at pumunta sa bahay ni Winnie. Kumatok si Ailyn sa pinto ng apartment ng kaibigan. “Salamat, Winnie,” aniya nang pagbuksan siya ng pinto ni Winnie.
“Aalis ka?”
Tumango si Ailyn.
“Saan ka pupunta?”
“Magliligtas ng prinsipeng sakit ng ulo,” ani Ailyn, saka mabilis na tumalikod at iniwan si Winnie.
NAALIPUNGATAN si Riki dahil sa matinding pagsirit ng sakit sa ulo niya. Napaungol siya nang lumundo ang kama kung saan siya padapang nakahiga. Bahagya siyang nahilo. “Shit!”
“Oh, you’re awake at last.”
Napadilat si Riki nang marinig ang boses ng isang babae. Sa kabila ng pakiramdam na tila binibiyak ang ulo niya ay bumangon siya at hinanap ang pinagmulan ng tinig na iyon. Nagitla si Riki nang makita si Helena na nakaupo sa kama at nakasuot lamang ng manipis na roba. Awtomatiko niyang pinakiramdaman ang sarili at nakahinga nang maluwag nang makitang wala man siyang pang itaas ay suot pa rin niya ang pantalon niya. And Riki didn’t feel like he had sex last night.
“I can’t believe you, Riki. I thought we were going to do it. Pero nagpakalasing ka kagabi at tinulugan ako. Worse, I couldn’t move you from your position. You were sleeping like a log. I was getting horny just looking at you. Kailangan mong bumawi sa akin ngayon,” malambing na sabi ni Helena. Lumapit kay Riki ang babae at nang-aakit na hinaplos ang dibdib niya.
He fought the urge to cringe. Kagabi, plano ni Riki na ituon kay Helena ang atensiyon niya para makalimutan niya ang naging reaksiyon niya sa huling babaeng nais niyang pagnasaan. Pero hindi nagawa ni Riki. Hindi naman siya dating ganoon pero kagabi, pakiramdam ni Riki may ginagawa siyang masama kaya hindi niya maituon kay Helena ang buong atensiyon niya. Kaya sumuko na lang si Riki at idinaan sa inom ang lahat. Pilit pa rin siyang inakit ni Helena pero tumanggi siya kahit pa kulang na lang ay sabihin ng babae sa kanya na ito na ang bahala sa lahat at humiga na lang siya.
Bumuntong-hininga si Riki nang halikan ni Helena ang leeg niya pababa sa dibdib. Malikot na rin ang kamay ng babae na nasa pantalon na niya pero wala pa ring nararamdaman si Riki. Just what the hell was wrong with him right now?
“Come on, Riki, kiss me back,” ani Helena. Natanggal na ng babae ang butones ng pantalon niya nang sabay silang mapaigtad sa malakas na lagabog sa pinto ng hotel room nila. Pagkatapos ay bigla na lamang iyong bumukas. Naging alerto si Riki at halos itulak na niya palayo sa kanya si Helena nang makita kung sino ang dumating. When he saw her flushed and angry face, Riki felt the rush of instant awareness throughout his body once again. Napamura siya sa labis na iritasyon at frustration. Just what the hell did his bodyguard do to him to make him feel this way?