Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga designs, programs, banner at kung anu-ano pang gagamitin para sa educ ay pumasok si Fervid.
"Bakit ngayon ka lang?" Hindi ko siya tiningnan nakatuon lang ang atensyon ko sa monitor ng computer.
"Dumaan ako ng mall." Umupo siya sa tabi ko.
"Okay," nilingon ko siya at inabot ang folder. "Dalahin mo sa engineering building ibigay mo sa dean."
"Okay," ngumiti siya bago maglapag ng suklay sa lamesa ko.
"Anong gagawin ko sa suklay?"
"Magsuklay ka, binili ko 'yan sa mall. Para kasing hahabulin na ng suklay 'yang buhok mo."
Ibinaba ko ang buhok kong taas-taas. "Later."
"Okay," nakangiti siyang lumabas.
"Miyell!" Yumakap sa akin si Xen pagkapasok pa lang niya sa office.
"Bakit?"
"'Yong pinaturo ko sa iyo sa math, perfect!"
"Edi good."
"'Yon lang?" Umupo siya sa tabi ko at nagsalong baba habang nakatingin sa akin. Nakita niya ang suklay. "Nagsusuklay ka na ngayon?"
"Hindi, galing 'yan doon sa batang makulit."
"Oh, bakit 'di ka nga magsuklay? Para naman ikamamatay mo."
"Ayaw ko, hayaan mo siya magugulo rin naman."
Sa kalagitnaan ng pagkwe-kwentuhan namin ay tumunog ang bell kaya tumayo agad si Xen. Wala akong pasok ngayong araw pumunta lang talaga ako rito dahil sa dami ng gawain.
"Aalis na ako, see you later."
"Bye."
Nakasimangot na pumasok si Fervid, ang pagkakanguso ng labi ay mahaba.
"Oh, bakit ganyan ang hitsura mo?"
"Ang tagal kong naghintay sa dean."
"Oh, ano ngayon?"
"Wednesday."
Napangiti ako at umiling-iling. Sarkastiko talaga nito sumagot.
"Sabi ko magsuklay ka," kinuha niya ang suklay.
"Magugulo rin ito kaya 'wag na."
Bumuntong hininga siya bago inilapit ang suklay sa ulo ko. "'Wag na, bunso."
"Ate! Look at yourself, you're tired at the same time haggard. You suppose to be beautiful all the time."
"In-english mo pa ako. Ang sabihin mo napapangitan ka sa akin kaya gusto mong magsuklay ako."
"Nope." Sinuklayan niya ako. Napapangiwi ako dahil ang sakit. Sobrang rabol ng buhok ko.
"You're not combing your hair that's why."
"Bahala ka nga," hinayaan ko siyang suklayan ako kahit ang sakit na ng anit ko.
"Aray! Fervid!" Hinilot ko ang ulo ko. "Masakit! Ah! Ah! Ah!"
"Wait, saglit lang 'to," sinuklay niya nang dahan-dahan, pero kahit gaano pa 'yon kahinhin masakit pa rin.
"Ah! Ang sakit!" Hinilot ko ang bandang tuktok ko. "Dahan-dahanin mo naman! Ah!"
Ngumingisi siya habang inaayos ang buhok mo. "Wait, malapit na."
"Masakit, ah! Punyeta ka! Ah!" Kinurot ko ang kamay niya.
"Ah!" Siya naman ngayon ang napasigaw sa pagkakakurot ko.
Inayos niya ang buhok ko at inilagay sa tainga ko. "Masakit?" Nakangisi niyang tanong. Hinilot ang ulo ko.
"Oo, masakit parang first time ko."
"First time mo naman talaga," humagalpak siya ng tawa. "Oh, tago mo 'to," inabot niya ang suklay sa akin.
"Thanks."
"I enjoyed," nakangisi niyang sabi.
"Masaya kang saktan ako."
"Nope, ang cute na ng buhok mo. Hindi katulad kanina buhaghag."
"Ay, ewan."
"Ate, aalis na ako may klase na ako." Kinuha niya ang bag.
"Go."
"Kita tayo mamaya."
"May mata kaya magkikita tayo," napatakip ako sa bibig ko. Kung minsan pala nakakahawa ang pagiging sarkastiko niya. Tumatawa siya nang lumabas ng office.
Naiwan naman akong mag-isa hanggang sa pumasok ang mga Nematodes. Pare-parehas nakangisi, ang mga tingin nila sa akin ay may sinasabing kung ano na hindi ko mahulaan.
"Child abuse ka, Nematoda," ngingisi-ngising sabi ni AP.
Kumunot ang noo ko. "Si Fervid nanaman? Ang bata pa niyon."
"Ahh," tumatango-tangong sabi ni Delight, nakangisi at bakas sa mukha ang pang-aasar.
Umakbay si Key sa akin. "Sana nagsabi ka edi sana doon na lang kayo sa apartment namin."
"Huh?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Hindi mo na first time?" Ang pagkakangisi ni AP ay nandoon pa rin.
Hindi ko sila maintindihan kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa monitor.
"Bakit dito pa kayo?" Inikot ni Delight ang paningin.
"Anong dito? Office 'to ng chairmain of education," kunot noo kong sabi.
Ano bang sinasabi ng mga ito? Hindi ko maintindihan.
Humagalpak sila ng tawa kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Yummy ba?" Tumaas-taas ang kilay ni AP.
"Anong yummy?"
"Sabi mo kanina masakit," tumatawang sabi ni Key.
Mabilis kong nilingon silang tatlo. Nasapo ko ang noo nang mapagtanto kung ano ang sinasabi nila.
"Papasok sana kami rito kanina kaso narinig namin 'yong ginagawa niyo ni Fervid," nakangising sabi ni Key. Pinakadiinan niya pa ang salitang 'ginagawa.'
Oh, Hibiscus rosa sinensis! Sabi ko na nga ba!
Nasapo ko ang noo.
Jusko! Bakit ako nagkaroon ng mga kaibigan na green-minded?
"Nakailang rounds kayo?" Nakangisi pa ring sambit ni Delight.
"Hays, adik ba kayo? Wala kaming--ugh! Mali ang iniisp niyo."
Imbes na sumagot ay nakangisi nila akong tiningnan hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Sabi ni Fervid 'I enjoyed'," tumawa si AP.
"Grabe sila, oh! Wala kaming ginawa. Adik ba kayo? Sinuklayan ako, 'yon lang."
Nagkibit-balikat sila, hindi naniniwala sa akin. Bahala nga kayo isipin niyo kung anong gusto niyong isipin.
"Sige, alis na rin kami!" Tatawa-tawang sabi ni AP. "Baka bumalik si Fervid. Enjoy, Miyell!"
Inis kong sinundan ng tingin ang bulto nilang naglalakad na palabas. Hindi ko ugaling magpaliwanag kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sinabi ko lang ang totoo nakakainis naman sila.
Masakit naman talaga. Masakit ang anit ko!
Nang bumalik si Fervid ay 'di ako makatingin nang diretso sa kaniya. Nakakahiya naman kung malalaman niya ang iniisip ng mga Nematodang 'yon sa aming dalawa.
Uwian na kaya nagligpit agad kami. Nagmadali akong maglakad para hindi kami magkasabay ni Fervid.
"Ate, wait!" Tumakbo siya at tumabi sa akin sa paglalakd. "Kain muna tayo."
"Wala akong pera."
"Libre ko na."
"Sa ibang araw na lang."
Nakita kong nalungkot bigla ang mukha niya. "Sige na nga."
"Yes!"
"Saan naman?"
"Ikaw ang magdala sa akin kung saan mo gusto."
"Ikaw na lang."
"Ikaw na, mas gusto ko roon sa hindi pangmayaman para ma-experience ko naman ang ibang bagay."
"Kumakain ka ba ng fishball, kwekwek?"
"Ano 'yon?" Kumunot ang noo niya.
"Tara, may street foods dito malapit sa Laurente. Doon kami palaging kumakain ng mga kaibigan ko."
"Tara."
Naglakad kami papunta sa Street foods. Tahimik naming tinahak ang daan, nagpapakiramdaman hanaggang marating namin ang lugar.
"Dito?" Itinuro niya ang maraming tao at maraming tent na may iba't ibang tinda.
"Oo, babayaran na lang kita kapag may pera na ako." Nagkamot ako ng ulo. "Gutom na rin ako."
"Tara!" Hinila niya ako papasok. Mas excited pa siya sa akin.
"This place is really amazing!" Nakangiti niyang sabi habang iniikot ang paningin. "Tingin ko mabubusog ako."
"Ewan ko kung magustuhan mo."
Nagpaluto siya ng kung ano ang magustuhan niya, kwek kwek at fried siomai. Nang maluto iyon ay kinain niya agad kaya ibinaba ko ang kamay niya para pigilan siya.
"Medyo walang lasa kaya dapat isawsaw mo rito," tinuro ko ang suka. "Suka, matamis at maanghang."
Isinawsaw niya iyon sa suka at malaking kumagat. "Ang sarap! Ngayon ko lang 'to natikman," nakangiti siyang ngumuya-nguya.
Kung titingnan mo siya para siyang batang walang ibang kaligayahan kung hindi ang mga laruan. Naku-cutan ako sa mga reaksyon niya lalo na ang minsang pagkakanguso niya. Napangiti ako habang pinapanood siyang kumain.
Siguro nga wala akong prince charming, pero masaya naman ako kaya 'No boyfriend, no problem'. May mga kaibigan naman akong palaging nandito tulad ng mga Nematodes, katulad ni Xen at ni.. Fervid.
"Ate, patikim ako niyan." Walang pasabi niyang kinuha ang hotdog na hawak ko at kinagat 'yon kahit may kagat ko na.
Hindi siya maarte hindi katulad ng ibang mayayamang estudyante ng Laurente.
"It's delicious," napangiti ako nang lumobo ang pisngi niya sa dami ng sinubo niya. "Masarap pala ang inihaw na hotdog."
"Hmm-hmm." Napatingin ako sa kaniya nang maalalang hindi siya sanay kumain ng ganito. Nag-alala ako dahil baka sumakit ang tiyan niya.
"Fervid?"
"Yes po?"
"Baka sumakit ang tiyan mo."
"Hindi, ah, malakas 'to," tinapik-tapik pa niya ang tiyan, nagmamalaki.
"Sigurado ka?"
"Yup!"
Matapos naming kumain ay tumingin pa siya ng ibang mabibili. Bumili siya ng shawarma na tig-thirty five pesos lang.
"Marami nito sa resto, pero gusto kong subukan 'yong gawa nila rito," nakangiti siyang sumubo. Kumuha ako ng panyo dahil ang kalat ng pagkain sa labi niya.
"Bunso, ayusin mo 'yang pagkain mo."
"May sira ba sa pagkain ko?"
Napangiti ako. "Sarkastiko."
"Alam mo 'yong alamat ng sarkatiko?" Biglang tanong niya.
"Ano 'yon?" Ibinalik ko ang panyo sa bulsa.
"Hindi ko rin alam," bumungisngis siya. "Wala naman kasing alamat ng sarkastiko."
Natawa ako nang mahina habang nakatakip ang kamay sa bibig. "Ngayon mayroon na."
"Ano?"
"Pangalan Fervid."
"Waley!"
Nakangiti akong umiling-iling. Pinapasaya ako ng batang ito. Nakakawili kasi siyang kasama parang nakakawala ng mga isipin sa buhay.
Bawat subo, bawat ngiti at tingin niya sa akin ay pinapanood ko lang. Natutuwa ako sa presensya niya. Ang nakakapagtaka lang may kung anong tinitibok ang puso ko. Parang kanina pa siya hindi mapakali sa pagkabog.
Hindi ko maintindihan.
"Bakit Miyell ang pangalan mo?"
Pati ba naman pangalan ko curious siya?
"Hindi ko alam."
"Dapat alam mo." Sumubo siya nang malaki. Kung titingnan mo siya parang hindi anak-mayaman sa kakulitan. Dinaig mo pa ang may ADHD sa likot niya, pero masasabi kong siya 'yong makulit na masayang pagmasdan.
"Hot daw ako kaya Fervid ang pangalan ko," itinaas niya pa ang damit ipinapakita ang tiyan niya na flat naman, wala man lang kalaman-laman.
Ibinaba ko ang shirt niya. "Kadiri kang bata ka, ang payat-payat mo wala ka man lang kalaman-laman ipinapakita mo pa."
Humagalpak siya ng tawa. "Hayaan mo minsan dadalaw ako sa gym kapag sinipag." Kumuha siya ng shawarma ko gamit ang kutsara niya. Naalala ko ang mga Nematodes, ganyan na ganyan sila na parang kapatid lang ang turingan.
Pinakatitigan ko ang tawa niya kaya napangiti ako. Ang cute talaga ng batang ito. Natigilan lang ako nang pumorma ang ngisi niya.
"Ate, ganyan ang tinginan ng in love. In love ka ba sa akin?"
Awtomatikong lumayo ako. "Ang bata-bata mo pa. Hindi kita magugustuhan kahit kailan."
Kahit nagustuhan mo noong una mong makita? Kaya lang naman nawala 'yon dahil nalaman mong bata siya, Miyell?
Nagkibit-balikat siya. "Hindi rin kita magugustuhan kasi ang tanda mo sa akin."
"Dapat lang!" Ginulo ko ang buhok niya.
"Hindi talaga," umiling siya na animo'y may inaalis sa isip niya.
"I will never fall in love with you kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo," nakangiting sabi niya.
Umikot ang mata ko sa unang pagkakataon.
"Hindi rin kita magugustuhan kahit maubos ang lalaki sa mundo."
Sabay kaming tumawa, tinawanan ang mga mukhang parehas nakangiwi.
Natahimik kami pagkaraan ng ilang saglit.
"Ate?"
"Hmm?"
"What's the feeling of in love?"
Nag-isip ako saglit. "Hindi ko rin alam."
"Hindi ka pa na-in love?"
"Hindi pa yata. Wala naman akong naging boyfriend."
"Ah," lumiwanag ang mukha niya na animo'y may naisip. "Search natin," nag-type siya.
Habang pinapanood ko siya dumadagundong nang sobrang lakas ang dibdib ko.
Masaya akong makita siya. Kapag wala siya hinahanap siya ng mata ko. Gusto kong palaging nasa tabi niya.
Natigilan ako sa naiisip ko. Pinagmasdan kong mabuti ang cute niyang mukha. Lalo lang lumakas ang tila drum sa dibdib ko.
Ganito ba ang in love?