WALLACE POV
Matapos umalis nila Arianne ay nagpasya naman kaming pumunta sa burol ng papa ni Celestine. Nasa bahay na nila kami at sinalubong naman kami ni Darren nakita ko kaagad si Celestine na nakatayo sa kung saan nakahimlay ang papa niya, dahan-dahan naman kaming lumapit nila mama at papa sa kinaroroonan niya.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa bawat katagang binibigkas niya sa kan’yang ama. Lumapit naman ako sa kan’ya at niyakap siya ng buong pagmamahal. Pero bigla na lang ako nitong itinulak na ikinataka naming lahat. Nakakunot namin siyang tinignan ngunit wala itong emosyon ng kami'y tingnan niya.
Kaagad namang lumapit ang kan’yang kaibigan na si Kian at sinabing kailangan muna niyang magpahinga dahil napagod din daw ito at wala masyadong tulog. Kaya naman hinayaan ko muna ito saka ko na lamang siya kakausapin kapag natapos na ang problema ko.
Ngunit hindi pa ito nakakalayo ay bigla na lamang siyang natumba na kaagad ko namang dinalohan at binuhat patungo sa kaniyang kuwarto. Tatlo kaming nasa kaniyang silid, kabilang na si Clarence. Lumabas muna saglit si Kian para siya na muna ang mag-asikaso sa mga bisita.
"Totoo bang may anak ka na?” Mahinang sambit sa akin ni Clarence. Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Celestine at hinarap si Clarence na nakasandal sa may pintuan.
"I don’t know Clarence, hindi ako sigurado kung anak ko nga siya."
"Pero may DNA na pinakita sa’yo ang ex mo."
"Hindi ko alam kung totoo nga ba talaga ‘yon, pero gumagawa na ako ng paraan para malaman talaga kung ano ang totoo.”
“Are you sure about that Wallace?” Mahinang tanong ni Clarence sa akin.
"Magsasagawa ulit ako ng DNA test para makasiguro kung anak ko nga si Lance. Dahil malakas ang kutob ko Clarence na hindi ko siya anak.”
"Kaya baka nasasabi mo lang “yan dahil hindi mo tanggap na nagka-anak kayo ng ex mo?”
"Kung nagka-anak nga kami ba’t niya pa pinaabot ng sampung taon? Bakit niya tinago sa'kin ng ganoon katagal?”
"Sabagay may point ka naman, and how about my sister? How could you explain it to her?” Saglit akong natahik pagkuwa’y sinagot siya
"Basta maayos ko lang ang problema ko Clarence, I'm going to marry your sister," kita ko ang gulat sa kaniyang mukha matapos kong sabihin iyon.
Nanlaki pa ang mata niya ng mapadako ang tingin niya kay Celestine na ngayon ay nakaupo na sa kaniyang kama kaya nilapitan ko ito kaagad.
"Hey baby are you okay now?” Tumango lang siya sa'kin at tipid na ngumiti.
"Maiwan ko muna kayo Wallace ah," paalam ni Clarence saka lumabas ng kuwarto ni Celestine. Binalingan ko naman siya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.
"I-i'm sorry baby," nakayuko kong wika sa kan’ya.
"Bakit mo ako gustong pakasalan?” Napaangat naman ako ng tingin at tinitigan siya sa mata.
"Because I want to be with you forever, I want you to be my wife and a mother of our children," kita kong pumatak ang luha niya sa kaniyang mga mata na siya namang pinunasan ko kaagad.
"Paano kung, paano kung h-hindi kita mabigyan ng anak, paano kung ‘yong dating kasintahan mo pala ang makakapagbigay noon sa’yo?” Hindi ko alam kung bakit nasasabi ni Celestine ang mga bagay na ‘yon kaya mataman ko lang siyang tinitigan.
"Hindi naman importante sa akin kung may anak tayo o wala, puwede naman tayo mag-ampon kung gusto mo. Ang gusto ko lang ay makasama ka habang buhay Celestine. Ikaw ang gusto kong makasama at hindi si Arianne kahit na nagkaroon pa kami ng anak."
"Pero doc__”
"Ssssh, please say yes baby, please?” Pagsusumamo ko sa kan’ya. Maya-maya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilapit niya ang mukha niya sa aking mukha at dahan-dahang hinalikan ang aking labi. Hinawakan ko naman siya sa kaniyang batok at mas lalo ko pang pinalalim ang aming mga halik hindi ko namalayang naihiga ko na pala siya sa kama at nakapatong na ako sa kan’ya. Ako na ang kumalas sa aming mainit na halik at tinitigan siya.
"So, payag ka ng maging asawa ko ha baby?” Paos kong sabi sa kan’ya habang nasa ibabaw pa rin niya ako.
"Mahal na mahal kita Doctor Wallace kaya payag na akong magpakasal sa’yo,” unti-unti namang sumilay ang ngiti ko sa labi at muli siyang hinalikan.
Napahinto lang kami ng may biglang kumatok at napabangon kaming bigla.
"P-pasok!” Sambit ni Celestine na medyo nauutal pa na ikinangiti ko naman. Pumasok naman si Tita Celicia at nagulat ng makita ako.
"Hijo nandito ka pala."
"Y-yes po tita, nahimatay po kasi si Celestine kanina eh.”
"Oo nga raw, kumusta ang pakiramdam mo anak?”
"Ayos naman po ako ma, napagod lang po kasi ako eh.”
"Sige na anak magpahinga ka na muna kami na muna ang bahala sa labas."
"Ikaw ma okay ka na po ba?” May himig na pag-alalang sambit ni Celestine kay Tita Celicia.
"Huwag mo akong alalahanin hija, ito na lang ang huli kong magagawa para sa papa mo, pagkatapos nito hindi na natin siya makakasama," kita ko ang lungkot sa mukha ni Tita Celicia pagkasabi noon.
"Ah, Tita puwede ko po ba kayong makausap?”
"Tungkol saan hijo?” Sinulyapan ko muna si Celestine na seryoso ring nakatingin sa amin ni Tita Celicia.
"Doon na lang po tayo sa labas mag-usap," tumango lamang siya at nauna nang lumabas.
"Baby magpahinga ka na muna, kakausapin ko lang sila.”
"Sila?” Tumango lamang ako at ngumiti
"About sa atin. Sa pagpapakasal natin."
"Pero masyado pang maaga, saka isa pa nagluluksa pa kami kay papa."
"Hindi naman tayo kaagad magpapakasal, aayusin ko lang ‘yong sarili kong problema, kapag okay na saka ko naman aasikasuhin ‘yong sa atin, okay ba ‘yon?” Saglit siyang natahimik at sadyang nakatingin lang sa akin.
"Am I too hot para tignan mo lang ako ng gan’yan?” Biro ko sa kan’ya at napansin ko naman ang kaniyang pamumula. Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa labi at muli siyang tinitigan.
"Bawal ka ng umatras kasi pumayag ka na magpakasal at bawal na ring may mag-comment pa sa mga post mo sa social media kasi magiging Mrs. Miller ka na," napairap naman siya sa aking tinuran na ikinangiti ko naman.
"Bawal na ring may lalandi sa’yo kasi mag-aasawa ka na!”
"Landi talaga?” Nakanguso niya akong hinarap at sinamaan ng tingin.
"Anong tawag mo do’n? Harot?” Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"Hindi na ako magpapalandi sa iba dahil gusto ko ikaw lang ang lalandi sa akin at lalandi sa kamote ko," nanlaki naman ang mata niya at napaiwas ng tingin sa akin at napatawa naman ako ng mahina.
"Ano nga palang sasabihin mo hijo?” Tanong ni Tita Celicia. Nasa salas kami ngayon at kaharap ang pamilya ni Celestine gayon din ang aking ama at ina. Bumuntong hininga muna ako at tinitigan silang lahat.
"I want me and Celestine get married after I settle my problem with Arianne," gulat nila akong tinignan at lahat sila'y hindi makapagsalita. "I know this is not the right time to talk about this, pero ito ang gusto ko ang makasama si Celestine at maging asawa ko.”
"Sigurado ka na ba hijo?” Nag-aalangang tanong sa'kin ni Tita Celicia.
"Yes po tita."
"Baka naman kaya mo lang papakasalan ang kapatid ko dahil sa ex mo? Para tuluyan mo na siyang makalimutan?” May inis akong hinarap ni Darren.
"Darren puwede bang huminahon ka?” Saway ni Clarence sa kan’ya.
"I love her that’s why. Bago ko pa man siya ligawan ay alam ko na sa sarili ko ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya," saglit silang natahimik at nagsalita naman si Tita Celicia na kanina pa tahimik.
"Binibigay ko na sa’yo hijo ang basbas ko.” Masaya ko namang hinarap si Tita Celicia at ngumiti rin siya sa akin na halata pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Thank you po tita."
"You can call me mama."
"O-okay po mama."
"So, magiging mag-balae na pala tayo best friend!” Masayang turan naman ni mama kay Tita Celicia at niyakap niya ito.
"Don’t worry Celicia, kung nasaan man si Timothy ngayon panigurado masaya siya para sa kaniyang nag-iisang prinsesa.”
"Wallace anak, ang hiling ko lang sa’yo ay alagaan mo si Celestine at ‘wag mong pababayaan, ‘wag mo siyang sasaktan at iiwan."
"You don’t have to worry ma, kasi hinding- hindi mangyayari ‘yon."
"Dapat lang dahil kung hindi babawiin namin siya sa’yo at hinding-hindi mo na siya makikita!” Saad naman ni Darren na nakahalukipkip sa aking harapan.
"I promise na hinding-hindi ko siya sasaktan, mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal niya. Wala akong ibang mamahalin kun’di siya lang."