TILL MY LAST BREATH Chapter 23

Maaga pa ay dumating na sa bahay sina Arianne kasama ang sinasabi niyang anak daw namin. Laking gulat nina mama at papa noong sabihin kong nagkaroon kami ng anak ni Arianne bago kami maghiwalay. Nirespeto naman nila ang desisyon ko na papuntahin sila rito sa bahay at para rin makita nila ang bata. Tinignan lang nila mama at papa ang batang kasama ni Arianne at pagkuwa’y nilapitan din nila ito.

"Hello hijo anong pangalan mo?” Yumuko pa si papa para magpantay sila.

"Lance po," tipid niyang sagot at nginitian lang ito ni papa.

"Ako pala ang Lolo Simon mo."

"Tsss!” Nakita ko pang umirap si mama dahil sa sinabi ni papa.

"Ma please kahit para sa bata na lang," bulong ko kay mama.

"Lance he's your daddy, turo ni Arianne sa'kin at ngumiti pa ito.

"Hello po d-daddy," bumuntong hininga muna ako at pagkuwa’y niyakap ko rin ito. Hindi ko mawari ang pakiramdam, pero parang may mali.

Hindi ko maramdaman ang pagiging ama. Siguro dahil hindi ko inaasahan ito at dahil na rin hindi ko mahal ang ina ng anak ko.

"Nagugutom ka na ba Lance?” Tanong ko sa kan’ya habang akbay ko ito medyo may katangkaran din ito kahit sampung taon lang.

"Opo daddy,”

"Nagpahanda ako ng meryenda sa garden punta ka muna roon susunod kami may mahalaga lang kaming pag-uusapan okay?” Tumango lamang siya at iginiya siya ng isa sa mga kasambahay namin.

Napatingin naman kaming lahat kay Arianne na ngayo’y prenteng nakaupo sa aming harapan.

"Hindi porket tinanggap na nila ang anak mo magkakabalikan na kayo ni Wallace, in your dreams Arianne!” Mataray at may halong galit na turan ni mama.

"Handa kong ibigay ang lahat ng pangangailangan ng bata, hanggang do’n lang ang kaya kong ibigay sa kan’ya."

"Paano kung hilingin niya na magkaroon ng kumpletong pamilya?” Tatayo na sana si mama para sugurin si Arianne ngunit pinigilan ito ni papa.

"Alam mo ba kung ano ‘yang sinasabi mo? Pati bata idadamay mo sa mga kalokohan mo! Kung alam ko lang Arianne na gan’yan ka pala ‘di sana hindi na lang kita minahal! Hindi sana akl nabulag ng pagmamahal ko sa’yo!”

"Isang beses lang akong nagkamali bakit hindi mo ako magawang patawarin?”

"Isang beses kang nagkamali ng mahuli kita pero ang daming beses mo na akong niloko!” Natahimik siyang bigla at tumingin sa ibang direksyon.

"Ito lang ang masasabi ko sa’yo Arianne, si Lance lng ang tanggap ko pero ikaw wala ka ng puwang sa buhay ko at ayoko nang lalapit-lapit ka sa'kin naiintindihan mo?!” Matapos kong sabihin iyon ay tumayo na ako para puntahan ang anak ko sa garden at sumunod na rin si mama at papa.

"Anak sigurado ka bang anak mo nga iyang batang ‘yan?” Bulong sa'kin ni mama habang nakatingin kay Lance na nagsuswimming sa pool kasama si papa.

"I dont know ma, pero may kutob akong hindi ko siya anak.”

"Paano mo nasabi Wallace?”

"Kasi noong nagsasama pa kami ni Arianne ayaw na ayaw niya pang magka-anak noon kaya wala akong nagawa kun’di sundin siya alam ko sa sarili ko ‘yon ma, dahil nag-iingat din ako ng mga panahon na ‘yon."

"E bakit inako mo ‘yang bata na iyan?”

"Hangga’t hindi ko pa napapatunayang anak ko nga siya, gagampanan ko ang pagiging ama sa kan’ya.” Samantalang kita ko naman sa mukha ni papa na gustong-gusto niya si Lance, siguro ay gusto na nga niya talagang magka-apo. Pero mas gusto kong si Celestine sana ang magiging ina ng mga anak ko.

CELESTINE POV

"Ma, magpahinga ka na ako na po muna ang magbabantay kay papa baka kasi ikaw naman ang magkasakit niyan eh," mahinang wika ko kay mama habang nakaupo siya sa gilid ng kabaong ni papa.

Ibinurol namin si papa rito sa bahay at mangilan-ngilan din ang nagpunta na mga katrabaho ni papa at ilang kaibigan. Sila kuya naman ang nag-aasikaso sa mga dumadating upang makiramay.

"Ma please?”

"Baka hanapin ako ni papa mo anak,” umiiyak na hinarap ako ni mama at pinunasan ko naman ang luha nito.

"Ma, mag-aalala niyan si papa kapag nakikita ka niyang gan’yan. Kaya please mama magpahinga ka po muna kahit saglit lang."

"S-sige anak ikaw na muna ang bahala sa papa mo ah?” Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at tinungo muna ang kuwarto nila upang magpahinga. Sinulyapan ko naman si papa at hinaplos ang salamin ng kaniyang kabaong.

"Pa," hirap kong bigkas na para bang may nakabara sa aking lalamunan. "I miss you papa.” Ang sakit sa dibdib na makita mo ang mahal mo sa buhay na wala na sa piling niyo.

Lalo pang nagpabigat sa aking dibdib noong malaman ko mismong araw na binawian ng buhay si papa. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanila, kakamatay lang ni papa tapos heto pa at may panibagong pagsubok na naman kaming kahaharapin.

"Alam mo ba pa na hindi ako sanay na hindi mo ako tatawaging princess? You always says na I will be your princess forever. Kahit na magkaroon pa akk ng sariling pamilya tatawagin mo pa rin akong princess kasi ako lang ang nag-iisang prinsesa mo.”

Dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi ko na napigilan pa ang humagulgol. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa may yumakap na sa akin na hindi ko kilala kaya napa-angat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko at naitulak itong bigla na siyang kinagulat din niya.

Meron siyang kasama sa gilid niya na wari ko’y mga magulang niya at nagtataka rin akong tinignan. Mabilis naman akong nilapitan ni Kian at hinawakan sa braso.

"Ah b-beshy wala kang naaalala?” Bulong niya sa'kin at nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila.

"B-baby I know you're mad, pero sana hayaan mo akong makapagpaliwanag sa’yo baby.” Anong sinasabi ng lalaking ito? Bakit niya ako tinawag na baby?

"Cel halika na muna sa kuwarto mo baka pagod ka na magpahinga ka muna. Doctor Wallace pasensya na ha? Medyo napagod kasi si Cel eh kaya hindi pa siya makausap ng maayos wala pa kasi rin siyang tulog kaya ganito ang kinikilos niya.”

"Ah sige magpahinga ka na muna baby, dito lang muna kami." Nanatiling nakatitig lang ako sa kan’ya at pagkuwa'y tumango.

Inalalayan naman ako ni Kian maglakad papunta sa aking kuwarto ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang ako ay nakaramdam naman ako ng pagkahilo at medyo kumirot din ang ulo ko na dahilan ng pagkawala ko ng balanse at natumba.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Kian sa tinawag niyang Doctor Wallace at mabilis niya akong nabuhat bago tuluyan akong nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay, bago ko idilat ang mga mata ko ay may naririnig akong mga nag-uusap sa aking tabi.

"Are you sure about that Wallace?”vMahinang tanong ni Kuya Clarence sa kan’ya para hindi lang ako magising.

"Magsasagawa ulit ako ng DNA test para makasiguro kung anak ko nga si Lance. Dahil malakas ang kutob ko Clarence na hindi ko siya anak."

"Kaya baka nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo tanggap na nagka-anak kayo ng ex mo?”

"Kung nagka-anak nga kami ba’t niya pa pinaabot ng sampung taon? Bakit niya tinago sa akin ng ganoon kataga?”

"Sabagay may point ka naman, and how about my sister? How could you explain it to her?” Saglit silang natahimik at maya-maya'y nagsalita si Doc Wallace.”

"Basta maayos ko lang ang problema ko Clarence __” saglit muna siyang natigilan. "I'm going to marry your sister."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.