UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 3

Nagbabasa ako ng libro habang naglalakad papunta ng canteen.

"Miyell, kapag ikaw nabangga sa ginagawa mo," saway ni Key.

"Sandali patapos na ako." Huling pahina na ang binabasa ko. Nagbabasa ako ng Zoology book, mahilig kasi ako sa mga hayop at halaman kaya pati botany tuwang-tuwa akong basahin, Science Major din naman kasi kaya ganoon.

Nang makapasok sa canteen ay pasulyap-sulyap lang ako sa dinadaanan ko kaya nabunggo ako. Natapon sa babaeng kaharap ko sa damit niya ang juice na hawak niya.

"Sorry! Nako! 'Di ko sinasadya!" Akmang kukuha ako ng tissue nang sampalin niya ako.

Nanlaki ang mata ko at napahawak sa pisngi ko.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Ang pangit mo na nga ang clumsy mo pa!" Nagbaba ako ng tingin. Totoo naman 'yon.

Nakita kong lumapit si AP.

Oh uh, patay tayo riyan, aawayin niya 'yan sigurado ako.

Sinundan siya ni Key at Delight.

Riot.

Nang makalapit si AP ay ubod lakas din niyang sinampal ang babae. Nanlaki ang mata nito sa gulat.

"Nag-sorry na, 'di ba? Anong 'di mo maintindihan at sinampal mo pa?" Taas-kilay na sabi ni AP. Hinawakan ko ang kamay niya, nahihiya ako sa kanila dahil palagi na lang silang napapaaway ng dahil sa akin. "Do you want me to translate it in english? Or maybe you can't understand Filipino because you're bobo?"

Napaawang ang labi ng babae. Parang naawa naman ako dahil sobrang sakit ng sinabi ni AP.

"Kung siya ang pangit anong tawag mo saiyo?" Maldita ring sabi ni Delight. "Clown? O.." tiningnan niya pa ito mula ulo hanggang paa. "Basura?" Tinaas ni Delight ang hibla ng buhok nito. "Basura na nga ang ugali basura pa ang mukha. Basurang nabubulok at umaalingasaw ang mabahong amoy."

Todo lait ang inabot niya sa mga kaibigan ko kaya nahihiya akong nagtakip ng mukha. Hindi talaga nila ako pinabayaan kahit minsan. Nasilip ng gilid ng mata ko si Fervid, nandito pala siya. Walang emosyong nakatingin sa amin habang nakasalpak ang earphone sa tainga.

Simula nang makita ko siya ngayon ko na lang ulit siya nakita kaya kinalimutan ko na ang crush ko sa kaniya. Mas bata pa siya sa akin ng dalawang taon nakakahiya naman kung siya pa ang magugustuhan ko.

No boyfriend, no problem. Ang motto ko sa buhay.

"Ano napipi ka na?" Tumaas nang sobrang taas ang isang kilay ni AP.

"Kapal ng mukha mong sampalin ako!" Gigil na sabi ng babae.

"Saan ka ba nakakita ng manipis na mukha?" sarkastikong sabi ni AP.

Nagtawanan ang mga nasa paligid. Nakakahiya naman eskandalo nanaman dahil sa akin. Hinawakan ni Key ang kamay ko at inalis sa pagkakatakip sa mukha ko.

"Kung 'di lang babae 'yan pinatulan ko 'yan."

"Ano ba, 'wag ka na makisali ako naman ang may kasalanan."

"Oo nga, pero tama bang sinapak ka agad?"

"Eh, hayaan mo na."

Hinawakan ko ang malamig na kamay ni AP. "Tara na, nakakahiya na."

Dinuro ni AP ang babae. "Kapag tinawag mo ulit na pangit ang kaibigan namin dadalhin kita sa laboratory room at ida-dissect ko ang katawan mo, separating the left from the right!"

Nanlaki ang mata ng babae. "How dare you!" Nanginginig niya akong tiningnan. "Pasalamat ka may mga kaibigan ka kung 'di dahil sa kanila--"

"Ano?" Pumunta na sa harapan si Keyar. Sabi't 'wag na makisali!

"K-key?" Nanginginig na sambit nito. Kilala si Key na varsity player, lagi kasi siyang MVP ng basketball. "Kaibigan mo siya?" tinuro niya ako.

"Oo."

"Sorry," yumuko ang babae at mabilis na tumakbo.

Hinila ako ni Delight. Umupo kami sa mahabang lamesa. "Nabasa ang libro mo sa susunod kasi 'wag kang magbasa nang naglalakad."

"Sorry."

"Pero mali pa rin ang babaeng 'yon bigla niya na lang sinapak si Miyell," ngitngit pa rin sa galit si AP.

"'Wag ka na magalit."

Maging si Key ay ramdam ko ang inis. "Tawagan mo nga si Ailey baka lunch break niya."

"Wala akong load," sagot ni Delight.

"Edi mag-redeem ka," sabi naman ni AP.

"Paano ako magre-redeem ninakaw mo na ang rewards ko? Inaraw-araw mo ba naman."

Tumawa si AP. Sa isang iglap ay nawala na ang pangit na atmosphere dahil nagkwe-kwentuhan na sila.

Napatingala ako nang may mabilis na dumaan at naglapag ng tissue. Kinuha ko iyon at tiningnan.

Anong trip noon at naglagay ng tissue?

Nang buksan ko ang tissue ay napaawang ang labi ko.

Hakuna Matata.

Si Fervid 'yon?

Hinanap ko ng mata kung nasaan siya pero hindi ko na makita. Wala sa sariling napangiti ako.

Paborito niya nga'ng talaga ang Lion King para ulit-ulitin niya ang salitang 'yon kapag may problema.

"Ikaw na ang sinampal nakangiti ka pa?" Napalingon ako kay Key, bakas sa mukha niya ang ngisi.

"W-wala," tinago ko ang tissue.

"Ano 'yang tinatago mo?"

"Wala 'to."

"Talaga?"

"Wala nga."

"Okay. Kain na tayo. 'Wag kayo magpalibre wala akong pera," inunahan niya na agad kami dahil nakangisi kami sa kaniya. "Wala pa ang allowance sa basketball."

"Sad naman," nagsalong baba si Delight.

Pumila kami para mag-order ng pagkain. Hinahanap ko pa rin si Fervid kasi baka naman nandiyan lang sa tabi-tabi. Sabi ko na nga ba hindi niya na ako lalapitan kapag nandito sa Laurente. Sa bagay nakakahiya akong kasama.

Natapos kaming kumain na hindi ko nakita si Fervid.

"Moving exam tayo bukas." Sabi ni Ma'am Danita habang tinitingnan kaming lahat.

Isa sa pinakamalupit na teacher ng science.

Nakakatakot ang moving exam na 'yon. Thirty seconds mo lang na sasagutan ang maraming tanong at kailangan mo na mag-move dahil kakainin ang oras ng kasunod mo. Iikot ka sa bawat table na may tanong at kapag tumunog na ang alarm, move ka na. Mahirap 'yon dahil kailangan mabilis ka mag-isip.

"Get your frog," kinuha ko ang bottle kung nasaan ang frog ko na may nakalagay na formaline para ma-preserve.

Nagsimulang mag-lesson itinuro sa amin ang outer part of the frog.

"Look at the nostril," tiningnan ko ang ilong ng palaka. Itinuro niya ang parte nito na nilalagyan namin ng iba't ibang kulay ng pin. Sa nostril ay red, sa orbit ay yellow, sa earlobe ay white at marami pang iba.

Natapos ang matagal naming pagla-laboratory.

"Ang baho ng formaline, sakit sa ilong," kinamot ni AP ang ilong niya.

"Anong next class?" Tanong ni Key.

"Developmental reading," sagot ko nang hindi siya nililingon. Nagbabasa lang ako ng notes.

Ganito naman ako palagi notes o libro ang hawak. May na-receive akong text kaya binuksan ko agad.

Melle: Umuwi ka raw bago mag-six pm.

Wala pa nga kakatapos pa lang ng unang klase uwi na agad?

Ibinulsa ko na lang ang phone ko wala naman akong load. Naglakad kami sa malawak na hallway ng Laurente. Wala pang sunod na klase dahil wala pa yata ang teacher kaya pumunta na lang kami ng library.

Yumuko agad si Key para matulog. Pagod kasi siya palagi dahil laging may training ng basketball.

Good luck, kapag hindi siya nakita ng librarian.

Si AP nman ay kunwaring naghanap ng libro.

Napangisi ako, hindi naman magbabasa 'yan, ipangtatabing niya lang ang libro sa pagte-text niya.

Si Delight naman ay diretso banyo agad, magli-liptint.

Ako lang talaga ang matinong nag-aaral.

"Wala ka pala, eh!"

Napalingon ako sa kanan nang may marinig na kantyawan.

Si Fervid.

May kasama siyang grupo ng mga kalalakihan. Tingin ko naglalaro sila.

"Nakailang number ka nang nahingi?" Lumaki ang tainga ko sa narinig.

Naglalaro ba sila nang paramihan ng number na makukuha?

"Lima pa lang," sagot ni Fervid.

Ah, kaya pala kinuha niya ang number ko pero hindi naman nag-text.

"Ang hina mo sampo na sa akin."

"Hanap-hanap din, Fervid, paunahan magka-girlfriend."

Nakuyom ko ang palad ko.

Sa lahat ba ng pwedemg paglaruan 'yon pa?

Naiinis ako kay Fervid, naiinis ako sa kanila kaya simula sa araw na ito wala na akong pakialam sa kaniya.

Mga batang ito!

Nag-concentrate na lang ako sa pagbabasa. Maya maya pa ay lumapit ang isa sa mga kasama ni Fervid kay AP, ang bruha ibinigay agad ang number.

"Bakit mo binigay number mo?" Bulong ko.

"Hiningi, eh, sayang cute naman."

Nag-iwas ako ng tingin. "Bahala ka basta 'wag ka papalandi roon." Tumawa siya.

"Ulit-ulit ka sa pangaral mo alam mo naman ang sagot diyan."

"Ewan ko saiyo, kapag niloko ka niyan 'wag kang iiyak sa amin."

"Ang futuristic mo talaga mag-isip wala pa nga."

Nagising si Key kaya nakasimangot niya kaming tiningnan. "Ang ingay nito natutulog 'yong tao, oh."

"Library ito, hijo, hindi tulugan," nanlaki ang mata namin nang makita ang mala-bisugong librarian.

Yari. Patay!

Parang walang pakialam na iniyuko ulit ni Key ang ulo. Siniko ko siya.

"Aba't talagang natulog pa." Inis na sabi niya. "Lumabas nga kayo!"

"Key," niyugyog ko ang balikat niya. "Keyar!"

"Ano ba!"

"Labas!" Asik ng librarian.

"Nanay ko kapag natutulog ako hindi ako ginigising," mumungay-mungay na sabi ni Key. Siguro hindi niya alam na librarian ang nagsasalita kaya ganyan siya.

"Nanay mo ba ako?"

"Hindi."

Napabungisngis na si AP.

"Tigilan mo nga mang-good time, AP."

"Gago! Hindi ako ang kausap mo 'yong librarian."

Napatayo bigla si Key at tiningnan ang librarian, pinagtaasan siya nito ng kilay.

"Ops," natakpan ni Key ang bibig. "Sorry."

"Labas!"

Napalabas tuloy kaming apat kaya hayon nakasimangot kaming lumabas.

Pinigil ko ang sariling 'wag lingunin si Fervid.

"Hingiin niyo nga ang number noong pangit na kasama nila," rinig kong sabi ng isa.

Napabuntong hininga na lang ako.

Oo na, pangit na, gusto pang isapak sa mukha ko?

Natigilan kami nang biglang magkagulo sa loob.

Anong mayroon?

Nakita ko na lang na hawak si Fervid ng librarian pati na rin ang lalaking nagsabing pangit ako. Parehas silang may pasa sa mukha.

"Hala! Bilis! Doon kayo sa university owner magpaliwanag!" galit na sabi ng librarian.

Anyare?

@AdiennaMichelle

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.