Pagkapasok ko ng gate ng bahay namin ay nabungaran ko kaagad si kuya Clarence na nakapamulsa at halatang kararating lang galing opisina.
"Sino ‘yong naghatid sa’yo?” Takang tanong sa’kin na ang dalawang kamay ay nakalagay sa kan’yang magkabilang bulsa.
"S-si a-ano k-kuya," paano ko ba sasabihin sa kan’ya baka magalit, bulong ko sa aking sarili.
"Sino Celestine?” Ito na naman ang ma-awtoridad na tanong niya, na talaga namang nakakatakot.
"Si D-doc wWallace kuya."
"What?!” Sabi ko na nga ba eh.
"Bakit ka niya hinatid?”
"Nagkita lang kami tapos iyon hinatid niya ‘ko, that's it kuya.”
"Ayoko nang lalapit ka sa kan’ya ah! Gagawin ka lang no’n na isa sa mga koleksyon niya!”
"Nakikipagkaibigan lang naman siya kuya, wala naman sigurong masama roon at saka isa pa hindi ko siya papatulan dahil alam ko namang babaero ‘yon!” Mahabang paliwanag ko kay kuya Clarence.
"Bakit namumula ‘yang pisngi mo?” Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakalimutan kong nasampal nga pala ako kanina. Magsasalita pa sana siya ng biglang lumabas si mama at nakita kami ni kuya.
"Bakit nandito pa kayo sa labas? Anong pinag-uusapan niyong dalawa?” Sasagot na sana ako ng si kuya na ang magsalita.
"Hinatid kasi siya ma noong doctor na ‘yon! Sabi ko ‘wag masyado mgdidikit do’n dahil isasama lang siya sa mga koleksyon no’n. Aray ma!” Napahimas naman si kuya sa kan’yang braso dahil sa lakas ng pagkakapalo ni mama sa kan’ya.
"Hindi naman siguro gano’n! Saka wala naman sigurong masamang intensyon ‘yong tao rito sa kapatid mo.”
"Paano ka nkakasiguro ha ma? Ikaw na ang nagsabi na buntis ka pa kay Celestine noon noong huli mo siyang makita."
"Ah basta! Tumigil ka na riyan Clarence ah! Ayoko nang pagsasalitaan mo ng masama si Doc Wallace."
"Seriously ma?!”
"Oo! Halika ka na Celestine sa loob, hayaan mo na ‘yang kuya mo," sabay irap naman ni mama kay kuya Clarence na ngayo’y inis na inis kay mama.
Kakatapos ko lang maligo ay umupo naman ako sa aking study table at sinimulan kong mag-aral. Bubuksan ko na sana ang aking libro ng makita ko sa ibabaw ang diary ko. Kinuha ko muna ito at binuksan. Naisipan ko namang magsulat muna rito.
Dear diary,
Masaya ako ngayong araw kasi nakita ko na naman ang crush kong doctor. Siya si Doctor Wallace Miller, may magandang mata na kulay tsokolate, matangos ang ilong at may maliit at mapupulang labi. 11 years nga lang ang age gap namin, mas matanda pa nga siya kay kuya eh. Mabait naman siya iyon nga lang babaero, ayoko sa babaero. Pero crush ko lang naman siya hanggang dun lang ‘yon. Pagkasulat ko no’n sa aking diary ay isinara ko na ito at tinitigan. Dito nakasulat ang lahat ng mga magpapaalala sa'kin.
WALLACE POV
"Hi ma!” Bati ko sa kan’ya at hinalikan siya sa pisngi, nasa garden siya at inaayos ang kan’yang mga halaman.
"Si papa?”
"Kanina pa umalis magkikita raw sila ni tito Cedric mo."
"Sige ma aalis na rin ako," tatalikod na sana ako nang magsalitang muli si mama.
"Tumawag sa'kin si Celicia hinatid mo raw sa kanila si Celestine?” Masayang hinarap naman ako ni mama pagkabanggit niya ng pangalan ni Celestine.
"Ah oo ma, nakita ko kasi siya kasama ‘yong kaibigan niya sa isang mall.
"Bakit mo naman siya hinatid?” Nakangiti pa rin si mama sa'kin at hinihintay ang aking sagot. Ano naman ang isasagot ko? Na sinampal siya ng ka-date ko? Alam kong magagalit si mama kapag sinabi ko ‘yon.
"Wala lang ma inalok ko lang siya na ihatid sa kanila."
"Ay mabuti naman hijo!” Napapalakpak pa siya pagkasabi noon. "Mabuti at sinunod mo ang sinabi ko sa’yo?”
"Ang alin ma?” Takang tanong ko sa kan’ya.
"Na i-date mo siya, dahil siya ang gusto ko para sa’yo, at alam ko siya ang makakapagpabago sa pagiging manyak mo!”
"Ma, I have my needs lalaki ako hindi puwedeng mawala sa isang lalaki ‘yon, saka hindi ko siya dinedate."
"Anong ginagawa niyang palad mo? kahit ilang beses ka pa labasan," napamulagat naman ako sa sinabi ni mama.
"Ma she's too young okay!”
"E ano naman?! Bakit si Vic Sotto nga at Pauleen Luna halos magtatay na sila eh, e kayo ilang taon lang ang agwat niyo," wala na finish na talo na talaga ako sa mama ko lagi na lang may pang-counter sa'kin. Sabi ko na lang sa aking sarili.
"Basta i-date mo siya anak i-try mo lang, wala namang mawawala eh."
"Sa'kin ma malaki ang mawawala. Mawawalan ako ng ano… you know!”
"Tumigil-tigil ka riyan Wallace ah, gugupitin ko ‘yang upo mo para wala ka ng dahilan pa!” Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na talaga akong magagawa. Pinipilit ko ng makaiwas, pero sadyang pinaglalapit talaga kami ng tadhana.
"Oh Wal wala ka yata sa mood?” Tanong sa'kin ni Jake nang makasakay na kami sa elevator. "Wala ka sigurong potpot no?” Pang-aasar ni jake sa'kin, mabuti na lang at dalawa lang kaming nakasakay at walang ibang nakakarinig.
"Si mama kasi pinipilit akong makipag-date doon sa anak ng best friend niya," nakasimangot ko namang sagot.
"E ‘di makipag-date ka, ‘di ba ‘yon naman ang ginagawa mo? Tapos deretso kama, ano pa bang bago do’n?” Bago ako sumagot ay lumabas muna kami ng elevator at naglakad patungo sa aking opisina.
"She's different hindi siya ganoong klaseng babae."
"Oh! You mean she's innocent huh?”
"Yeah right! I don’t like that kind of girl, you know me Jake."
"Bakit hindi mo kaya i-try magseryoso? It’s been years Wal!” Umupo naman siya sa sofa at ako naman ay sa aking swivel chair.
"Para ano? Para maranasan ko ulit kung gaano kasakit ‘yong nangyari sa'kin non?”
"Wal tulad ng sinabi mo she's innocent bakit kaya hindi mo siya kilalanin? Lahat naman tayo Wal nasasaktan kasi nagmamahal tayo, masyado ka lang nabaliw sa pagmamahal noon kaya sobra kang nasaktan," natahimik ako sa sinabi ni Jake. Totoo naman ang mga sinabi niya. Nagkaron na yata ako ng trauma kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusubok magmahal ulit. Pero nang una kong makita si Celestine, hindi ko alam kung bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko noon. Oo nga at maganda siya, marami rin nman akong nakikilalang magaganda, pero siya kakaiba ang epekto sa'kin na hindi ko maipaliwanag. Kailangan kong pigilan kung ano man itong nararamdaman ko, hindi dapat ako magpadala.
"Pag-isipan mo Wal ‘yong mga sinabi ko sa’yo," tumayo na siya at tuluyan nang lumabas ng aking opisina. Napasandal naman ako sa aking upuan at pumikit.
CELESTINE POV
"Hoy beshy kumusta na kayo ni Doctor Wallace?” Nakangisi akong binalingan ni Kian at inirapan ko lang ito.
“Anong kumusta ka riyan?! Tigilan mo nga ako sa mga pang-aasar mo,” palabas na kami ng silid dahil kakatapos lang ng huling klase namin. Naabutan ko naman si Chris na nakatayo malapit sa may pintuan sa labas at alam kong ako ang hinihintay niya.
"Hi!” Nakangiting bati niya sa'kin.
"Chris ikaw pala, kanina ka pa?”
"Hindi naman kakatapos lang din ng huling klase ko."
"Sige na beshy kita na lang tayo bukas, tutal may kasabay ka na namang umuwi eh."
"Sumabay ka na lang din sa amin Kiana," sabi ko sa kan’ya.
"Ano ako chaperone? Sige na para naman may quality time kayong dalawa! Bye beshy!” Hindi ko na siya napigilan dahil mabilis itong tumakbo palayo.
"Kiana naman!” Sigaw ko ng hindi pa siya gaano nakakalayo.
"Kita na lang tayo bukas!” Kumaway pa siya at nagkunwaring kinikilig.
"Hatid na kita Celestine."
"Ah, s-sige," wala kaming imik habang nasa sasakyan kami. At maya-maya ay ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Aahmm, chris."
"Hmn?” Sinulyapan niya muna ako saglit at binalik ang tingin sa daan.
"P-puwede bang maging magkaibigan na lang tayo?” Ngumiti muna siya at saka nagsalita.
"Alam ko naman noong una palang na ayaw mo sa'kin eh," may himig ng lungkot niyang wika.
"Hindi naman sa hindi kita gusto, gusto kita Chris kaso bilang kaibigan."
"I know Celestine, okay lang naman basta ‘wag mo lang akong iwasan.
"Oo naman!” Nakita kong sumilay ang ngiti niya sa mga labi.
"Salamat pala sa paghatid ah," saad ko nang makababa na kami ng sasakyan niya at nasa tapat kami ng aming gate.
"Wala ‘yon, so magkaibigan na tayo?” Natawa naman ako sa kan’yang tinuran dahil halatang nahihiya ito pagkasabi noon.
"Oo friends!” Nilahad ko naman ang aking kamay at malugod naman niya itong tinanggap. "Hindi ka na ba muna papasok?”
"Hindi na Celestine, baka kasi nand’yan na mga kuya mo eh."
"Natatakot ka ba sa kanila?” Tumawa ako ng bahagya. Dahil tuwing pupunta na lang siya rito sa bahay ay parang lagi siyang dinadarag ng dalawa kong kapatid.
"M-medyo,” nag-aalangan naman niyang sagot.
"Pasensya ka na do’n sa dalawa kong kapatid ah? Gano’n lang talaga ‘yong mga ‘yon,”
"Don’t worry Celestine naiintindihan ko naman, alam ko namang pinoprotektahan ka lang nila,” ngumiti lang ako sa kan’ya.
"Sige Celestine mauna na ako ah.”
"Ingat ka Chris," pumasok na siya sa kaniyang sasakyan at hinintay ko muna ito makaalis.
Papasok na sana ako ng may napansin akong pamilyar na black SUV sa ‘di kalayuan. Kamukha lang siguro, ipinagkibit balikat ko na lang ito at pumasok na ako sa loob ng bahay.