THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY (Filipino) Chapter 9

NANG magbalik sa guest room si Choi ay may bitbit na itong isang puting t-shirt. Kasunod na rin ng binata si Maja na titig na titig dito. Iniabot ni Choi kay Lorie ang dala nito. “Here, put this on in the bathroom. Bilisan mo.”

Alinlangang kinuha ni Lorie ang t-shirt mula kay Choi. “Masyado itong malaki sa `kin.”

“Ako na ang bahala. Aayusin ko paglabas mo rito. Go now, quick,” wika ni Choi na bahagya pa siyang itinulak patungo sa banyo.

Walang nagawa si Lorie kundi ang tumalima. Pagkatapos niyang hubarin ang basang damit, punasan ang sarili, at isuot ang T-shirt ay lalo lang napagtanto ni Lorie masyado iyong malaki sa kanya. Hanggang kalahati ng hita niya ang laylayan niyon at halos hanggang siko niya ang mga manggas. Kahit naman hindi pala punta sa mall si Lorie ay alam niyang nakakahiyang magpunta roon na ganoon ang hitsura niya.

“Lorie!”

Napaigtad siya sa pagtawag na iyon ni Choi. “`Andiyan na,” sagot niya sa bahagyang garalgal na tinig dala ng pagkataranta. Sa totoo lang, hindi pa rin sanay si Lorie na tinatawag siya ni Choi sa pangalan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit pero lagi siyang inaatake ng nerbiyos kapag tinatawag siya ng binata. Bigla na lamang din bumibilis ang tibok ng puso niya.

Saglit na kinalma ni Lorie ang sarili bago binuksan ang pinto ng banyo at sumilip muna bago lumabas. Nawala ang pag-aalinlangan ni Lorie nang makita niya si Choi na nakaupo sa kama habang si Maja naman ay nakaupo sa tabi ng binata at titig na titig dito. Bakas sa mukha ni Choi ang pagkailang sa ginagawang pagtitig dito ng bata. Ayaw pa tuloy lumabas ni Lorie.

“What are you looking at, brat?” mukhang hindi na nakatiis na tanong ni Choi sa bata.

“Daddy, your kinder than Mommy,” sagot ni Maja na halatang ikinabigla ni Choi at sa totoo lang ay maging ni Lorie.

Ilang segundong nanatiling nakatitig sa bata si Choi bago naningkit ang mga mata. “Why, how did your mother treat you?” mababa ang tinig na tanong ng binata.

Yumuko si Maja at itinikom ang mga labi na gaya ng ginawa nito kanina nang si Lorie ang nagtanong. Kumirot ang puso ni Lorie sa reaksiyon ni Maja. Nang makita niyang nanginig ang mga labi ng bata sa nagbabadyang pag-iyak ay inilagay ni Choi ang kamay sa ulo nito at marahang hinaplos iyon na para bang maging si Choi ay nahimigan ang nagbabadyang pag-iyak ni Maja. Mukha namang kumalma ang bata.

Huminga nang malalim si Lorie sa init na humaplos sa puso niya sa nasaksihan bago tuluyang lumabas ng banyo. Napalingon sa kanya sina Choi at Maja. Agad na nginitian ni Lorie ang bata na lalong umaliwalas ang mukha at gumanti ng ngiti.

Napalingon siya kay Choi nang tumayo ito at magsimulang lumakad palapit sa kanya. Alanganing ngumiti si Lorie at inilahad ang mga braso. “Masyado talagang malaki para sa akin ang t-shirt na ito. I-dryer ko na lang muna kaya ang damit ko at mamaya na tayo mamili?”

“No can do. I have a schedule after lunch. Let me just fix that,” sabi ni Choi na nakatingin sa suot ni Lorie at nagsimulang kumilos.

Nanlaki ang mga mata ni Lorie at napaigtad siya nang lumipad ang mga kamay ni Choi sa butones ng pantalong maong na suot niya at walang kahirap-hirap na naalis ng binata ang pagkakabutones niyon. Tila may koryenteng kumalat sa buong katawan ni Lorie at mariin siyang napahawak sa mga kamay ni Choi upang pigilan sa ginagawa nito. “Anong ginagawa mo?” gulat na tanong ni Lorie.

Umangat ang tingin ni Choi sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Saglit na may nakita si Lorie na kislap sa mga mata ni Choi na nagpatayo sa mga balahibo niya at nagpatindi sa kilabot na nararamdaman niya. Ngunit nang kumurap si Choi ay nawala na iyon at bumalik sa normal ang paraan ng pagtingin sa kanya ng binata.

“Inaayos ko ang suot mo para hindi pangit tingnan. Ita-tuck in ko lang,” paliwanag ni Choi na bahagyang nakaangat ang mga kilay na para bang sinasabing wala itong ibang intensiyon na gawin kung hindi iyon lang.

Nag-init ang mga pisngi ni Lorie. “Sana sinabi mo na lang sa akin. Kaya ko naman itong i-tuck in.”

Kumunot ang noo ni Choi. “I know what I’m doing so just shut up and don’t move,” maawtoridad na sabi ng binata.

Mariing naitikom ni Lorie ang mga labi niya dahil sa isang titig lang ay nailagay kaagad siya ni Choi sa lugar niya. Na katulong lang siya roon at ang binata ang amo niya kaya hindi siya dapat sumagot pa. Nang hindi na nagsalita si Lorie ay nagsimula nang kumilos si Choi upang i-tuck in and damit niya sa loob ng maong pants niya. Nanlalamig si Lorie at halos nais niyang mapatalon sa sensasyong dulot ng mga kamay ni Choi ngunit nanatili siyang nakatayo roon. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Lorie at halos hindi siya makahinga. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Saglit lamang ay tapos na si Choi sa ginagawa at muli nang ibinutones ang maong pants niya. Kasunod niyon ay inirolyo naman ng binata ang mga manggas ng T-shirt. Nakagat ni Lorie ang ibabang labi sa kakaibang pakiramdam na idinudulot sa kanya ng mga aksidenteng paglapat ng mga daliri ni Choi sa balat niya. At bakit ba parang mas mainit sa karaniwan ang temperatura ng balat nito? At bakit parang ang tagal-tagal namang matapos ni Choi na irolyo ang mga manggas ng T-shirt? Kung hindi lang alam ni Lorie na walang interes sa kanya ang binata ay iisipin niyang sinasadya nitong patagalin iyon.

Nang hindi na makatiis si Lorie ay nagsalita na siya. “Ah, hindi pa ba tapos, Sir?”

Napahinto si Choi at biglang nag-angat ng tingin dahilan kaya nagtama ang mga mata nila. Nailang si Lorie sa tiim ng pagkakatitig ni Choi sa kanya na para bang may hinahanap ito sa mga mata niya na hindi niya maintindihan. Kasabay niyon ay ang pakiramdam na halos nais nang lumabas ng puso ni Lorie sa kanyang dibdib sa sobrang pagwawala niyon. Bakit ba kasi ganoon makatitig si Choi?

“Daddy, Lowri,” tawag ni Maja na halos magkapanabay na nagpakurap sa kanila ni Choi. Parang napapasong mabilis na lumayo kay Lorie ang binata at tumalikod.

“Let’s go. We’ve already wasted so much time,” aroganteng sabi ni Choi na agad na lumabas ng silid.

Nalilitong nasundan na lang ng tingin ni Lorie ang binata. Nahinto lang iyon nang maramdaman niya ang pagkapit ni Maja sa kamay niya. Nabaling na sa bata ang atensiyon ni Lorie. Ngunit sa likod ng isip niya, at sa tagong parte ng puso niya, hindi pa rin malimutan ni Lorie ang paraan ng pagtitig ni Choi at ang pakiramdam ng pagdampi ng kamay nito sa balat niya.

Naguguluhan si Lorie sa kakaibang pakiramdam na iyon dahil hindi niya alam kung para saan iyon. Natural na reaksiyon lang ba iyon ng isang babae kapag napalapit sa isang lalaki? Hindi sigurado si Lorie dahil sa buong buhay niya ay hindi naman siya naging ganoon kalapit sa kahit na sinong lalaki. Ngunit isa lang ang sigurado siya, nakakatakot na nakakasabik ang pakiramdam na iyon. Nakakasabik dahil kahit medyo kahalintulad ang pakiramdam na iyon na parang tinutusok ng maliliit na karayom ay nakapagbibigay din iyon ng ginhawa sa pakiramdam niya. Natatakot si Lorie dahil may pakiramdam siyang hindi niya dapat nararamdaman iyon; na dapat niyang itago iyon sa abot ng kanyang makakaya.

“HUWAG kayong magtatagal, maliwanag ba?” mahigpit na bilin ni Choi kay Lorie nang ihimpil ng binata ang kotse nito sa parking lot ng pinakamalapit na mall pagkatapos abutan si Lorie ng credit card na siyang gagamitin daw niya sa pamimili ng mga kailangan ni Maja.

“Sigurado kang ayaw mong sumama?” lakas-loob na tanong ni Lorie kay Choi. Kahit naman wala siyang sariling sasakyan ay alam ni Lorie na hindi kumportableng manatili lang sa loob niyon hanggang bumalik sila.

Sumulyap sa kanya si Choi ngunit agad ring nag-iwas ng tingin. “No need. Bilisan ninyo na lang. Wala ako sa mood makisalamuha sa publiko sa oras na ito. I don’t have the energy to smile and act nice today,” sagot ng binata na ikinaasim ng mukha niya.

“Bahala ka,” mahinang usal ni Lorie at lumabas na ng kotse ni Choi. Binuhat niya si Maja at sinilip uli ang binata. Nakatingin din si Choi sa kanila. “Okay ka lang talaga diyan?” nag-aalalang tanong ni Lorie.

Natigilan si Choi bago nagsalubong ang mga kilay. “I said I’m okay. Alis na bilis.”

Mabilis na tumalima si Lorie at nakakunot-noong pumasok sila ni Maja sa mall. Madalas na hindi talaga niya makuha ang mood ni Choi. Umiiling na dumeretso na lang sila sa department store para ibili ng mga damit si Maja. Sandali pa, nag-e-enjoy na si Lorie sa ginagawa. Lahat ng mga cute na damit ay nais niyang ipasukat sa bata.

Abala si Lorie sa pagpili ng kulay ng bestida para kay Maja nang balingan niya ito. Pero ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ni Lorie nang makitang wala na roon ang bata. “Maja?” natatarantang tawag niya rito kasabay ng pagsuyod ng tingin sa paligid. Nanlamig si Lorie nang hindi niya makita si Maja. Ibinaba ni Lorie ang mga damit na hawak at patakbong inikot ang paligid habang tinatawag ang pangalan ng bata.

“Lowri!”

Napalinga siya sa matinis na tinig ni Maja na tumawag sa pangalan niya. Nakahinga nang maluwag si Lorie nang makita si Maja na nakatayo sa tapat ng isang stall. Halos patakbong lumapit siya rito. “Maja, bakit ka lumayo sa akin? Ang sabi ko sa tabi lang kita, hindi ba?” bulalas ni Lorie.

“Daddy.”

Napakunot-noo siya. May itinurong kung ano si Maja at sinundan iyon ng tingin ni Lorie. Naging malinaw sa kanya ang lahat nang makita niya ang napakalaking poster ni Choi sa stall na iyon. Nakangiti ang binata sa poster habang nasa harap nito ang isang kamay na may nakasuot na mamahaling relo. Noon lang napagtanto ni Lorie na stall pala iyon ng isang brand ng relo na base sa larawan ay ineendorso ni Choi.

“Daddy’s picture here is so big,” patuloy na sabi ni Maja na sa tuwa nito marahil ay halos mabulol na ito.

Inalis ni Lorie ang tingin sa poster at niyuko si Maja. Ngumiti siya at hinaplos ang ulo ng bata. “Oo nga. Pero hindi ba mas malaki ang picture ni Daddy sa kuwarto niya?” wika ni Lorie. Sa pader kasing nasa ulunan ng kama ni Choi ay may isang malaking larawan nito roon. Natawa pa nga si Lorie noong una niya iyong nakita. Ngumisi si Maja at tumango. “Bilisan na natin ang pamimili dahil tiyak naiinip na si Daddy sa kotse, ha?” Tumango uli si Maja.

Hinawakan ni Lorie ang kamay ng bata at inakay palayo roon nang mapaigtad siya dahil may isang taong biglang humawak sa braso niya. Gulat na nilingon ni Lorie ang humawak sa braso niya. Isang may edad na lalaki pala ang pumigil sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.

“Teka lang, Miss, huwag kang matakot may itatanong lang ako sa `yo,” mabilis na sabi ng lalaki nang akmang sisigaw siya.

“A-ano iyon?” nag-aalangang tanong ni Lorie sa lalaki.

Ngumiti ito at kumislap ang mga mata. Sinulyapan ng lalaki si Maja at pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Lorie. “Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo ng batang `yan. Sino nga ang daddy niya?” tanong ng lalaki.

Hindi gusto ni Lorie ang tono nito. Nagdududang pinagmasdan niya ito nang mabuti. Hindi kilala ni Lorie ang lalaki ngunit may kung ano rito na nagsasabi sa kanyang hindi ito mapagkakatiwalaan. “Sino ba kayo?”

Ngumisi ang lalaki. “Sagutin mo na lang ang tanong ko, Miss. Si Choi Montemayor ba ang pinag-uusapan ninyo? Anak niya ba ang batang iyan?”

Kinabahan na si Lorie nang tuluyan sa mga tanong ng lalaki kaya sa halip na sumagot ay binuhat niya si Maja. “Sinong Choi ang sinasabi ninyo? Hindi namin siya kilala,” sagot niya at tumalikod na rito.

“Teka lang, Miss!” tawag ng lalaki.

Nang maramdaman ni Lorie na sumusunod ito ay binilisan niya ang paglakad. Hanggang sa tumatakbo na siya. Walang ibang nais si Lorie kundi ang makabalik sa parking lot.

ILANG beses nang tumitingin sa wristwatch niya si Choi dahil naiinip na siya. Sinabi na niya kay Lorie na huwag magtatagal pero hayun at isang oras na siyang nakaupo roon. Masakit na ang likod at pang-upo niya. Kanina, balak na sana ni Choi na tawagan si Lorie para sabihing bilisan nito ang pagsha-shopping nang na-realize niya na hindi niya pala alam ang cell phone number ni Lorie at malamang ay hindi rin alam ng babae ang numero niya. He reminded himself to exchange numbers with her when she came back.

Nang sumagi sa isip ni Choi ang mukha ni Lorie ay lalo siyang nakaramdam ng inis. Lalo pa at kasabay niyon ang pagbalik ng mga nangyari kanina bago sila umalis. He was pissed with himself because he could not help but deliberately seduce her when he was fixing her shirt. Alam ni Choi na sandali siyang nasiraan ng ulo ng mga oras na iyon. Ngunit hindi niya napigilan ang sarili niya nang maramdaman ang balat ni Lorie sa mga kamay niya. He could not help but wonder how a woman as hardworking as her could maintain to have a soft and silky skin like hers. Hindi rin napigilang isipin ni Choi kung paanong ang isang babaeng ni walang bahid ng kahit na anong pabango ay tila kay sarap amuyin.

Sa totoo lang, hindi sa ginawa niyang kapusukan siya mas naiinis kundi sa katotohanang hindi niya nakita kay Lorie ang reaksiyong inaasahan niya. Usually, kapag ganoon kalapit si Choi sa kahit na sinong babae ay nakikita niya kaagad ang kislap ng interes at pagnanasa sa mga mata ng mga babaeng iyon. Pero kay Lorie, sa halip na pagnanasa ay pagkalito ang nakita ni Choi sa reaksiyon ng babae. He even felt stupid in the end.

Mas naiinis si Choi na nakakaramdam siya ng inis dahil sa kawalan ng reaksiyon ni Lorie. Hindi ba, iyon naman talaga ang gusto niya? Ang wala itong interes sa kanya? Iyon ang kuwalipikasyong hinahanap ni Choi para sa isang kasambahay para masiguro niyang ligtas siya sa kahalayan sa mismong bahay niya. Only, he was far from safe because he couldn’t help but notice her when she wasn’t even making any effort to get his attention. Isa pa, the last time he checked, he had a very high standard when it came to women. Kaya hindi makapaniwala si Choi nagkakaganoon siya dahil kay Lorie. She was too plain for his taste. Kailangang masolusyonan ni Choi ang ka-weird-an na nangyayari sa kanya o magkakatotoo na ang kasong nais isampa sa kanya ng dati niyang katulong.

Marahas siyang umiling. “I really need to get back to my old life as soon as possible. Kung hindi ay mababaliw ako,” iritableng bulalas ni Choi.

Malapit nang maubos ang pasensiya ni Choi sa paghihintay nang mahagip ng mga mata niya ang pigura ni Lorie mula sa malayo. Nais niyang mapailing dahil kung tutuusin ay napakalayo pa ng babae sa kinaroroonan niya subalit agad na niya itong nakilala. Kumunot ang noo ni Choi nang mapansing tumatakbo si Lorie patungo sa kanya habang karga-karga si Maja. Lumilinga-linga pa si Lorie sa likuran nito na para bang may humahabol dito. Nang halos nasa harap na ng kotse ni Choi ang babae ay parang may sumuntok sa sikmura niya nang makitang namumutla ito sa takot.

May sumibol na galit sa dibdib ni Choi sa kung sino man ang dahilan ng takot na iyon sa mukha ni Lorie. Akmang lalabas na si Choi ng kotse nang magtama ang mga mata nila ni Lorie. Nanlalaki ang mga mata ng babae at ibinuka ang mga labi. Huwag kang lalabas! Iyon ang nabasa ni Choi sa mga labi ni Lorie.

Lalong nalito si Choi ngunit sa halip na ituloy ang paglabas ay binuksan na lamang niya ang pinto sa passenger’s seat. Agad na pumasok si Lorie roon na karga pa rin si Maja. “What happened?” agad na tanong niya.

Nag-angat ng tingin si Lorie at nagtama uli ang mga mata nila. Ikinuyom ni Choi ang kanyang kamay para pigilan ang sarili na hawakan at kabigin ang babae para pakalmahin. Mabuti na lang at napigilan ni Choi ang sarili dahil para saan ba ang pakiramdam na iyon?

“M-may sumusunod sa aming lalaki,” ani Lorie.

A sense of protectiveness he had never felt before kicked on his chest. Pumitik ang adrenaline sa ulo niya. “Wait here,” utos ni Choi kay Lorie at akmang lalabas nang hawakan ng babae ang braso niya.

“Huwag,” mabilis na sabi ni Lorie. Napalingon si Choi sa babae hindi lamang dahil sa sinabi nito kung hindi dahil sa nanlalamig na kamay nitong nasa braso niya. “Ikaw ang kailangan niya… Yata?” sabi ni Lorie.

Kumunot ang noo ni Choi. “Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong niya.

Sa halip na sumagot ay tumingin si Lorie sa labas ng kotse ni Choi at bahagyang pinisil ang braso niya. “`Ayun siya,” turo ni Lorie gamit ang nguso nito.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Choi sa pagtitig sa mga labi ni Lorie bago minura ang sarili sa isip at sinundan ang inginunguso ng babae. Sa pagkakataong iyon ay napamura na si Choi nang malakas nang makilala ang lalaking ngayon ay nagpapalinga-linga sa parking lot.

“Hoy! Huwag kang magmura naririnig ka ni Maja,” saway ni Lorie sa kanya.

Hindi pinansin ni Choi ang sinabi ng babae at binuhay ang makina ng kotse. Pagkatapos ay bumaling si Choi kina Lorie at Maja at dumukwang. Narinig niya ang pagsinghap ni Lorie ngunit binale-wala niya iyon at isinuot rito ang seat belt. Pagkatapos ay tinapik ni Choi ang ulo ni Maja na nakamasid lamang sa kanila. “We’ve got to get out of here,” wika ni Choi at humawak na sa manibela.

“Bakit kilala mo ba siya?”

Napatiim-bagang si Choi bago sumagot. “Yeah. A reporter.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.