UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 6

Breaktime kaya umakyat ako sa twelve floor para manood ng volleyball. Ito ang gusto kong gawin, pero hindi ko magawang sumali roon dahil nahihiya ako. Bukod sa pagtatawanan lang nila ang hitsura ko hindi ko alam kung kaya ko ring lumaban sa larangan ng volleyball pero sana isang araw makapaglaro ako niyan.

Naupo ako sa bench habang pinapanood sila. Sana lahat malayang ipakita ang talent nila. Tahimik akong nanood habang hawak ang librong babasahin ko sana.

Naramdaman kong naiihi ako kaya tumayo ako para pumunta ako ng banyo nang malapit na ako, kamalas-malasang may tumamang bola sa ulo ko. Nalaglag ang salamin ko at natumba ako.

"Ang sakit," sapo ko ang noo.

"Miss, okay ka lang?"

Tiningnan ko ang lalaking nakatama ng bola. Siya 'yong kasuntukan ni Fervid sa library.

"Pangit, ikaw pala 'yan?"

Makapangit naman ito, ang sarap pangahan.

"Halika tayo ka na, ang lampa mo naman."

Hindi ako nagsalita ang sarap niyang suntukin.

Tinalikuran ko siya at akmang papasok ng banyo nang pigilan niya ako sa braso.

"S-sorry," nagkamot siya ng kilay. "May masakit ba saiyo?"

Napatitig ako sa mukha niya. Kaklase ito ni Fervid kung hindi ako nagkakamali. Umiling lang ako at 'di nagsalita kahit ang totoo masakit ang paa ko dahil natapilok ako bago matumba kaya iika-ika akong naglakad.

Nagulat ako nang alalayan niya ako."Sorry talaga hindi ko sinasadya."

Inayos ko ang salamin ko. Nasira pa yata ang malas naman.

"Nasira ba ang salamin mo?"

"Ahm," tiningnan ko ang salamin ko. "O-oo, eh."

Paika-ika akong tinalikuran siya.

"Saturday, may pasok ka ba?"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Bakit?"

"Samahan mo ako."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman kita sasamahan?"

"Papagawan kita ng salamin."

"Hindi na."

Kahit ang totoo wala kaming pera pampagawa ng salamin. Hay nako, yari nanaman ako kay papa nito.

"Saturday, pangit."

Napatili ako nang bigla niya akong buhatin.

"Hoy! Ibaba mo ako! Anong ginagawa mo nakakhiya!"

Tumawa siya. "Dadalhin kita sa clinic."

"Ano ba! Nakakahiya," nagtakip ako ng kamay sa mukha.

"Ang pangit niya, bakit siya binubuhat ni Bill?"

"Kadiri naman ang mukha niya."

"Ano ba 'yan ang kapal ng mukha magpabuhat."

Nanliliit ako sa mga naririnig kong side comment. Hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko.

Oo, alam ko na 'yon bakit pa kailangang ipamukha? 'Di ba?

"Mamaya mahawa pa si Bill ng pimples niya."

"Grabe siya. Wala ba siyang kahihiyan sa katawan?"

Nang marating namin ang clinic ay pinakatitigan ako ni Bill, Bill pala ang pangalan niya dahil iyon ang naririnig ko sa mga babae.

"Bakit ka umiiyak? Sobrang sakit ba ng pagkakabagsak mo?"

"Hindi," nag-iwas ako ng tingin.

"Bakit ka umiiyak?"

"Wala," pinunasan ko ang luha ko.

"Okay, kung ayaw mong sabihin. Alam mo dapat 'di mo pinapansin 'yong mga sinasabi saiyo ng ibang tao kahit ang sinasabi ko kasi may taong nagmamahal saiyo. Hindi mo lang alam."

Kumunot ang noo ko. Gusto kong magtanong kung sino 'yon, pero nahiya naman ako.

Tumayo siya at tinawag ang nurse. "Pakiasikaso naman po ang kaibigan ko."

"Yes, Sir."

Inasikaso ako ng mga nurse. Ang nakakainis lang hindi nakalampas sa pangin ko ang pandidiri nila sa mukha ko. Hindi lang naman sila ang nandidiri sa pimples ko kahit ako rin.

"Nasaan si Miyell?" Rinig kong boses iyon ni Key.

Susuntukin niya sana si Bill nang makita ako. "Anong ginawa saiyo ng tarantadong 'yon? Sabi sa court natamaan ka raw ng bola?"

"Hindi naman sinasadya."

Galit na tiningnan ni Key, AP at Delight si Bill.

Napaka-protective.

Palagi na lang ba silang may kaaway dahil sa hitsura ko? Sorry pangit lang nagkakamali rin.

"Nag-sorry ka ba sa kaibigan namin?" Maangas na sabi ni Key kay Bill.

"Oo, kasalanan ko."

"Mabuti naman," mataray na sabi ni Delight. Umupo siya sa tabi ko. "Ano buhay ka pa, Nematoda?"

Ngumiti ako. "Okay lang ako, Nematodes."

"Mabuti naman akala ko nagka-amnesia ka na," nakangiting sabi ni Delight. "Hindi ba nabawasan ang talino mo?"

Napabungisngis ako. "Baliw."

"Dapat 'di nabawasan wala na kaming kokopyahan sa activity," bumungisngis din si Key.

"Ewan ko sainyo."

Umalis na rin sila kaagad dahil may kaniya-kaniyang lakad. Babalik na lang sana ako ng office nang makita ako ni Fervid sa hallway.

"Ate!"

"Oh?"

"Tara kain tayo ng shawarma."

"Wala ako--"

"What's new? Lagi ka naman walang pera. Libre ko," hinila niya na ako kaagad kaya wala na akong nagawa.

Dinala niya ako sa sikat na restaurant. Ngayon lang ako kakain dito nakakahiya nga kasi parang lahat ng tao ay mayaman.

"Ate, kumain ka nang kumain. Wala ka pa naman gagawin, 'di ba?"

"Wala, wala naman klase."

"Bakit pala 'di mo suot ang salamin mo?"

"Nasira."

"Tara, pagawa tayo."

"No! Hindi na!" Napalakas yata ang sigaw ko kaya nagtinginan ang mga tao. "I mean, okay lang ako," mababang tono na sabi ko.

"Easy ka lang 'wag ka magalit."

"Hindi ako nagagalit."

Matapos kumain, hila-hila niya nanaman ako kung saan niya gustong pumunta.

Nakita namin sila Key kaya hinila ko agad si Fervid. Nagtago kami sa may pader.

Akala ko ba may kaniya-kaniya silang lakad? Bakit magkakasama ito?

"Why are we hiding?" Bulong ni Fervid.

"Nandiyan si papa."

Gusto kong sabunutan ang sarili. Sila Key naman ang nakita ko ayaw ko lang talagang magpakita sa kanila na kasama si Fervid dahil paniguradong sandamakmak na pang-aasar nanaman ang aabutin ko sa mga 'yan.

"Nandiyan pa?" Bulong ulit ni Fervid.

"Oo," sinilip ko sila. Bigla silang nawala sa paningin ko kaya hinanap ko.

Nasaan na 'yon?

"Nice one, Nematoda! Tinataguan mo pa kami, ah?"

Nilingon namin ang likuran. Nakita kong nakangisi si Key, Ailey, AP at Delight.

Nasabunutan ko ang sarili. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Hmm?" Pinasadahan ng tingin ni Ailey si Fervid. "Gosh, good looking."

"Date niyo?" Nakangising tanong ni Delight.

"Siyempre! Ayiee!" Mapang-asar ang mukhang sabi ni AP.

"Hi!" Kumaway si Ailey kay Fervid.

"Hello!" Malapad ang ngiting bati rin ni Fervid.

"Saan kayo pupunta ngayon?" Nakangising tanong ni Delight.

"Saan ba tayo, Ate?" Sinulyapan ako ni Fervid.

"Ate?" Kunot-noong tanong ni Ailey.

Hindi niya naman kasi kilala si Fervid at wala rin siyang alam tungkol sa mga nangyayari dahil laging wala.

Hinila ko si Fervid. "Tara na, 'wag mo si--" Hindi pa kami nakakalayo may apat na brasong umakbay na sa amin.

"Fervid, libre mo kaming ice cream," biro ni Delight. Alam kong biro 'yon na may pagkatotoo. Wala naman lumalabas sa bibig niya kung hindi ilibre siya.

"Sure."

Sinakyan naman ng batang ito. Nahihiya tuloy ako. Ako na ang nahiya dahil ang kakapal ng mukha nila! Sarap na sarap na sumisipsip sa ice cream.

"Sarap talaga kapag libre," malapad ang ngiting sambit ni Delight.

Si Libre-mo-ko-Queen. Lakas talaga.

"Oo nga," dumidilang sabi ni AP. "Hmm!"

"Sorry, ah?" Nahihiya kong tiningnan si Fervid. "Babayaran na lang kita."

"Nope, okay lang 'yon. Nakakatuwa nga ang mga kaibigan mo."

"Miyell, kailan mo pa dine-date ang batang ito?" Itinuro ni Ailey si Fervid.

"I'm not a kid," singit agad ni Fervid.

"Hindi ko siya deni-date!"

"Anong tawag mo sa paglabas niyo? Malling with brother?" Pang-aasar ni AP. Nagtawanan naman sila. "Pedophile."

Naibato ko sa kaniya ang kutsara ko. "AP, 'yang bibig mo!"

"What? Pedophile lang, eh," tumawa ang echosera.

Matapos naming kumain. Gusto ko nang umuwi, pero hinila nanaman kaming dalawa ni Fervid. Papunta roon sa kid's zone!

Itinulak kami sa may mga lobong hinihigaan.

"Happy kid! Woah!" Tumalon din si Ailey.

"Alam mo minsan mas masaya ang bumalik sa pagkabata," binato ni Key ng bolang maliit si Fervid.

"Yes, 'yong wala kang iniisip kung hindi ang maglaro," binato rin siya mabalik ni Fervid.

Nasa isang tabi lang ako, tahimik na pinapanood sila. Bigla namang dumagan si AP.

"Aray! AP! Ang bigat mo!" Sinabunutan ko siya. Tawa naman siya nang tawa.

Napasulyap ako kay Delight na ngayon ay ipinatong ang phone sa kung saan. Narinig ko ang iba't ibang tunog sa tiktok. Ang hilig niya talaga sa ganyan. Sumayaw-sayaw siya na parang baliw. Nasa gitna pa naman.

Well, marunong siyang sumayaw. Astig ang galaw niya.

"Key!" Senenyas niya ang kamay na lumapit. "Wala akong jowa kaya ikaw na lang."

"Anong gagawin?"

"Tiktok."

"Sige," nakangising lumapit si Key.

"Ate, nakakatawang kasama ang mga kaibigan mo," bulong ni Fervid.

"Mga baliw, eh."

Napahagalpak kami ng tawa nang marinig ang gustong i-tiktok ni Delight.

"Ayaw ko pala!" Tumakbo si Key.

Matalim siyang tiningnan ni Delight. "Sasapakin kita, tingnan mo!"

Walang nagawa si Key kung hindi sumunod sa kaniya.

Ngingisi-ngising plinay ulit ni Delight ang tiktok.

"Me and my jowa, waaah!"

Nagpalakasan ng tawa si Ailey at AP habang kami naman ni Fervid ay bumu-bungisngis, pigil na pigil ang humagalpak.

"Jejemon, ampucha!" Inis na nagpapadyak si Key.

"Me and my jowa, waaah!" Kinumpas pa ni Delight ang kamay na parang hinihila si Key.

"Uuwi na siya, uuwi na siya."

Lumakas ang tawa namin nang makitang umaaktong naglalakad si Delight. Nagkunwari pa siyang malungkot na naiiyak.

Ewan ko ba rito kay Delight. Ang hilig-hilig mag-tiktok kahit saan na lang basta maisipan niya.

"Uuwi na siya, uuwi na siya, maghahanap na ng iba, maghahanap na ng iba."

Natakpan ko ang bibig ko para 'di kumawala ang malakas kong tawa.

"Ayaw ko!" Tumakbo si Key. "Kadiri ka, jejemon."

Tinawanan lang siya ni Delight. "Arte mo, Susi, parang tiktok lang, eh."

"'Yang tiktok mo pang-jeje," pikon niyang sinapo ang noo.

Pinanood pa namin ang pag-aaway nilang dalawa. Takbo nang takbo si Key, hinahabol ni Delight dahil hindi siya sinusunod.

"Ang pangit mong hinayupak ka!" Asar na sabi ni Delight. "Minsan lang saiyo humingi ng pabor!"

"Mag-tiktok ka mag-isa mo, waah!" Nag-woah din si Key habang malakas ang tawa. "Jejemon si Delight, jejemon si Delight, waah!"

Nahampas ko si Fervid habang malakas na tumatawa.

Kabaliwan talaga ng dalawang ito.

"Ate, tayo rin?"

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Mukha ba akong nagbibiro? Waah!" Ginaya rin ni Fervid ang pag-woah ni Key.

Napahagalpak ako ng tawa.

Ang cute niya kasi. 'Yong cute na hindi nakakasawang pagmasdan.

@AdiennaMichelle

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.