TILL MY LAST BREATH Chapter 26

Kumusta Wal? Sambit sa'kin ni jake pagkapasok niya ng aking opisina, ako naman ay nakaupo sa aking pwesto at nakasandal habang nakapikit.

"I'm not fine" mahinang wika ko sa kanya at nanatili pa rin akong nakapikit.

"Are you sure you want another DNA? Doon lang ako nagmulat nang tanungin ako ni jake at hinarap siya.

"Nung una nagdadalawang isip ako kasi baka nga anak ko talaga siya. Para matahimik na lang ako tinuloy ko na"

"Ano bang nararamdaman mo sa bata? Di ba may tinatawag silang lukso ng dugo? Wala ka man lang bang naramdamang ganon? Saglit akong natahimik. Kahit ako nagtataka dahil unang kita ko pa lang kay lance wala man lang akong naramdamang ganon. O baka naman tama si clarence, dahil hindi ko lang matanggap na nagkaanak ako sa dati kong kasintahan. Napabuntong hininga na lang ako at pagkuway muling ipinikit ang mata ko. Hindi ko na rin namalayang nakalabas na pala ng opisina ko si jake. Nakita ko sa ibabaw ng mesa ko ang aking cellphone at naisipang tawagan si celestine para kumustahin at dahil namimiss ko na rin ito. Nakakailang ring na pero hindi pa niya ito sinasagot. Papatayin ko na sana ang tawag ng bigla na niya itong sagutin.

"Hello?

"How's my baby? May lambing kong wika kay celestine. Matagal bago siya nakasagot. Ngunit mas lalo kong ikinataka ang sinabi niya sa'kin.

"S-sino to? Tinignan ko muna ang nakarehistro na pangalan niya sa telepono ko at muli ko itong inilagay sa tenga ko.

"Baby its me, may problema ba? You want me to go there? Imbes na magsalita siya ay pinatayan lang ako ng tawag na ikinakunot ng noo ko. Galit ba siya? Pero bakit parang hindi niya ko kilala? Anong nangyari sa kanya? Mga tanong na gumugulo sa aking isip. Maya maya pa ay tumayo na ako sa aking upuan, palabas na sana ako ng aking opisina ng biglang dumating si arriane na siyang ikinagulat ko.

"Anong ginagawa mo dito?

"Binibisita ko lang naman ang ama ng anak ko" napabuga ako ng malakas sa hangin at tinitigan siya ng masama.

"Hindi mo ko kailangan bisitahin kung hindi lang din tungkol sa bata"

"Gusto kang makita ng anak natin"

"Bukas kami magkita" akmang lalabas na ko ng bigla niya akong yakapin.

"Fuck" mahinang mura ko, pilit ko siyang inilalayo pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon wallace, at kailanman hindi nawala yon. Natawa naman ako ng mahina sa aking narinig mula sa kanya.

"Libog lang yan arriane, kung iyon ang habol mo pwes sa iba ka magpakamot! Wag ako dahil hindi mo ko madadala sa paganyan ganyan mo" mabilis siyang kumalas ng pagkakayakap sa'kin, hinarap niya ko at malakas niya akong sinampal. Tinitigan ko naman siya ng nakangisi na para bang balewala ang ginawa niya sa'kin.

"Kahit ilang beses mo pa ko sampalin hinding hindi na ko babalik sayo! Pagkasabi kong yun ay dere deretso na ko lumabas ng aking opisina.

*

*

"Matagal kong tinitigan ang cellphone ko, at iniisip kung sino ang tumawag kanina. Bakit kilala niya ko? Pero hindi ko naman siya matandaan. Napahawak ako sa aking ulo at ibinato ang aking telepono dahilan ng pagkawarak nito. Nasa sala ako ng dumating si mama bitbit ang kanyang pinamili.

"Anak anong nangyayari? Kaagad niya akong nilapitan ng makita niya kong hindi mapakali. Tinitigan ko lamang siya at dahan dahang lumayo sa kanya.

"Anak a-anong nangyayari sayo? Napasandal na lang ako sa pader at umiiyak.

"Celestine anak, sabihin mo sa mama kung anong problema. Nag-away ba kayo ni wallace? Napatingin naman akong bigla sa kanya. Wallace sino naman yon? Bulong ko sa aking isipan. Iginiya ako ni mama sa sofa at pinaupo muna.

"Sandali lang anak at ikukuha kita ng tubig" nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa kusina. Wala ako sa sariling tumayo at lumabas ng bahay namin. Tulala ako habang naglalakad sa kalsada at hindi alam kung saan patungo. Walang sapin ang aking mga paa at puno na ito ng dumi, ang suot kong damit ay simpleng t-shirt at denim shorts lang. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil sa aking itsura. Iniisip siguro nilang baliw na ako. Gabi na pero hindi pa rin ako tumitigil sa aking paglalakad hanggang sa nakarating ako sa isang parke. Nang mapagod ay naupo muna ako sa isa sa mga bench doon. Wala na masyadong taong nakatambay doon at tanging mga street vendors lang ang naroroon. Humiga muna ako saglit dahil hindi ko na kinaya ang pagod at sakit ng aking mga paa dulot ng mahaba kong paglalakad. Ilang sandali ay may naramdaman akong parang may humihimas sa aking binti kaya napapitlag ako at napatayong bigla. Nakita ko ang dalawang lalaki na abot tenga ang ngiti, tatakbo na sana ako palayo na may isang lalaki pa ang humarang sa dadaanan ko. Napaatras naman ako, at sa aking pag-atras ay tumama ang likod ko sa dibdib ng isang lalaki kaya nahawakan ako nito sa isang braso. Pilit akong kumakawala pero masyado silang malakas.

"Wag ka ng magpumilit pa miss ganda! Dahil wala ka ng kawala, wag kang mag-alala masasarapan ka sa magiging laro natin ngayong gabi" tumawa pa ito ng malakas. Nagpalinga linga ako upang humingi sana ng tulong pero wala na akong makita pang mga tao sa paligid.

"Sumama ka na lang samin para hindi ka na masaktan pa! Dadalhin ka namin byaheng langit" sabay sabay pa silang nagtawanan at unti unti namang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, ni hindi ko alam kung saan ako uuwi. Hanggang sa may sumipa na lang sa likod nung lalaki na may hawak sa isang braso ko. Kaya napabitaw siya ng pagkakahawak sa'kin at lumayo ako sa kanila. Kita ko kung pano niya patumbahin ang tatlong lalaki at maya maya pa ay may dumating ng mga pulis at dinakip ang tatlong lalaking gusto akong gawan ng masama. Nanginginig ako sa takot ng lapitan niya ako, nakita ko pang may bahid ng dugo ang gilid ng labi niya. Napataras ako ng unti unti siyang lumapit sa'kin.

"Dont worry miss ligtas ka na" wika niya sa'kin. Dumako naman ang tingin niya sa aking mga paa na walang sapin at binalik ang tingin sa'kin.

"Saan ka nakatira? Umiling lang ako sa kanya. May mga sugat yung paa mo, halika gagamutin natin.

"Ayoko! Mariin kong tanggi sa kanya, kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"Dont worry miss wala akong gagawing masama sayo, I'm a doctor at gagamutin ko lang yang mga sugat mo" dahil sa takot ko kanina ay tinalikuran ko na siya. Hindi pa ko nakakalayo ay bigla na lamang ako nakaramdam ng pagkahilo dahilan ng aking pagkawalan ng malay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.