Pumunta muna kami nila jake at marco sa aking opisina dahil may importante daw sasabihin sa 'kin si jake. Nang makapasok na kami sa aking opisina ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili, don ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa nalaman ko kay celestine, kung anong sakit ang naranasan ko kay arriane ay triple naman ang sakit na nararamdaman ko kay celestine. Hindi dahil sa niloko niya ko kundi dahil iiwan niya ko ng hindi ko nalalaman. Hinawi ko ang mga nakalagay sa aking lamesa at pinagsusuntok ko ang pader, balewala ang sakit na ginagawa ko sa aking sarili kumpara sa sakit na nararamdaman ng aking puso. Wala na ba talaga akong karapatang lumigaya? Lahat na lang ba ng mahalin ko ay iiwan ako? Ano bang mali sa'kin? Ito ang dahilan kung bakit ayokong magmahal, pero hindi ko mapigilan at hindi ko maiwasan simula ng dumating si celestine sa buhay ko. I love her so much! Pero hindi siya mananatili habang buhay sa piling ko. Ang kailangan ko lang gawin ay iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko at alagaan siya habang hindi pa tuluyang nawawala kami sa alalala niya.
Hinayaan lang ako nila jake at marco sa aking ginagawa dahil alam kong ramdam din nila ang sakit na nararanasan ko ngayon. Nang medyo nahimasmasan na ko ay napaluhod na lang ako sa sahig at patuloy pa ring umiiyak. Lumapit naman sa'kin si marco at nakatayo lang sa aking harapan.
"Alam kong masakit Wallace, ang kailangan mo lang gawin ay manatili ka sa tabi ni celestine kahit na anong mangyari dahil mas lalo ka niyang kailangan ngayon". Nag-angat naman ako ng tingin at seryoso lang na nakamasid sa'kin si marco at pagkuway tinapik lang ako nito sa balikat at lumabas na ng aking opisina. Si jake naman ang lumapit sa'kin at may iniabot na sobre, alam ko kung ano yun.
"Wal, I know that this is not the right time to talk about this pero kailangan mo rin naman malaman. At nasa sayo din kung babasahin mo na to or hindi pa, maybe kung handa ka ng malaman. Kinuha ko naman ang envelope na naglalaman ng DNA test namin ni Lance, saka ko na muna to poproblemahin ang mahalaga ngayon ay si celestine. At kung pano ko rin hahatiin ang oras ko kay Lance at Celestine. Lumabas na rin si jake pagkaabot niya sakin ng envelope at mataman ko itong tinitigan, nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ba ang result ng DNA namin. At ilang sandali ay inilagay ko muna ito sa aking drawer at nagpasyang hindi muna ito buksan saka na siguro kapag handa na ko.
Bumaba naman ako at nagtungo sa E.R at nakita kong nakaupo na si celestine sa kanyang hospital bed at dali dali akong lumapit don. Napansin ko pang nagulat siya. Hindi muna ko nagsalita at tinitigan ko muna siyang maigi, pinapakiramdaman ko kung nagbalik na ba siya or umatake na naman ang sakit niya. Nasa gilid ko naman si tita celicia at si clarence at daren naman sa likuran ko.
"D-doctor wallace, a-anong___ hindi ko na siya pinatapos magsalita at niyakap ko na siya ng mahigpit. Hindi ko pinahalata sa kanya na naiiyak ako at alam ko na ang tungkol sa sakit niya. Kumalas naman ako ng pagkakayakap sa kanya at hinarap siya habang nakaupo sa gilid ng kama niya.
"Bakit ka umalis ng bahay niyo ng walang paalam? Napayuko naman siya na tila nahihiya at hindi alam ang sasabihin.
"Nag-alala kaming lahat sayo, mabuti na lang at nakita ka ni marco at dinala ka niya dito sa ospital. Nag-angat naman siya ng tingin at tinitigan ako.
"S-sinong marco?
"Doctor din siya katulad ko and he's my cousin"
"Ah, yung pumunta kaninang gwapo dito? Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya, natatandaan niyang gwapo si marco ah.
"May asawa at anak na yon" napakurap kurap naman niya akong tinitigan at umiwas naman ako ng tingin sa kanya, narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ni tita celicia.
"E ano naman? Mabilis naman akong napabalik ng tingin sa kanya at nanlaki ang mata kong tinitigan siya ganon din ang mga kuya niya.
"E ano naman kung may asawa at anak na siya? Hindi ko naman siya type, at isa pa…. Putol niya sa kanyang sasabihin.
"At isa pa ano? Nakangisi kong tanong sa kanya.
"Aahmmm ano,..ano… sabay tingin niya sa mama at mga kapatid niya.
"Ah sige hijo maiwan muna namin kayo ni celestine ah? Mukhang nahihiya siyang sabihin sayo eh"nangingiti namang sabi ni tita celicia. Nang maiwan na kami ni celestine ay niyakap ko itong muli at hinalikan ang kanyang buhok.
"You make me worried baby" paos kong wika sa kanya.
"I-i'm sorry" humiwalay naman ako ng pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.
"Wag mo ng uulitin yun ah? Wag kang aalis ng walang paalam"
"Aahm, doctor wallace"
"Call me baby please? Saglit siyang natigilan at halata sa kanya ang pagkahiya sa'kin.
"Ah, b-baby?
"Yes baby?
"A-alam mo n-na ba y-yung sakit…
"What is it? Pagmamaang maangan ko, hindi niya muna kailangang malaman na alam ko na ang tungkol sa sakit niya, dahil baka lumayo lang ito sa'kin ayokong mangyari yon. Gusto ko siyang alagaan hanggat naaalala niya pa ko. Kaya nagpasya akong ilihim yun sa kanya.
"Yung tungkol sa___
"Siyanga pala baby nagugutom ka ba? Gusto mong kumain? Anong gusto mong kainin? Actually hindi pa rin kasi ko naghahapnapaluhodputol ko sa kanyang sasabihin, alam kong sasabihin niya yung tungkol sa sakit niya. Tinaasan naman niya ko ng kilay pagkasabi non.
"Bakit hindi ka pa kumakain?
"E kasi pagkatapos ng duty ko pumunta muna ko sa inyo, tapos nalaman ko na dinala ka pala dito sa ospital kaya sumugod kami, kanina ko lang nalaman na hindi pa pala ko kumakain" napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko.
"Im sorry talaga baby kung pinag-alala ko kayo"
"Dun ka na lang kaya sa condo ko tumira?
"Ha!? Nanlaki naman ang mata niya sa gulat, at binawi ko rin kaagad ang aking sinabi.
"Biro lang, ang cute mo talaga! Sabay pisil sa kanyang pisngi.
"Crush mo ba yung pinsan ko?
"A-anong sinasabi mo?
"Kasi sabi mo kanina ang gwapo niya" may himig na pagtatampo at selos na saad ko sa kanya.
"Pero mas gwapo ka sa kanya" sumilay naman ang ngiti ko sa labi na para bang kinikilig ako.
"Totoo?
"Opo totoo, saka para sa'kin ikaw ang pinaka gwapo at mahal na mahal ko" saglit akong natigilan sa kanyang sinabi. Masasabi pa kaya niya yan sa'kin kapag dumating na ang kinatatakutan ko?
"Mahal na mahal din kita celestine" hinalikan ko naman ang kanyang kamay at pagkuway sa noo.
Lumabas muna ko saglit para bumili ng pagkain at naabutan ko sina mama celicia, clarence at daren na nakaupo sa labas ng E.R.
"mama celicia, tawag ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi.
"Kumusta si celestine?
"She's okay po mama"
"So, whats your plan? Tanong naman ni daren.
"May pakiusap sana ko sa inyo na wag niyong sasabihin kay celestine na alam ko na ang tungkol sa sakit niya" taka naman nila akong tinignan lalo na si mama celicia.
"P-pero bakit hijo?
"Ayoko pong lumayo siya mama, dahil nararamdaman ko sa kanya na pag once nalaman niyang alam ko na ang tungkol sa sakit niya baka iwan niya ko, hindi ko po kaya mama. Gusto kong alagaan siya habang nakakaalala pa siya, gusto ko lagi siyang nasa tabi ko. Gusto ko pang makita yung mga ngiti niya". At heto na naman, dumaloy na naman ang mga luha ko sa aking pisngi kapag naiisip ko ang mga bagay na yon.
"Wallace anak"
"Pakakasalan ko po siya sa susunod na linggo" kita ko sa kanila ang pagkagulat matapos kong sabihing pakakasalan ko na si celestine.
"That early? Kunot noong tanong ni clarence na hinarap akong nakahalukipkip.
"Hindi ko na patatagalin dahil gusto kong makasama si celestine kahit sa sandaling panahon na lang" malungkot kong turan sa kanila. "Kaya tita please, hinihingi ko po ang basbas niyo p-pumayag po sana kayo? Sandali niya kong tinitigan at muling nagsalita.
"May tiwala ako sayo hijo na aalagaan mo siya, kaya sige pumapayag na ko na magpakasal kayo kaagad ni celestine"