“Dok may bisita po kayo, doon ko na po siya pinaghintay sa opisina niyo," sabi sa akin ng isang nurse na naka-duty ngayon.
"Sino raw?”
"Arianne po ang pangalan," bigla namang nanlaki ang mata ko sa narinig kung sino ang nasa aking opisina ngayon.
Ang babaeng sumira sa relasyon namin noon ay bigla namang bumalik, pero bakit? Ano pa ang kailangan niya? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
Dali-dali naman akong nagtungo sa aking opisina at pagkabukas ko ng aking opisina ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Nagulat pa ako sa klase ng suot niya na akala mo'y hindi ospital ang pupuntahan.
Nakasuot ito ng black dress na lagpas tuhod at halos lumuwa na ang dibdib nito. Napairap na lang ako ng makita siya. Umupo naman ako sa harap niya at nakangiting nakatitig sa akin.
"Anong kailangan mo?” Bungad ko kaagad sa kan’ya.
"Kumusta ka na?” Tumawa naman ako ng pagak at matalim siyang tinitigan.
"I’m very much okay, now leave."
"Hindi mo ba muna ako kukumustahin?”
"Para ano? Hindi na kailangan dahil alam kong okay na okay ka. Umalis ka na dahil marami pa akong gagawin.” Tumayo na ako at uupo na sana sa aking swivel chair ng muli siyang magsalita.
"Your son wants to see you," napalingon ako sa kan’ya pagkatapos niyang sabihin iyon. May anak ako? Paanong nangyari iyon?
"My son? Paano naman ako nagkaroon ng anak sa'yo?” Tumayo muna siya at lumapit sa akin.
"Buntis na ako that time noong makita mo ‘ko ng gabing may___”
"Stop making lies! Hindi ko na pinatapos pa ang susunod niyang sasabihin at hinawakan ko ang kan’yang palapulsuhan na humahawak sa aking dibdib. "At sa tingin mo na maniniwala ako sa’yo ha?! Minsan mo na akong niloko pero hindi na ngayon," pabalagbag ko naman siyang binitawan.
"He's your son Wallace!”
"Oh really? Tahimik na ang buhay ko bakit pilit mo pang ginugulo?! Anak ko? Baka anak mo sa ibang lalaki?!” Hindi ko na napigilan pang sigawan siya dahil sa galit.
Tumalikod siya saglit at may kinuha sa kan’yang bag, inabot niya sa'kin ang isang puting sobre.
"Ano ito?” Nakakunot kong tanong sa kan’ya.
"See it for yourself," binuksan ko naman ang sobre at tumambad doon ang DNA test at nakasulat ang resulta doon at nagsasabing ako ang ama ng sinasabi niyang anak ko raw. Bumuga naman ako sa hangin at hinarap siya.
"Sa tingin mo maniniwala ako? Paano mo ito ginawa kung matagal na tayong hiwalay?”
"Hon may mga gamit ka na kinuha ko bago ako umalis dahil alam kong darating ang panahon na hindi ka maniniwala sa'kin. Saglit na namutawi ang katahimikan at muli ko siyang tinitigan kung totoo ba ang sinasabi niya. Pero hindi ko mabasa kung ano man ang nasa isip niya.
"What's his name?” Sumilay naman ang ngiti niya sa kan’yang mga labi matapos kong itanong iyon.
"He's name is Lance, katunog ng pangalan mo.”
“I want to see him.”
"O-oo dadalhin ko siya kahit bukas puwede ko siyang dalhin sa’yo," yayakapin sana niya ako ngunit mabilis akong umiwas sa kan’ya.
"Look Arianne hindi porket may anak tayo, o totoong anak ko nga siya ay magkakabalikan na tayo. Nagkakamali ka, sinasabi ko sa’yo na malabo ng mangyari iyon.”
"Wallace ayokong lumaki ang anak natin na walang kinikilalang ama!”
"Sana inisip mo ‘yan noon! Bakit ngayon lang Arianne ha?! Bakit nagyon lang?”
"Kasi natatakot ako Wallace!”
"The fuck! Sana inisip mo ‘yan bago ka nagloko.”
"Please hon, alam kong mahal mo pa ako, kaya nga hanggang ngayon wala ka pa ring kasintahan kasi hinihintay mo ‘ko," matalim ko siyang tinignan at sarkastikong ngumiti.
"Iyong anak natin tatanggapin ko at handa akong ibigay sa kan’ya ang mga pangangailangan niya pero ikaw?” Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko kayang ipagpalit si Celestine sa isang katulad mo."
"Celestine?”
"She's my girlfriend and soon to be my wife!” Mariing sabi ko sa kan’ya para hindi na siya magbalak pa ng kung ano sa'kin.
"Kung wala ka ng sasabihin puwede ka ng umalis!” Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto at si Jake na hinihingal pang pumasok sa aking opisina. "Anong nangyari Jake?” Nagulat pa si Jake ng makita si Arianne na nasa opisina ko, pero panandalian lamang iyon at muling bumaling ng tingin sa'kin.
"I think your girlfriend needs you."
"What happened?” Naguguluhan kong tanong kay Jake.
"I saw her crying outside the E.R, pauwi na sana ako, hindi ko alam kung bakit pero mas mabuti pang puntahan mo siya ngayon.” Maglalakad na sana ako palabas nang pigilan ako ni Arianne sa isang braso ko.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap," tinanggal ko naman ang kamay niya na nakahawak sa aking braso at tuluyan ng lumabas ng aking opisina kasama si Jake. Lakad takbo ang ginawa namin ni Jake papuntang E.R kung nasaan si Celestine. Nang malapit na kami ay nakita namin si Celestine na nakaupo sa labas ng E.R at yakap-yakap ng kan’yang kaibigan.
Naririnig ko pa ang pag-iyak nito na siya namang ikinasakit ng kalooban ko. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan mas gugustuhin ko pang ako na lang kaysa siya ang nahihirapan. Lumapit naman ako sa kanilang kinaroroonan at tumayo sa kan’yang harapan.
"Baby," nag-angat naman siya ng tingin at pansin ko ang pamamaga ng kan’yang mata na halatang kanina pa ito umiiyak.
"What happened?” Imbes na sagutin ako, ay bigla siyang tumayo at niyakap ako kaagad. Lumakas naman ang kaniyang pag-iyak habang hinahagod ko ang kaniyang likod.
"S-si papa, wala na si papa!” Bigkas niya habang patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak. Hinarap ko naman siya sa'kin at pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang aking hinlalaki.
"Don’t cry baby, wherever he is, he'll be fine now," hinalikan ko naman ang kaniyang noo at muling niyakap.
"So may girlfriend ka na pala talaga?” Sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. Nagulat ako ng makita si Arianne na nakahalukipkip sa likod ni Jake. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa amin at tinignan ng masama si Celestine.
"Don’t make a scene here Arianne," mahina pero may diin kong sabi sa kan’ya.
"Why? Inaagaw niya ‘yong atensyon mo na dapat ay sa amin ng anak mo!” Tumingin naman sa akin si Celestine na nagtataka.
"Anak?”
"Yes dear, meron kaming anak!”
"Shut up Arianne!”
"Anong nangyayari rito?” Boses ni Tita Celicia na papalapit sa kinaroroonan namin kasama si Clarence at Darren na ngayo'y nagtataka.
"T-tita Celicia."
"Who is she?” Tukoy niya kay Arianne na umirap pa.
"Doctor Wallace anong sinasabi niya?”
"Baby let me explain later okay? Kailangan mo munang___”
"I want an explanation now!” Galit niya akong tinitigan na ikinagulat naming lahat.
"She's my ex, but that was ten years ago, sinasabi niya na nagkaroon kami ng anak. But believe me baby, wala akong alam ngayon ko lang nalaman at hindi ko alam kung anak ko nga ‘yon," tinignan ko naman ng matalim si Arianne pagkasabi ko noon.
"He's your son! Nakita mo naman ‘yong result ng DNA ‘di ba?” Napapikit na lang ako ng mariin sa sinabi ni Arianne at tinignan si Celestine na ngayon ay handa na namang umiyak.
"B-baby please," pagsusumamo ko sa kan’ya. Tinalikuran naman niya ako at naglakad palayo kasama ang kaibigan niyang si Kian, susundan ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Clarence.
"Hayaan muna natin siya Wallace, masyado pang masakit ‘yong nangyari sa amin ngayon, she'll talk to you some other time," tumango lang ako sa kan’ya at tinapik naman niya ako sa balikat.
"Gusto ko sanang magpaliwanag sa inyo, tita,” Baling ko kay Tita Celicia at kita ko pa ang pamamaga ng mga mata nito.
"I believe you hijo, alam kong totoo ang pagmamahal mo kay Celestine, pero sana ayusin mo muna iyong kinakaharap mong problema ngayon bago mo siya harapin.”
"Yes po tita I will," niyakap lang ako ni Tita Celicia at umalis na kasama si Clarence at Darren. Kami naman ni Jake at Arianne ay naiwan sa tapat ng E.R. Lalapitan pa sana ko ni Arianne ng bigla akong magsalita.
"Dalhin mo ‘yong sinasabi mong anak natin bukas na bukas din sa bahay." Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita ay mabilis na akong umalis at kasunod ko na rin si Jake, hindi ko na pinansin ang muli niya pang pagtawag sa akin.