UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 5

"Mama! Nandito na si ate!" Sigaw ni Rocelle.

"Late ka ng thirty minutes," matalim akong tiningnan ni papa.

"Traffic po," nagmano ako sa kaniya.

"Kumain na kayo," sabi ni mama habang nag-aayos ng hapag kainan.

Pumasok muma ako sa kuwarto para magbihis pagkatapos ay lumabas din ako para sumalo sa lamesa.

"Akin na 'to, ah? Wala na bang kakain?" sabi ni Melle. Kinuha ang hotdog.

Tahimik kaming kumain hanggang sa magsalita si mama. "Kumusta ang klase, Miyell?"

"Ayos lang po."

"Good. Mag-aral kang mabuti para makapagpatayo na tayo ng mansyon."

Natawa ako. Si mama talaga.

"Tandaan, bawal ang boyfriend," istriktong sabi ni papa.

"Asa ka namang may manligaw riyan kay ate, four eyes!" pang-aasar ni Jell.

"Buti na 'yon kaysa saiyo kalansay!" pang-aasar ko pabalik.

"Nasa kainan tayo ayusin niyo ang mga ugali niyo!" sigaw ni mama. Para siyang si AP ang lakas ng bibig magsasalita na lang pasigaw pa, kung 'di ba naman dumugo eardrums mo sa kaniya.

"Ate, ikaw ang maghugas," tumatayo siya habang nagsasalita, tapos na kumain.

"Bakit ako? Ikaw ang taga-hugas ngayon."

"Palit tayo muna ng schedule masakit puson ko."

"Okay."

Niligpit ko ang hapagkainan pagkatapos. Naririnig ko si mama at papa na nagkwe-kwenta ng gastusin.

"Kulang pa ito due date na ang tubig at ilaw paano ang pagkain bukas?" rinig kong sambit ni mama.

Napabuntong hininga na lang ako. Kaunting kembot na lang naman ay graduate na ako.

"Ate, pahinging bente," nakalahad ang kamay ni Jell habang nagpapa-cute na nanghihingi ng pera.

"Tingnan mo sa bag ko."

Tumakbo siya at hinanap ang bag ko. "Sampu lang ito, ate!"

"Edi 'yan lang wala akong pera."

"Kulang pa."

"Ano bang bibilhin mo?"

"Mang juan, 'yong malaki."

"Junk foods ka nanaman kaya ang payat mo, eh, kapag kanin ayaw na ayaw mo kainin."

"Minsan lang."

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit puyat pa ako kababasa ng kung anu-ano. Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin.

"Hala! Bakit lalong dumami ang pimples ko? Kainis naman!" Papadyak-padyak akong pumasok ng banyo.

"Kailan ba mawawala ang mga pimples ko?" Kinapa ko ang pisngi ko. "Kailan ba kayo aalis sa mukha ko?"

"Ate, magulat ka kapag sinagot ka niyan," rinig kong sabi ni Rocelle sa labas.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ilang taon na akong ganito ang hitsura hindi pa ba ako nasanay?

Maaga akong pumasok sa university kahit wala pa masiyadong tao. Dumiretso ako sa office para gawin ang mga paperworks bago pumasok ng klase.

"Hi, Ate!" Napatalon ako sa kinauupuan ko.

"Fervid? Bakit ang aga mo?"

"Excited akong magtrabaho."

"Mamaya ka pa after class."

Umupo siya sa tabi ko. "Mamaya pa ang klase ko kaya dito muna ako."

"Okay?" Nagkamot ako ng ulo. Nakakahiya naman wala akong suklay buhaghag ang buhok ko.

Kailan pa ako natutong mahiya?

"Anong ipapagawa mo sa akin?"

"Nag-breakfast ka na ba?"

"Yup! Ikaw?"

"Hindi pa, later."

"Oh," pumorma ng 'o' ang labi niya. "Wait! Breakfast is important." Nagmadali siyang lumabas. Sinundan ko na lang siya ng tingin.

Bakit ba ang kulit niya? Siguro kasi bata pa?

Inayos ko ang mga papeles, marami akong gagawin dahil magkakaroon ng welcome party para sa mga freshmen ng Education kaya heto ang daming trabaho.

"'Ayan," naglapag si Fervid ng kape, tinapay, kanin at hotdog sa harapan ko.

"Ano 'to?"

"Pagkain, 'di mo ba nakikita?"

"Pilosopo kang bata ka, anong gagawin ko rito?"

"Ano bang ginagawa sa pagkain?"

Nasapo ko ang noo. "I mean para kanino 'to?"

"Mukha bang para sa akin 'yan? Nasa harapan mo nilapag, 'di ba?"

Oo nga naman! Nag-iinit ang pisngi ko ang galing niya sumagot, napaka-pilosopo.

"Halika nga."

Lumapit naman siya, kinurot ko ang pisngi niya. "Ang cute mo talaga!"

"Aray!"

"Para sa akin ba talaga ito?"

"Oo, kumain ka na, Ate," pinakadiinan niya pa ang salitang 'ate' at bumungisngis.

"Isip bata," nakangiti akong umiling-iling.

"Ubusin mo 'yan." Nakangiti niyang kinuha ang mga papeles na nasa harap ko. "Anong gagawin ko rito?"

"Paghiwalayin mo ang mga dates nila, pagsamahin mo ang February, March, basta ikaw na bahala," inayos ko ang pagkain. "Babayaran kita mamaya."

"My treat, Hakuna Matata."

"Hakuna Matata mo mukha mo."

"Yup, pogi?" Nag-pogi sign pa siya.

Hindi ko na siya sinagot, sa kulit niyang 'yan kaya ang dami kong sinasabi samantalang sa mga kaibigan ko halos bihira ako magsalita.

Matapos ng ginagawa namin pumasok na rin kami sa kaniya-kaniyang klase.

"See you later, Ate!"

"Gege, Bunso."

"Bye!"

"Bye."

Natigilan ako nang papsok ako ng room ay nakita ko si AP, nakangisi at hinahagod ako ng tingin.

"Child abuse ka."

"Hibiscus, tinuturuan ko lang 'yon ng leksyon." Nilampasan ko siya at umupo na lang sa upuan ko.

"Anong leksyon? About love?" Iwinagayway pa niya ang kamay na parang baliw na animo'y nakikitang kaming dal'wa sa senaryong sweet.

"Sira!"

"Ang cute niyo, bagay kayo."

"'Wag kang gumawa ng issue."

"Madalas 'yong mga issue totoo," lumapad ang pagkakangisi niya.

"Tigilan mo ako, 'yan ka nanaman."

"Ayiee!" Sinundot niya ang baiwang ko.

"Isa!"

"Dalawa!" Bilang din niya.

"Ang bata pa noon dalawang taon ang tanda natin kaya 'wag kang ano riyan."

"Wait!" Inilagay niya ang kamay sa tainga. "Sa pagkakaalam ko bihira kang magsalita bakit ngayon ay defensive ka?"

Nanahimik ako at hindi na lang siya pinansin hahaba pa ang usapan at kapag narinig pa ng dalawang 'yon siguradong tampulan ako ng tukso.

Child abuse 'yon, ang bata-bata pa ni Fervid kumpara sa akin at saka wala akong iniisip na iba sa pagsasama naming dalawa.

No boyfriend, no problem.

That's my motto in life.

Aral is life.

Aral is love.

Ay, ewan, basta mag-aaral na lang ako kumpara kay AP na laging umiiyak sa mga lalaki niya.

As usual nag-practical nanaman kami sa zoology laging ganoon sa subject na ito kaya lagi kaming naka-lab gown.

"Ms. Almildrez, pakitali ng buhok."

"Yes, Ma'am."

Itinali ko ang buhok ko, ayaw kong nakatali ito hindi ako sanay, pero kailangan. Itinuro sa amin ang iba't ibang muscles sa katawan ng palaka kaya naloka itong mga kaibigan ko, kabisado ko na lahat 'yon dahil palagi akong nagbabasa.

Paglabas ko ng room ay dumiretso na ako agad sa Education office. Ang bata nandoon na agad nakangiti niyang ginagawa ang mga inutos sa kaniya ng mga officials.

"Ang cute naman niya," bulong sa akin ni Zyrene.

"Bata pa 'yan, first year."

"Alam ko kaya nga ang cute."

Nagkibit-balikat ako at dumiretso na lang sa lamesa ko. Nagsimula akong gumawa ng memo para sa gaganaping event.

"Welcoming party for the freshmen?" Napatingin ako sa kanan ko muntik ko pa siyang mahalikan dahil ang lapit pala ng mukha niya sa akin.

"Hoy, Bata, usog ka!"

Ngumiti siya sa akin. "Bakit?"

"Anong bakit? Ang lapit mo masiyado."

"Naiilang ka ba sa akin?"

Hindi ako nagsalita, sinong 'di maiilang ang lapit niya?

"Ate, pwede ba akong umattend ng freshmen party ng mga Educ?"

"Ewan." Itinuon ko ang mata sa screen ng computer.

"Pasama ako."

"'Wag kang makulit."

"Sige na."

"Okay."

"Gusto kong makakilala ng mga chikabels na freshmen."

Napatingin ako sa kaniya. Ang bata-bata pa nito puro kalandian ang alam.

"One of my dream magkaroon ng girlfriend na educ."

Hindi ako nagsalita, uminom na lang ako ng tubig. Wala naman akong sasabihin ganito ako kapag ayaw ko ng topic.

Huh? Ayaw ng topic? Kailan pa?

"Tingin mo, Ate?" Umupo siya sa lamesa katabi ng computer.

"Baba riyan, Fervid."

Bumaba naman siya. "Hanapan mo ako ng girlfriend, Ate."

Kumunot ang noo ko.

Mukha ba akong palakaibigan para may maireto sa kaniya?

"Ate!" Hinila-hila niya pa ang uniform ko.

"Ano ba, 'wag kang makulit."

"Sabi ko hanapan mo ako ng girlfriend."

"Wala akong masiyadong kakilala kaya sa iba ka na lang magpatulong," tinuro ko si Zyrene. "Baka siya may kakilala. Doon ka," pinagtabuyan ko siya para hindi niya ako istorbohin.

Ang batang 'yon ang daming alam sa buhay.

Ako nga walang jowa siya pa kaya na bata pa?

"Sige, pupunta ako sa Freshmen party! Pinayagan na ako ni ate," rinig kong sabi niya kay Zyrene.

Sobrang kulit niya kaya hindi ko maiwasang hindi magsalita. Dati naman kapag nandito ako walang nangungulit kaya tapos ko kaagad ang gawain ko.

"Chairman?" May basta na lang pumasok sa office kaya tiningnna ko siya nang masama.

"Di ka ba marunong kumatok, Xen?"

"Sorry na. Magpapatulong sana ako saiyo."

"Saan?"

"Math."

"Hindi ako math major."

"Pero magaling ka sa math."

Napabuntong-hininga ako, itong si Xen ewan ko ba rito nakilala ko na na lang din ito dito sa office siya ang Secretary noon, lalaking Secretary.

Magkakilala rin ang pamilya namin. Long story.

"Later."

"Thanks." Kinurot niya ang baba ko.

"Aray ko. Umalis ka na."

"Mamaya na," umupo pa siya sa tabi ko at tahimik na nagbasa ng memo. "Dapat hindi ako umalis bilang secretary sana magkasama pa rin tayo."

"Busy ka na. Fourth year ka na kaya dapat ayusin mo ang pag-aaral mo."

"Maayos naman," tumawa siya. "Pumapasa naman."

"Hindi sapat ang pumasa ka lang."

"Para saiyo kasi mataas ang standards mo."

Hindi na ako nagsalita ang dami pa niyang sinasabi.

Nakatingin sa amin si Fervid, nakasimangot.

"Hoy, Bata, bakit ka nakasimangot?"

"Wala," lumabas siya ng office.

Anyare doon?

Matapos ng isang oras na kadaldalan ni Xen ay umalis na rin. Lumipas pa ang mga oras, masakit na ang mata ko sa dami ng tinaype ko kaya ipinikit ko muna at isinandal ang likod sa swivel chair.

"Pahinga rin, Ate."

Nagmulat ako ng mata at sinilip si Fervid. "Umuwi ka na, Bunso, wala na akong iuutos."

"Sasamahan kita, Ate. Umuwi na sila mamaya multuhin ka pa rito."

"Bahala ka," iyon na lang ang sinabi ko dahil ayaw kong makipagtalo sa kaniya.

Nagiging madaldal ako dahil sa kaniya.

"Ate, sumasakay ka ba palagi ng jeep?"

"Hmm-hmm."

"Bakit hindi kita nakikita?"

"Ewan."

"Alam mo ang dami mong tinatanong na hindi na dapat."

"Curious lang ako," bumangon na ulit ako at nag-type.

Sa pagod ko nakatulog na ako habang nakayuko sa lamesa. Nagising lang ako nang gisingin ako ni Fervid.

"Uwi na tayo, tapos ko na."

"Huh? Alin? Ginawa mo?"

"Yes, Ate. Bukas mo na lang i-check kung tama ba ang ginawa ko."

Nagligpit siya ng gamit habang humahakay. Ang sipag niya naman.

"Salamat, Fervid."

"No welcome, Miyell."

Parang bago sa pandinig ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Iilang araw pa lang kaming magkakilala nasanay na ako ng ate.

"No welcome kasi may hihingiin akong pabor saiyo," nakangiti niyang sabi.

"Ano 'yon?"

"Basta, bawal ka tumanggi."

@AdiennaMichelle

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.