TILL MY LAST BREATH Chapter 27

Dinala kaagad ni Marco si Celestine sa ospital at mabilis na ipinasok sa emergency room habang buhat niya ito at walang malay. Lumapit naman kaagad ang ibang nurse at doctor para tignan si celestine..

"Do some laboratory test, utos nito sa isang doctor na nakaduty, habang ginagamot naman niya ang mga sugat ni celestine sa paa.

"What happened to her doc marco?

"I dont know, nakita ko lang siya sa park na parang wala sa sarili tapos nawalan siya ng malay kaya agad ko siyang dinala dito". She looks familiar hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Bulong niya sa kanyang sarili.

"Pano po pala natin makokontak doc marco yung pamilya niya kung hindi natin alam ang pangalan niya? Saglit natigilan si marco sa kanyang ginagawa at muling binalingan ang doctor.

"Antayin na lang muna natin siyang magising siguro dala lang ng pagkabigla yung nangyari sa kanya kanina kaya parang wala siya sa sarili, saka isa pa mukha naman siyang hindi pagala gala base sa itsura niya" Kanina pa iniisip ni Marco kung saan niya nakita si celestine dahil pamilyar ang itsura nito. Lumabas na siya ng E.R ng makasalubong niya din palabas si jake na tila pauwi na rin ito.

"Oh marco akala ko ba kanina ka pa umalis? Malamang hinihintay ka na ng mag-iina mo"

"May dinala lang akong pasyente dito sa E.R" nakakunot namang tinignan ni jake si marco.

"Sino naman? Kinwento naman ni marco yung nangyari kay celestine ng makita niya ito sa park kaya laking gulat ni jake sa nalaman sa kaibigan.

"E pano pala kung may patalim yun? E di jackpot ka ngayon!

"Hindi ko na inisip yun jake, walang laban yung babae kanina kargo de konsensya ko pa kung hindi ko siya tinulungan" pero jake parang pamilyar siya eh, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita"

"Naku Marco ah baka naman nagtataksil ka na kay mace niyan!?

"Sa tingin mo magagawa ko yon!? Sinamaan naman niya ito ng tingin.

"Tara tignan nga natin" nauna ng pumasok si jake at sumunod na rin si marco sa kanya.

"There she is" turo ni marco kay celestine na nakhiga at wala pa ring malay. Nanlaki naman ang mata ni jake na napatingin kay marco at tinitigan ulit si celestine. "Kilala mo siya? Takang tanong naman ni marco.

"Y-yes, she's celestine. Girlfriend ng pinsan mong si wallace"

"W-what? Saglit na natigilan si marco at muling sinulyapan si celestine na himbing pa rin na natutulog. "Kaya pala pamilyar siya, nakita ko na kasi siyang kausap ni wallace noon.

"We need to call wallace, I'm sure nag-aalala na yon" kinuha naman nito ang kanyang cellphone at tinawagan kaagad ang kaibigan.

*

*

Bago ko umuwi sa bahay ay dumaan muna ko kila celestine dahil iba ang pakiramdam ko kanina pa noong kausap ko siya. Nagtaka naman ako ng iparada ko ang aking sasakyan sa tapat ng bahay nila dahil nakabukas ng maigi ang gate nila. Bumaba naman ako kagad ng sasakyan at dere deretsong pumasok sa loob. Naririnig ko pa ang hagulgol ni tita celicia kaya mas lalo akong kinabahan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila. Nakita ko na naroon si clarence at daren na parang hindi mapakali, bumaling naman sila ng tingin pagkakita sa'kin.

"Mama what happened? Nilapitan ko siya kaagad na nakaupo sa mahabang sofa na walang humpay ang pag-iyak.

"Wallace anak" garalgal niyang boses.

"A-anong nangyari mama? Si celestine po nasan? Napansin ko ang pagtitinginan nilang tatlo na para bang may tinatago sa'kin.

"Wala si celestine wallace"

"Pano pong wala mama? May pinuntahan po ba siya?

"Nawawala si celestine" si clarence na ang sumagot na ikinakunot ng noo ko.

"Panong nawawala? Naguguluhan ko namang tanong sa kanila. Bago sila makasagot ay may bigla namang tumawag sa'kin at nakita kong si jake ito.

"Yes jake"

"Wal, you have to go back to the hospital"

"Bakit may nangyari ba? Narinig ko pang bumuntong hininga ito saka muling nagsalita.

"Nandito si celestine sa E.R" napatayo akong bigla dahil sa narinig kay jake. Panong nasa ospital si celestine? Napatingin naman silang lahat sa'kin na tila nagtataka sa tinuran ko.

"But why!?

"Nakita siya ni marco sa park" pumunta ka na lang dito wal ngayon.

"Okay papunta na ko" binaba ko na ang tawag at binalingan sila na mataman ding nakatitig sa'kin.

"Nasa ospital daw si celestine"

"What!? Ano daw nangyari!? Gulat na hinarap ako ni daren.

"I dont know, pero kailangan na natin siyang puntahan" nagmamadali naman kaming umalis ng bahay nila para puntahan si celestine, mabilis ang patakbo ko ng sasakyan at mahigpit ang hawak sa aking manibela. Sana walang masamang nangyari kay celestine. Shit! Mahinang mura ko habang mahigpit pa rin ang hawak ko sa manibela. Ilang minuto din ay nakarating na kami sa ospital at lakad takbo naman naming tinungo ang E.R kung nasan si celestine. Agad naman naming nakita si marco at jake na nakatayo malapit na kinaroroonan nito.

"Wallace, salubong sakin ni marco samantalang ang mama at kapatid ni celestine ay kaagad na nilapitan ito.

"What happened bro? Kinwento naman nito ang nangyari kung bakit niya nakita si celestine at dinala dito sa ospital, nagpupuyos ako sa galit ng malaman ang nangyari kay celestine pero ang ipinagtataka ko ay ang huli nitong sinabi.

"I think something is not right wallace"

"What do you mean? Tumingin naman ako kila tita celicia na nakatingin din sa'min at ganon din si marco.

"Parang wala siya sa kanyang sarili nung makita ko siya sa park" kunot noo ko naman siyang tinitigan.

"A-anong ibig mong sabihing wala sa sarili si celestine? Agad naman akong napatingin kay tita celicia na nagbaba ng tingin. Pakiramdam ko meron silang alam na hindi nila sinasabi sa'kin. Dahil sila ang unang magtatanong nung sabihin ni marco ang tungkol kay celestine. Pagkuway hinarap ko silang tatlo para tanungin.

'Mama celicia may alam po ba kayo? Nang hindi niya ko sagutin ay si clarence naman ang tinanong ko.

"Clarence please tell me the truth, anong alam niyo? Tumingin muna siya kay mama celicia bago bumaling ng tingin sa'kin.

"S-si celestine, she's sick wallace"

"Anong sakit niya? Saglit muna siyang hindi nakasagot. Tumikhim muna siya saka nagpatuloy.

"She has.. She has a s-severe alzheimers" para akong biglang nabingi pagkasabi ni clarence sa sakit ni celestine. Napaatras ako ng bahagya at napasabunot sa aking buhok at nagpipigil sa aking sarili. Napatingin ako kay celestine na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

"FUCK!!!! malakas na sigaw ko kaya napatingin na rin ang ibang nurse at doctor na naroon sa E.R.

"Wal huminahon ka" wika ni jake. Nagsisimula ng magtubig ang aking mga mata, at hindi ko na rin napigilan pa at tuluyan ng nagsibagsakan ang aking mga luha, at napahagulgol na rin habang hawak ang dulo ng hospital bed ni celestine. kaagad naman akong niyakap ni mama celicia na ngayo'y umiiyak na rin.

"Im sorry hijo, ayaw ipasabi ni celestine dahil ayaw niyang makadagdag pa siya sa problema mo, pero sasabihin naman daw niya sayo once na naayos mo na ang kinakaharap mong problema. Kumalas naman si tita sa pagkakayakap at hinarap ako.

"mama she's my first priority, kahit ano pa yang problema na yan mas uunahin ko siya kaysa sa iba"

"Wallace, alam mo na ngayon ang sakit niya mananatili ka pa ba sa tabi niya? Pakakasalan mo pa rin ba siya kahit na ilang bwan na lang siya pwedeng manatili? Taka kong tinignan si daren. Severe na ang sakit ni celestine at anytime tuloy tuloy na siyang hindi makakaalala. Pati ako at ang pagmamahal ko sa kanya ay makakalimutan na niya, lahat ng alaala namin ay tuluyan ng mabubura sa isip niya.

"Yes, I'm gonna take care of her, at pakakasalan ko siya as soon as possible!".

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.