The Substitute Chapter 8

ILANG beses na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Yvo noong nakaraang linggo. Hindi iyon mawala sa aking sistema. Para bang may hatid iyon na kakaiba.

Alam kong mali, pero totoo na talaga ang nararamdaman ko. Masama na kung masama pero 'di ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para kay Yvo. Mabilis man, pero wala akong magagawa. Nariyan na ang nararamdaman ko. Mahirap na itong pigilan.

"You're cooking." Isang impit na sigaw ang pinakawalan ko nang marinig ko ang sinabi ni Yvo. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa kusina. Abala kasi ako sa paglalagay ng mga siomai na ako mismo ang gumawa.

Matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nagluto. Hindi man halata sa hitsura at ugali ko; marunong akong magluto. Hindi lang marunong, masarap din. Madalas akong nakakatanggap ng papuri mula sa mga magulang at mga kapitbahay namin noon. Minsan nga'y sumali pa ako sa pagligsahan ng pagluluto noong piyesta sa amin. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ako ang nanguna.

"Did I startle you?" Kunot ang noong tanong sa akin ni Yvo.

"Hindi ba halata?" mahina kong pagtataray.

Marahan siyang lumapit sa puwesto ko, pagkatapos ay matamang tiningnan ang aking ginagawa.

"Where did you lear—."

"I don't know." maagap kong sagot. Mahirap na baka kung saan pa mapunta ang pagtatanong niya. Hangga't maaari'y ayaw ko munang mabuko. Una dahil sa wala pa rin si Jia. Pangalawa ay dahil sa nararamdaman ko.

Nang matapos kong mailagay ang lahat ng siomai sa steamer ay kaagad ko namang ginawa ang sauce na para roon.

"Parang sanay na sanay ka na sa pagluluto." Nakangiting puna ni Yvo sa paglulutong ginagawa ko. Tiningnan ko lamang siya bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Naging abala kaming pareho. Tinatadtad ko ang bawang habang si Yvo ay tinutulungan ako sa paghahati ng kalamansi.

"Mahilig kasi akong manood ng mga tutorials sa youtube. Siguro dahil doon kaya ako natu—." Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang biglang pagbitaw ni Yvo sa kutsilyo.

"Shit." Narinig kog sabi niya habang hawak ang kamay na nasugatan.

"Akin na." Mabilis kong sabi bago ko hinila ang kaniyang kamay. Kaagad kong siyang dinala sa lababo, pagkatapos ay isinahod ang daliring hindi maampat ang pagdurugo.

"Dapat kasi hindi mo na lang ako tinulungan. Mukhang hindi ka naman sanay sa ganoon eh." naiinis kong sabi.

"Hey, I'm okay. Mababaw lang naman iyang sugat. Malayo sa bituka, hindi nakakamatay." Natatawang sabi sa akin ni Yvo. Inis na kinuha ko na lang ang medicine kit sa banyo.

"Kahit na, nagkasugat ka tuloy." Sagot ko habang binubuksan ang bote ng alcohol.

Kung okay lang sa kaniya na masugatan siya, sa akin ay hindi! Paano kung napalalim ang pagkakahiwa ng kutsilyo sa daliri niya? Paano kung maputulan siya ng daliri? Okay, ang oa ko na yata.

"Alright, I'm sorry, okay?" malaki ang ngiting sabi niya sa akin.

Ewan ko ba kung bakit, pero bigla akong natulala. Maybe because of his genuine smile? Or the way we talked?

I don't know.

Bakit pakiramdam ko nasa tamang lugar ako? Nasa tamang posisyon, o kaya'y nasa tamang tao? Pakiramdam ko sa tabi ni Yvo talaga ang lugar ko.

"I like you." Mahina kong sabi habang nilalagyan ng band aid ang kaniyang daliri.

"What?" Kunot ang noong tanong ni Yvo. Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong narinig niya ang sinabi ko. Mabilis ang kilos na kinuha ko ang mga gamit at dinala iyon sa banyo.

"Jia!" tawag sa akin ni Yvo mula sa labas. Wala naman akong magawa kundi ang lumabas ng banyo. Hindi naman kasi pwedeng iwan ko ang niluluto kong siomai. "Hey..."

Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang nakatayong si Yvo malapit sa lababo habang magkasalikop ang mga braso.

Bakit kailangang titigan pa niya ako? Hindi ba niya alam na nakakamatay ang kilig? Baka mamaya'y bigla akong mangisay sa harao niya.

"What?" taas ang kilay na balik tanong ko. Isang ngisi ang pinakawalan ni Yvo bago niya ako muling tinitigan.

"Come here..." utos niya sa akin. Hindi ko na alam kung puso ko pa ba ang tumatambol o may drum na talaga sa dibdib ko. Ramdam ko rin ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Umiinit na rin ang magkabila kong tainga, senyales na namumula na ang mga iyon. Oh damn it.

Nang hindi ako gumalaw sa puwesto ko'y mabilis akong hinila ni Yvo palapit sa kaniya. Magkahalong kaba, takot, tuwa at kilig ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"What—."

"I don't know. I just feel like I need to hug you." Halos libo-libong boltahe ng kuryente ang tumulay sa mga ugat ko nang sabihin iyon ni Yvo.

Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan. Ngiti na ako lang ang may alam dahil hindi naman iyon nakikita ni Yvo.

Ewan ko ba, parang lalo yatang lumalalim ang pagtingin ko para sa kaniya. Pagtinging kahit sa panaginip ay hindi masusuklian ni Yvo. Pagtinging hindi niya kailanman mapapansin. Pagtinging si Quia lang ang nakakaalam.

"I'm sorry." mahina kong sabi habang nakalapat ang kabilang bahagi ng aking mukha sa dibdib ni Yvo. "I'm really sorry." garalgal ang boses na pag-ulit ko sa sinabi.

"Don't be sweetie, nauunawan na kita." sagot naman ni Yvo.

Alam kong patungkol kay Jia ang sinabi ni Yvo. Ganoon pa man inako ko na lamang at pinanatag ang loob. Hihintayin ko na lang siguro ang takdang oras o panahon na kasing itim ng ulap na may kasamang kulog at kidlat ang galit sa akin ni Yvo. Sana lamang sa panahong iyon maunawaan niya rin ako bilang Quia.

"T-Thank you." sagot ko na lamang.

Isang mahigpit ngunit saglit na yakap ang iginanti ko bago ako kumawala sa kaniyang mga bisig. Mahirap na't baka kung ano pang masabi ko.

"I-I think it's done." sabi ko bago ako tumungo sa nilulutong siomai. Kaagad kong inalok si Yvo na walang atubili niyang pinaunlakan.

Pigil ang aking paghinga nang iangat ni Yvo ang chopsticks; dala ang siomai sa kaniyang bibig.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nang marahan siyang tumingin sa akin habang ngumunguya. Hindi ko na tuloy alam kung para saan ang kabog ng dibdib ko. Kung patungkol ba sa sasabihin ni Yvo o para sa pagtitig niyang nakakatunaw.

"Hi-Hindi mo naman isinawsaw e-eh." kinakabahan kong sabi nang maalalang hindi niya isinawsaw ang siomai.

Isang malutong na tawa ang isinagot sa akin ni Yvo. Pagkatapos ay marahan niya akong pinitik sa ilong. "Bakit ba nauutal ka? Kinakabahan ka ba? Masarap naman kahit hindi isawsaw."

Hayop ka Yvo, hulog na hulog na ako sayo. 'Wag ka namang ganiyan.

Sasagot na sana ako nang biglang sumingit ang tunog ng cellphone ni Yvo. Saglit siyang nagpaalam sa akin bago lumabas ng kusina.

Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ko inilipat sa malaking plato ang mga niluto ko.

"Sana pag-isipan mo ang mga ginagawa mo." Bigla akong napapitlag nang walang sabi-sabing nagsalita si Manang Salve. "Ayaw kong isang araw iwan mo na naman si Yvo."

Tahimik akong napairap. Noong mga nakaraang araw ko rito sa bahay ni Yvo'y napapagpasensiyahan ko pa si Manang Salve. Pero parang sa araw-araw yatang nagkakasalubong kami'y laging kontra siya sa akin. Hindi ko alam kung ganiyan na ba talaga ang pag-uugali niya o baka dahil lang sa ako si Jia sa paningin niya.

"Pero mas maigi na ngang umalis ka. Para hindi na masaktan si Yvo." dagdag pa ni Manang Salve.

"Manang Salve, hindi ko ho iiwan—."

"Hindi ka nararapat sa alaga ko. Wala kang kwentang babae. Isa kang pakawala at makating babae. Hindi ko nga alam kung bakit patay na patay sayo ang alaga ko." Maanghang niyang sabi na ikinakulo ng dugo ko. Sumusobra naman yata ito sa pagsasalita, to think na isa lamang itong mayordoma.

"Siguro dahil may nakita siya sa akin na hindi ninyo makita dahil bulag ang isip ninyo sa mga bagay na nagawa ko noon." Mariin kong sagot habang matalim na nakatingin sa kaniya. "Wala ho kayong karapatang diktahan ako. Hindi ko iiwan si Yvo, dahil mahal ko siya. Kung may nagawa man akong mali noon dala lang iyon ng kagipitan! Wala akong ibang magawa kundi ang iwan si Yvo dahil nga sa mahal ko siya!"

Isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi pagkatapos kong magsalita. "'Wag mong pagtataasan ng boses ang nanay ko! Wala kang karapatang sigaw-sigawan ang nanay ko dahil totoo naman ang sinasabi niya! Nang dahil sayo nagawang pagtangkaan ni Kuya Yvo ang sarili niya! Wala kang kwenta!"

Oh gosh, sorry Jino. Kailangan kong magsinungaling ulit. Sana nga lang magtugma ang rason namin ni Jia.

"Wala kayong alam sa kung anong nangyari! 'Wag ni'yo akong sisihin dahil tama lang ang ginawa ko! Isa pa, bakit ba kayo nanghihimasok? Problema na namin ni Yvo ang tungkol doon!" sigaw ko bago ako padabog na tumungo sa pinto ng kusina.

Pero bago pa man ako makalabas ay muling nagsalita si Manang Salve. "Hindi ka naman na mahal ni Yvo. Lahat ng ipinapakita niya, at ginagawa ay kasama sa plano niyang pahirapan ka."

Saglit akong natigilan. Saglit na tumigil ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tinusok ng isang daang karayom ang dibdib ko nang sabihin iyon ni Manang Salve.

"Alam ko." maiksi kong sagot bago tuluyang lumabas.

Tangina ni'yong lahat! Hayop! Akala ko pa naman—bakit ko ba naisip na totoo ang mga ipinapakita niya? Walang kapatawaran ang ginawa ni Jia, kaya malabong totoo ang mga ipinakita ni Yvo.

Bakit ba ang bilis kong maniwala? Napakagaga kasi ng puso ko.

Alam ko namang hindi dapat ako masaktan, dahil si Jia naman ang pinapatungkulan nila. Pero hindi ko talaga maiwasan eh. Nasasaktan pa rin ako, naiinis at nagagalit.

Hindi talaga siguro pwedeng pagkatiwalaan ang bawat galaw at sinasabi ni Yvo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.