The Substitute Chapter 7

STUPID.

You are so stupid Quia! Hindi pwedeng mahulog ka kay Yvo. He's not real! I mean he's real, but he's not for you! Remember that you're here because you need to hide from that old Mr. Ocampo! At para hindi ka matunton ni tanda, you need to help Jino as well!

Kung sakali mang malaman ni Yvo na hindi ako si Jia, magagalit ba siya?

"Shit. Of course he will. Sino ba namang hindi, eh pinagmukha siyang tanga!" Mahinang bulong ko habang nakaupo sa swing na nasa garden ng bahay ni Yvo.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Muntik na akong mapatili nang marinig ko ang boses ng isang katulong mula sa aking likuran.

"Ayos lang ako." Alanganin ang ngiting sagot ko bago tumayo.

"Ma'am pinapatawag po kayo sa library ni Sir Yvo. Gusto niya raw po kayong kausapin." Sabi niya habang nakayuko. Ano bang problema ng mga katulong rito? Hindi ko naman sila tatarayan! At mas lalong hindi ko sila kakainin!

"Pangit ba ako?" Tanong ko na ikinatingin sa akin ng batang katulong.

"Po? Hindi po..."  sagot niya habang mabilis na umiiling.

"Kung ganoon, bakit hindi mo ako magawang tingnan habang magkausap tayo? Hindi naman ako nangangain. Mabait ako..." nakangiti kong sabi na ikinatulala niya.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Kaagad na akong umalis. Baka mamaya umuusok na pala ang ilong ng mahal na hari.

"Mabait ka?" Salubong na tanong sa akin ni Yvo nang makapasok ako sa library ng bahay niya. Bigla akong nagtaka kaya kaagad akong naglakad palapit sa balkonaheng nasa likuran niya.

"Oh fuck." Mahina kong bulong nang makitang nasa ibaba lamang ang duyan na kinauupuan ko kanina. "What do you want?" Taas ang kilay na tanong ko.

"Nothing." Awtomatikong napaikot ang mga mata ko sa isinagot ni Yvo.

"Nothing?! Kung ganoon bakit mo pa ako ipinatawag?" Inis kong tanong bago pabagsak na naupo sa malapad at malambot na couch.

Hindi sumagot si Yvo sa tanong ko. Mataman lamang siyang nakatitig sa akin. Para bang tinutunaw niya ako.

"Alright." sabi ko sabay tayo. "You have nothing to say, then I'll—."

"Stay." Malamig niyang turan na ikinatigil ko sa akmang paglakad. Marahan akong napabalik sa pagkakaupo kanina. Hindi naaalis ang malalim na kunot sa noong tumitig ako kay Yvo.

Gagong 'to, trip yata akong asarin ngayon. Ang sarap mong hampasin sa mukha niyang makapal na diksyunaryo sa tabi ng desk mo!

"I'm hungry." Palusot ko para makalabas na sa library niyang hindi yata napapasukan ng hangin. Pakiramdam ko kasi'y nauubusan ako ng hininga lalo na sa paraan nang pagtitig niya sa akin.

"Ipapakuha kita ng pagkain." seryosong sabi ni Yvo habang nakatitig sa kaniyang laptop.

"No thanks. Kaya kong ikuha ng pagkain ang sarili ko. Isa pa, feel kong magluto ngayon, so what would you like to eat?" peke ang ngiting tanong ko. Pero si Yvo, magkasalubong ang kilay na tinitigan ako. May nasabi ba akong mali?

"Are you serious? When did you know how to cook, Jia?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Yvo habang nakalagay ang daliri sa labi. Sinakop ng kaba ang dibdib ko. Mali nga yata ang nasabi ko.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghagod niya ng tingin sa buo kong katawan. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Yvo bago nagsalita. "May amnesia ka nga."

He's being sarcastic. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya'y tila balang bumubutas sa kasinungalingang nakabalot sa pagkatao ko.

Para akong nanlamig nang blanko niya akong tingnan. Nanlaki rin ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin. Para akong hihimatayin nang makulong ako sa pagitan ng couch na kinauupuan ko at ng katawan ni Yvo.

"W-What?" kinakabahan kong tanong.

"Can I kiss you?" Seryoso ang tinging tanong sa akin ni Yvo. Mabilis ko siyang itinulak bago ako tumayo.

"No! I..I need to get out." Mabilis ko ring sabi sabay lakad palapit sa pinto. Pero maagap si Yvo. Nahaklit niya kaagad ang kanan kong kamay.

"It's just a kiss. Bakit parang takot na takot ka?" tanong niyang ikinaiwas ko ng tingin.

Bakit nga ba? Fuck! Dahil sa gurang na siyang dahilan kung bakit napasok ako sa sitwasyong ito.

"Yvo..." Tila nalunok ko ang dapat kong sabihin nang sakupin ni Yvo ang mga labi ko. This is not the first time na hinalikan niya ako. But it's different sa halik na iginawad niya sa akin noon. Mariin iyon at mapagparusa, samantalang ngayon, masuyo at malalim. Parang may kung anong hinahanap siya sa mga labi ko.

I don't know what to do. I know to myself that I can't kiss. Kaya hindi ko alam kung paano tutugon. Isa pa, nilulukuban ng takot ang puso't isipan ko. Takot na baka katulad siya ni Mr. Ocampo na ang hangad lang ay pagsawaan ang katawan ko.

Hindi ko namalayang lumandas na pala sa aking pisngi ang aking mga luha. Dahil doon ay marahang inilayo ni Yvo ang kaniyang mukha sa akin. May kunot sa noong tinitinigan niya ako. Nagtatanong, nalilito at iba pang emosyong hindi ko mapangalanan.

"Hey..."

"I..I'm sorry. I'm really—."

"Hungry?" Awtomatikong napadako ang tingin ko sa mga mata ni Yvo. Ibang klase ang tingin niya. Hindi katulad noong una niya akong makita. Walang galit, walang poot, ewan, ayaw kong isiping may ibang dahilan.

Isang maliit at pilit na ngiti ang isinagot ko kasabay ng marahang pagtango. Bago niya ako hinila palabas ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tiningnan niya rin muna ako ng matiim bago pinunasan ang aking mga luha.

Stop it Yvo. I don't want you to be sweet. I don't want you to treat me like you have some feelings for me. Don't make me feel special. Baka hindi ko kayang bumitaw kapag nariyan na talaga si Jia.

"You said, you wanted to cook. Are you sure about that?" Tanong ni Yvo nang makarating kami sa kusina.

"Yes. Trust me, I know how to cook." Oh shit. Paano ako magpapaliwanag kapag nagtanong siya? Hello, mahigit isang buwan lang yatang nawala si Jia, tapos bigla na lang babalik na marunong nang magluto. Oh fuck.

"Who—."

"Nagising na lang akong marunong magluto. I don't know how to explain it. Just trust me, hindi kita lalasunin." Pagbibiro kong ikinangiti niya ng maliit. Halos himatayin ako nang makita ko iyon.

"Marunong ka naman palang ngumiti." Sabi kong ikinaseryoso ni Yvo. Hindi na ako muling nagsalita nang maging seryoso na ulit ang mukha ni Yvo. Minsan lang gumanda ang mood niya kaya ayaw kong sirain iyon. Baka mamaya kung anu-ano na naman ang sabihin niya sa akin.

Natapos ang buong araw ko na hindi na muling kinibo ni Yvo. Dapat pala hindi ko na lamang pinansin ang pagngiti niya.

Teka nga, ano naman ngayon kung hindi niya ako pansinin o kibuin? Hindi ba't iyon naman ang dapat para hindi niya mahalatang may itinatago ako sa kaniya?

-

"Jino, kumusta sina Tatay?" Tanong ko kay Jino nang tawagan niya ako. Pinilit kong hinaan ang aking boses, baka kasi may makarinig.

"Maayos naman sila. Ikaw? Hindi ka ba pinapahirapan ni Yvo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Sa ngayon hindi pa, maayos pa naman ako. Hindi ko alam sa mga susunod na araw." Sagot ko sabay upo sa kama. "Natatakot ako."

"I'm really sorry, Quia."

"Okay lang, hindi ko lang talaga maiwasang hindi matakot. Lalo na ngayong parang iba na ang trato sa akin ni Yvo. Paunti-unting nagiging kaswal ang trato niya sa akin." Mahaba kong sabi na ikinabuntong-hininga ni Jino. "Natatakot akong baka isang araw malaman niya ang totoo."

"Paano kung mas magalit siya sa akin bilang Quia dahil sa ginagawa ko? Paano kung may gawin siyang masama? Paano kung ipakulong niya ako? Paano sina Tatay?" Paano na ang nararamdaman ko? Gusto ko sanang idugtong pero alam kong mali.

"Hindi iyon mangyayari, mahahanap pa natin si Jia. Bago niya malaman sisiguraduhin kong nandito na si Jia. Sa ngayon, kailangan mong mag-ingat." Malumanay ang boses na sabi niya. "Pero isa lang ang masisiguro ko, hindi ka sasaktan ni Yvo. Alam kong hanggang ngayon mahal niya pa rin ang kapatid ko."

Mahal niya pa rin si Jianna. Right, dapat lang talagang mag-ingat ako, hindi dahil sa baka malaman ni Yvo ang sekreto namin ni Jino, kundi dahil sa baka malaman niya ang nararamdaman ko.

Mali, hindi tama. Isa lang akong substitute. Pansamantalang uukopa sa posisyong hindi sa akin. Wala akong karapatan sa lahat, ang dapat ko lang gawin ay umarte hanggang sa dumating na ang taong talagang nararapat para kay Yvo.

Wala akong karapatang masaktan, lalo na't sa tingin ni Yvo'y ako si Jianna. Wala akong karapatang masaktan, dahil niloloko ko si Yvo. Isa pa, wala siyang nararamdaman para sa akin.

Ngayon ko lang talaga lubos na napagtantong mahirap ang sitwasyon ko. Nakakatakot, nakakasakit ng kalooban.

Wala akong karapatang magmahal. Wala akong karapatang iparamdam kay Yvo ang nararamdaman ko bilang si Quia. Dahil nga sa huli, si Jianna pa rin ang tatatak sa puso't isip ng mga taong nasa paligid ko. Si Jianna pa rin ang kilala ng mga taong niloloko ko.

Habang ako, nakatago sa anino ng taong tinalikuran ang lahat para sa bagay na walang sino man ang nakakaalam bukod sa kaniya.

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Jino ay kaagad na akong nahiga. Nalulunod ang diwa ko sa mga isiping patuloy na dumadaloy sa aking sistema.

Anong mangyayari sa araw ng bukas? Magiging maayos ba o panibagong galit ang isasalubong sa akin ni Yvo?

Alumpihit ako sa kama dahil sa mga isiping iyon. Hindi ako makatulog. Kaagad akong bumangon para bumaba sa kusina. Biglang nanuyo ang lalamunan ko, kailangan ko ng tubig.

"Gising ka pa?" Muntik na akong mapasigaw nang marinig ko ang boses ni Manang Salve; ang mayordoma sa malaking bahay ni Yvo.

"Hindi po kasi ako makatulog." magalang kong sagot bago kumuha ng tubig. "Kayo po? Hindi rin po ba kayo makatulog?"

Isang nagtatanong na tingin muna ang ibinigay sa akin ni Manang Salve. "Ganito ako, madaling araw na kung minsan bago makatulog. Nagsimula noong iwan mo si Yvo." Seryoso niyang sabi na ikinatahimik ko.

"Sorry po." mahina kong sabi sabay yuko.

"Hindi namin alam kung bakit mo iniwan si Yvo. Pero alam mo bang mas mabuti iyon kaysa sa gawing mong tanga ang lalaking inalagaan ko simula pa noong bata siya."

"Manang, wala po kasi akong maalala, pwede bang ikwento—."

"Para ano? Para iwan mo ulit siya kapag naalala mo na ang lahat? Alam mo Jia, hindi lingid sa akin ang ginagawa mong kalokohan sa alaga ko. Napakasama ng ugali mo, na kahit kaming kinalakihan ni Yvo ay pinupulaan mo." Bigla akong napalunok, ganoon ba kasama si Jia? Alam kaya iyon ni Jino?

"Mas mabuting wala kang maalala. Dahil doon hindi mo maiisipang iwan ulit si Yvo. Pero kung ako ang tatanungin, mas mabuting wala ka rito. Ayaw kong makitang muli ang Yvo na muntik nang magpakamatay nang dahil sayo."

Isang marahang paghinga ang pinakawalan ko bago sinalubong ang tingin ni Manang Salve. "Kung meron lang sana akong naaalala, ako po mismo ang aalis. Manang Salve, hindi ko gustong tumira dito na kasama si Yvo dahil sa mga nagawa ko. Alam kong masama ang tingin n'yo sa akin. Kung ayaw n'yo ako para kay Yvo, bakit hindi n'yo sabihin sa akin ang kwento ko? Baka kapag narinig ko't maalala ang lahat baka—."

"Iwan mo ako?" Para akong nanigas nang marinig ko ang boses ni Yvo mula sa bungad ng kusina.

"Maiwan ko na muna kayo." paalam ni Manang Salve.

"Yvo..."

"You want to know the whole story?" tanong niyang nakatingin sa akin nang mariin.

"Yvo, if—."

"Kapag narinig mo, aalis ka na? Iiwan mo ako ulit?" Tila nag-aapoy ang tinging ipinupukol sa akin ni Yvo.

"Yvo, that's not what—you don't understand. Kung kaya ko lang sabihin sa iyo ang totoo—."

"You were a bitch, a slut, a whore, who  loves to hurt me. Pero akong gago, hinahayaan ka dahil mahal kita. Hinayaan kong lokohin mo ako. Hinayaan kong makipaglandian ka sa mga kaibigan ko." Malamig niyang sabi na ikinapanlamig ng katawan ko. Oh my gosh Jianna, what the hell did you do?

"Your family doesn't know anything about that. Dahil nga sa tanga ako, hindi kita isinusumbong. Mahal kita eh, na kahit ginagago mo na ako ng harap-harapan, minamahal pa rin kita." Sabi niya sabay ngiti ng mapait. "Nakuha ko pa ngang alukin ka ng kasal. Dahil akala ko, mababago pa kita."

Hindi ko napigilan ang mapalunok. I don't know why but I started crying. Pakiramdam ko'y ako ang nasasaktan para kay Yvo.

"A week before our wedding, you've changed. Akala ko tuluyan ka nang nagbago. Pero noong gabi bago ang kasal natin, tinawagan mo ako. You told me that you're sorry. Na hindi mo gusto ang mangyayari sa araw ng kinabukasan. Na hindi mo alam ang gagawin mo. Na natatakot ka."

Tahimik lamang akong nakinig sa mga sinasabi ni Yvo. Umaasang baka may bagay na makapagtuturo sa amin ni Jino kung nasaan talaga si Jianna.

"I told you to stop worrying. Na baka kinakabahan ka lang. Pero umiyak ka bigla. Sabi mo sa akin na mahal mo rin ako, pero may mga bagay na hindi na talaga pwede. Sinabi mong ayaw mo akong saktan. Gusto kitang tanungin kung anong problema mo, pero binabaan mo na ako ng telepono.

Hindi ko napaghandaan ang araw ng kinabukasan. Hindi ka sumipot, iniwan mo akong napahiya sa harap ng maraming bisita. Hindi ka nagpaalam, walang sulat o kahit ano pa man. Kaya nagagalit ako sayo, gusto kong gumanti. Gusto kong maranasan mo ang pagkapahiya at sakit na naramdaman ko. Pero parang hindi ko yata kaya."

"Yvo..." Walang ampat sa pagtulo ang mga luha ko. He's hurting and it also makes me feel hurt.

"Hindi kita kayang saktan, Jia. Siguro nga tanga ako, kasi hanggang ngayon ramdam ko pa rin na mahal kita. Pero parang iba, iba sa pagmamahal ko noon sayo. Parang may mali na hindi ko maipaliwanag." Sabi ni Yvo na ikinanganga ko.

Oh no! Talagang mali Yvo! Kasi hindi naman ako si Jianna!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.