"HEY!" malakas na sigaw ni Yvo. "Quia! Babe, wait!" dagdag pa niya bago iniharang ang katawan sa papasarang pinto ng elevator.
Hindi ko siya pinansin. Malakas kong pinindot ang ground floor.
"Babe, Marione was my—."
"Hindi kita tinatanong, Yvo." malamig kong pakli na ikinapikit niya nang mariin.
"Pero ramdam kong nagagalit ka?"
"Am I?" Sarkastikong sabi ko. "Why don't you go back there and finish your business—."
"I love you, damn it!"
"Hindi mo kailangang sumigaw!" naniningkit ang matang sabi ko.
Ewan ko ba, kanina nakaramdam ako ng galit pero nang umalis ako sa opisina niya'y himalang napawi iyon. At handa na akong bumalik para komprontahin sila nang makita ko ang paglabas ni Yvo. Kahit papaano'y gusto ko siyang asarin pero parang ako yata ang naaasar ngayon.
"I know you're mad, kaya hayaan mo akong magpaliwanag sayo." Malumanay ang boses ni Yvo. Parang gusto talaga niyang pagbigyan ko siya sa gusto niya.
"Listen, Marione was my secretary. Ngayon, kabubukas lang ng bagong branch ng kaniyang business. Kilala ko siya kaya sa kaniya ko ipina-customize yung singsing ni Mama. At iyong nakita mo kanina, that's my mom's ring." Paliwanag ni Yvo. Saglit ko siyang tiningnan bago lumabas nang bumukas ang pinto ng elevator. "Ibinalik niya na sa akin dahil tapos nang gawin." dagdag pa ni Yvo habang nakasunod pa rin sa akin.
"Hello, Sir, Ma'am." Bati ng mga empleyadong nakakasalubong namin. Napansin ko ang pagtango ni Yvo sa mga ito.
"Babe, c'mon! Mali ang iniisip mo!" malakas niyang sabi na ikinalingon ng mga taong nasa lobby. Hula ko'y sinadya niyang lakasan iyon para kunin ang simpatya ng mga empleyado niya. "Babe."
"Yvo, hindi ako galit." Mariin kong sabi. Pinilit kong hinaan ang boses dahil alam kong hinihintay ng mga nakakasaksi sa nangyayari ang pagsagot ko kay Yvo.
"Babe..." nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagluhod ni Yvo.
"Yvo! Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya! Tumayo ka na riyan!" malakas kong sabi bago siya pilit na pinatatayo.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako pinapatawad!" sabi pa nito bago ako hinawakan sa mga kamay.
"Ano bang pinagsasasabi mo?!" Pinigil kong mabahidan ng pagkabigo ang tinig. I thought he was going to propose. Gosh! I was ready to say yes! "Pinapatawad na kita, kaya tumayo ka na riyan!"
Mabilis siyang tumayo pagkatapos ay niyakap akong mahigpit. "Thank you, baby." sabi niya bago ako hinalikan sa sentido.
Malakas na palakpakan ang narinig ko. Nakalimutan kong nasa lobby pala kami't nagmistulang isang pelikula dahil lahat ng mata'y nakatuon sa amin ni Yvo.
"Congrats Sir!" malakas na sigaw ng isang empleyado. Sumunod naman ang iba na halatang natutuwa sa nasaksihan.
Isang tipid na ngiti lamang ang pinakawalan ni Yvo bago ako inakay papunta sa kaniyang kotse.
"Well—."
"Ihatid mo na ako sa bahay, baka nag-aalala na si Hugo. Ibinilin ko lang siya kay tatay eh." Napansin ko ang biglang pagkakunot ng noo ni Yvo.
"Oo nga pala, bakit ka nga pala narito?" seryoso niyang tanong bago ako pinagbuksan ng pinto.
Saglit akong napaiwas ng tingin bago bumuntong-hininga. "Tinawagan kita kanina, kaso, yung empleyado mo ang nakasagot. Well, I don't know your her, kaya nainis ako sa paraan ng pagsagot niya sa akin."
"Kaya ka sumugod dito? Iyon lang ba?" tanong niyang nakangisi. Isang nakamamatay na irap ang ginawa ko bago tumango.
"Silly." sabi ni Yvo bago sinapo ang pisngi ko. Pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. Ilang sandali lamang ay binuhay niya na ang makina ng kotse.
Napapangiting itinuon ko ang pansin sa labas ng bintana. Sari-sari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Paulit-ulit na siguro ang linyang ito, pero sasabihin ko pa rin; parang may nagliliparang paru-paro sa aking tiyan. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Malamang kasing kulay na ang mga ito ng kamatis.
"Will you marry me?"
Parang sa pelikulang naging slow motion ang nasa paligid ko. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Yvo. Did he just proposed to me?
"Yvo?" tawag ko sa kaniya. Hindi maitago ang panunubig ng mga mata ko. Ilang beses akong napalunok habang nakatitig pa rin sa kaniya.
Nakita ko ang bahagya niyang pagngisi bago inihinto ang sasakyan sa tabi. "Quia."
"Tama ba ang narinig ko?" tanong kong halos wala nang boses.
Hindi ako sinagot ni Yvo. Kinuha niya sa bulsa ng kaniyang coat ang isang maliit na kahon. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha nang ilabas niya ang singsing na kanina lamang ay hawak ng babaeng kasama niya sa kaniyang opisina.
Hindi pa man ako nakakahuma nang isuot niya iyon sa daliri ko. Pagkatapos ay saka niya hinalikan ang likod ng aking palad.
"I didn't say ye—."
"Kahit 'no' pa ang isagot mo, pakakasalan pa rin kita." seryoso niyang sabi bago marahang lumapit sa akin. "Pero alam ko namang papayag ka. Mahal mo ako 'di ba?" Pilyo niyang sabi bago ako mabilis na hinalikan sa mga labi.
Marahan ko siyang itinulak bago tinaasan ng kilay. "Hindi man lang pinaghandaan." bulong ko sa sarili.
"Hindi ako magaling sa ganoon, Quia. Isa pa'y gastos lang iyon." sabi ni Yvo na may nakakalokong ngiti.
"I thought you're going to say; unexpected things are the most memorable one. Hindi ako na-inform na naghihirap ka na pala." May ngisi sa labing sabi ko.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Yvo. "Unexpected..." mahina niyang sabi habang nakangiti. Parang pati nga ang mga mata niya'y nakangiti rin.
"Bakit?"
"May naalala lang ako." sagot ni Yvo bago muling tumingin nang diretso sa aking mga mata. "Unexpected...katulad ng pagmamahal ko sa iyo."
Bigla akong natigilan. Kailan ba siya titigil sa mga salitang nagpapainit ng mga pisngi ko. Kulang na lang yata ay maihi ako sa sobrang kilig na nararamdaman.
"I unexpectedly fell in love with you." Sabi pa ni Yvo na akala mo'y may kung anong kumikinang sa mga mata. "Sabi ko sa sarili ko noon, hindi kita mamahalin dahil isa kang impostor. Hindi kita mamahalin dahil isa kang manloloko. Hindi kita mamahalin dahil pinapaalala ng mukha mo ang kataksilan sa akin ni Jia. Pero lahat ng sinabi ko'y kinain ko rin."
"Yvo..."
"Noong araw na umalis ka, isang bagay ang napagtanto ko. Mahal na mahal kita. Gusto kitang makita na kahit napakaimportanteng meeting ay nakaya kong balewalain para lang makita ka at si Hugo. Pati ang isang napakaimportanteng kliyente'y hindi ko sinipot dahil birthday ng anak ko." Mahabang sabi ni Yvo habang hawak ang aking mga kamay.
"You and Hugo were unexpected, but you two are the most important in my life. I love you Quia, at gusto kong makasama ka at si Hugo hanggang sa huling hininga ko. So I'm asking you again..."
Pigil ang hiningang nakatitig lamang ako sa mga mata ni Yvo. "Yvo..."
"...will you marry me, Mrs. Ramirez?" tanong niya sabay kindat.
Marahan ko siyang hinampas sa braso. "Hindi pa man tayo kasal inaangkin mo na ako. Pati pangalan ko'y pinalitan mo na rin." natatawa kong sabi.
"Para wala kang kawala." sabi niyang napapakamot sa noo.
Malaki ang ngiting pinakatitigan ko siya. Lahat na yata ng parte sa kaniyang mukha'y nadaanan na ng mga mata ko. Mukhang masasaulado ko na ang mga iyon.
"Ano na?! Nagdadalawang-isip ka pa yata." nakasimagot na sabi ni Yvo.
"Baliw, hindi ko lang alam kung paano sumagot dahil sobrang saya ko ngayon. Pero ano pa nga bang magagawa ko. Sabi mo nga'y wala na akong kawala, kaya—."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong hilahin ni Yvo. Kulang isang dangkal ang layo ng mga mukha namin. Napakalapit, para akong maduduling.
"I love you." Puno ng pagmamahal na sabi ni Yvo bago unti-unting inangkin ang aking mga labi.
Masuyo, maingat at puno ng papanabik ang halik na pinagsasaluhan namin ni Yvo. Wala na akong nagawa kundi ang kumunyapit sa kaniyang batok na siyang naging dahilan para palalimin pa ni Yvo ang halik. Natigil lamang kami nang halos kakapusin na kami ng paghinga.
Hinihingal na inilapat ni Yvo ang kaniyang noo sa akin. Pagkatapos ay ilang beses na binigyan ng magagaang halik ang aking mga labi.
"I love you too." Matamis ang ngiting sabi ko bago siya niyakap nang mahigpit.