Kanina ko pa iniisip ‘yong mga sinabi ni mama at ni Jake. Bakit hindi ko subukang buksan ulit itong puso ko? Kinapa ko ang aking puso kung wala na ba ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong naka-move on na ako, siguro panahon na nga para ayusin ko na itong buhay ko.
Ang totoo niyan gusto ko na rin namang maranasang magmahal ulit at mahalin, kaso mas nangingibabaw sa'kin ang takot. Ayoko na ulit maranasan ‘yong nangyari sa'kin. Sa t’wing pipikit ako ay mukha ni Celestine ang nakikita ko, ang maamo niyang mukha ang siyang hindi ko makalimutan.
"Love at first sight? Tsss!” Sabi ko sa aking sarili. Ganitong-ganito ko nakilala si Arianne dahil una ko pa lang siyang makita ay nabighani na ako kagad sa kan’ya. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng mangyari ay nagdadalawang isip na ako.
Mabilis akong tumayo sa aking upuan at lumabas ng opisina ko. Pupuntahan ko si Celestine, kahit na masulyapan ko lang siya. No, gusto ko siyang makausap. Tama kakausapin ko nga siya, pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya?
"Fuck!” Mahinang mura ko at sabay hampas sa aking manibela habang tinatahak ko papunta sa bahay ni Celestine. Sa dami ng babaeng nai-date ko na bakit ngayon pa ako nagkaganito? Hindi pa ako nakakalapit sa bahay nila ay may natanaw ako na may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila, kaya inihinto ko muna ang kotse ko malapit sa kanila. Mabuti na lamang at tinted itong sasakyan ko kaya hindi kita kung sino ang nasa loob.
Kita ko kung pano siya tignan noong lalaking kausap niya alam kong may gusto siya kay Celestine, kita ko naman kung paano gantihan ng ngiti ni Celestine iyong lalaking kasama niya. Huli na ba ako? Bulong ko sa aking sarili bumuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan sila.
Nang makaalis na ‘yong lalaking kasama niya ay napatingin naman ito sa gawi ko, tingin ko namukhaan niya ang sasakyan ko dahil minsan ko na itong naihatid sa kanila. Pagkuwa'y pumasok na lang siya sa loob. Ilang minuto pa ang nilagi ko roon at umalis na rin ako kaagad, tama na ‘yong nakita ko siya.
"Hijo nariyan ka na pala," nakangiting bungad sa'kin ni papa. Kasalukuyang nasa sala sila ni mama at… what the?! Nagulat naman ako sa kanilang ayos. Si mama na grabe kung makayakap kay papa at nakahawak naman si papa sa bewang ni mama.
"Oh kumusta anak?” Napakalas lang si mama ng umupo ako sa pang-isahang upuan at tinitigan muna sila ng taimtim.
"Bakit anak, may problema ba?” Tanong ni mama, hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa nakita kong ayos nila kanina. Tumikhim muna ko at hinarap sila.
"Balak niyo na ba ako sundan ma, pa?”
"Sa tanda naming ito tingin mo ba mabubuntis pa ‘ko ha Wallace?!” Inis naman akong tinitigan ni mama.
"Honey malay mo naman puwede pa?” Natatawang wika naman ni papa sabay kindat sa'kin na ikinatawa ko.
"Hoy Simon mahiya ka nga ang tanda- tanda mo na! Mag-ama nga talaga kayo!”
"Syempre ma dahil pareho kaming gwapo," inirapan lang ako at muling kinulit ito ni papa. Nakakatuwa lang silang pagmasdan, dahil sa edad nilang ‘yan ay masasabi kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang nag-away dahil sa babae, dahil may umaali-aligid kay papa, bagkus nagkaroon sila ng tiwala sa isa’t- isa at naniwala sa kanilang pagmamahal.
Ako kaya, kailan ko mararanasan ang katulad sa mga magulang ko? Naalala kong muli si Celestine. I think she's not the right girl for me.
CELESTINE POV
"Celestine anak gising na! May pasok ka pa,” katok ni mama sa labas ng aking kuwarto. Pagod naman akong bumangon at kinusot-kusot ko ang aking mga mata.
"Opo ma!” Sigaw ko naman.
"Sige anak bumaba ka na lang para makapag-almusal."
"Sige po susunod ako," inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba.
Akmang lalabas na ako ng kuwarto ng biglang kumirot ang ulo ko kaya’t napahawak ako sa aking ulo. Umupo muna ako sa dulo ng aking kama at pinahupa muna ang sakit. Napapansin ko na napapadalas ang pagsakit ng aking ulo at nagiging makakalimutin na rin ako.
Naii-stress na rin siguro ako sa pag-aaral, dahil kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko para hindi mawala ang scholarship ko. Iyon na lang kasi ang maitutulong ko kina mama at papa, dahil ayokong makadagdag pa sa kanilang mga gastusin. Sa gamot na lang ni papa ay halos doon na napupunta ang kan’yang sinasahod sa pagiging cook sa restaurant na pinapasukan niya.
Ayaw naman niyang tumigil sa pagtatrabaho, binibigyan naman siya nila kuya ng pera para may pambili ng gamot ngunit hindi rin naman ito sapat dahil sa dami rin ng aming bayarin. May sakit sa puso si papa at highblood na rin, kaya hindi dapat siya masyadong mapagod.
Mabuti na lamang at mabait ang may- ari ng pinapasukan ni papa at hindi siya binibigyan ng mga mabibigat na trabaho. Nang medyo um-okay na ang pakiramdam ko ay tumayo na akong muli at lumabas na ng aking kwarto. Naabutan kong nag-aalmusal na sila. Umupo naman ako sa aking puwesto, katabi sila kuya.
"Anak may nakakalimutan ka yata?” Nakangusong tanong ni papa.
"Ano po ‘yon pa?” Takang tanong ko naman sa kan’ya.
"Hindi ka na yata humahalik sa amin ng mama mo kapag umaga," may himig ng patatampo na saad ni papa.
"Ay ganoon po ba?”
"Naku ikaw talaga, nagtampo naman kay Celestine, isang beses lang naman iyon eh,” natatawa namang turan ni mama.
"Oo nga pala Cel, hinatid ka pala ni banlag kagabi?” Baling sa'kin ni kuya Darren na tapos nang kumain. Nakakunot noo ko siyang tinitigan. Hinatid? Nino? Tanong ko sa aking isipan.
"Cel, tinatanong ka ni kuya Darren mo," sabi naman ni kuya Clarence na nasa kaliwang bahagi ko.
"Ha, ah oo kuya."
"Nanliligaw na naman ba ulit?”
"S-sino?” Kunot noo kong tinitigan si kuya Clarence at tinignan din niya ako ng may pagtataka sa kan’yang hitsura.
"E ‘di si Chris, meron pa bang iba?” Hindi kaagad ako nakasagot.
"Napapansin ko sa’yo lately na nagiging makakalimutin ka na Cel, may problema ba sa school?”
"Wala naman kuya Clarence, stress lang siguro ‘to.”
"Hija ‘wag mo masyadong pagurin sa pag-aaral ‘yang sarili mo, yayain mo ulit lumabas si Kian para makapag-unwind ka naman."
"Ma ‘yong huling lumabas si Cel, e ‘di ba umuwi nga ‘yang lasing," inis na hinarap ni kuya Darren si mama.
"Basta ayoko nang pupunta ka ng bar ha Celestine?”
"Ma wala rin naman po akong balak, at isa pa kailangan ko mag-aral dahil marami kaming activities ngayon.”
"Okay sige hija ikaw ang bahala," hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko, nagiging makakalimutin nga ako, hindi naman ako ganito dati may nakakalimutan man ako pero hindi ganito kalala, may time pa na pati daan papunta sa school ay hindi ko matandaan.
Tama, stress lang ako kaya siguro may mga bagay-bagay akong nakakalimutan. Mama's right mukhang need ko makapag-unwind para maging fresh ulit ang utak ko. Tinapos ko na kaagad ang pagkain ko at tinungo ang aking kuwarto para makapag-ayos papasok sa school.