The Tongue of Death (Filipino) Chapter 15

May kakaiba nga sa let**** community college ng magaling na Nicanor. Pansin ko 'yon habang tahimik kong binabagtas ang mahabang pasilyo ng Education building.

Nakatingin lahat ng estudyante sa akin, pero hindi tulad no'n na takot. Mukhang maalam na silang manuya dahil ni hindi man lang tinago ang mga ngisi sa mukha ng mga lech**. Mga lintek talaga. Alam kong kumalat na sa buong Community College ang tungkol sa pagpapalayas ni Nicanor sa akin, kaya ganiyan kalakas ang loob ng mga hay** na pagtawanan ako.

Ang inalala ko lang, 'yong mga nakalaban kong Professors. Sigurado akong pagtutulungan ako ng mga 'yon, lalo na't alam nilang hindi kami bati ni Nicanor.

"What a day we have here, Jemima."

May mga lech**** bubuyog na humarang sa daraanan ko. Nahinto ako sa paghakbang at matalim na nakipatitigan kay Vintosa. Anlakas ng loob ng babaeng 'to.

"Tumabi ka," babala ko.

"Uh no," sabi niya. Humakbang siya paabante at sinadyang tapakan ang rubber shoes kong bagong laba. "Opps, sorry." Mabilis siyang umatras at binilog ang bibig na parang bola-bolang masarap pisatin. "Look. Narumihan ang shoes mo."

"Arte mong lintek ka. Ilalampaso ko 'yang pagmumukha mong hay** ka!" gigil kong sigaw. Kanina pa ako rinding-rindi sa mga titig ng mga lech***, at magandang masampolan itong si Vintosa.

Kinuyom ko ang kamao at akmang itataas nang maramdaman kong may mariing humawak do'n. Marahas akong bumaling sa gilid at nakita ko ang seryosong Alferes. Pinisil niya ang kamao ko. Binawi ko ang kamay pero mariin niyang kinulong sa malaking palad ang kamao ko. Lintek. Nangingialam na naman 'tong si Alferes!

"Bitaw," gigil kong babala sa kaniya.

Saglit siyang nagbaba ng tingin sa akin bago bumaling sa mga lech*** bubuyog sa harap. "Read and understand the College's rules of conduct and disciplinary actions or else I'll let you memorize the alma matter's VMGO in front of the SSC Office," sabi niya kay Vintosa saka ako hinigit palampas sa mga lintek na bubuyog.

Bwi***!

"Bitaw sabi!" sigaw ko at pilit binabawi ang kamay mula sa kaniya. Pero naramdamann kong mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Lintek talaga! "Alferes!"

"Wag kang sumigaw, Jem. Nasa hallway tayo."

Natikom ko saglit ang bibig at napatingin sa paligid. May mangilan-ngilang estudyanteng nakatambay sa mga bench sa hallway, at may ilang nakakaslubong namin. Hindi na masyadong marami ang mga matang nakasunod sa akin.

"Sa'n mo ba ako dadalhin lintek ka. Ningudngud ko na sana ang kamao ko sa mukha ni Vintosa. Pakialamero ka talagang hay*** ka," sabi ko.

Hindi siya sumagot. Napansin kong papunta kami sa Student Affairs building. Lintek. May klase pa ako!

"Bitaw sabi, Alferes. Wala akong panahon sa sermon mo!"

Pinisil niya ang kamay ko pero hindi pa rin nagsalita. Bwi** na lalaking 'to. HIndi ko alam kung anong pinakain ng mga kaibigan niya sa kaniya pero hindi ko na gusto ang bagong Alferes. Mas mabuti pa 'yong noon na masyado pa siyang mangmang na hindi nag-iisip, at ang tanging ginagawa ay ang bwisitin ako tuwing nagkakaharap kami sa klase.

Mabilis niyang binuksan ang pinto ng SSC office at marahan akong tinulak papasok. Inis akong lumingon kay Alferes. Sinara niya ang pinto at humalukipkip sa harap ko. Tinitigan niya ako. Walang salita kaya mas lalo akong nainis.

"Magsalita ka naman, lintek na 'to oh."

Pero wala pa ring salita. Kumuyom ang kamao ko at marahas akong humalukipkip.

"Ano bang pakay mo, Alferes? Kung tutunganga ka lang diyan, mabuti pa'y aalis na ako sa lintek mong opisina. May klase pa akong hay*** ka."

Lumapit ako sa kaniya at akmang lalampasan siya nang hinuli niya ang palapulsuhan ko. Umikot ang mga mata ko sa eri. "Ano na naman ba?" bulalas ko.

Bumuntong-hinga siya. "Keep close."

Binaling ko ang mukha sa gilid at tumingala sa kaniya. Nakatitig din siya pababa sa akin. Marahas akong bumuntong-hinga. "Hindi tayo kambal-tuko kaya 'wag mo akong dramahan." Binawi ko ang palapulsuhan.

Pinihit ko ang seradura at tuloy-tuloy na lumabas sa opisina ni Alferes. Hindi na rin siya nagpumilit at hindi na rin niya ako sinundan. Lintek na 'yon. Hindi ko alam kung anong problema niya at basta-basta niya lang akong hinihigit sa opisina niya. Hindi siya gano'n dati kaya nakapagtataka ang inaasal niya ngayon. Ano bang nakain ng lintek na 'yon?

PINATAYO ako sa harap ng klase. Parang lintek na elementary student lang, minus sa tawanan ng mga estudyante. Kung ba't ako pinatayo? Kasi na-late ako ng sampung minuto. Lintek na 'yan.

"Class, let's take for example si Miss Cruz. Sampung minuto siyang late. But what if may problemang nangyari sa field. Example, may nangingitlog na inahing manok at may biglang papasok na ahas, pero dahil wala si Miss Cruz, malulunok ng buo ang inahin niya. Aba, luging-lugi. Wala na ngang inahin, wala pang nakuhang itlog."

Humalukipkip ako at umirap. "Ano bang silbi ng mga lintek na caretakers kung labas-masok ang ahas?" bulong ko saka tumingin sa labas ng bintana.

"May sinabi ka, Miss Cruz?"

Nagkibit-balikat ako. "Parang wala naman, Prof."

Tumaas ang kilay niya. "This is the lesson for you. Ang ayoko sa lahat ay late. Understood?"

"Oo. Lintek," bulong kong mura saka padabog na tinungo ang upuan ko sa likod. Ang nakagaan lang ng pakiramdam ko ay walang mga matang nakatitig sa akin. Sabagay, dalawa lang kaming babae sa subject na 'to kaya hindi talaga uso ang chismis sa loob ng classroom ng Prof ko sa Biometry.

Padabog akong naupo sa upuan ko. Nakita ko pa sa gilid ng mata ang kunot-noong pagsulyap sa akin ng seatmate kong lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Hah. Takot naman pala.

Wala namang nangyaring kakaiba paglabas ko ng classroom, dahil alam ko naman ang pwedeng maganap sa labas. Alam ko nang haharangan ako ni Vintosa, dahil sa sobrang laki ng let*** Community College kaya madalas kong nakakasalubong ang lintek sa hallway. Talagang sinusundan ako ng malas kaya hindi na ako magtataka kung umuusok ang ilong niya habang nagsisigaw sa harap ko.

"You made me like this! Isa kang malaking bully sa akin noon kaya here, you must taste your own medicine loser!"

At simula na ng mahabang lintanya niya. Gusto ko sanang sumingit pero bumubula pa ang bibig ni Vintosa kaya hinayaan ko na muna. Maya-maya pa'y may isang let***ng Professor  ang lumapit sa amin. Naningkit ang mga mata ko sa Professor. Siya 'yong nagsabing bibigyan niya ako ng tres. Aba naman. May nalanghap yatang masamang hangin ang isang 'to kaya halos magkadikit na ang dalawang kilay habang matalas ang titig sa akin. Humahakbang siya palapit na parang leyong handang sumunggab.

"What's happening?" tanong niya at tumayo sa harapan ko.

Naging artista bigla si Vintosa at paiyak-iyak pang nagsumbong sa Professor. Ang sabi ng lech*, tinulak ko raw siya sa hallway. At ang lintek, naniwala naman agad sa plastik. Mga pareho talagang let***. Kinaladkad ako ng butihing Professor papuntang guidance office. Kagigil talaga. Ba't andaming mga bob* sa mundo?

"Here, Miss Jocel. Ikaw na ang bahala sa batang to kasi may klase pa ako."

Ngumiti lang ang guidance at tinanaw ang Professor na lumabas ng opisina. Napahalukipkip ako. Ilang linggo na rin nang huli kong bisita rito at talagang kilala na ako ni Miss Jocel. Bumuntong-hinga ako.

"Ano na namang ginawa ng mga 'yon sa 'yo, Jemima?"

Sumimangot ako. "As usual, ginagawa na naman akong buntunan ng problema ng mga tao."

"Alam ba 'to ng parents mo?"

"Miss." Seryoso akong tumitig sa kaniya. "Sa tingin mo may pakialam 'yong Nicanor na 'yon sa akin? heh."

Tumango-tango siya. "How about si Mrs. Cruz?"

"Isa lang 'yong malaking puppet ng magaling kong ama. Buti nga nabawasan na 'yong mga lintek sa buhay ko nang matigok si Teresita."

"Jemima," saway niya saka bumuntong-hinga. "Bakit ka ba galit na galit sa kanila?"

Ngumuso ako. "Wala ka na ro'n, Miss."

Naningkit ang mga mata niya. "Yan din ang sagot mo the last time you're here. And you promised to tell me kapag nakabalik ka rito. I guess, it's the right time." Ngumiti siya sa akin. "Spill it, Jemima. You know that I will never tell anyone. Besides, I am a good secret keeper."

Ilang minuto akong tumitig sa kaniya at napabuntong-hinga ako. LIntek talaga. Nadale ako sa salita ko. Wala akong balak na mag-open up sa guidance counselor pero hindi ko naman gustong baliin ang pangako kong magiging totoo sa kaniya. Kung bakit naman kasi pinangunguhanan ako ng emosyon, kaya ayan, mabilis magbitaw ng salita nang hindi pinag-iisipan. Nagbaba ako ng tingin. "Kasi..."

"Kasi...?"

Lintek talaga.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at mariing nakipagtitigan. "Sila ang gumawa sa taong kausap mo ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Sila. Sila lang at wala nang iba."

Nakita ko kung paano nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Napaikhim siya. "Sabihin mo kung bakit? What happened? What have they done to you? Nakikinig ako, Jemima."

"Ah." Humalukipkip na naman ako at natawa. "Sa susunod na, Miss. Sinagot ko na ang tanong mo no'ng huling bisita ko rito." Tumayo ako at ngumiti sa kaniya.

Huminga siya nang malalim. Natawa na naman ako.

Oo, Miss Jocel. Hindi ako madaling paamuhin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.