"Chairman of Education Department pinapatawag ni Mr. Baider."
Lahat ng kaklase ko ay tumingin sa akin. Ako ang Chairman ng Edukados paano ba naman dahil 'yon sa mga kaibigan ko.
Tumayo ako at nagpaalam sa klase. "Bakit daw po?"
"Aba malay ko!"
Gusto kong sagutin na 'bakit parang galit ka?'
Ang sungit talaga ng mga staff ng registrar.
Kumatok muna ako bago pumasok. "Sir?"
"Pasok ka."
"Pinapatawag niyo raw po--" natigilan ako nang makita si Fervid kasama ang isa pa na nasa library kanina.
"Ms. Almildrez, pakituruan nga ng tamang leksyon ang dalawang ito."
Napalunok ako. Bakit ako?
"Tama bang magsuntukan sa library?" Taas ang dalawang kilay na nagpalipat-lipat ang mata ni Mr. Baider sa dalawang kaharap.
"Ewan ko ba rito!" Itinuro ng lalaki si Fervid. "Nanununtok na lang bigla."
"Totoo ba 'yon?"
"Hindi ko itatanggi," bumungisngis pa si Fervid.
Kabaliwan ng isang ito! Anong nakakatawa roon?
"Mr. Ruiz, what do think boxing ring ang library para doon ka pa manuntok?"
Nagkibit-balikat si Fervid at marahang tinakpan ang bibig niya bumubungisngis nanaman.
"Okay, you may go Mr. Ramos," tumayo ang lalaki at ngingisi-ngising sumulyap kay Fervid. Bumulong pa siya ng 'yari ka.'
Mga bata pa talaga sila kung mag-isip. Sinundan ko ng tingin si Mr. Ramos at napailing na na lang.
"Ms. Almildrez?"
"Yes po?"
"Pwede mo bang turuan ng leksyon itong si Mr. Ruiz?"
Tiningnan ko si Fervid, nakangisi ang loko, nag-eenjpy pa.
"After class lagi kang didiretso sa office ng Chairman of the Education tutulong ka roon kahit anong iutos nila sa loob ng isang buwan."
Nakangiting tumayo si Fervid. "Noted."
Nasapo ko ang noo ko. Siraulo ang isang ito, anong nakakatuwa roon? Tambak kaya ang gawain sa office namin.
"'Yon lang po ba, Mr. Baider?"
"'Yon lang. Sumasakit ang dibdib ko saiyong bata ka."
"Pwede na po ba akong umalis?" Nakangiting tanong pa niya.
"Yes."
"Thanks, Mr. Baider! You're the best!" Nakangiti niya akong nilingon at nang lagpasan ako ay kumindat pa.
Isip bata ang hinayupak.
"Bantayan mo ang batang 'yon baka atakihin ako sa puso ikaw na ang bahala sa kaniya."
"Opo."
"Sige, go back to your class."
Lumabas na rin ako. Bakit nga ba ako ang pinapabantay sa kaniya? Samantalang Architecture ang course niya ang layo-layo sa Education. Siguro kasi huwaran daw ang mga edukados.
Tahimik kong tinahak ang hallway ng Laurente wala na gaanong nagkalat na mga estudyante dahil may klase na.
"Psst."
Hinanap ko kung sino ang sumisitsit at ang siraulong Fervid nakatapak sa isa sa mga halamang paso na mataas, nakalambitin siya sa halaman noon.
"Hoy! Anong ginagawa mo riyan? Baba!"
Tumalon siya at bumagsak sa harap ko. "Kailan ako magsisimula?"
"Bukas."
"Bakit bukas pa? Excited na ako!"
"Adik ka? Ikaw na 'yong pinarusahan na masaya pa."
"Talagang masaya 'yon! May excuse na ako para hindi umuwi agad."
Napailing-iling na lang ako. "Ikaw na bata ka ayusin mo nga ang buhay mo bakit ka ba nakikipag-suntukan sa library?"
Nagkibit-balikat lang siya. Kitang-kita ang pasa sa pisngi niya.
"Third year ka na?"
"Oo," kinuha ko ang ballpen sa bag ko.
"Bakit third year ka na ako first year pa lang?"
"Malamang mas matanda ako saiyo at teka nga, tinatanong pa ba 'yon?"
"Ate?" Tumawa siya.
"Yeah, bunso." Tiningnan ko siya at sinipat-sipat ang pasa niya. "Pumunta ka na ba ng clinic?"
"Hindi pa. Samahan mo ako."
"May klase pa ako."
"Saglit lang," hinila niya ako papunta ng clinic.
"Hello!" Nakangiting bati ng nurse. Umasim ang mukha niya nang makita ako. "Walang gamot sa pimples."
Hindi ako nagsalita, sa dami nang papansinin pimples ko pa. Sana magkaroon din siya mas marami pa.
"Hindi na pala ako magpapagamot tara na." Hinila nanaman ako ni Fervid.
"Hoy! Magpagamot ka roon."
"Hindi na, sa bahay na lang."
"Bakit?"
"Wala lang tinamad na ako." Kinuha niya ang phone sa bulsa at may tiningnang kung ano. "Saan ang room mo, Ate?"
"Diyan lang," itinuro ko ang pangalawang palapag. "Dito ka na lang pumasok ka sa klase mo."
"Hatid na kita saglit lang naman."
"Huwag na."
Hindi siya nagsalita bagkos hinila niya ako paakyat. Sa kilos niya parang ang bata-bata niya pa. Ang cute ng mukha niya. Napangiti ako. Samantalang ang mukha ko ilang taon pa lang mukhang matanda na with pimples at eyeglass.
"Dito na ako. Umalis ka na."
"Sige," pumorma ang ngiti sa labi niya. "Text kita mamaya o bukas."
"Bakit?"
"Kasi pupunta ako ng education department, 'di ba?"
"Okay," nag-thumbs up ako sa kaniya.
"Bye, Ate!"
"Bye, Bunso!"
Nakangiti akong pumasok ng room. Hindi ko akalaing magkakaroon pa ako ng kaibigan bukod sa Nematodes, madalas ayaw nilang lumapit sa akin maliban na lang sa mga education officials.
"Sino 'yon?" Bulong ni AP. Chismosa talaga.
"'Yong first year na pinapabantayan ni Mr. Baider."
"Bakit daw?"
"Nakipag-suntukan sa library."
"Bakit saiyo pinabantay?"
"Ewan. Alam mo naman si Mr. Baider malapit sa mga educ."
Nag-focus na lang kami sa lesson, si Key sa tabi ni Delight ay tulog nanaman. Baliw talaga ang isang ito, sa bagay di ko siya masisisi ang pagod talaga maging varsity player.
"Mr. Atkinson!"
Hay nako. Nakita na nga siya ng pinaka-terror na teacher, no other than Sabrina.
"Sorry, Ma'am."
"Kung hindi mo kaya ang training at pag-aaral 'wag ka na lang sumali sa basketball!"
Nagkamot ng ulo si Key. "Sorry, Ma'am."
Napabuntong-hininga kaming tatlo. Kawawa naman talaga itong si Key, wala naman kasi siyang pamilya kaya kailangan niya talaga para sa pag-aaral niya.
Inabutan ko siya ng candy. "Thanks, Miyell."
Nagpatuloy pa ang mga klase namin hanggang sa matapos.
Diretso banyo agad si Delight para magpaganda habang si AP nman ay may kung sinong ka-text. Si Key ay nakayuko, inaantok nanaman.
"Susi?" Umupo ako sa tabi niya. "Ayos ka lang ba?"
"Oo, medyo masakit lang ang ulo ko."
Hinawakan ko ang noo niya. Kaya naman pala nilalagnat siya.
"AP!"
"Oh?"
"Nilalagnat si Key."
"Hayaan mo siya di niya naman ikakamatay 'yan."
"Hoy! Umayos ka dalhin natin sa clinic."
Inirapan ako ni AP. "Tara na puro ka kasi pang-aasar kaya ka nilagnat."
"Connect?" Nagawa pang mang-asar din pabalik ng loko kahit inaapoy ng lagnat.
Dinala namin siya sa clinic ako agad ang napansin ng nurse.
"Miss, wala ngang gamot sa pimples dito."
Nag-iwas ako ng tingin, inulit niya pa ang sinabi kanina.
"Kapag 'di ka nanahimik ipapatanggal kita sa trabaho!" Asik ni AP. "Sasabihin ko sa daddy kong Mayor na tanggalin ka."
"Nako, 'wag naman po, Ma'am."
Pigil ni Delight ang tawa niya, maging si Key ay bumu-bungisngis din.
Sinong hindi? Asa ka namang may tatay na Mayor ang isang 'yan baka nga isang daang piso lang ang laman ng wallet niya.
"Tabi!" Tinabig siya ni AP. lakas talaga ng loob nitong babaeng ito.
"Natakot ang bruhilda," ngingisi-ngising sabi ni AP. "Bwa-ha-ha."
Napailing na lang ako. May sapak talaga sa ulo.
Ihiniga si Key at binigyan ng gamot. "Kawawa ka naman. Kawawang-kawawa," sarkastikong sabi ni AP.
Hindi na talaga manahimik ang bibig niya.
"Kawawa ang bebe boy," tinampal ni Delight nang mahina ang pisngi ni Key.
Kapag talaga magkasama ang dalawang ito, 'ayan baliw.
Inayos ko ang unan ni Key.
"Si Miyell lang talaga ang matino kayong dalawa," tinuro ni Key ang mukha ni Delight sunod ay si AP. "May saltik."
"Saltikin ko 'yang ulo mo," piniltik ni AP ang noo ni Key.
"Ang sakit."
"Ahm, hello po, nasaan po si Keyar Atkinson?" Napalingon kami sa boses ng babaeng nasa may pinto.
"Ailey!"
Tinalon siya ng dalawang echosera at mahigpit na niyakap. Si Key ay babangon din sana, pero pinandilatan ko ng mata.
"Susi, nilalagnat ka?" Nakangiting sabi ni Ailey.
"Ba't masaya ka pa?"
"Akala ko kasi hindi ka tatamaan ng lagnat. Tao ka pala?"
"Tingin mo, aso?"
"Monkey."
Nagtawanan ang mga echosera. Tahimik naman akong kumuha ng tubig.
Tiningnan ako ni AP. "Miyell?"
"Oh?"
"Hindi ba bumabaho hininga mo?"
"Huh?"
"Hindi ka nagsasalita baka panis na ang laway mo?"
Napangiti ako. "Sira!"
"Miyell!" Yumakap sa akin si Ailey. "Kumusta ka na?"
"Heto," ibinaba ko ang nakataas kong buhok. "Pangit pa rin."
"Masiyado mong dina-down ang sarili mo. Bakit ka ganyan?"
"Ganyan talaga 'yan malay mo kapag nagka-boyfriend tumaas ang self confident," sabi ni Delight habang sinisilip ang sarili sa salamin.
"Hanapan kita ng jowa, day!" Lumapit si AP at inayos ang buhok ko.
"Hindi na. Kung saan-saan mo lang kinuha ang mga number ng tine-text mo."
"Grabe siya, Nematoda, malay mo may magustuhan ka."
"Kahit may magustuhan ako walang magmamahal sa pimples ko."
"Mayroon," singit ni Key habang ibinababa ang baso kakainom niya lang ng gamot. "Kami," inayos niya ang buhok. "Kung minahal ka namin 'di malabong may magmahal din saiyo."
Ngumiti ako. "Sa panaginip baka nga."
"Ang baba ng self confident mo," nakangusong sabi ni Delight.
"Eh, ganito ako, eh."
"Hayaan mo makikita mo rin ang lalaking para saiyo," ngumiti si Ailey at inayos ang eyeglass ko. "Minsan tanggalin mo 'yang eyeglass mo at magsuklay ka ng buhok."
"Mag-skin care routine ka rin," sambit ni AP.
"At magsuot ng sexy dress," ani ni Delight.
"At makipag-usap sa ibang tao," segunda ni Key.
"Ewan ko sainyo 'di ba, may sakit si Key bakit parang wala naman?"
"Tada!" Tinaas niya ang kili kili ang siraulo may bawang doon.
"Para saan 'yan?" Tanong ni AP.
"Para lagnatin ako," humagalpak siya ng tawa. "Tinatamad akong mag-training kaya kunwari may sakit ako."
Tumatawa namin siyang tiningnan.
Hay nako, saang mundo ko nga ba sila nakilala? Mga baliw, hays.
"Tara na umuwi na tayo wala naman pa lang lagnat 'yan," kinuha ko ang bag ko.
"Dito muna tayo," tumagilid pa si Key st inayos ang pagkakahiga. "Ang lambot ng kama."
"Tayo na!" Pinalo ni AP ang pwet niya.
"Hay nako, Key, umabsent pa ako wala ka naman pa lang sakit," inis na inirapan siya ni Ailey.
"Baby, wala naman akong sinabing pumunta ka rito."
"Baby mo mukha mo!"
Hilig niyang asarin si Ailey ng baby.
"Tara na!"
Lumabas na kami at ang siraulong si Key ibinalik ang bawang sa kili kili niya para mainit ang katawan niya nagkukunwari pa siyang masakit ang ulo nang harapin ang coach nila sa basketball.
"Coach, masakit ulo ko nilalagnat ako bukas na lang ako magtre-training."
Pangisi-ngisi kaming nakatingin sa kaniya. Kung hindi ba naman siya kalahating tao kalahating monkey.
"Sige, bukas na lang pagaling ka."
"Salamat, coach."
Nang makatalikod ang coach ay parang loko-lokong nagtatalon. "Yes!"
Sumakay kami ng jeep, si Ailey ay umalis na dahil magkaiba kami ng daan, bus ang sinasakyan niya.
"Manong, apat po!" Sigaw ni AP. Ang lakas ng bibig.
Tahimik akong tumingin sa paligid habang umaandar ang jeep nang may natanggap akong text.
Unknown number
Hi
Wala akong load kaya ibinalik ko lang din iyon sa bulsa. Kinuha ko ulit nang tumunog.
Unknown number
Ate?
Si Fervid ba ito?
@AdiennaMichelle