Bago nagsalita ang doktor ay tumingin muna ito sa'kin ng taimtim at ibinigay ang resulta ng aking mga laboratory. Ipinaliwanag naman niya ito kaagad sa'kin na para bang nagdadalawang isip pa kung sasabihin niya o hindi.
"Miss Ordonez, I’m sorry to say this but__” putol muna niya sa kan’yang sasabihin.
"What is it doctor? Ano po ang sakit ko?” Kinakabahang tanong ko sa doktor
"You have a Severe Alzheimer’s Miss Ordonez," parang biglang tumigil ang paghinga ko dahil sa aking narinig, kaya muli ko itong pinaulit sa doktor baka kako nagkakamali lang ako ng dinig.
"A-ano po? Ano p-pong s-sakit ko?” Garalgal kong tanong, at titig na titig ako sa doktor.
"You have a Severe Alzheimer’s," at doon na nagsimulang magbagsakan ang aking mga luha, si Kian naman ay napatutop ng kan’yang bibig sa gulat at dahan-dahan akong sinulyapan, humigpit naman ang pagkapit niya sa aking kamay at ramdam ko ang panginginig din nito.
"Dok baka naman po nagkakamali kayo? Ulitin uli natin ‘yong laboratory ni Celestine dok! Sige na po dok," pinigilan ko naman si Kian at muli ako nitong tinignan na naluluha na rin.
"Beshy,” umiling lang ako sa kan’ya para hindi na siya magpumilit pa.
"Ang kailangan mo lang gawin Miss Ordonez ay inumin mo ang mga ni-reseta kong gamot sa’yo."
"D-dok, ano pong ba ang mangyayari sa'kin?”
"Sa ngayon Miss Ordonez unti-unti mong makakalimutan ang mga nakasanayan mo na, ultimo pamilya mo mga kaibigan mo, at isa pa…”
"A-ano po “yon dok?” Saglit muna siyang tumahimik at saka muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Lahat ng mga ginagawa mo, tulad nang paliligo, pagkain, pagsusuot ng damit or even pagpunta sa banyo ay hindi mo na magagawa, mag-iiba rin ang ugali mo tulad ng pagiging magagalitin mo. At dahil severe na ang sakit mo, maaaring 3-9 months na lang ang itagal mo maswerte ka pa kung umabot ka ng isang taon.” Sa mga sinabing iyon ng doktor parang sinusuntok ang aking dibdib, sobrang sakit marinig ang bawat salitang sinasabi sa'kin ng doktor.
Paano nga kung isang araw ay wala na akong maalala? Paano na ang pamilya ko? At paano na rin si Doc Wallace na ngayon ay mahal na mahal ko na? Pati ba naman ang nararamdaman ko sa kan’ya ay makakalimutan ko rin?
Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na naiwasan ang mapahagulgol, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang sakit ko, alam kong masasaktan sila.
Nakalabas na kami ni Kian sa opisina ng doktor ay nanlalambot pa rin ako na ano mang oras ay babagsak ako, kaya naman pinaupo muna ako ni Kian sa gilid.
"Beshy anong plano mo? Sasabihin mo na ba sa pamilya mo at lalong-lalo na kay Doctor Wallace?” Saad niya sa akin at ako nama'y nakayuko lang.
"Ililihim ko muna sa kanila ang sakit ko, ayoko munang malaman nila."
"Pero beshy naman, hanggang kailan mo itatago? Kapag malala ka na? Kapag hindi mo na kami nakikilala?” Nag-angat naman ako ng tingin at nakita kong umiiyak na siya. Alam kong nasasaktan din siya para sa'kin.
"Please Kiana ilihim muna natin ito, sasabihin ko rin naman pero hindi pa ngayon, hindi pa ako handa,” nagpakawala na lang siya ng malakas na buntong hininga saka ako muling niyakap.
Tatayo na sana kami sa pagkakaupo ng biglang tumawag si Kuya Clarence sa aking telepono.
"Cel si papa!” Nabalutan naman ng kaba ang dibdib ko dahil sa tono ng pananalita ni kuya kaya bigla akong napatayo ganoon din si Kian.
"Anong nangyari kay papa?”
"Inatake na naman si papa nandito kami ngayon sa ospital kung saan siya noon dinala. Cel pumunta ka kaagad dito dahil hinahanap ka niya," dinig ko ang panginginig ng boses ni kuya.
"Sige kuya pupunta na ko riyan!” Pagkasabi kong iyon ay tumakbo na kami ni Kian papunta ng E.R kung saan naka-confine si papa. Naabutan naman namin si mama na nasa tabi ni papa at sila kuya naman ay panay ang hagod nito sa likod ni mama na umiiyak.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila at habang lumalapit ako ay nakatingin lang ako kay papa na nakaratay sa kama at maraming aparato na nakakabit sa kan’ya. Nang makalapit na ako ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at inilapit sa aking pisngi.
"P-papa, nandito na po ako, nandito na ‘yong prinsesa niyo," nakita ko naman dumilat si papa kaya napatayo ng bahagya si mama at hinaplos ang buhok nito.
"Honey, ‘wag kang mag-alala magiging okay ka rin ‘wag kang susuko ha?” Umiiyak na turan ni mama na nauwi sa paghagulgol.
"Ma ‘wag kang umiyak magiging okay din si papa, ‘di ba pa?” Baling ni Kuya Darren kay papa at kumurap lang ng marahan si papa bilang pagtugon.
Samantalang si Kuya Clarence naman ay tahimik lang na nakayuko na para bang alam na nito ang susunod na mangyayari. Maya- maya ay dahan-dahang tinanggal ni papa ang oxygen na nakakabit sa kan’ya at sinulyapan si mama na hawak-hawak ang kamay ni papa.
"H-hon-ey, m-mahal n-na m-mahal k-kita,” hirap na wika ni papa.
"Mahal na mahal din kita honey kaya please lang lumaban ka at ‘wag mo naman kaming iwan please honey!” Hindi na napigilan pa ni mama ang mapasigaw kaya niyakap na lang siya ni Kuya Darren.
"M-mga anak alagaan niyo ang mama niyo, huwag niyong pababayaan ah?”
"Pa ‘wag ka ng magsalita magpahinga ka na lang muna makakasama sa’yo ‘yan eh," sabi naman ni Kuya Darren na yakap-yakap pa rin si mama. Pagkuwa’y ako naman ang binalingan ni papa at ngumiti sa akin.
"My p-princess, m-mahal na m-mahal ka ni papa."
"I know pa, I know kaya please magpagaling ka ha?” Walang naririnig sa E.R kun’di ang mga hagulgol namin ni mama dahil alam naman namin na anytime ay kukunin na sa amin si papa.
Ilang sandali pa ay narinig na namin ang machine hudyat na nag-flat line ito kaya naman dali-dali kaming tumawag ng doktor. Pagkarating ng doktor doon ay imbes na i-revive si papa ay tumingin lamang ito sa amin at yumuko.
"Dok anong ginagawa mo bakit hindi mo i-revive ang papa namin?!” Sigaw ni Kuya Darren sa doktor. Dahil sa galit niya ay kinuwelyuhan niya ito at inawat naman ni Kuya Clarence.
"Darren stop making a scene!” Sigaw naman ni Kuya Clarence kay Kuya Darren.
"Bakit kuya ayaw mo bang mabuhay si papa?”
"Hindi sa ganoon Darren! Si papa na ang nag-desisyon.” Lahat kami ay napatingin kay Kuya Clarence. Anong ibig sabihin ni Kuya Clarence?
"A-anak anong ibig mong sabihin?”
"Ma, I'm sorry ayaw ipasabi ni papa. Dahil noong mga oras na sinugod natin siya rito ay kinausap ako ng doktor na kapag inatake pa si papa ay hindi nila alam kung mabubuhay pa raw ulit si papa. Sinabi ko ‘yon kay papa kaya nag-decide siya mag-fill up ng DNR kahit na labag sa loob ko ‘yon sinunod ko ‘yon ma para kay papa.
"Bakit Clarence?! Bakit? Hindi mo dapat sinunod ang papa mo! Sinabi mo dapat sa'kin. Ako ang asawa Clarence!”
"I-i'm sorry ma," nakayukong sabi ni Kuya Clarence na ngayon ay umiiyak na rin. Lumapit naman si mama at niyakap si kuya.
"I'm sorry anak, hindi ko lang kaya mawala ang papa mo. Pero tatanggapin ko kahit masakit at least hindi na siya mahihirapan pa.
"Don’t worry ma nandito naman kami hinding- hindi ka namin pababayaan. Hinaplos ko naman ang mukha ni papa na ngayon ay wala ng buhay.
"Pa, pahinga ka na kami na nila kuya ang bahala kay mama ‘wag ka ng mag-alala okay?” Hinalikan ko si papa sa kan’yang noo at saka bumulong ako sa kan’ya. "Wait for me there papa in a few months magkikita rin tayo.”